AUTHOR'S NOTE
sa wakas, natapos din ang madaming activities. sabay pa talaga. sobrang nakakapagod ng quiz bowl. kahit talo ako panalo naman kasama ko and we won the team. kaya sobrang saya ko.
wala masyado itong update ko, konti lang kasi maraming quizzes na naghihintay sa monday.
Please continue on reading.
Vote
Comment
Like
maraming salamat.
James POV
Parang gusto ko nang magsisi kung bakit ko pa talaga pinuntahan ang babaeng ito. Actually hindi ko lang gustong magsisi dahil talagang nagsisisi na ako.
Bakit ba napakasuplada ng babaeng ito. Napakapilosopo pa. It so hapened na James din ang pangalan nung batang iniligtas niya. At tinanong ko siya, guess what kung anong sinagot niya.
"Ay hindi. Hindi James pangalan niya. Kaya nga James tawag ko sa kanya eh, kasi hindi James pangalan niya."
Naman. Iniinis na naman niya ako. Bakit ba hindi na lang siya sumagot ng matino ng hindi ako nangagalaiti sa galit.
"Bakit ba napakasungit mo sa akin ha? Anong bang problema mo?"
She was about to answer ng magsalita bigla iyong bata. Si James. ano ba iyan naiilang ako. Bakit kasi magkapangalan pa kami eh.
"Oi, nag-aaway ti ate at uya. LQ sila."
Pagkasabi nun ay bigla na lamang niya kinurot ang pisngi ng bata. Mukhang gigil na gigil siya dito. kung hindi nga lang siguro namula iyong pisngi ng bata ay wala siya balak na bitawan iyon. Tssskkk. Ano namang meron sa batang to at gigil na gigil siya. Kung tutuusin mas cute pa ko sa batang to.
"Punishment mo iyan dahil sa kakulitan mo."
Pagkasabi nun ay hinarap niya ako. "Akala ko ba mamasyal ka? Bakit andito ka pa? Umalis ka na."
May kasama pang pagtataray iyon ha.
"Oo na. Lalayas na. akala mo naman gusto kita kasama"
Sabi ko sabay alis.Kaso pinigilan ako umalis nung makulit na bata
"uya,uya, wag ka na alit. tama ka na lang tamin ni ate. Hanap namin mama ko."
"Ayoko nga." sigaw ko sa bata. Hindi talaga ako mahilig sa bata lalo na sa makukulit. Babae nga pinapatulan ko, bata pa kaya?
Pero mukhang hindi tumatalab ang sigaw ko dito at nangungulit pa rin.
"Tige na uya."
And then. I have a bright idea.. TINGGGG. May sound effect talaga
"Ayaw pumayag niyang ate mo, kaya ayoko." ayan. Iyang mabait mong ate ang kulitin mo. Tingnan ko lang kung makatanggi pa yan. Lumapit siya sa kanya.
"Ate, chige na. Sama na natin si uya wapo..."
Binabawi ko na sinabi ko kanina. Gusto ko na itong batang to. Marunong magsabi ng totoo. Hindi ko tuloy maiwasan mapangiti habang nakikita na nahihirapan ang babaeng ito sa pagdedesisyon.
Hindi agad pumayag ang babaeng iyon. Pero hindi nagtagal ay hindi din nakatiis sa kakulitan nung bata.
"O, sige na. Isama na natin iyan." sa wakas ay sabi niya.
Anak ng...... Bakit parang ang saya ko at pumayag siya?
Hayyyyy, huwag na nga lang pansinin. Masaya lang ako at naisahan ko siya.
Lumapit sa akin si James. Nakakailang ah, parang sarili ko lang tinutukoy ko. Bakit kasi napakageneric na pangalan ang binigay sa akin eh. Ayan tuloy nakaharap ko pa ang isa sa kapangalan ko.
Hinawakan ni James ang kamay ko. Tapos sinenyasan niya ang babaeng iyon, hindi pa rin kasi siya lumalapit sa amin. Mukhang napipilitan talaga siyang isama ako. Hahahaha. Parang gusto kong tumawa, nakakatawa kasi siya. ang sarap niya asarin.
Hawak namin ang magkabilang kamay ng bata habang naglalakad. At talagang pinagtitinginan na kami ng mga tao sa park.
Ang nakapagtataka lang ay hindi ako naiilang. Hindi ako naiinis. Ayaw na ayaw ko kasi talaga na tinitingnan ako, kahit sa school, naiinis ako sa mga estudyante na palagi na lang tinitingnan ang galaw ko. But now, parang natutuwa pa nga ako.
Ano ba ito? Sabihin niyo nga sa akin, nababaliw na ba ako?
Diana's POV
Medyo malayu-layo na rin ang nalalakad namin, pakiramdam ko nalibot na namin ang buong park pero hindi pa rin namin nakikita ang mama nitong si James.
Sabi niya bigla na lang daw nawala ang mama niya. Hindi naman siguro siya iniwan ng mama niya no? Hayyyy, ano ba itong iniisip ko, napakacute ng batang to para iwan na lang ng mama niya. Baliw talaga ako, para ko na ring sinabi na pag di cute ang anak mo pwede mo na lang iwan.....
Magkahawak kamay pa rin kaming tatlo hbang naglalakad. At talagang nahihiya na ako. Pero ewan ko ba dito sa kasama ko parang tuwang-tuwa pa ata. Sarap batukan, kung kelan nakakainis ang nangyayari saka pa siya natuwa. Abnormal talaga.
Hinila-hila ni James kamay ko. Iyong bata. Mukhang may sasabihin siya kaya yumuko ako.
"Ate, pagod na ako."
Oo nga naman. Sabi ko nga di ba kanina pa kami naglalakad. Kahit kailan napakaslow ko talaga. Kung ako nga napapagod na itong bata pa kaya.
"Okay, magpahinga muna tayo" sabi ko sa bata. Pero nagpalingu-lingo siya.
"Bakit ayaw mo magpahinga? akala ko ba pagod ka na?"
"Buhat mo ko"
Ganoon pala. Gusto lang pala niya magpabuhat. "Yun lang pala eh, wlang problema"
Binuhat ko na siya. Atttttt------------------. Ang bigat pala niya. Pakiramdam ko isang sakong bigas ang binuhat ko.
Nagpatuloy na kami sa paglalakad. At kahit na talagang nabibigatan ako kay Jams ay hindi ko ipinahalata na nahihirapan ako.
Nakakailang hakbang na ako ng bigla na lang inagawa sa akin ni James si James. Wala siyang kahit anong sinabi basta kinuha na lang niya si James. Hindi na rin lang ako nagsalita. Napagod ako eh.
Nakasunod lang ako sa kanilang dalawa. Mukhang gustong-gusto talaga ni James (ng bata) itong ungas na ito. Panay tawa ng bata habang nagbubulungan silang dalawa. Ano kayang pina-uusapan ng dalawang ito at parang tuwang-tuwa sila.
Naku, kapag nalaman kung ako ang pinag-uusapan ng dalawang to, makakatikim talaga sila sa akin.
"Ate, sabay ka amin" maya-maya ay sabi nito. Sumunod naman ako. And then nakita ko iyong pigil na pagngiti ni James (ang ungas).
Anong problema ng lalaking to? Bakit panay ata ngiti niya ngayon gayong wala namang nakakatawa. Nakakairita ang ngiti niya ah.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------
Malapit nang dumilim at hindi pa rin namin nakikita ang mama ni James. Hindi naman nakakatakot sa park, marami pa rin kasing tao kahit maggagabi na. Mukhang mas dumami pa ng yata ito kaysa kanina.
Sinabi ko kay James na tumigil na lang kami sa isang lugar. Baka kasi hinahanap na rin ng mama niya itong bata at nagkakasalisihan lang kami. Pumayag naman siya. Mukha rin kasing napapagod na siya sa kabubuhat kay James.
Umupo kami sa isa sa mga benches. Kalong pa rin ni James si James ng magpumilit itong bumaba.
"ate, bili tayo ait cream." sabi nito.
Mayroon kasing nagbebenta ng ice cream sa malapit. "Sige, halika"
Pumunta na kaming dalawa sa cart ng ice cream. Iniwan na lang namin iyong lalaking iyon. Tatlo ang binili ko. Sa akin ang isa, mahilig din kaya ako sa ice cream. Iyong isa naman dun sa ungas, baka mamaya sabihin nun masama ugali ko at di ko siya binilhan.
Sobrang excited na bumalik si James kay James habang bitbit ang ice cream niya. sinundan ko naman agad siya, baka kasi madapa.
Iniupo niya ang bata sa tabi niya. Lumapit naman ako at binigay sa kanya ang ice cream. "Ano yan?"
"Ice cream" sabi ko sabay taas ng isang kilay. Tanungin ba naman ako kung ano to? Ano naman daw yun.
"Ayoko niyan"
Lalo tumaas kilay ko. Abat, ang lalaking to. Hindi ba niya alam ang kasabihang It's an insult to reject an offer? Bakit hindi na lang niya ito tanggapin at magpasalamat.
"Hindi ako kumakain niyan"
"Ngayon lang ata ako nakarinig na may taong hindi kumakain ng ice cream. Ang sarap-sarap ng ice cream tapos ayaw mo." Sabi ko sabay dila sa ice cream ko.
"Kumakain ako ng ice cream no. Pero ayoko niyang binili mo."
"Bakit naman?Ayaw mo nang flavor? Ibibili kita ulit."
"Hindi"
"Eh ano nga eh?" hindi ko na talaga napigilan ang mapasigaw. kasi naman eh, ang kulit. Napakarami pang arte, hindi na lang kainin ang binigay ko. Hindi naman to nakakalason.
"Madumi kasi iyan."
"Huh?"