Diana's POV
Hayyyyyy. Sa wakas nakaalis na rin ako. Nakakainis na araw to. Gagawa ka na nga lang ng kabutihan sa kapwa mo ay mamalasin ka pa. Imagine iyong taong iyon pa pala ang makakaharap ko.
Kahit kailan talaga napakamainitin ng ulo niyon. Kanina nga parang kakainin na ako buhay sa sobrang inis niya dahil ayaw ko agad ibigay ang cellphone ni Annika. Kasi naman no, may point naman talaga ako kanina, paano na lang kung nagsisiningaling siya di ba. Kasalanan ko pa pag nagkataon.
Hayyyyy. Kalimutan na ang nangyaring ito. Ma-iisttress lang ako lalo.
Buti pa bilis-bilisan ko na paglalakad ko. Nakakahiya no kay manong driver. I'm sure inip na inip na talaga siya.
Medyo konti pa lang nalalakad ko ng may makita akong isang bata. Naglalakad ito mag-isa. And then may nakita akong bisekleta. Anak ng----------
Masasagasaan ang bata. Dios ko po. Anak ng palakang bukid. Anong gagawin ko mukhang hindi napapansin ng nagbibisekleta iyong bata.
Sinubukan kong sumigaw. "Iyong bata, bata, bata" Pero napakaraming tao at napakaingay. Hindi niya ako marinig. Iyong nakakarinig naman sa akin ay hindi maintindihan ang ibig kong sabihin. Sa expression ng mukha nila parang iniisip nila na "Nababaliw na ata tong babaeng ito."
Malapit na talagang masagasaan iyong bata. Kaya ang ginawa ko. Tumakbo ako papunta sa bata at ayun na.
Nagawa kong maitulak ang bata kaya ako ang nasagasaan ng bisekleta. Napangiwi ako sa sakit pero tiniis ko na lang. Umiiyak pa kasi iyong bata.
Natumba rin iyong nagbabike at nilapitan ako at nag sorry. Mukhang nasaktan din naman siya pero siyempre tinarayan ko pa rin siya ano. Pero konti lang naman. Hindi naman ako ganoon ka suplada.
"Miss. Okay ka lang ba?"
OKAY? Mukhang ba akong okay? Kung ikaw kaya sagasaan ko niyang bisekleta mo tingnan natin kung magiging okay ka pa.
Iyan sana gusto ko sabihin. Pero siyempre hindi ko sinabi.
"Sa susunod kasi mag-iingat kayo. Alam mo namang maraming tao dito sa park. Dapat tinitingnan niyong maigi ang paligid nang hindi ka nakakadisgrasya."
"Pasensiya ka na talaga miss. Hindi ko sinasadya."
Wala na akong magawa kundi patawarin iyong lalaki. Hindi ko naman siya pwedeng ipakulong no. Para nasagasaan lang ng bisekleta eh ipapakulong na agad. Ang O.A ko pag nagkataon.
Nilapitan ko iyong bata. Iyak pa rin kasi siya ng iyak. Mukhang natakot ata kanina. Kahit naman siguro ako no, kung nakaranas ako ng ganito noon ay iiyak din ako.
"Ano pangalan mo? Huwag ka na umiyak."
Tiningnan ako ng bata. Pero hindi pa rin ito tumitigil sa pag-iyak.
"dyames po."
I smiled. Ang cute kasi nung bata kahit na umiiyak. Naku, kung naiba-iba lang ang sitwasyon eh kinurot ko na pisngi nitong bata. Pinigilan ko lang sarili ko. Baka kasi lalo umiyak itong bata kapag ginawa ko iyon.
"Ah. James pangalan mo." Isip bata ako kaya naintindihan ko sinabi niya.
"Asan na si mama mo?"
Lalong lumakas ang iyak ng bata. Ibig sabihin hindi niya alam. Anak ng pating. Mukhang nawawala pa itong batang ito.
"Huwag ka nang umiyak. Andito naman si ate eh, sasamahan kita. Hahanapin natin si mama mo?"
Ayun. Tumigil sa pagngawa ang cute na bata. "Talaga ate?"
Tumango ako at nagsmile sa kanya. At nagsmile din siya sa akin.
Ayun na. Hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko. Kinurot ko na pisngi niya. Gigil na gigil na talaga ako gawin iyon.
"ahhhhhhhh. a----te. Mas----hakit."
"Balak mo bang tanggalin iyang pisngi ng bata."
"AY PALAKA!!!!!!"
James' POV
Nasundan ko na lang ng tingin iyong babaeng iyon habang nagtatatakbo palayo.
Tsssk. Ganon siya kaatat na umalis? Eh di sana ibinigay na agad niya sa akin ang cellphone ni Annika para hindi nagtagal ang pag-uusap naming dalawa.
Medyo malayo-layo na rin ang natakbo niya ng bigla siyang tumigil at nagsisisigaw. Hindi ko naririnig ang sinasabi niya pero makikita mong may sinisigaw siya.
Ano na naman kaya ang problema nang babaeng iyon. Hindi na nahiya sumigaw sa ganitong lugar. I'm sure iniisip ng mga tao dito na nababaliw na ang babaeng iyon.
After a few seconds ay tumigil na siya sa pagsigaw at tumakbo ulit. Tiningnan ko ang direksiyon na pupuntahan niya. At doon naintindihan ko na kung bakit siya sumisigaw.
Itinulak niya iyong bata na dapat ay masasagasaan ng bisekleta. Nadapa siya gawa ng siya ang nasagasaan ng bisekleta.
I ran into her.
Pagkatapos ay nakita ko na bumangon na siya. At that, I stop running. Kasi naman no, bakit ko naman pupuntahan ang babaeng iyon? Ano naman kung nasagasaan siya at nasaktan siya? Anong pakialam ko sa kanya. Di ba nga magkaaway kami kaya bakit ko siya aalahanin?
"Makaalis na nga lang."
Kaya naglakad na ako papunta sa kotse ko
Kaya lang.
Hayyyyy. Nakakainis ah. Bakit ba hindi ko maiwasang isipin ang babaeng iyon. Mas maganda nga kung mamatay na iyon para matahimik na ulit ang buhay ko. Wala nang kakalaban sa akin. Di ba ang saya non. Balik na ulit sa normal ang lahat.
"James pabayaan mo na ang babaeng iyon. Huwag mo siyang pupuntahan."
Pero huli na ang lahat. Dahil ang mga paa ko ay dinadala na ako pabalik sa babaeng iyon.
Pero hindi ako bumalik dahil sa gusto ko malaman kung okay lang ang babaeng iyon. Hindi ako nag-aalala sa babaeng sa kanya. At higit sa lahat kaya ko lang siya pupuntahan ay dahil ayoko makonsensiya.
Kahit na sabihin pa nating masama ang ugali ko ay may konsensiya pa rin ako. Ayoko dalhin sa konsensiya ko kung anumang mangyari sa babaeng iyon.
"Tama. Ganoon nga. Iyon nga ang pwedeng maging dahilan. Ayoko ko lang makonsensiya. Yun lang. Wala nang iba."
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Author's Note.
Waaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh.
akala ko hindi ako makakapag-update.
Thank God at nagkalaman ng konti ang utak ko at nakapagsulat ako despite my busy sched.
As in, Super busy talaga.
Everyday na lang may quiz, tapos bagsak pa talaga sa quiz. Sobrang nakakadepress.
Haayyyy. Kakapagod na week, pero mas magiging nakakapagod next week at next next week. Ang daming event sa school. Kailangan ko pa magreview for the quiz bowl. May gad, two weeks na nga lang pala iyon.
Hindi nga rin ako makapagbasa masyado ng stories sa wattpad sa sobrang busy.
-sad face-
Kaya hindi ako sure kung makakapgupdate ako. Pero I'll try.
Ano ba iyan. Parang diary na to ah....... hahahahahha]
Please
Like
Vote
Comment
whether good, better, best or bad, worse, worst.
Basta walang murahan ah. Nakakatakot iyon. hahahahaha
God bless us all.
NEXT CHAPPY WOULD BE ENTITLED "Nathaniel"
Keep on reading.
PS
Last week update dapat to. Kaya lang ng ipupublished ko na ay biglang nag gateway error 504 ang wattpad at ngayon lang ulit ako nagkatime para i publish siya. muwahahahaha
Pasensiya na rin sa spacing. Dahil nga sa nag error si wattpad last time ay kinopya ko na lang sa word ang gawa ko. hindi ko na naayos ulit ang spacing. Ewan ko kung bakit nagulo.