Dumadalang na talaga ang update ko... So sorry guyz
Mai
"Diana... Hindi ka pa ba tapos?"
Wala sa sariling nilingon ko si Ina. Nasa tabi niya sina Nica at Charlotte. Nakapagpapalit na silang tatlo nang damit. Samantalang ako ay naka P.E. uniform pa rin. Katatapos lang nang P.E. class namin. Nasa locker room kami ngayon. Mukhang ako na lang ang hindi pa tapos magpalit nang damit. Wala na kasing ibang tao maliban sa aming apat.
"Ano na naman ba kasing iniisip mo Diana? Kanina ka pa wala sa sarili mo. Muntik ka na ngang tamaan nang bola kanina... Mabuti at nagmintis kahit papaano."
"Hindi ano Nica kundi sino." Tukso naman Charlotte.
"Ano ba naman kayong dalawa... Kailangan pa ba talagang itanong kung sino ang iniisip niya? Alam na naman natin kung sino."
"Tigilan niyo nga akong tatlo. Hindi ko iniisip si Nathaniel."
"Bakit may sinabi ba kaming si James?" Sagot pa ni Ina. Nagtitigan pa silang tatlo sabay ngiti nang nakakaloko. Nag-uusap na naman sila sa mga utak nila. At hindi ako kasama.
"Ewan ko sa inyo." Sinimanngutan ko muna sila bago ako pumasok sa isa sa cubicle at nagbihis.
"And for the record... Hindi talaga si Nathaniel ang iniisip ko."
"Di nga? Sino pa bang iisipin mo kundi si James di ba? Huwag ka nang mahiya sa'min."
"Hindi nga eh. Hindi siya iniisip ko. Si Jason. Si Jason ang iniisip ko."
"Jason? Sinong Jason?" magkasabay na sigaw nang tatlo.
"Si Jason. Yung ace nang varsity nang kabilang school."
Nagulat ako nang pagbukas ko nang pinto ay nasa mismong harapan ko na silang tatlo. Magkakadikit ang mukha at nanlalaki ang mga mata habang nakatitig sa'kin.
"It's not what you think it is." Sabi ko saka sila nilagpasan.
"Eh ano? At kelan pa kayo nagkita ni Jason?" tanong ni Charlotte.
"Sinundo niya ako minsan."
"What?" magkasabay na namang sigaw nang tatlo. Ang bilis nilang nakasaunod sa 'kin. Paglingon ko nasa likod ko na sila.
"Paano na si James? Ipinagpalit mo na ba siya?"
"Ang O.A. niyong tatlo. Lalo ka na Charlotte. Anong ipinagpalit? Kaibigan siya ni Edrian. Nang kapatid ko."
"Talaga? Ang swerte mo naman Diana. Kapatid mo na nga si Edrian tapos kaibigan pa nito si Jason."
"Hindi ako maswerte Ina. Ang gulo-gulo nga nang buhay ko."
"Oo na. Alam naman namin. Bago ka pa magdrama kung gaano kagulo ang buhay mo ay ituloy mo na ang kwento mo kay Jason. Ano? Nagtapat na ba siya nang kanyang pag-ibig?"
"Ano?" Ako naman ang napasigaw sa sinabi ni Nica. "Anong pag-ibig ang sinasabi mo Nica?"
"Bakit hindi ba siya nagtapat sa'yo?"
"Hindi. At bakit mo naman naisip na may gusto siya sa 'kin?"
"Don't tell me hindi mo napansin?"
"Napansin ang alin?" nakakunot ang noong tanong ko sa kanya.
"Kahit kelan ang hina mo talaga Diana. Hindi ko lubos maisip kung bakit ka nagustuhan ni James at Jason eh ang slow mo naman."
"Dahan-dahan naman sa panglalait Charlotte."
"Eh paanong hindi kita lalaitin eh ang hina mo. Hindi mo ba napansin kung papaano ka titigan noon ni Jason? Kung wala ka lang James ay kinilig na 'ko."
"Wala nga kasi siyang gusto sa'kin. Bakit ba lahat na lang nang lalaking lumalapit sa 'kin ay iniisip niyong may gusto sa 'kin?"
"Dahil may gusto talaga sila sa'yo." Magkasabay na bulalas nilang tatlo. Pinagkakaisahan talaga nila ako.
"Ah basta, wala siyang gusto sa 'kin. Hindi 'yun ang dahilan kaya iniisip ko siya."
"Eh ano?"
"May itinatago sila ni Edrian. May mabigat na dahilan kung bakit ayaw nang kapatid ko kay Nathaniel. Kailangan kong malaman kung ano 'yun. Hindi ko nga lang alam kung paano. Palaging galit ang kapatid ko at lalo 'yung magagalit kapag nagtanong ako. Ayaw ring magsalita ni Jason."
"I don't think that's a problem Diana. Kung ayaw nilang sabihin sa'yo eh di maghanap tayo nang tao na nakakaalam."
"At saan ko naman mahahanap ang taong 'yun aber? Ako nga na kapatid niya pinaglilihim niya ang ibang tao pa kaya?"
"Nasa paligid lang natin ang taong 'yun Diana" makahulugang sagot ni Charlotte. "Magugulat ka sa alam nang mga tao tungkol sa buhay nang iba."
"Are you suggesting na isa-isahin nating tanungin ang kung sinu-sino? That's insane. Baka isipin nang mga 'yun stalker tayo, or worse malaman nila ang sikreto ko."
"Stalker would be fine. Mas convincing 'yun... We're speaking of Edrian Alcantara kaya hindi na nakapagtataka na may stalker siya."
"Let me say it again Nica. That's insane."
"Of course not." Sabay nilang bulalas.Nagkakaisa talaga ang isip nila. Parang iisang tao na lang ang kausap ko.
"It is. Stalking my own brother is just insane. Paano kung malaman niya?"
"He won't know."
"How sure are you Charlotte? Hindi mo kilala ang kapatid ko. He has this creepy talent of knowing what's happening. I don't know how... He just do."
"We'll hindi ko nga siya ganun ka kilala. But still know a few things about him..."
Sinadya niyang huwag ituloy ang sasabihin at nakipagtitigan sa 'kin. Sinusubukan niya kung gusto kung malaman kung ano man ang alam niya.
"All right. Panalo ka na... What do you know?"
"You are not gonna believe it. Isa sa mga schoolmates natin ay may nakakatandang kapatid who also used to study here. And do you know what she told me..."
"What?" magkasabay naming sigaw kay Charlotte. Nginitian muna niya kami. She just wanted to see our reaction.
"Charlotte ano na? Anong nalaman mo?" Naiinip na sabi ni Nica.
"Spill it Charlotte. We don't have forever." Dagdag pa ni Ina.
"Okay. Sasabihin ko na. She told me na naging schoolmate niya ang kapatid mo Diana. Nag-aral din dito si Edrian."
Natahimik kaming tatlo sa sinabi ni Charlotte. Pero mukhang magkaiba ang dahilan nang pagtahimik naming. Kung ako ay nagulat sa narinig ko ang dalawa naman ay mukhang nadismaya.
"Saan mo ba nakuha ang tsismis na 'yan Charlotte ha? Everyone knows na sa kabilang school nag-aral si Edrian."
"Hindi 'to tsismis Nica. Hindi rin ako naniwala sa kanya nung una eh. Akala ko nagmamaganda lang siya, tapos pinakita niya sa'kin 'to." Inilabas ni Charlotte ang cellphone niya. Nakailang-scroll din siya. Nang makita na nito ang hinahanap ay itinapat ang screen nang phone niya sa mga mukha namin. Sa sobrang lapit ay hindi na namin nakita kung anong nasa screen.
"Akin na nga." Sabi ni Ina sabay agaw sa phone kay Charlotte. Sabay naming tiningnan kung anong nasa phone.
Class picture ang nasa screen. Itinuro ni Charlotte ang isa sa mga nasa picture. Nagkatinginan muna kami sandali. Tinitiyak na pareho ang nakikita namin. Si Edrian. Nakasuot nang uniform naming gaya nang mga kasama niya sa picture.
"Where did you get this?"
"Pinakita 'yan sa'kin nung nang kapatid nang schoolmates natin. I manage to take a photo."
"So it's true. Nag-aral siya dito noon. Baka may nagawa nga si Nathaniel sa kanya."
"I doubt it Diana. Sabi nang bitch ay nagtransfer na si Edrian right after second year. And that time wala pa si James dito sa school. Kaya imposibleng nagkabangga ang landas nila. At kahit pa nagkabangga ang landas nila I don't think makakanti ni James ang kapatid mo. Because just like James, he also have a reputation."
"Kung wala ngang nangyari sa pagitan nilang dalawa... Eh bakit galit na galit si Edrian kay Nathaniel?"
"Right now we don't know yet. But soon will find out. So do I have your permission now?"
"Permission for what?"
"What else... To stalk your brother."
"Kailangan pa ba 'yun? Ginawa mo na nga di ba. Ano pa ba sa tingin mo ang ginawa kundi stalk ang tawag dun."
"Hindi ko naman intensiyon na gawin 'yun. Nagkataon lang talaga na narinig kong binanggit nila ang pangalan nang kapatid mo."
"Sige lang Charlotte. Kumbinsihin mo pa ang sarili mo." Natatawang asar ni Nica.
"Kelangan na nating umalis." Out of nowhere ay sabi ni Ina. Biglang sumeryuso ang mukha niya. Parang kinakabahan.
"Of course." Nagmadali akong iligpit ang mga gamit ko. Muntik ko nang nakalimutan na nasa locker room pa rin pala kami.
"Diana. Mauuna na lang kami sa'yo. Hintayin ka na lang naming sa room okay."
"Sandali na lang talaga 'to." Basta-basta ko na lang pinasok ang mga gamit ko sa bag. Hindi na ako nag-abalang ayusin ang mga 'yun. Nagkahalu-halo na ang laman.
"Yeah. Hintayin na lang natin si Diana. Kaya nga tayo andito di ba?"
"Hindi naman natin siya iiwan Nica eh. Doon na lang tayo sa room maghihintay. Diana, huwag mong madaliin. Baka may makalimutan ka."
"Okay ka lang ba Ina? Bakit ka nagagalit?"
"Hindi ako galit Nica. Hali na kasi kayo."
"Okay. Sige na. Mauna na kayong tatlo. Magkita na lang tayo sa room."
"Sige Diana. Mukhang biglang sinumpong si Ina eh."
Nginitian ko lang ang biro ni Nica. Nasundan ko na lang sila nang tingin habang papalabas nang locker room. May kakaiba kay Ina. Bigla-bigla na lang nagyayang umalis. Nagkibit-balikat lang din ako. Baka naiinip na talaga siya dito.
Itinuloy ko na ang pagliligpit nang gamit ko. Sa pagkakataong ito ay inayos ko na talaga siya na tulad nang sabi ni Ina. Ilang sandali pa ay narinig ko ang pagbukas at sara ang pinto.
"Huwag niyong sabihing may nakalimutan kayo?" sabi ko sabay lingon.
"What are you doing here?" gulat na tanong ko nang makita ang pumasok.
"Let's talk..."
"Tangs."
P.S.
Hi KyLie025... Hahaha. Umabot ka na ba dito? I hope so. Thanks for reading and voting.