Ways For Her To Dislike Him

By _gette_

18.5K 965 157

Complete. Thelistine High #1 l Caile is having a quite smooth academic life as the council president of the p... More

Prologue
Ch. 1: Caile Christian Lajara
Ch. 2: Their Plan
Ch. 3: First Encounter
Ch. 4: Off the record
Ch. 5: Trash
Ch. 6: Agree
Ch.7: Campaign week l Election day
Ch. 8: His New Secretary
Ch. 9: Trouble
Ch. 10: Acquaintance party
Ch. 11: Acquaintance party: Seducing Andy
Ch. 12: Acquaintance party: Seducing Tamarra
Ch. 13: The undeclared Queen Bee
Ch. 14: Clash
Ch. 15: Interruption
Ch. 16: ...
Ch. 17: Pageant (Practice) I
Ch. 18: Pageant (Practice) II
Ch. 19: Pageant (Practice) III
Ch. 20: Pageant Night I
Ch. 21: Pageant Night II
Ch. 22: Pageant Night III
Ch. 23: Pageant Night IV
Ch. 24: Missing in action
Ch. 25: Caile's first move
Ch. 26: Caile's second move
Ch. 27: Caile being caring
Ch. 28: Locked up
Ch. 29: Little suspicion
Ch. 30: Quarrel
Ch. 31: Outcome
Ch. 32: Busy
Ch. 33: Fieldtrip
Ch. 34: Fieldtrip II
Ch. 35: Fieldtrip III
Ch. 36: Change of feelings
Ch. 37: Aimee x Andy
Chapter 38
Ch. 39: He suddenly wants to stop
Ch. 40: Range of anger
Ch. 41: Comfort Zone
Ch. 42: Over
Ch. 43: Rumors
Ch. 44: Caile x Tamarra
Chapter 45
Ch. 46: The Witch
Ch. 47: Sports Fest
Ch. 48: Sports Fest II
Ch. 49: Sports Fest III
Ch. 50: Sports Fest IV
Ch. 51: Bewitched
Ch. 52: Evade
Ch. 53: Confession
Ch. 54: Confusion
Ch. 55: Rejection
Ch. 56: Observation
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60: Christmas party I
Chapter 61: Christmas party II
Chapter 62: Aftermath
Chapter 63: After this
Chapter 65
Special Chapter
Thelistine #2: He's Mine
Thelistine 1.2: Wayward Love

Chapter 64: After all

144 7 3
By _gette_


Note: Hi! If ever tapos niyo naman na itong story at biglang nagnotif sa inyo ang new part na ipopost ko, kindly ignore nalang. The scenes here was a part of Chapter 62, masyado lang mahaba ang part na 'yon kaya hinati ko nalang. Salamat!

Ps: If ever naman gusto niyong ire-read, go lang. Hihihi.

_____________________


TAMARRA'S POV


December 24, a day before Christmas at lahat ng tao sa bahay ay busy. Ang mga maids ay busy sa pag-aayos at pagluluto ng mga pagkain para sa noche buena. Sina mama at papa ay busy din pero sa ibang bagay naman.


Busy din ako dahil sa pinapagawa nila sa'kin.


I was tasked to send out invitations for their upcoming church wedding. May listahan silang ibinigay sa'kin and kung sino raw ang kakilala ko doon, which is almost half of the guests on the list, ako ang personal na maghahatid ng invitation sa family na 'yon.


December 30 ang napili nilang date for their wedding, malapit na kung tutuusin pero ang nakakatawa, wala halos sa loob ng bahay namin ang nakakaalam ng tungkol doon. Kung meron man, siguro ang mga drivers lang namin iyon and maids na malapit kay mama.


Si Aimee ay wala pang alam, at iyon ang kinababahala ko. Lalo na't mukhang kinukutuban na siya.


Kahapon ay dumating ang wedding planner nila na personal na kakilala ni papa, dumating sila para pag-usapan ang last minute touches na kailangang gawin bago ang big day. At nakita sila ni Aimee. I can sense na kung hindi ko siya hinarang, lalapit siya sa mga bagong dating and right there and then masisira ang lahat.


Hindi ko alam kung bakit hindi pa nila sinasabi kay Aimee ang tungkol sa kasal, pero pakiramdam ko alam ko na rin ang rason. Hindi nalang ako mangingialam at kung gusto nilang manahimik ako ay gagawin ko.


Sinilip ko uli ang list. May limang pamilya na akong napuntahan. Sa totoo lang ay nahihilo na akong magbyahe pa, pero may 11 families pa akong dapat puntahan. Kailangang matapos 'to before Christmas, at gusto ko sanang ngayon ko na matapos 'to.


Binasa ko ang families na pupuntahan ko. Lahat iyon ay mga kakilala ko dahil kaibigan sila ni papa. Isa ang Lajara family sa may checked mark, ibig sabihin kailangan kong dumaan sa kanila para personal na ibigay ang invitation sa kanila.


Medyo kinabahan ako. Pero huminga ako ng malalim, wala pa naman eh, bakit ako kakabahan agad?


Almost 12nn na kaya naman nagsabi ako sa driver na umuwi muna kami, maka-1hr break lang muna kami bago umikot uli.


Pagdating sa bahay ay umakyat agad ako sa taas, I need to rest more than to eat. Papasok na ako sa kwarto ko nang mapansin kong bukas ang office ni papa, alam kong wala siya dito sa bahay kaya lumapit ako doon para sana sarhan ang pinto na akala ko ay naiwan lang na nakabukas but then I am wrong.


Akma kasing sasarhan ko na ang pinto ang matanaw ko kung sino ang nasa loob no'n, kung sinong nakatayo sa tabi ng desk at may hawak na puting envelop.


Biglang nanghina ang tuhod ko dala ng matinding kaba, imbis na kumilos ay napako ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko magawang magsalita ng kahit na ano pero gusto kong tumakbo sa kanya para kunin ang bagay na hawak niya na pinagdadasal kong sana hindi pa niya nakita ang laman.


But when she turned her head towards my direction as if she felt my presence, and the moment I saw her cold stare na ilang linggo ko nang hindi nakikita sa kanya, alam ko na agad na wala na akong magagawa.


"A-Aimee."-I tried to hold myself together.


She chuckled noisily. Napailing siya as she held up the invitation.


"An invitation. For an upcoming wedding. In six days. And I know nothing."-mahina pero may diin ang bawat salita niya, ang mata niya mas lalong tumatalim. 


Nagtayuan ang mga balahibo ko at nakaramdam ako bigla ng takot sa kanya. Napatingin ako sa kamay niya nang walang hirap na lukutin niya ang hawak.


Sinubukan kong lumapit sa kanya. "W-We don't intend t-to ke--"


Her stare turned colder. "So you knew something, Tamarra? You knew it all along. Sino pa bang may walang alam, ako nalang? My father will be having his second church wedding in less than a week and her legitimate daughter doesn't know about it. Funny."-she devilishly smirked. Napunta ang tingin niya sa patong patong na invitation. Nawala ang ngisi niya and her breathing becomes uneven. Lalapit pa sana ako sa kanya para hilain siya sa labas pero bigla niyang kinuha ang mga envelop at tinapon iyon sa bukas na bintana.


"AIMEE!"-sigaw ko. Napaatras ako nang bigla siyang sumigaw sa galit saka binato sa sahig ang mga natirang envelop. Hindi pa siya nakuntento at pinulot niya iyon at pinilit na punitin while still screaming.


I don't know what to do now. Hindi ako makaalis pero hindi rin ako makalapit. Nakarinig ako ng mga footsteps and the next thing I knew nasa likod ko na ang maids. Si manang ay lumapit sa'min. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko na nahihirapan akong huminga.


"Anong nangyayari dito?"-taranta niyang tanong. Saka lumipat kay Aimee. "Hija ano 'yan, anong ginagawa mo. Tumayo ka. Anong nangyayari?"


"Leave us alone, yaya!"-nag-angat ng tingin sa'kin si Aimee. "LEAVE US ALONE!!"-malakas niyang sigaw na kahit si manang ay napaatras at nag-alangang lumapit uli sa kanya.


Mabilis na nawala ang mga maids, si manang ay hindi lumayo sa labas ng pinto, nag-aalalang nakabantay sa mangyayari pero hindi makalapit dahil maging siya ay natatakot sa alaga.


Kung natatakot siya, paano pa ako. I feel like a prey standing in front of its predator.


Lumapit si Aimee at nanigas nalang ako sa kinatatayuan. Hindi ako makatingin sa mata niya dahil nakakapanghina ang tingin niya.


"Why? Why I didn't know about this?"-tanong niya, mababa ang boses.


Pero kilala ko si Aimee, kapag mababa ang tono ng boses niya, mas galit siya. Kapag halos palubong nalang, galit na galit na talaga siya.


I started sweating. Natatakot ako sa kanya.


Umiling ako. "I-I don't know."


"Why did you all hide this from me?"-tanong niya uli, mas malakas na ang boses.


"P-Please, I don't really know."-nag-angat ako ng tingin pero iniwasan kong mapunta ang tingin ko sa mata niya. I tried to reach her arms. "A-Aimee, l-let's wait--"


She flinched at siya ang umabot ng braso ko, sa takot ko. She then closed the distance between us. "WHY ARE YOU DOING THIS, HA?!"


Bigla niya akong tinulak at bumagsak ako sa sahig. Nakaramdam ako ng sakit pero wala iyon sa kirot na naramdaman ko sa dibdib ko dahil sa sinabi niya. Pasigaw man niyang sinabi iyon pero naramdaman ko ang resent sa boses niya.


Nag-angat ako ng tingin, nasa tabi na niya si manang at inaawat siya. Tinignan ko ang mukha niya, she's not crying, I've never seen her cry. But looking at her eyes now, you'll see how hurt she was.


"Oh my God!"


Mula sa pinto ay narinig ko ang boses ni mama, sinubukan kong umupo ng maayos pero nakaramdam ako ng kirot sa bandang likod, wala pang ilang segundo ay nasa tabi ko na siya.


"Anong nangyayari? What happened to you?"-mabilis niyang tanong. Kasunod niya si papa.


Mabilis na kumawala si Aimee sa pagkakahawak sa kanya ni manang nang makita si papa at mabilis niyang sinugod 'yon.


"AIMEE WHAT--"


"I HATE YOU! WHY DID YOU HAVE TO DO THIS TO ME--"


"What?!--stop ! Don't you know who I am?!"-sigaw ni papa sa kanya habang inaawat siya sa pagpalo sa dibdib nito. Sinubukan akong alalayan ni mama patayo pero umiling ako.


"AKO?! DO YOU KNOW WHO I AM?!"-sigaw din ni Aimee sa kanya. "I'M YOUR DAUGHTER!! DAMMIT! IN CASE YOU DON'T KNOW OR HAVE FORGOTTEN! I'M YOUR DAUGHTER! GALING AKO SA'YO! PERO BA'T KA GANITO!"


"Aimee..."-tawag ko, gusto ko siyang awatin.


Pero imbis na siya, si papa ang lumingon sa akin. Nakita niya akong nakasalampak pa rin sa sahig. Mabilis niyang binalik ang tingin kay Aimee.


"Anong ginawa mo sa kapatid mo?"-tanong niya, bumaba na ang boses pero nandoon pa rin ang warning.


"W-What?"-parang hindi makapaniwalang tanong ni Aimee saka mabilis na sumulyap sa'kin.


"Bakit mo na naman siya sinaktan? She's older than you when will you learn to treat her as an elder, if not as sister?"


Imbis na sumagot ay parang napipi siya. She gave him a ridiculous look.


"Sir, tama na po, ilalabas ko nalang s--"-singit ni manang pero hindi siya pinatapos ni Aimee.


Biglang nanlisik ang mata niya. Lumingon na ako kay mama.


"Ma, pigilan mo na sila ni papa, please."


Pero nasa itsura rin ni mama na hindi niya alam ang gagawin. Plus, hindi pa rin niya alam kung ano ba talagang nangyayari.


Nagsalita si Aimee.


"I pushed her. Nagalit ako na tinago niyo sa'kin ang tungkol sa church wedding na 'yan. Why dad? Ano bang tingin mong gagawin ko?"


I heard mama gasp. Nakita kong napalingon din si manang kay papa. And I saw papa's shock reaction. Pero sandali lang iyon at katulad ni Aimee, nawalan ng expression ang mukha niya.


"You don't have to know it."-sagot ni papa na kinagulat ko.


"Emil, ano bang sinasabi mo?"-mariin na tanong ni mama na may saway sa tono. Nilingon ni papa si mama.


"Aimee doesn't need to know about it."-madiin niyang sagot. Dahil kay Aimee ako nakatingin ay nakita ko kung paano siyang nasaktan sa sinabi ni papa.


Parang gusto ko biglang tumayo dito to stand up for her. Hindi ko makuha ang logic ni papa.


"Why?!"-she asks exasperatedly. 


Bumalik sa kanya ang atensyon ni papa. Nagsukatan sila ng tingin bago sumagot ang huli.


"You won't approve it. You'll ruin it. Tingin mo hindi ko alam kung anong kaya mong gawin, Ae?"


Her gaze turned fiercer.


"Tingin mo bakit ko gagawin ko? Bakit hindi ako papayag na matuloy ang kasal na 'yon?"


"You never liked them in the first place. Itinira ko sila dito para sana maging malapit kayo but I failed dahil matigas ka."


Kung ano man ang nakita kong sakit sa mata niya kanina, nawala lahat nang iyon sa mukha ni Aimee. Mas lalo akong natakot dahil doon. Nag-aalala ako sa pwedeng maging epekto nito sa kanya. Paano kung pagkatapos ng hapong 'to ay mas lumala siya? Nakikitaan ko na uli siya ng ibang emosyon, naniniwala akong dahil iyon sa relationship nila ni Caile. Natatakot akong mawala iyon dahil sa ginagawa ni papa sa kanya ngayon.


He's deliberately treating her indifferently.


"Kilala mo lang ang ugali ko, pero hindi mo naiintindihan ang nararamdaman ko. Lagi mong sinasabi na I failed you as your daughter pero hindi mo maintindihan na you failed first as a father!"


"Don't shout at me!"


"Totoo dad! Kung matigas ako sa kanila, dahil iyon sayo!"-dinuro niya si papa. At hindi nagustuhan ng huli iyon. "Kung galit ako sa kanila, hindi iyon dahil sa nag-eexist sila sa buhay natin! Dahil iyon sa'yo! Dahil unfair kang tumingin. Dahil laging sila ang nakikita mo at kami nababale wala!"-huminga siya ng malalim, her breathing once again became uneven. "Mom died. Itinira mo sila dito, hoping na makakasundo ko sila. Pero hindi nangyari, hindi ba? Tingin mo bakit? It's because of you! Kung may sisisihin ka, hindi ako 'yon, sarili mo 'yon. Cause you know what, magkakasama nga tayo, kasama niyo nga ako pero SILA!"-napapitlag ako nang ituro kami ni Aimee bigla. "SILA LANG ANG TINUTURING MONG PAMILYA! AKO ANG NAGMUKHANG ANAK SA LABAS! AKO YUNG WALANG PWESTO SA PAMILYA NIYO! AT HINDI KO LANG BASTA INIISIP 'YON, PINAPARAMDAM NIYO SA'KIN 'YON!

"... and what I have learned today proven my claim. If you really care for me then hindi niyo itatago sa'kin 'to. Pero hindi... you only care about yourself."


She looked at him with loathe in her eyes. Nagpatuloy siya.


"I don't need to know, huh? I need not to know? Is that it? What do you mean, dad? Bakit, ano lang ba ako sa tingin mo? Kung kaya mong maging concern kay Tamarra, bakit sa'kin hindi? Concern kang nasa lapag siya at baka nasaktan, pero ako? Hindi mo ba naisip na baka nasasaktan din ako ngayon? Wala lang akong sugat, o pasa, but that doesn't mean okay lang ako. Something's being ripped inside my chest, I can't breathe properly, my mind's working double time and it hurts like hell pero hindi mo man lang ba itatanong kung kumusta ako?"


Napapikit si Aimee at napaatras na parang sandaling nahilo. Napapikit ako dahil hindi ko kayang may ganitong nangyayari sa harap ko.


"You know what ..."-simula niya uli pero parang gusto kong lumapit na sa kanya at ilabas siya dito, ayoko nang marinig ang sasabihin niya kasi nakuha ko na lahat ng punto niya, at kung ako ang ilalagay sa kinatatayuan niya, baka kanina pa ako umiiyak. "This is too much for me. Alam mo ba yung pakiramdam ko habang binabasa ko ang laman ng envelop? I pitied myself. Para akong pinagkampihan. Para akong nabalewala. You holding this big event behind my knowledge clearly states that you don't consider what I might feel when I learned about it. And that's too much, way too much for me to handle.

"But, this is not about what you hide about anymore dad, let's set that aside. The issue here is about trust and grudge and the bad things we have caused to each other. I may hurt the three of you a lot, pero isipin niyo nalang na kayo tatlo laban sa'kin. Kapag kayo ang nanakit, triple ang epekto sa'kin. Dahil tatlo kayo at isa lang ako at hindi ako bato na hindi nakakaramdam ng kahit ano. At iyon ang ginagawa niyo sa'kin ngayon. Sabay sabay niyo akong sinasaktan ngayon."


Aimee.


Lahat ng sinasabi niya ay parang martilyo na pinupukpok sa dibdib ko. Nasasaktan siya pero hindi mo iyon makikita sa mukha niya, pinaparamdam nalang niya gamit ang salita.


I want to stand up as her elder sister and comfort her pero alam kong hindi ko kayang gawin 'yon.


Suddenly, she gave dad a defeated look. "Ano pa bang gagawin ko? Napapagod na kasi ako. If you want to pursue the wedding, go. I'll give it to you as a gift. But after that, ako naman ang pagbigyan niyo, when I decided on something, never interfere, act like as if I'm not a part of this family para pakialaman pa, tutal doon ata tayo mas sanay, panindigan nalang natin. Okay?"


Yumuko siya, saka walang salitang lumabas ng kwarto. Kahit makirot ang tagiliran ko ay tumayo ako at sinubukang sundan siya. Pumasok siya sa kwarto niya kaya sinundan ko siya, saktong pagtapat ko sa pinto niya ang paglabas niya, hawak niya ang cardigan at phone niya. Ni hindi niya ako tinapunan ng tingin, basta lang niya akong dinaanan saka siya bumaba ng hagdan.


Naiyak nalang ako. Pumasok ako ng kwarto at nagkulong doon buong araw. Hindi ko mapigilang hindi umiyak. Hindi dahil sa nangyayari kundi dahil kay Aimee, nasasaktan ako para sa kanya. Kanina ko lang tuluyang naintindihan ang sitwasyon niya at ang nararamdaman niya. Kanina lang ako nalinawan na hindi kami ang sinasaktan, kami ang nakakapanakit. At hindi siya ang nagsisimula, siya lang ang gumaganti.


I'm sorry, Aimee. I'm sorry.


Hindi ko alam kung ano na ang sunod na mangyayari. Ayoko munang isipin iyon. Dumating ang pasko nang walang isa sa amin ang sinalubong iyon ng masaya. Hindi na uli ako lumabas ng kwarto. Kinatok ako ni mama kaninang hapunan at kaninang hating gabi pero hindi ko muna siya pinagbuksan.


Nasa isip ko pa rin ang eksena kanina. Nakita ko kung paano tinignan ni Aimee ang lahat ng tao sa loob ng office, tinignan ko rin iyon. At nakita ko, nasa tabi ko sina mama at papa samantalang siya ay si manang lang ang nasa tabi. Nakita ko yung tinutukoy niya kanina na isang pamilya kami at parang siya ang anak sa labas. Kaya hindi ko mapigilang hindi masaktan para sa kanya, na hanggang ngayon ay nararamdaman ko.


Nakaidlip ako pero bandang alas kwatro ng madaling araw ay nagising ako. May narinig akong kaluskos galing sa labas. Pumikit uli ako pero nang maisip ko na baka si Aimee iyon ay mabilis akong bumangon at lumabas. I ponytailed my hair habang palapit sa kwarto niya, hindi na ako kumatok, basta ko nalang pinihit ang doorknob, bukas. Pagbukas ko ay walang sumalubong sa'kin na kahit ano. Tahimik ang kwarto niya at walang tao. Mabilis kong sinarhan ang pinto.


Saka ko siya nasulyapan sa dulo ng hagdan sa baba. Nakatalikod siya sa'kin at nasa harap niya si manang.


Ngayon lang ba siya umuwi?


"Aimee, where have you been?"-tanong ko habang pababa ng hagdan, sabay silang napalingon ni manang sa'kin. Nagtaka akong makita na nagpupunas ng luha si manang. "Bakit po kayo umiiyak?"-napatingin ako kay Aimee.


Kunot ang noo niyang nakatingin sa'kin. Tinitigan ko siya. Hindi ko alam kung saan siya pumunta buong magdamag at kung saan siya pupunta ngayon at mukhang bihis na bihis siya.


Bigla kong nasulyapan ang malaking maleta na nasa tabi ng sofa. Napatingin uli ako kay Aimee.


"Saan ka papunta? Don't tell me aalis ka?"-hindi niya ako sinagot. "Aimee? Saan ka pupunta? Alam ba nina papa? Wait gigising--"


"Bakit mo sila gigisingin? You think aalis ako ng ganitong oras kung gusto kong magpaalam sa kanila?"


"Aimee?"


"Nandoon ka kanina at narinig mo lahat ng sinabi ko, Tamarra. When I decided on something, never interfere. Pabor na ang binibigay ko sa inyo, bakit parang ayaw mo pa?"


"N-Nalilito ako. Sa dami ng dala mo, parang hindi ka na babalik."


She gave me a stare, pero napansin ko lang, namumula ang mata niya, indication that she cried.


"Please, can we stop the crap? Of course you're not really concerned, you just wanted to know kung saan ako pupunta at kung babalik pa ba ako. And at the back of your mind iniisip mo na kung saan man ako pumunta, sana mabulok nalang ako doon."


"I'll never--"


Pinutol niya ang pagpoprotesta ko.


Wala akong iniisip na ganon sa kanya.


"Don't worry, kung saan man ako pupunta, siguradong malayo 'yon, at magtatagal ako doon. Bid my goodbye to your parents, tell them to enjoy the honeymoon."


"Aimee--"


"I must go."


"Ae--"


"Never follow me."


"Aimee!!"


"Go!"-mas malakas na sigaw niya at napapitlag ako. Sabay kaming napatingala sa taas, pinapakiramdaman kung may nagising ba kita dad. 


Natinag lang ako sa pagkakatingin doon nang kumilos si Aimee at lumabas, nakasunod ang maleta niya sa kanya.


Wala akong nagawa kung hindi ang sundan lang siya ng tingin, a part of me supports what she had decided, iyon nga ay ang umalis, hindi dahil matatahimik na kami dito kung hindi, I think that's the only way para maging maayos siya.


Pero meron din sa'kin ang ayaw siyang paalisin, naisip ko kasi na kapag umalis siya, mas mawawalan na ng pag-asa na maayos pa kaming lahat.


Nalilito ako. Siguro, bahala na. Sa ngayon, bahala na.

_________________________

Continue Reading

You'll Also Like

86.4K 2.7K 19
Dylan had only three goals: beat Yno, crush Yno, and surpass Yno. It was always about Yno. Ever since high school, Dylan had a strong dislike for him...
384K 17.6K 22
Maia Celine Zorales vowed to never cross paths with Finley Angelo Suarez again... which was hard considering that they are attending the same school...
29.2M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
43.2K 916 43
Ekaanta is a nobody in their school at ang gusto lang niya ay mag-aral ng maayos at tahimik, pero hindi niya inaasahan na sa dinami-rami ng estudyant...