Mystique Puppeteer

By hannahdulse_

82.5K 3K 1.7K

✓ | A group of elected class officers never thought that their high school life will be more on a venture. B... More

Mystique Puppeteer
prologue
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
11.
12.
13.
14.
15.
16.
17.
18.
19.
20.
21.
22.
23.
24.
25.
26.
27.
28.
29.
30.
31.
32.
33.
34
35.
36.
38.
39.
40.
41.
42.
43.
44.
45.
46.
47.
48.
49.
50.
epilogue
note

37.

816 34 26
By hannahdulse_

Secrets.

Wednesday ngayon, wala kaming pasok dahil ngayong araw ang mini meetup ng aming section sa Du-aw Park.

The place is nice. Magaling pumili ang mga kaklase namin. I can relax and feel free just for today.

Ang gagawin namin ngayon sa mini meetup namin kaya wala kaming pasok ay ang pagusapan ang tungkol sa activity namin. It's a four days activity and it's gonna be a tiring days, really.

Nasa tabi ako ng ilog, nakaupo at nakasabit naman sa leeg ko ang camera na palagi kong dala. As usual, I took photos at different angles in a same view. Ang kulay kayumangging ilog.

Ang Du-aw Park ay located near the river, katabi nito ang Cathedral Church at Gaston Park. Hindi naman gaano karami ang mga punong kahoy dito pero napakasariwa at napakasarap sa pakiramdam ang hanging nagpapalipad ng buhok ko.

Since it's Wednesday, konti lang ang mga nandito. Usually ay ang mga highschoolers na kagaya ko, may mga naghihintay na nakaupo sa mga bench at--mawawala ba ang lovers? Ayun sa gilid, naghaharutan.

Napaaga ako ngayon ng dating kaya ako pa isa ang nandito. Ten minutes early than the meetup time, eh.

"Hey."

Nanigas ako sa kinauupuan ko at nahinto sa pagkukuha ng litrato. Dahan dahan akong lumingon sa likod ko dahil sa pamilyar na boses.

Hindi ko aakalain na maririnig ko muli ang boses niya ng malapitan. Nakasabit sa leeg niya ang headset na palagi niyang dala, may hawak siyang iPod na nagkokonekta sa suot niyang headset at may suot siyang jacket with hoodie.

"C--Caleb! Napaaga ka ata?" 

Napakamot siya sa kaniyang batok at bahagyang ngumiti. I can sense the awkwardness here.

"Napaaga ng gising, eh. Pwede bang makiupo?"

"Sure," nakangiti kong tugon at hinayaan siyang maupo sa tabi ko.

Actually, naiilang ako sa kaniya. Kahit na kating kati na akong makipagusap sa kaniya--wait! This is the right timing! 

"Uh.. Caleb. Can I ask you something?"

Lumingon siya sa 'kin, ngumiti at tumango.

Huminga muna ako ng malalim at hinanap ang lakas loob ko. I badly want to talk to him weeks ago. Pero kasi, palaging wala sa right timing. Pero ngayon, hindi ko na palalampasin ang makausap siya ngayon since kaming dalawa lang ang nandito ngayon.

"May--" naputol ang sasabihin ko sana nang may isang matinis at nakakairita sa tenga ang biglang tumawag sa pangalan ni Caleb.

Kita sa mukha ng katabi ko na napangiwi siya at may binulong-bulong pa.

"Hey, Caleeeeeeeeeb!" may umupo sa tabi ni Caleb at pinulupot pa niya ang kaniyang kamay sa braso ng katabi ko.

Sumilip siya sa 'kin at mas lalong lumawak ang kaniyang ngiti nang makita ako.

"Hi Agnes!"

Ngumiti nalang ako sa kaniya at medyo kumaway, "Hey, Andrea."

Sa paglipas ng ilang minuto, ang boses lang ni Andrea ang nangingibabaw sa Du-aw Park. Putak siya ng putak na parang manok. Kinakausap kaming dalawa ni Caleb habang dikit na dikit ang kaniyang katawan sa katabi ko.

Tinatanong niya kami pero kadalasan ay si Caleb ang tinatanong niya. Kamusta raw ang tulog, napaginipan ba raw siya ni Caleb and such. Such a flirt, eh? Sarap itulak since nasa ibaba lang namin ang ilog, eh.

Hindi nagtagal, nagsidatingan na ang mga kaklase namin. Dumating na din si Sir Chase at kasalukuyan na kaming naghihintay sa aming class president, Rhenandriel Lee.

At nang dumating na si Rhen with his usual look; polo, gulo-gulong buhok, black jeans, his cold look and his eyeglasses.

Mukha siyang baduy, sa totoo lang. Pero alam kong sa likod ng pagkabaduy niya ay may tinatago siyang sikreto. 

"So, class!" panimula ni Sir Chase na siyang nakatayo sa harapan namin, nakatayo sa ibabaw ng bench upang makita ng lahat.

"We're here to plan our activity. Mr. Lee, please hand me the paper na binigay ko sa 'yo noong Monday."

Lumapit naman si Rhen kay Sir Chase at binigay ang dala-dala niyang brown envelope.

"The ten characters na dapat makita sa ating movie ay si; Bonifacio, Mariano, Heather, Castro, San Jose, Suarez, Vellecera, Perez, Castell and Salcedo."

He then explain further kung ba't silang sampu ang napili.

Sabi ni Sir Chase, from our past activities such as stage play ay nasaksihan na niya ang mga magagaling sa acting. That also explains why they are selected ay dahil suit sa kanila ang characters and you know, good looking din.

I'm happy and proud na napili ang mga naging kaibigan ko. Lalo na si Hazel, Jenny, Selena, Joseph, Christ at Miko. Hindi napili si Francis, hindi ko alam kung bakit pero magaling naman siya sa acting.

"Ang mag-assist sa 'kin ay ang mga class officers. And for the lights, mic, audio and etc. ay yung mga kumuha ng specialization na ICT o Information Communication Technology. Ayos lang ba sa inyo?"

Lahat ng mga kumuha ng specialization na ICT ay nag-agree, bakas sa mukha nila ang saya at excited sa magiging trabaho nila. And oh, kaya pala hindi napili sa magiging character si Francis ay isa din siyang ICT student.

"And for our photography and behind the scene; Dimwall and Ocampo. Please bring your gadgets tomorrow na pwede nating gamitin during the shooting."

Nanlaki ang mga mata ko nang sabihin ni Sir na kaming dalawa ni Caleb ang sa Behind the Scenes. Napatingin ako sa kaniya pero dedma lang siya. Okay, ako lang ata ang nakaramdam ng kaba na makatrabaho siya.

Hindi ko nalang pinansin 'yon at nakinig nalang kay Sir Chase. 

Hiding Away raw ang magiging title ng aming movie. Isang mystery-thriller. That would be exciting since mahilig ako sa mystery.

Binigyan din kami ni Sir Chase na isa-isang script para malaman namin kung ano ang gagawin ng mga characters. Tapos nakalagay sa pinakahuling page ang mga kailangan naming gawin. 

And as a photographer for the behind the scene, nakalagay dito na every second ay dapat kukunan ko ng litrato ang bawat galaw namin.

"So, that's it for today, class! Provided na ang ating bus papunta sa rest house, foods and drinks for four days. Let's meet at Sacred High at nine-thirty."

Mas lalong naging excited ang lahat at ang iba naman ay nagpaplano na sa kanilang dadalhin bukas. May narinig pa ako na magdadala siya ng bikini. Omg, right? Kadiri siya. 

Nagpaalam na si Sir Chase, bagay na ikinatuwa ko. Dahil finally, makakauwi na ako para tapusin ang ginagawa ko sa bahay. Dinukot ko muna ang cellphone ko mula sa shoulder bag at tiningnan ang oras.

10:32 AM.

Halos two hours pala kaming nandito. Dahil kasi sa haba ng sinabi ni sir kanina, hindi na namin namalayan ang oras.

Bumuntong hininga ako at tinalikuran sila para magsimula ng maglakad palayo nang matigilan ako. Bigla kasi akong nakaramdam ng hilo at hindi ko namalayan na nabitawan ko pala ang hawak kong cellphone at napaupo sa sahig.

'Tila pinokpok ito ng martilyo at unti-unti akong nakaramdam ng hilo. Umiikot ang nasa paligid ko at tanging naririnig ko lang ay ang nakakabinging 'tila isang makina ng hospital sa tenga ko.

"Agnes?"

 May tumatawag sa pangalan ko pero slowmotion lang ito sa pandinig ko, hindi ko alam kung ang pangalan ko ba talaga ang tinatawag niya.

Namalayan ko nalang na nakahiga na pala ako at may yumuyugyog sa balikat ko. Nang subukan kong idilat ang mga mata ko, umiikot pa din ang paningin ko pero naaninag ko kung sino 'tong nasa harap ko't nagaalala ang mukha.

"Agnes!"

Ewan ko ba pero hindi ko marinig ng maigi ang kaniyang boses. Para itong slowmotion at pati na din ang bawat kilos at bawat pagbigkas niya.

Blurry man ang paningin at 'tila kaharap ko ang umiikot na electric fan, pinilit kong aninagin ang nasa harap ko.

Nang maaninag ko ang mukha niya, kasabay nito ang paglitaw ng kulay pulang bilog sa ibabaw ng ulo niya. And red represents energy, war, danger, strength, power, determination as well as passion, desire, and love.

It was Caleb..

* * *

Naalimpungatan ako sa maingay na nagsasagutan sa loob ng silid. Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko pero agad din akong napapikit dahil sa liwanag na nagmumula sa itaas, sa tapat ko.

"Ano ba, John? Sabi ko naman sa 'yo noon pa, 'di ba? Ayan, napahamak si Agnes!"

"Shh, Anna. Magising si Agnes diyan sa bunganga mo."

"John! Ba't relax na relax ka lang diyan, ha? Paano kapag iba na pala ang nangyari kay Agnes?!"

Muli ay maingat ko ng minulat ang mga mata ko at sinangga ang liwanag gamit ang kaliwang kamay ko. Napansin ko din na medyo mabigat ang nasa kanang kamay ko at kumikirot ito. May dextrose pala.

"Oh my God, Agnes! Gising na si Agnes, John!" mangiyak-ngiyak na lumapit sa 'kin si mama at hinawakan ang kamay kong may dextrose.

Napapikit ako ng mariin at pilit na ayusin ang paningin ko. Medyo nahihilo pa kasi ako sa hindi malamang dahilan.

"Anak, ayos na ba ang pakiramdam mo?" narinig ko ang boses ni papa na sa tingin ko ay nasa tabi ko lang.

Dinilat ko naman ang mga mata ko at napatingin sa kanan ko. Nandoon si mama, hawak ang kamay ko't nakaupo sa gilid ng kama. Si papa naman ay nakatayo at bakas ang pagaalala sa mukha niya.

Naka-uniporme si papa  na halatang napatakbo papuntang hospital galing sa trabaho. Tapos si mama--

"Ma, anong uniform 'yan?" nanghihina man, pinilit ko pa ding tanungin si mama. Pinilit ko pa ding tingnan ng mabuti ang kaniyang suot.

Naka-itim na fitted shirt siya na pinatungan ng black leather jacket, itim na jeans na kumikinang, may ID siyang suot pero nakatalikod naman 'to sa 'kin kaya hindi ko makita kung anong nakalagay doon at ang mas kapansin-pansin ay ang baril sa gilid ng hita niya, sa gun pocket.

Hindi ko maiwasang mapakunot ang noo ko. Wala namang trabaho si mama. Palagi lang siyang nasa bahay at kailan man ay hindi ko pa nakita ang ganitong klaseng outfit niya.

What the heck?

"Uhh.. Anak, bibili muna ako ng pagkain sa baba. John, ikaw muna bahala sa anak natin."

Napailing nalang ako at umayos ng higa. Kahit na hindi sasabihin ni mama, alam kong may tinatago siya. Alam kong iniiwasan niya yung tanong ko kanina. 

Naramdaman kong umupo sa tabi ko si papa kaya bahagya kong inangat ang tingin ko at nakitang nakatitig sa screen ng cellphone si papa.

"Go on, pa. Ayos lang naman ako dito," agad na sinabi ko nang makarinig ako ng ilang ring na nagmula sa phone niya.

Ngumiti naman si papa at agad na tumayo sabay sagot ng tawag.

Napabuntong hininga nalang ako. Nasa loob ako ng hospital. Hindi ko na maalala kung ano ang nangyari at mas lalong hindi ko maalala kung sino ang nagdala sa 'kin dito.

* * *

Around 1pm na ako nakalabas ng hospital. Si mama na ang nagbayad ng bills sa panandalian kong pag-stay doon. Iba na ang suot niya at hindi na yung pulos black attire.

Nagulat nga ako no'ng nadatnan ko si mama na pulos black ang suot. Hindi naman siya yung tipong emo at hindi naman siya sumasabay sa uso ng mga kabataan. Yung style kasi niya ay mga maluwang na shirt at puruntong shorts.

"Tara na, Agnes."

Nakasabit sa balikat ang bag na dala dala ko kaninang umaga habang nakasunod kay mama. Nang makalabas kami, natanaw ko ang police car na nakapark sa labas ng hospital at nakasandal naman si papa sa may pintuan nito.

Nang makita kami, pumasok na siya sa loob ng kotse at umikot naman si mama para doon sa tabi ni papa umupo. Ako naman ay nasa likod.

Tahimik lang kaming tatlo habang bumabyahe pauwi ng bahay. Dala ngayon ni papa ang kaniyang kotse at ihahatid kami pauwi pero babalik din siya sa opisina dahil naiwan niya ang trabaho niya doon. 

Pinanood ko lang ang mga bahay na dinadaanan namin. Walang katao tao dahil ala-una pa lang ngayon at sobrang init sa labas. 

Nilabas ko ang cellphone ko nang makaramdam ako ng vibrate mula sa bulsa. 

From: Caleb Dimwall

Hope you're fine. Pasensya kung hindi ako nakapaghintay sa 'yo na magising dahil may emergency sa bahay :))

Hindi ko alam pero bigla akong napangiti nang mabasa ang message na natanggap ko. Galing kay Caleb. Si Caleb pala ang nagdala sa 'kin sa hospital. Tsaka naalala ko pa, siya yung lalakeng huli kong nakita bago ako nawalan ng malay.

Natigilan ako nang may maalala ako.

..pulang bilog sa ibabaw ng ulo niya..

Red. Kulay pulang bilog sa ibabaw ng ulo ni Caleb? Ano naman ang meron do'n? Ano yung nakita ko kaninang umaga bago ako nawalan ng malay?

Pinilig ko nalang ang ulo ko at muling pinanood ang nasa labas. Baka imahinasyon ko lang 'yon, swear.

* * *

Thursday, ngayong araw na kami bibiyahe patungo sa rest house nila Sir Chase. Hindi sinabi ni Sir kung saan located ang rest house nila. 

Ang meet-up time ay nine-thirty kaya alas-sais pa lang ng umaga, naghahanda na ako. Ready na ang mga damit ko na good for four days sa loob ng malaking backpack na dadalhin ko. 

Nasa isang bag naman ang mga gadgets na dadalhin ko such as; camera, laptop, iPod, mga charger at extrang baterya para incase na maubusan ng baterya ang phone ko. May dala rin akong flashlight para incase na mawalan ng kuryente, at least, handa ako.

Matapos kong maligo ay nagbihis na ako ng damit. Black tank top na pinaresan ko ng high waist jeans na kulay puti. Naka-bun ang buhok ko kahit basa pa at sinuot ang salamin na walang grado.

And now, para na akong nakikisabay sa uso. Fashion na fashion. Pero hindi ko pinansin 'yon at sa halip ay umupo sa study table ko, pinaandar ang computer. 

Since maaga pa naman, nag-browse ako at nanood ng mga videos para libangin muna ang sarili. Nanood ako ng videos about sa mga behind the scenes para magkaroon ako ng ideya sa gagawin ko mamaya.

Matapos ang mahigit trenta minutos, pinatay ko na ang computer at nagtungo sa kusina para uminom ng tubig.

Hindi pa ako nakakababa ay narinig ko ang boses ni mama na nagmula sa kwarto nila papa. Hindi ko sana papansinin 'yon pero napilitan akong pakinggan si mama.

Nag-tiptoe ako para hindi marinig ni mama. Nang makarating ako sa tapat ng kwarto nila, nagtago ako sa likod ng pinto at medyo napasilip sa loob dahil nakabukas ng kaunti ang pinto nila.

"Opo, sir. I know it's been almost a decade since I started this mission," rinig kong sabi ni mama.

Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Mission? Decade? Anong ibig sabihin ni mama?

"Yes sir, gagawin ko ang lahat para mahuli siya. I will always tail Agnes as what you've said, sir. Papunta na din ako diyan."

Nang marinig ko ang yapak ni mama palabas ng kwarto nila papa, dali dali akong lumayo at pumasok agad sa kwarto kong katabi lang sa kwarto nila. Doon ay pigil-hininga akong nakasandal sa likod ng pinto ko hanggang sa mawala ang yabag ng paa ni mama.

Doon ako tuluyang nakahinga ng maluwag at lumapit sa kama ko at doon ay umupo. Doon ay nagpalipas ng oras.

Ano bang tinatago ni mama sa 'kin? 

"Opo, sir. I know it's been almost a decade since I started this mission."  

And what mission? Ma, what's your secrets?

MYSTIQUE PUPPETEER
graciangwttpd

Continue Reading

You'll Also Like

1.2K 56 53
Once, there was a tale. An ordinary girl living with her sister normally and peacefully in the city but that's all change when he met a forgotten God...
53.4K 1.6K 62
[UNEDITED] Ichor is a golden fluid that runs through the veins of Gods and Immortals. A girl named Amarah who is an mortal on the outside but immorta...
107K 4.2K 73
COMPLETED The Seven deadly sins Pride, Envy, Wrath, Gluttony, Lust, Sloth and Greed. Salita pa lang nakakatakot na, paano pa kaya in human form? I'...
3.5K 431 13
Morticia Eloise Hearst is the protagonist. Well, in her life, that is. She's thoroughly convinced that she's the perfect woman in the world. Mortici...