When Suplado Boy Meets Palaba...

By iamhopelessromantic

687K 12.3K 1K

Si James Nathaniel dela Vega, gwapo at mayaman. Pero suplado at masama ang ugali. Sanay siya na kinatatakutan... More

Prologue
Chapter 1 - The New Comer
Chapter 2 - Diana Sophia Eliza Torres Alcantara
Chapter 3 - Suplado plus Palaban Equals ?
Chapter 4 - Apologize to him? NOOOOO WAY
The Great James
Chapter 6 - She's Not Gone
Chapter 7 - The Confrontation
Chapter 8 - Lost and Found
Chapter 9 - The Set-up
Chapter 10 - The Accident
Chapter 11 - Nathaniel (Part I)
Chapter 11 - Nathaniel (Part II)
Chapter 11 - Nathaniel (Part III)
Chapter 12 - Puno
Chapter 13 - The Suplado Returns
Chapter 14 - The Hard Reality
Chapter 15 - I'm Stupid
Chapter 16 - Their First Night Together
Chapter 17 - Angel
Chapter 18 - It's Confirm
Chapter 19 - Rooftop
Resolving the Issues
Chapter 20 - Drama Club
Chapter 21 - Relax
Chapter 22 - Nananadya
Chapter 23 - For the First Time
Chapter 24 - Boyfriend
Chapter 25 - His Female Version
The Reason Why
Chapter 26 - Lunchbox
Chapter 27 - Clinic
Chapter 28 - His Personal Nurse
Chapter 29 - Slave and Not Nurse
Chapter 30 - What's Wrong With Her
Chapter 31 - Palaban Girl is Back
Chapter 32 - 1,2,3,4 Pass
Chapter 33 - She's Mad at Me
Chapter 34 - Cold
Chapter 35 - Secret Admirer DAW
Chapter 36 - Enchanted Kingdom
Chapter 37 - Napakatanga
Chapter 38 - You're my Business
Chapter 39 - Whether You Like it or You'll Like it
Chapter 40 - Tangs
Chapter 41 - Sumpong
Chapter 42 - Heartbeat
Chapter 43 - Yakap
Chapter 44 - To See You
Chapter 45 - Nalaglag
Chapter 46 - Cheer
Chapter 47 - Picture
Chapter 48 - Curious
Chapter 49 - Tears
Chapter 50 - Mall
Bastard
Chapter 51 - Future Sister In Law
Chapter 52 - Dinner
Chapter 53 - Goodbye
Chapter 54 - Hurt
Chapter 55 - What
Chapter 56 - Who's Jealous
Chapter 57 - Saleslady
Chapter 58 - Baliw Talaga
Chapter 59 - Walang Takas
Chapter 60 - Smile
Chapter 61 - Placard
Chapter 62 - Date
Chapter 63 - Picnic
Chapter 64 - Trust
Chapter 65 - Jason
Chapter 66 - Honesty May Not Be The Best Policy
Chapter 67 - Cake
Chapter 68 - Stalk
Chapter 69 - Locker Room
Chapter 70 - Guardian Angel
Chapter 71 - Ask
Chapter 72 - Sealed With a Kiss
Chapter 73 - Time Zone
Chapter 74 - Booth
Chapter 75 - King and Queen
Chapter 76 - Candles and Lies

Chapter 5 - I Have No Choice

10.1K 239 13
By iamhopelessromantic

"Diana, talaga bang mag-dadropout ka na? Seryuso ka ba talaga ‘dun?"


"Ano ka ba naman Charlotte, siyempre seryuso ako. Ngayon pa ba ako magbibiro? At saka isa pa, kahit hindi ako mag-drop out mapapaalis rin naman ako. Mas okay na iyong ganito. Iyong kusa akong umalis kaysa ipangalandakan ng damuhong iyon sa buong mundo na pinalayas niya ako."

"Kung bakit naman kasi napakatapang mo eh. Kung katulad ka lang sana namin eh di wala sana tayo sa ganitong sitwasyon. Hindi mo sana maiisipang kalabanin si James. At hindi ka sana aalis."

Si Nica talaga. Hindi ko alam kung pinupuri ba niya ako dahil matapang ako o naiinis siya dahil matapang ako. Pero matapang nga ba talaga ako? Sa tingin niyo? Sa tingin ko kasi hindi naman ako ganun katapang tulad ng sinasabi nila. O.A. lang tong mga 'to sa pagsasabi na matapang ako. At higit sa lahat O.A. lang din 'tong mga 'to sa sobrang takot dun sa mayabang na lalaking iyon.

Malulungkot ako kapag umalis na ako sa school. Well bukas na agad iyon. Kaya malulungkot ako simula bukas. Pagkatapos may isa pa pala problema.

Si papa ko.

Sa susunod na araw pa ang uwi niya. Paano ko sasabihin sa kanya na nag drop out na ako. Mag-dadrop out na ba muna ako bago ko sabihin sa kanya or sabihin muna bago ako magdrop out. Parang paghingi na rin iyon ng pahintulot.

Kapag ‘yung una ang ginawa ko sigurado magagalit at sasama ang loob niya. Kung iyong huli naman, baka hindi siya pumayag at mapapaga ang uwi dito. Masisira ko pa ang biyahe nila. Negosyo pa man din’yun.

Naku. Naku. Naku. Naku. Ang laking problema pala nitong pinasok ko. Hindi ito matatapos ng ganun kadali. Bwusit naman kasi talaga iyong lalaking iyon eh. Tamaan sana iyon ng kidlat.

Tsk. Anu ngayon ang gagawin ko? Kung bakit kasi nasabi-sabi ko pa na mag-dadrop out ako eh. Wait. Wait. Wait. Nagsisisi na ba ako sa ginawa ko? No. No. No. Hindi ako nagsisisi. Tama lang naman kasi iyong ginawa ko. Kaya wala ako dapat pagsisihan.


Hay buhay. Bahala na si. naruto.

(A/N: Si batman naisip niyo noh? Pasensiya kayo eh sa si Naruto favorite ko eh, ano magagawa niyo. hehehe)

"Yana, bilisan mo na diyan. Bumaba ka na. Ready na ang breakfast mo."

"Opo"

Napabuntunghininga ako. Nakatitig ako ngayon sa dropping form. Kinuha ko to kahapon sa administrations office. Tapos ko na ring  ifill-up. Ipapasa ko na lang ito mamaya at officially drop na ako sa school. Kailangan ko na maghanap ng bagong mapapasukan.

Paano ko ba 'to sasabihin kay papa na hindi siya magagalit? Kung hindi ko naman itutuloy ang pag drop out ay maeexpel din naman ako. Ayoko rin naman mag sorry sa ungas na ‘yun. Ang dami ko na kaya sinabi at wala ako balak na kainin lahat ‘yun para lang mag stay sa school. Baka mabulunan ako pag ginawa ko ‘yun (joke).

"Yana, late ka na. Hindi ka pa ba tapos magbihis?"

"Andiyan na po yaya Teresa."

Hay! Bahala na.

‘Yun lang nasabi ko pagkatapos ay bumaba na ‘ko at pumunta sa dining room. Nagtaka pa si Yaya Teresa kung bakit hindi ako naka uniform. Well, hindi pa niya alam ang tungkol sa pagdadrop out ko. At wala pa rin ako balak ipaalam ito kahit kanino. Lalo na kay yaya Teresa, sigurado magsusumbong iyon kay papa at uulanin ako ng sermon sa kanya.

"May activity po kami ngayon. Kaya okay lang din po ma late."

"Ah ganun ba. Mabuti."

Nakakakonsensiya talaga mag sinungaling lalo na kung naniniwala iyong tao sa'yo.

"Anong problema? May sakit ka ba Yana? Bakit parang ang tamlay mo?"

Tsk. Kailangan pa talaga mapansin na matamlay ako. Ayan madaragdagan na naman ang kasinungalingan ko.

"Medyo napagod lang po ako. Marami kasi nangyari kahapon eh." Pero in fairness totoo naman iyong huling parte ng sinabi ko. Dahila marami naman talaga nangyari kahapon."

Medyo totoo pala ’yun.

Aalis na sana ako ng biglang dumating si Edrian. Ang kapatid ko, kung naalala niyo pa. Medyo nagulat ako sa pagdating niya. Maaga pa kaya, normally tulog pa siya ng mga ganitong oras. Kaya naman hindi ako nakapaghanda sa aming paghaharap.

Kahit kailan ang over acting ko talaga. Pati ba naman simpleng pagkikita ay ginagawa kong big deal. Pasensiya na kayo eh sa hindi pa ako sanay na makaharap ang kapatid ko eh. Anong magagawa ko?

Nagpaalam na ako sa kanya.Kailangan ko na umalis. Kaya lang.

"Sandali lang Diana, mag-usap muna tayo. Yaya Teresa, iwan mo muna kami."

Naku naman. Mag-usap daw. Natakot naman ako bigla dun. Ano naman kaya sasabihin niya? Susumbatan ba niya ako? Pagsasabihan? Palalayasin? Ano? Ang seryuso kasi ng mukha niya. Hindi ko tuloy alam kung galit siya o hindi.

Huwag naman po sana. Wala na ako iba mapupuntahan. Sana naman hindi siya galit na anak ako ng papa niya sa kabit nito. Sana lamunin na lang ako ng lupa. Ayoko ng comprontation. Natatakot ako. Kasi alam ko naman na may kasalanan ang mama ko at baka hindi ko siya magawa ipagtanggol pag nagkataon.

Ayoko na may taong nagsasabi ng masama sa mama ko pero kung sila iyong mga taong nasaktan niya ay mukhang wala ako magagawa kundi ang manahimik.

"What's this?."

May ipinakita siya papel. Hindi ko pa gaano nakita kung ano ‘yun pero nakahinga na ako ng maluwag. Akala ko kung ano na. Napatunayan ko na naman na over acting lang talaga ako.

Tiningnan ko na kung ano ‘yung papel na hawak niya. At ng makita ko kung ano.  Mukhang nagkamali ako. Hindi pala ako dapat mag-relax. Kasi iyong papel na hawak niya ay ang dropping form.

Naman… Kapag minamalas ka nga naman. Bakit nasa kanya iyon? Bakit kailangan pa niya makita ‘yun? Ano na ngayon ang  gagawin ko.

Magsisinungaling ba ‘ko? Sasabihin ko na hindi ko alam, na hindi akin ‘yun. Pero Diana naman, tapos mo na kaya i-fill up ‘yun. Pangalan mo nakasulat ‘dun. Imposibleng maniwala siya.

"Diana, I'm asking you."

"B-b-akit nasa iyo 'yan?" Ayan na buking na ‘ko. Nabubulol pa talaga. Aish.

"I saw this on the stairs. I think you drop it. Now tell me, what's this?"

"Dropping form"

"I'm not stupid diana. I know that this is a dropping form."

Napapikit ako ng bahagya. Nagalit na nga siya. Nasigawan pa ko. Kasi naman, alam na naman pala niyan tapos tanong pa siya ng tanong. Halata naman kung ano I’yun, nakalagay kaya sa taas, dropping form. Tapos itatanong pa niya kung ano. Sinagot ko lang kaya tanong niya. Tapos magagalit siya.

Pero alam ko naman talaga kung ano ibig niya sabihin. Tanga-tangahan lang ang drama baka makalusot sa imbestigation.

"Alam mo naman pala eh, bakit mo pa itatanong?"

"You know that's not what I mean Diana. Bakit ka meron niyan?"

Ayan na nga ba sinasabi ko. Itatanong niya kung bakit ako magdadrop out. Sasabihin ko ba? Sasabihin ko ba na nakabangga ko ang mayabang na iyon kaya ako magdadrop out? Pero baka mapagalitan ako. Naman...

"Hindi pa ba obvious. Eh di magdadrop out ako." Ang bastos ko talaga. Hindi naman talaga ganun ang gusto niyang malaman. Inililigaw ko lang siya. Kaso baka lalo magalit to at isumbong pa ako kay papa.

"Alam na ba 'to ni daddy?"

Ayan na. Sinasabi ko na nga ba. Nahuli na ako. Mukhang kailangan ko na talaga umamin sa dahilan. James dela Vega, papatayin talaga kita.

"Hindi pa niya alam. Pero sasabihin ko naman pag-uwi niya."

"So hindi ka pala nagpaalam sa kanya?"

"Oo na. Hindi na nga ako nagpaalam. Kasi naman eh, baka hindi pumayag ‘yun. Kailangan ko na talaga mag drop out. Kasi kung hindi ma eexpel din naman ako."

"At bakit ka naman ma-eexpel?"

Aish. Sasabihin ko ba talaga sa kanya ang totoo. Kung magsisinungalingnnaman ako, ano naman sasabihin ko?

"Kapag hindi mo sa ‘kin sinabi ang dahilan, tatawagan ko si papa para sabihin 'to sa kanya." At talagang tinakot pa ako para lang magsalita ako. Ibang klase din itong kapatid ko ah.Pakialamero na eh sumbungero pa. Blackmailer pa.

"O sige na nga. Sasabihin ko na sa'yo. Kasi naman eh... Iyong may-ari ng school."

"Si James Nathaniel dela Vega. What about him?" Anak ng... Kilala pa talaga niya ang ungas na iyon.

"Kilala mo siya, papano?"

"Ano ka ba naman Diana, we both live in the same world. Kaya natural kilala ko siya."

Naalog ata utak ko ah. Hindi ko naintindihan sinabi niya. Sa pagkakaalam ko lahat ng tao sa earth nakatira. Anong same world ang pinagsasbi nitong si Edrian? Bakit sa ibang world ba ako nakatira? Hindi ako kasali sa kanila. Ay ang gulo nila.

"Okay now, tell me. What about James Nathaniel?"

"Nagkasagutan kasi kami ng narcissistic na iyon. Ang yabang kasi at ang sama ng ugali kaya ayun nakaaway ko siya."

At anong naging reaction ni Edrian? Tumawa lang siya. Tinawanan lang ako. Loko din 'tong kapatid ko ah. Sa lahat ng magiging reaksiyon niya hindi ko nahulaan na tatawanan lang niya ‘ko.

"Bakit ka tumatawa dyan? Wala namang nakakatawa sa nangyari ah?"

"Tell me honestly Diana. Talaga bang kinalaban mo ang lalaking ‘yun?" Naman oh. Hindi ba niya narinig sinabi ko? Kailangan ko ba talagang ulitin?

"Oo nga. Kaya nga magdadrop out ako. Kasi ayoko mag sorry sa conceited na iyon." Hindi pa rin siya tumigil sa kakatawa. Ano ba 'yan. Nakakainis na ah.

"Bakit? Ano ba ginawa mo dun?"

"Wala naman akong ginawa sa kanya. Ipinagtanggol ko lang kaya ang  kaibigan ko. Kasi naman eh, siya ‘tong  nakabangga, siya pa iyong may ganang magalit at mang-insulto. Kaya sinabi ko sa kanya na mag sorry siya sa kaibigan ko."

"You what?"

"Ano ba, bingi ka ba? Kailangan ba talaga paulit-ulit ko sabihin." Tumawa na naman ito. Naman. Kung hindi ko lang kapatid 'to sinapak ko na talaga ‘to.

"Hindi lang kasi ako makapaniwala sa sinabi mo. Eh ano? nag sorry ba siya."

"Naku hindi noh. Gawa ata sa semento ang mukha ng lalaking ‘yun sa sobrang kapal at tigas. Mukhang hindi marunong mag sorry. Kahit siguro tutukan mo pa siya ng shot gun hinding-hindi mo siya mapipilit na mag sorry. Tapos ako pa pinipilit niya mag sorry sa kanya. Dahil kung hindi eexpel daw niya ako. Ang kapal talaga."

"Si James nga iyang sinasabi mo."

Napakunot naman noo ko. Mukhang kilala nga talaga nito ang kumag na ‘yun. Tsk. Kung anu-ano rin naiisip kong itawag sa lalaking ‘yun. Pero ganun naman kasi talaga siya ah.

"Maghintay ka muna dito sandali. Magbibihis lang ako."

"Eh bakit pa kita hihintayin magbihis?"

"Dahil sasamahan kita sa school mo."

"Bakit?" Hindi na niya sinagot tanong ko. Nagmadali na agad ito umalis. Umakyat ng hagdan at nagpunta ng kwarto.

Anong nangyari ‘dun? Bakit naman siya sasama sa ‘kin? Close na ba kaming dalawa? Hindi naman ah. Tsaka ito nga ang unang beses na nakapag-usap kami ng matagal-tagal.

Bahala na nga. Kung gusto niyang sumama eh di sumama siya. Sandali lang naman ako sa school. Ipapasa ko lang iyong form ko. Tapos wala na. Maghahanap na ako nang ibang mapapasukan.

 

Author’s Note

Vote.  Comment. Like. And be a fan. Kahit na yan lang po kinaya ng utak ko. Maraming salamat.

iamhopelessromantic

Continue Reading

You'll Also Like

5K 551 19
[COMPLETE] Ang kwento ni Ci-L at Jenna. Mahilig kaba sa BASKETBALL? O isa ka rin sa humahanga sa BASKETBALL PLAYER? Ang kwentong ito ay pareho sa dal...
24.9K 1.4K 35
Can you find love after a heartbreak? Can you fight for another love after giving way on the fist one? Will you reach the moment of truth that the pe...
69K 2.9K 80
Ang simpleng babae na si Sofia Vienna Caronia at ang lalaking si Christian Jacob Villarieno ay matinding nagmamahalan, Kahit pa sa katotohanang ang k...
50.2K 2K 66
[Marry Me Book 2] Many years passed and a lot of things changed, except for her broken heart. She is still hoping that he will return to her arms one...