Annika's POV
OH NO!
Sinusumpong na naman si Prince sungit. Tsk. Palagi naman eh, kelan ba hindi. Pero iba talaga ngayon, as in super wala siya sa mood. Wala pa naman si Stephen ngayon, kahit papano kasi ay nagagawa nito pakalmahin itong si James.
Kilalang-kilala na namin si James, alam namin kung kailan siya naiinis at kung kailan siya sobraang inis... at ngayon siya ay sobrang inis. At kapag ganito siya eh hindi mo talaga siya pwede kantiin kahit na konti.
Kaya nga tahimik lang kaming mga kasama niya ngayon eh. Ni hindi na nga ako naglakas loob na itanong kung anong problema niya. Ayaw namin siya sumabog bigla kaya naman hindi na kami nagsasalita. Baka kasi may masabi kaming hindi nito magustuhan, madali pa naman itong mainis, pag nagkataon sasabog itong buong school. O.A. di ba? Pero ganon talaga siya magalit eh.
"Damn it." He cussed. Kasi naman. Itong mga babae dito sa canteen ayaw pa rin tumigil sa pagsigaw. Wala ba silang pakiramdam or kahit common sense man lang. Kahit kailan napaka-insensitive ng mga tao dito. Hindi ba nila maramdaman na ninety-nine point ninety-nine degree Celsius na ang init ng ulo ng James.
Konti na lang talaga, as in konti na lang talaga, kapag hindi pa rin tumigil ang mga babaeng iyan sa pagsigaw ay matitikman talaga nila ang galit ng isang James Nathaniel de Vega. Bigla tumayo si James, kaya iyong kabog ng dibdib namin sobrang lakas. Nakakatakot talaga pag nagagalit siya.
Naglakad na si James paalis. Nagkalabitan naman kami, nagtutulakan kami kung sino magtatanong sa kanya. Oh well, ako ang natalo.
"James saan ka pupunta?" Tumigil naman siya at nilingon ako. Parang slow motion pa nga ata ang paglingon niya eh. Kumbaga parang tumigil ang mundo. Ganoon talaga kami katakot, May slowmo-slow motion pang nalalaman
"Bathroom" ‘Yun lang ang sinabi niya. Nakahinga na kami ng maluwag kahit papano sa sagot niya. Pagkasabi ‘nun ay tumalikod na agad siya sa amin.
"ANO BA?" galit na sigaw niya. Napalapit naman kami agad sa kinaroroonan niya.Naku patay, Patay talaga. Kasi naman po may nakabangga pa sa kanya.
Aishhhhhh… Naman oh, ngayon pa talaga itinakda ng tadhana na may makabangga dito kay James. Sana bukas na lang, o hindi kaya kahapon. Bakit ngayon pa? Ngayon kung kailan nag-aapoy na siya sa sobrang galit.
Tiningnan ko si James. Natapunan ng juice ang polo niya, mukhang sa nakabangga niya ‘yun.
"James okay ka lang ba?" Mukhang mali ata iyong tanong ko. Kasi naman, Tinitigan niya ako ng matalim. At sa sobrang talim ay parang sinaksak ako. Nakakatakot talaga siya, Natahimik tuloy ako sa kinatatayuan ko. Ang mga tao naman sa canteen ay lumapit na rin. Nakapalibot na sila lahat sa amin.
Tsk. Nakikiusyuso pa talaga.
"Ang mabuti pa James ay umuwi na tayo. Para naman makapagpalit ka na ng damit"
"Shut up Dominic, huwag mo kong tuturuan kung ano ang gagawin ko."
"So-rry ta-la-ga J—james… hindi ko naman sinasadya. Hindi na mauulit." Ayun na, natatakot na rin iyong nakabanggaan niya. Halata naman, Nauutal pa nga eh.
"Tsk. Sorry? Nagpapatawa ka ba? Nakikita mo ba ang ginawa mo sa damit ko? Dahil sa katangahan mo ay nadumihan mo ko. Naintindihan mo ba"
Itinulak niya iyong lalaki. At malakas iyong pagtulak niya. Kawawa naman ang lalaki baka masaktan ito ni James pag hindi ito napigilan. Napapikit na lang ako. Wala na talaga ako magagawa para pigilan itong si James.
Lord tulungan mo naman kami. We need you right now. As in right now na.
"Sandali nga lang, huwag mo naman basta-basta itulak ‘yang tao. Nasasaktan na kaya siya. At saka hindi naman ata tama ‘yang ginagawa mo. Sa pagkakakita ko sa nangyari, ikaw ‘yung nakabangga sa kanya tapos ikaw pa itong may ganang magalit ‘dyan."
Napatingin ako sa babaeng nagsalita. Maganda siya... pero hindi ito ang tamang oras para pansinin ang ganda niya. Well, ang tapang ng babaeng ito ah. Kaya lang nababaliw na ata siya. Nababaliw na talaga siya para harapin ang galit ni James. Hindi ba niya kilala itong si James para magkalakas siya ng loob na kalabanin ito?
Pinigilan ng mga kasama niya ang babae. Dapat lang talaga nila pigilan iyan. Dahil baka samain iyan kay James. Naku... Wala pa naman itong sinasanto kahit na magandang babae pa ‘yan. Basta galit iyan no exception talaga.
"Diana, tumigil ka na. Huwag mo nang pakialaman si James. Hayaan mo na lang siya."
"Nasisiraan na ba kayo, bakit ko siya hahayaan? Nakita niyo naman ang ginawa niya. Sinasaktan niya si Michael. At ito namang si Michael ayaw lumaban."
Talagang ang tapang nitong babaeng ‘to ah. Kung naiba-iba lang sitwasyon ay papalakpakan ko itong babaeng ito. She's one of a kind. Pero wala iyan kay James.
"Hoi pangit. Bakit ka ba nakikialam, boyfriend mo ba itong tangang to?"
Hahayyyy. Si James talaga tawagin ba namang pangit ang magandang babaeng ito. Wala na. Galit talaga siya. At iyong mukha ng babae, aba ano pa eh di nagulat. Ikaw ba naman sigawan na pangit sa harap ng maraming tao.
"Sinong pangit? Ako? Huh... Ibang klase ka rin ah. O sige… sabihin na nating pangit ako. Pero alam mo. Kung pangit ako, ano ka naman? Bakulaw? Halimaw?"
"Bakulaw? Halimaw? Tsk. Ang tapang mo rin ah. Hindi mo ba alam kung sino ako?"
"Eh ano naman pakialam ko kung sino ka."
"What did you say?"
"Tsk. I don't know who you are. I don't care who you are. It does'nt matter who you are. Gets mo?"
Wow. Hanep sa linya itong babaeng ito ah. Pero seryuso ba talaga siya sa sinabi niya na hindi niya kilala si James. Where in the world does she came from? Everyone here knows James.
"So you don't know who I am? Let me tell you who I am dear. I - am - JAMES - NATHANIEL - DELA - VEGA. And I happen to own this school… Got it?" Ayan na naman siya. Everytime na lang sinasabi niya na sila may-ari nitong school. Dinuro-duro pa talaga niya ang babae. Malamang matakot na itong si pretty girl. Kasi naman no may-ari ang binabangga niya sino naman kaya hindi matakot dun'.
"Oh, So ikaw pala may-ari nitong school...Naku, natakot naman ako." sarkastikong sabi niya. Mukhang nang-aasar si pretty girl.
"Tsk. As if I care. Eh ano naman kung ikaw ang may-ari? Sinasabi mo ba na dahil ikaw ang may-ari nitong school ay may karapatan ka nang manakit ng ibang tao? Ganoon ba ‘yun?"Tsaka, wow, ipinagmamalaki mo talaga na ikaw may-ari ng school. Ibang klase ka din ah. Wala ako masabi. Kaya lang... Huwag mo naman po sanang kalimutan Mr. MAY-ARI NG SCHOOL na kaya kami nandito ay dahil nagbabayad kami. We were'nt here for free."
"So ipinagmamalaki mo sa ‘kin ‘yung baryang ibinayad mo? Oh well, kung gusto mo pwede mo nang kunin iyong binayad mo right in this very minute at umalis ka na rin dito. I don't need your penny, so if you want to go, feel free to do so. The pleasure is mine."
"Ha... Para sabihin ko po sa inyo Mr. MAY-ARI NG SCHOOL hindi po ‘yun ang ibig ko sabihin. What I'm saying is that we were'nt here in this school because of you. Kaya huwag mong ipagmalaki sa amin na ikaw may-ari nito... Seriously, What is your problem?'
"I don't have any problem."
"Woh? Really? Sigurado ka? Sa lagay na ‘yan wala ka pang problema. Tsk. Nakakatawa naman. Ano na lang kaya ang ugali mo kung may problema ka? Malamang lahat ng makita mo ay patay sayo."
"What is it that you want? Tell me. Para manahimik ka na. Ano? Pera? o baka naman date?"
"You know what, you are unbelievable. Sa tingin mo ba sa pera umiikot ang mundo? And Date? Tskkk. I date mo mukha mo." Sobrang nanggalaiti na ang pretty girl. Parang sinasabi nang mukha niya na “Date daw. Kapal talaga ng taong 'to. Ano akala niya siya lang ang gwapo sa mundo at magkakandarapa ako para ma date siya. In his dreams.”
"Then what is then?"
"I want you to apologize. Admit your mistake."
"What? Apologize? Are you Crazy? Why on earth would I do that?"
“And why not? Ganyan ba talaga ka kitid ang utak mo? Ha. Dahil ba ikaw ang may-ari nitong school kagaya nang ipinagmamalaki mo ay wala ng dahilan para magsorry ka at umamin sa kasalanan mo? At ano namang tingin mo sa iba, hayop na pwede mong sipain whenever you pleases.”
“I didn’t kicked him, damn it.”
“Damn you too... Sabihin na natin na hindi mo siya sinipa, pero tinulak mo po siya remember? The fact is sinaktan mo siya”
“Tell me, would it hurt your godamn ego if you apologize to those people that you have hurt? Hindi naman di ba? Pero ang mga taong yon napahiya at nasaktan... Ipinahiya at sinaktan mo to be exact.Sana man lang maisip mo na tao rin kami. We get hurt. Being the owner of this school does'nt give you the right to hurt others, and most of all, it does'nt make any better than others. Kaya huwag ka masyadong magmataas. Konting respeto naman sana."
"Kayo naman, can you at least do something, and not just wait and stare. If you want others to respect you, respect yourself first. Ang problema kasi sa inyo hinahayaan niyo lang na apihin kayo" Pagkasabi nun ay inakay na niya iyong kaibigan niya paalis.
"Tara na Michael, malelate na tayo."
Hindi na nakasagot pa si James. Actually lahat kami hindi makapagsalita. We were frozen. Wow. I mean, she hit the point. And she just slapped the truth in our faces. All she said was true. That girl is really amazing. Pwede na siya manalo na presidente sa galing niya magsalita. To think that she made our James shut up. Literally and figuratively.
The great James Nathaniel dela Vega was being scolded in front of the public and was completely blown away. That girl is surely something. I need to know who that girl was.I want her to be my friend, and most of all, we need her, for James.
Author's note.
Bitin ba siya. I hope okay lang siya for you. Vote naman kayo
Comment na rin kayo para alam ko iniisip niyo.
Honest criticism is a must.
Mai
Ang susunod na kabanata. Apologize to him? NOOOOO WAY
"And what made you think that I am kidding Ms. Alcantara. And stop calling me that. Look, I am giving you a chance here. If you apologize for what you did then I'll make you stay in this school."
"What's funny Ms. Alcantara"
"Nothing. Actually nothing is funny. Sabihin mo nga sa akin, ano ang ginawa kong masama sa'yo para mag-sorry ako, MR.MAY-ARI NG SCHOOL.----"