When Suplado Boy Meets Palaba...

By iamhopelessromantic

687K 12.3K 1K

Si James Nathaniel dela Vega, gwapo at mayaman. Pero suplado at masama ang ugali. Sanay siya na kinatatakutan... More

Prologue
Chapter 1 - The New Comer
Chapter 3 - Suplado plus Palaban Equals ?
Chapter 4 - Apologize to him? NOOOOO WAY
Chapter 5 - I Have No Choice
The Great James
Chapter 6 - She's Not Gone
Chapter 7 - The Confrontation
Chapter 8 - Lost and Found
Chapter 9 - The Set-up
Chapter 10 - The Accident
Chapter 11 - Nathaniel (Part I)
Chapter 11 - Nathaniel (Part II)
Chapter 11 - Nathaniel (Part III)
Chapter 12 - Puno
Chapter 13 - The Suplado Returns
Chapter 14 - The Hard Reality
Chapter 15 - I'm Stupid
Chapter 16 - Their First Night Together
Chapter 17 - Angel
Chapter 18 - It's Confirm
Chapter 19 - Rooftop
Resolving the Issues
Chapter 20 - Drama Club
Chapter 21 - Relax
Chapter 22 - Nananadya
Chapter 23 - For the First Time
Chapter 24 - Boyfriend
Chapter 25 - His Female Version
The Reason Why
Chapter 26 - Lunchbox
Chapter 27 - Clinic
Chapter 28 - His Personal Nurse
Chapter 29 - Slave and Not Nurse
Chapter 30 - What's Wrong With Her
Chapter 31 - Palaban Girl is Back
Chapter 32 - 1,2,3,4 Pass
Chapter 33 - She's Mad at Me
Chapter 34 - Cold
Chapter 35 - Secret Admirer DAW
Chapter 36 - Enchanted Kingdom
Chapter 37 - Napakatanga
Chapter 38 - You're my Business
Chapter 39 - Whether You Like it or You'll Like it
Chapter 40 - Tangs
Chapter 41 - Sumpong
Chapter 42 - Heartbeat
Chapter 43 - Yakap
Chapter 44 - To See You
Chapter 45 - Nalaglag
Chapter 46 - Cheer
Chapter 47 - Picture
Chapter 48 - Curious
Chapter 49 - Tears
Chapter 50 - Mall
Bastard
Chapter 51 - Future Sister In Law
Chapter 52 - Dinner
Chapter 53 - Goodbye
Chapter 54 - Hurt
Chapter 55 - What
Chapter 56 - Who's Jealous
Chapter 57 - Saleslady
Chapter 58 - Baliw Talaga
Chapter 59 - Walang Takas
Chapter 60 - Smile
Chapter 61 - Placard
Chapter 62 - Date
Chapter 63 - Picnic
Chapter 64 - Trust
Chapter 65 - Jason
Chapter 66 - Honesty May Not Be The Best Policy
Chapter 67 - Cake
Chapter 68 - Stalk
Chapter 69 - Locker Room
Chapter 70 - Guardian Angel
Chapter 71 - Ask
Chapter 72 - Sealed With a Kiss
Chapter 73 - Time Zone
Chapter 74 - Booth
Chapter 75 - King and Queen
Chapter 76 - Candles and Lies

Chapter 2 - Diana Sophia Eliza Torres Alcantara

14.1K 263 16
By iamhopelessromantic

Katulad nga ng plinano  kanina ni Diana, pagkatapos na pagkatapos ng klase nila ay nilibot niya ang  bago niyang school ay siyempre nagpasama siya sa mga bago din niyang mga kaibigan.  Si Nica at si Ina  lang ang kasama niya ngayon dahil may gagawin daw si Michael kaya hindi siya nakasama. Manghang-mangha siya sa lahat nang nakita niya. Ibang klase talaga ang ganda at laki niya. Kompleto ang mga facilities nang school baka nga sobra pa, na halatang pinagkagastusan talaga. Napakalaki nang school gym higit sa lahat may swimming pool din na mukhang wala naman masyadong gumagamit. Hindi niya lubos maisip na pwedeng maging ganito kaganda ang isang eskwelahan.

Napakaignorante talaga niya. Hindi man lang niya maitago ‘yun kahit sa sarili niya. Pero papaano nga bang napadpad angisang ignoranteng tulad niyaschool na ‘to? Sa lugar ng mga mayayaman.

Diana’s POV

Nilibot ko ulit nang tingin ang buong school. Parang hindi pa rin ako makapaniwala sa nakikita ko. Hindi nga ako nananaginip. Totong nakatayo ako ngayon sa isang nakapagandang lugar. Kung iisipin niyang mabuti parang kahapon lang ay ibang-ibang mundo ang kinatatayuan niya. Sa isang iglap nagbago ang lahat. Pati pangalan niya.

Kagaya ng sinabi ko kanina, I am Diana Sophia Eliza but I was not an Alcantara before. Just Torres, Diana Sophia Eliza Torres. Bakit? Well, hindi ‘yan dahil sa nag-asawa na ako ha. Sinasabi ko lang, baka mamaya kung ano na iniisip niyo.

My mother is Elizabeth Torres, and my father.  Well I did'nt know who my father was until last month. Alam ko, you're already getting the picture, pero sasabihin ko pa rin.

For fiffteen years namuhay kami ng mama ko na kami lang dalawa. Well, we live an ordinary life. A very ordinary one pero kahit ganoon ay masaya pa rin kaming dalawa. Mahal na mahal ako nang mama ko at siyempre ganoon din ako sa kanya.  Pero hindi porke't masaya ka ay hindi ka na pwede makaramdam ng lungkot. Paminsan-minsan may mga bagay kang hinihiling. May mga bagay na nagpapalungkot sa atin.

Naalala ko noong bata ako, palagi akong tinatanong ng mga kalaro ko kung nasaan ang papa ko. “Tsk”, ganyan naman palagi ang story, and obviously wala akong maisagot. Ganoon din kapag tinatanong ko ang mama ko, Pareho lang kami. Walang maisagot. Alam niyo na kung ano nangyayari kapag wala kang papa di ba? Aasarin ka ng mga kaklase mo. Tatawagin kang "BASTARDA” o hindi kaya'y "PUTOK SA BUHO".

Siyempre ano pa ba ang magagawa ko? Wala nang iba kundi ang umiyak. Parati akong umuuwi sa bahay namin na luhaan.... Masakit na wala kang ama, pero mas masakit na dahil wala kang ama ay pagtatawanan at kukutyain ka ng iba.... Ganoon ang palaging nangyayari araw-araw. At sa araw-araw na ‘yun kung saan umuuwi akong umiiyak, ay umiiyak din ang mama ko. Umiiyak siya dahil umiiyak ako.

Ang gabi-gabing pag iyak ng mama ko ang dahilan kung bakit nilakasan ko ang loob ko. Talagang sobrang nasasaktan ako sa mga ginagawang pangungutya sa amin ng mga tao. Pero nung makita kong umiiyak ang mama ko, naisip ko na kung mayroon mang higit na nasasaktan sa nangyayari ‘yun ay ang mama ko. Naisip ko na higit ang sakit na nararamdaman niya. Dahil ang sakit na dinadala niya ay hindi lang sa kanya kung hindi pati na rin ‘yung sa akin. Kung ano mang sakit ang nararamdaman ko doble noon ang sa kanya.

Kaya simula noong araw na ‘yun ay sinubukan ko na huwag umiyak kapag sinasabihan ako ng iba na "BASTARDA". Pinilit kong maging matatag para sa mama ko. At sa awa ng diyos ay nagawa ko naman. Nasasaktan pa rin naman ako kapag sinasabihan ako ng bastarda pero nagagawa ko na pigilan ang sarili ko na umiyak. Palagi ko noong hinihiling na sana makilala at makasama ko na ang papa ko. Yan lang kaisa-isang bagay na gusto ko para sa amin ng mama ko. Alam ko, ‘yun ang magpapasaya sa aming dalawa.

And it did happen. A month ago, I met my father. At long last, I finally knew who my father was. But that day, I was'nt happy. I was'nt happy like I thought I would be. Dahil may naging kapalit ang bagay na ‘yun. Ang naging kapalit non ay ang pinakamahalagang tao sa buhay ko.

Ang mama ko.

A month ago I met my father. It was after my mother died. My mother died because of cancer. At nagkakanser siya dahil sa sobrang pagtatrabaho. Sa sobrang pagtatrabaho para lang buhayin ako. Wala na kaming ibang maasahan kundi ang isa't-isa. And she leave me.

At ang masakit pa sa pagkamatay niya, ay ang katotohanan. Ang katotohanang dala-dala ng papa ko. Ang katotohanan na ang mama ko ay isang kabit. At ako naman isang malaking PAGKAKAMALI, Just like their relationship. My mother fell in love with a married man. Pero kahit na nalaman ko ang bagay na ‘yun, hindi nabawasan ang pagmamahal ko sa mama ko. At lalong hindi bumaba ang pagtingin ko sa kanya. Dahil kahit na nagkamali siya noon ay nagawa pa rin niyang tapusin ang relasyon nila ng papa ko. Just like what my father said, it was my mother who ended up their affair.

And she didn’tt even told him that she was already pregnant that time with me. Hindi sumama ang loob ko sa mama ko dahil hindi niya noon sinabi sa papa ko na buntis siya. Para sa akin tama lang ang ginawa niya. Mas mabuti pang mabuhay ng walang kinagisnang ama kaysa naman magpatuloy siya sa buhay bilang isang kabit.

The fact that my mother raised me and loved me all alone is more than enough for me to give her my respect and love. I am very happy and thankful that she is my mother. I am happy with all the decisions she has made even it made our life a little harder. I love my mother so much and I am so proud of her no matter what, at kung nasasaktan man ako sa katotohanang natuklasan ko, ‘yun ay dahil sa hindi ko nagawang damayan ang mama ko sa bagay na nagpapabigat ng loob niya. She had always been there for me and I was'nt able to return the favor.

Since my mother is gone and I don't have anywhere else to go, isinama ako ng papa ko. I am already using his name just like he wanted. And right now, I am living under my father's roof together with his family. And when i say his family, I mean his wife and his son, my half-brother.

I think I forgot to mention something. I forgot to mention that my father is rich, filthy rich. At iyan na nga ang dahilan kung bakit ako nalipat dito sa school nato. Sa school ng mga rich and famous. Sinabi ko na di ba, mahabang kwentuhan talaga siya. Sasabihin ko lang ang dahilan ng pagtransfer ko, kailangan ko pang isalaysay ang buong buhay ko.  

Sobrang napagod talaga ako sa paglilibot na ginawa namin kanina, pero enjoy naman siya kahit papaano. Masarap rin kasi kasama sina Nica at Ina.  Si Ina nga di mo aakalain na madaldal ito, mas madaldal pa ata ‘yun kaysa sa akin eh. Tahimik lang kasi ito sa klase, pero kanina aba, napakarami niyang kwento. Tungkol sa school at sa kung ano-ano pa. Sa sobrang dami ng mga kinuwento niya ay hindi ko na maalala lahat ng mga ‘yun eh. Konti lang siguro.

"Maam, andito na po tayo"

"Ah, opo" sagot ko kay Manong Gardo, ang aking driver. Ganyan talaga siguro ang mayayaman, may driver talaga. Bumaba na agad ako ng sasakyan, hindi ko na hinintay na pag bumuksan ako ni manong ng pinto. Nakakahiya kaya. 

"Naku maam, hindi po muna dapat kayo agad bumaba… Hinintay niyo dapat na ako na magbukas ng pinto ng sasakyan"

"Okay lang po yun Manong. Kaya ko naman po eh."

"Eh kasi maam baka mapagalitan ako nina sir kapag nalaman po na hindi ko kayo pinagbubuksan ng pinto." Napasimangot na lang ako. Pero sa isip ko lang. Hindi ko ipinakita kay Manong. Hindi ko talaga maintindihan ang mga tao sa lugar na ito, pati kung sino ang dapat magbukas ng pinto ng sasakyan ay ginagawang big deal.

"Huwag na po kayo mag-alala Manong, hindi naman po ito malalaman ni papa. Unless kong sasabihin niyo sa kanya" pabiro kung sagot sa kanya saka agad na umalis.

"Sige Manong, pasok na ako sa loob" Napakamot na lang ang kawawang si Manong. Mukhang natatakot talaga itong mapagalitan dahil lang doon. Pumasok na ko sa loob ng bahay. Well mas appropriate kung mansion ang itatawag ko. Kasi nga mansion naman talaga siya.

Hindi ako dumaan doon sa main door sa harapan, umikot ako papunta sa likuran, doon ako papasok sa pintuan na ginagamit ng mga maids. Papunta ‘yun sa kusina. Tiningnan ko muna ko may tao, wala dapat makakita sa akin na dito dumadaan lalong-lalo na si Yaya Teresa. Pagagalitan ako ‘nun. Nung makita ko na walang tao ay tumakbo ako ng mabilis papasok, at sa sobrang pagmamadali ko ay hindi ko napansin na medyo basa pala ang sahig.

"Arayyyy ko po..." mangiyak-ngiyak na daing ko. Kapag minamalas ka nga naman. Madulas pa talaga.  

"Naku bata ka, ayos ka lang?" Ayan na. Nahuli na nga ako at si Yaya Teresa pa talag.. Tumayo na ako, ang sakit ng puwet ko, ang sama kasi ng bagsak.

"Ikaw bata ka, ilang beses ko ba sasabihin sa iyo na doon ka sa main door dumaan, huwag dito sa kusina..." Sinabi ko na di ba. Sermon ang aabutin ko kapag nahuli ako. "At talagang nagtatakbo ka pa dito sa kusina, di ka nag-iingat... Papaano na lang kung mas malalang disgrasya ang abutin mo?"

"Sorry na po"

"Naku, kapag nalaman ito ng Daddy mo, patay na naman ako. Bakit ba kasi ayaw mo gamitin ‘yung main door?" Napayuko na lang ako, Hindi ko kasi alam kung papano sasabihin sa kanya ang dahilan kung bakit ayoko doon pumasok.

"Sorry na po talaga, Huwag niyo na lang po sabihin kay papa" Narinig ko ang pagbuntunghininga ni Yaya Teresa. Nagtaas na ko ulo, kapag ganyan kasi alam kong titigil na ito sa pagsesermon. Ibig sabihin pinapatawad na niya ako. Mabait naman kasi talaga si Yaya teresa, Palasermon nga lang.

"Salamat yaya" malambing kong sabi sa kanya. Oh well, nakikiyaya na rin ako sa kanya. Mas cute rin naman kasi ang yaya kaysa sa manang. Nginitian lang niya ako.

"O sha, sige na, pumasok ka na sa kwarto mo at magbihis, gusto ka makausap ng daddy mo."

O__O

"Si papa po? Andito po siya?"

"Oo, kadarating lang nila kaninang tanghali, kaya bilisan mo mabihis. Kanina ka pa hinihintay ‘nun." Umakyat nako ng hagdan at pumasok sa kwarto ko. At katulad ng sinabi ni Yaya, nagmadali akong magbihis. Kinakabahan ako. Iniisip ko kung anong sasabihin sa akin ng papa ko. Isa pa, nila ang sinabi ni Yaya. Ibig sabihin. Kasama ang asawa nito.  

Mag-iisang buwan na simula ng tumira ako dito sa mansion, pero madalas ay nalulula pa rin ako sa laki ng bahay ng papa ko. Kahit nga itong kwarto ko, sobrang laki at sobrang ganda. Minsan nga dahil sa sobrang laki ay naliligaw pa ko sa bahay na ito eh.

Sa loob ng halos isang isang buwan ay minsan ko lang makita at makasama ang papa ko. Busy kasi siya masyado sa business niya, kaya madalas eh nasa abroad siya. At sa mga biyahe niya ay parati niya kasama ang asawa niya, si Tita Elvie. Magkatulong kasi silang dalawa sa pag aasikaso ng business. Kahit na nalulungkot ako dahil hindi ko nakakasama ang papa ko, sa isang banda naisip ko na mas mabuti na ang ganon.

Hindi ko kasi alam kung papaano pakikitunguhan ang asawa niya.Minsan ko lang siya na meet, pero masasabi ko na na mabait siya. At ‘yun na mismo ang dahilan kung bakit lalo ako nahihiya sa kanya. Lalo ako nakokonsensiya dahil mabait siya. Kahit kasi ano pa ang sabihin natin, anak pa rin ako ng asawa nito sa ibang babae. At alam kong mahirap tanggapin ang bagay na ‘yun. Alam ko na nasaktan siya noon ng mama ko, at hanggang ngayon nasasaktan pa rin siya ng dahil sa akin.

Huminga muna ako ng malalim bago ko nilapitan ang papa ko. Nasa sala ito at nakaupo sa malaking sofa. Kausap nito si tita Elvie.

"Good evening po" gabi na rin kasi. Ang pormal din ng bati ko. Ganyan talaga. Di pa kasi kami close.

"Oh Diana, kanina ka pa namin hinihintay ng dad mo... Ginabi ka ata?"

"Sorry po, naglibot pa po kasi ako sa school."

"It's okay dear." Sabi ko na di ba. Mabait talaga siya, kaya naman lalo tuloy ako nahihiya. Hindi nga ako makatingin ng diretso sa kanya. Minsan nga naisip ko na sana hindi na lang mabait ang asawa ng papa ko. Na sana masama na lang ang ugali niya, sana suplada na lang siya. Kapag ganon siguro siya, hindi na ako mahihiya ng ganito. Magkakroon na siguro ako ng tapang para harapin siya ng maayos. Pero minsan din naman nagpapasalamat ako kasi mabait siya. Ang gulo ko rin di ba. Kasi naman eh, ano na lang kaya ang mangyayari sa akin kung nakataong masama ang ugali niya, baka maltratuhin niya ako. Baka maging si Cinderella ako ng wala sa oras.

"Maupo ka dito sa tabi ko anak." si papa ko. At ano pa nga ba ang ginawa ko, eh di tahimik akong naupo sa tabi niya na tulad ng sinabi niya.

"Kumusta naman ang bago mong school?"

"Okay lang po" ang tipid ko rin sumagot. Ganyan talaga yan, kapag di mo pa ka close ang isang tao.

"Nagustuhan mo ba ang school mo?"

"Opo."

"Ganoon ba, Ano pa? Kwentuhan mo kami ng Tita mo kung anong nangyari." Ano daw? Kwentuhan ko sila?

"Kaya talaga kami umuwi dito ng daddy mo ay para kumustahin ang first day mo sa school" Napatingin ako sa daddy ko, ay este sa papa ko pala. Sa kaka daddy ng mga tao dito eh nahahawa na ako. Nakangiti lang siya sa akin. Seryoso ba talaga si Tita Elvie sa sinabi niya. Talagang umuwi sila dito galing sa business trip nila para lang malaman kung anong nangyari sa king first day sa school. Hindi ko tuloy alam ang sasabihin ko. Ano nga ba ang ikukwento ko?

"Maganda po ang school, saka sobrang laki" ‘yun lang talaga naisip kong sabihin. At mukhang hindi yun ang gusto nilang marinig. Ano ba, ano ba sasabihin ko. Nakakapressure naman to.

"Kumusta ang mga clasmates mo? Mababait ba sila?"

"Opo, may mga naging kaibigan na nga po ako eh. Sinamahan pa nga po nila ako kanina na libutin ang school."

"Talaga!!!" Ano ba ‘yan... Sa reaks’yun ng papa ko parang mas excited pa yata siya sa akin kanina.

"Iinvite mo sila dito bukas, para naman makilala namin ng tita mo"

"Po?" Nagulat  talaga ako. Kaibigan ko lang naman yong mga ‘yun, hindi boyfriend o kung ano pa. Kailangan ba talaga imbitahin sa bahay para lang makilala. At bukas agad?

"Ano ka ba naman dy, busy ang mga batang ‘yan. Tsaka kakikilala pa lang nila. Sa susunod na lang." Dy ang tawag ni tita kay papa at si papa naman my ang tawag sa kanya. Ang sweet nila di ba. Kung makikita mo sila ngayon hindi mo lubos maiisip na magagawa ni papa noon ang maghanap ng ibang babae.

"Tama po si tita. Next time na lang po papa." Sa di ko malamang dahilan ay nanlaki ang mga mata nilang dalawa. May nasabi ba akong mali? Wala naman di ba? Pagkatapos ay nagkatinginan silang dalawa at ngumiti... Lalo na ang papa ko. Ang lapad ng ngiti, mukhang ang saya-saya niya bigla. I thought ma didissappoint siya dahil hindi ko iimbitahin ang mga kaibigan ko. Naguguluhan na tuloy ako.

"Anak, ulitin mo nga ‘yung sinabi mo kanina"

"Sabi ko po, next time ko na lang papupuntahin mga friends ko"

"Hindi ‘yun" May iba pa ba akong sinabi. Wala naman di ba?

"Ang alin po ‘dun?"

"’Yung huli mong sinabi."

"’Yung mismong sinabi mo Diana" si tita. At ‘yun nga ang ginawa ko. Inulit ko kung ano ang sinabi ko. Walang labis walang kulang. Ngumiti lang din naman ang papa ko. Tuwang-tuwa.

"Bakit po, may nasabi po ba ako na hindi niya nagustuhan?"

"Hindi anak... Masaya nga ako... Ka-si, kas-i ito ang unang beses na… tinawag mo kong papa." Napayuko na lang ako sa sinabi ng papa ko. Tama nga siya, ‘yun ang unang beses na tinawag ko siya na papa.  ‘Yun bang nandiyan siya at narinig niya. Hindi pa rin kasi ako gaanong sanay na mayroon na akong papa. Kaya tuwing nag-uusap kami po at opo lang lagi ang sinasabi ko. Nahihiya pa rin kaya ako. Parang hindi nga yata mauubos itong hiya ko.

Ako naman ang nanlaki ang mga mata. Bigla na lang kasi akong niyakap ng papa ko. Si Tita Elvie naman ay nginitian lang ako. "Akala ko talaga hindi mo na ako tatawagin na papa kahit kailan. Salamat anak. Maraming salamat."

Tumunog na si Mr. alarm clock. Inabot ko siya saka ko pinatay pero hindi pa kobumangon. Nagtalukbong ulit ako sa aking kumot saka natulog ulit. Mga five minutes pa siguro, inaantok pa kasi ako eh. Almost midnight na ako nakatulog kagabi, andami ko kasing homework na ginawa. Grabe naman kasi kung makapagbigay ng homework ang mga teachers namin. Sobrang dami. Parang wala ng bukas.

Hindi pa man lumalalim ang tulog ko ay nakarinig na ako ng katok sa pinto. Aish. Nakakainis naman talaga. Wala pa ngang five minutes eh, tapos ayan na ang aking isa pang alarm clock. Nanggigising na. Ang kaibahan nga lang ay hindi ko pwedeng patayin itong isang ito. Makukulong kaya ako pag ginawa ko ‘yun.

"Yana, gumising ka na. Tanghali na, may pasok ka pa" Yana tawag sa akin ni Yaya Teresa, Bakit? Ano pa ba, eh di short cut daw yan ng Diana. Mahaba daw kasi ang Diana. Tsk. Hindi naman talaga siya mahaba di ba, nagdadahilan lang si yaya. Tamad lang talaga siya pagdating sa pangalan.

Wala na ako nagawa kung hindi ang bumangon na. Hindi rin kasi titigil iyang si yaya Teresa sa pagkatok at pagtawag sa akin hanggat hindi ako bumabangon. Ang kulit din kasi niya eh.

"Yana, gising na"

"Opo, maliligo na po ako." Sabi ko na di ba, makulit talaga.

"Bilisan mo, baka ma late ka na naman. Mapapagalitan ako ng daddy mo" Napakamot na lang ako ng ulo habang papasok ng banyo. Si yaya talaga, well silang lahat na maids naman actually, paano ba naman kasi sa tuwing may gagawin akong kalokohan or hindi naman kaya kapag may dapat akong gagawin tapos hindi ko agad ginagawa, palagi nila sinasabi sa akin na "Huwag mo yang gawin or gawin mo to dahil kung hindi pagagalitan ako ng daddy mo".

Ano naman daw ‘yun? nangongonsensiya sila? Tsk. Pero in fairness ha, efffective siya. Dahil talagang nakokonsensiya ako. Kita mo naman, kahit na antok na antok pa talaga ako ay bumangon na ko. Ayoko rin kasi sila mapagalitan ng dahil sa akin. Ako kaya may kasalanan tapos sila ang mapapagalitan, mali naman ata ‘yun.

Pagkatapos ko maligo saka magbihis ay bumaba na ako at pumunta sa dining room para kumain ng breakfast. Nakahanda na ang pagkain sa mesa. Obviously, mga maid ang naghanda non. Wala ako ginagawa sa bahay na ito, kung baga wala ako silbi. Ang mga maids kasi ang gumagawa ng lahat. At tulad ng inaasahan, wala na naman sina papa at si tita dito sa bahay, may business trip na naman sila. Kaya naman ngayon ako lang mag-isa ang kakain dito sa pagkahaba-haba naming mesa.

Tsk. Nakakawalang-gana talaga kumain ng mag-isa. Hindi rin naman kasi sumasabay sa akin kumain ng breakfast si Edrian. Oh well, si Edrian ang kapatid ko, half-brother to be exact. tskkkk, may pa half-half pa akong nalalaman eh pareho lang din namang kapatid ‘yun.

He is three 3 years older than me, bali eighteen  na siya ngayon. Second year college na siya ngayon and obviously taking up Business Management. Well, siya kasi magmamana ng mga business ni papa kaya ‘yun ang course na kinuha niya. Nung nakaraang buwan ko lang din siya nakilala. Nung nakaraang buwan ko lang din nakilala ang papa ko kaya siyempre siya din. Hindi rin kami madalas magkita ng kapatid ko. Ang totoo kasi niyan, iniiwasan ko talaga na magkaharap kami. Itatanong niyo pa ba ang dahilan? Di siyempre nahihiya ako.

Ano pa bang pwedeng maging dahilan kung hindi ang hindi maubos-ubos kong hiya. Kaya nga doon ako sa kusina dumadaan kapag pumapasok ako ng bahay ay para hindi ako makita ni Edrian. Hindi naman naging mahirap ang pag-iwas ko sa kapatid ko. Sa laki ba naman nitong bahay na tinitirhan namin ay talagang posible na hindi namin makikita ang isa't-isa.

Mamayang alas-nuebe pa ang klase ni Edrian kaya malamang tulog pa ‘yun hanngang ngayon. Maaga pa rin naman kasi. Mag aalas-siyete pa lang. Binilisan ko na ang pagkain, seven thirty kasi ang klase ko at hindi malapit ang bahay namin sa school. Seven-fifteen pa lang ng dumating ako sa school. Konti pa lang sa mga classmates ko ang nasa classroom namin, hindi pa dumadating ang iba.

Dumami na ang mga kaibigan ko. Kung dati ay sina Mike, Nica at Ina lang ang ka-close ko, ngayon ay nandiyan na rin sina Mark at Charlotte. Nang mag lunch na, siyempre kasama ko ang aking mga kaibigan papuntang cafeteria. Inilabas ko na rin ang aking secret weapon.

Nagtawanan na ang mga kaibigan ko. Pinagtatawanan nila ang aking secret weapon. Tatlong araw na rin simula ng binili at ginamit ko ito, pero hindi pa rin nagbabago reaks’yun nila. Tawa pa rin sila ng tawa. I'm sure napapaisip na kayo kung ano itong secret weapon na sinasabi ko ay ear plug.

Oo ear plug, as in ear plug. Nakakatawa ba? Kung hindi, love na kita Ang O.A. ko din di ano? May pa secret-secret weapon pa ko nalalaman eh ear plug lang naman pala.

Kasi naman eh, hindi ko na talaga matiis ang ingay. Mahigit isang linggo na ako dito sa school at talagang naririndi na ako sa sobrang ingay ng mga babae dito. Kung mayron mang bagay na hindi ko gusto sa school namin ay ‘yung walang pakundangan na pagtitili ng mga bwisit na babae dito.

At ang dahilan lang ng pagtitili nila ay ‘yung grupo ng James na ‘yun. Kahit nasaan ang mga ‘yun ay pinagsisigawan sila ng mga babae, sa hallway, sa gym, dito sa cafeteria o kahit saan. Dinaig pa ata nila ang mga artista. Actually hindi ko pa nakikita iyang James na iyan at ang mga kaibigan niya. Tskkk. As if interesado talaga ako makilala sila. Eh ngayon pa nga lang eh nabwibwisit na ako sa mga ‘yun. Sobrang sakit kaya sa tenga ng tili ng mga fans nila, kuno. Ginugulo nila ang peace and order dito sa school.

Kaya nga kapag naririnig ko na ang sirena ng mga fans nila ay umaalis na agad ako. Ayoko sila makita, baka lalo lang ako mainis. Nakainis din itong school na ito ah, hinahayaan nila ang ganyang mga bagay.Tahimik lang ako na kumakain, samatalang ang mga kaibigan ko ay masaya na nagkukuwentuhan. Naiinggit ako. Gusto ko rin makipag chikahan kaya nga lang hindi ko naman masyado marinig ang sinasabi nila. May ear plug ako remember.

"Tanggalin mo muna iyang ear plug mo Diana, wala pa naman dito sila James eh. Kaya okay lang kung tatanggalin mo. Ibalik mo na lang mamaya." Si Charlotte. Sa haba ng sinabi niya ay konti lang naintindihan ko dun. ‘yung "tanggal, ear plug, wala at saka James" lang. Pero naintindihan ko pa rin kung ano gusto niya sabihin, may kasama pa kayang senyas ‘yun. Ang tanga ko na talaga kapag di ko pa naintindihan ‘yun.

Sinunod ko ang sinabi niya sa akin, tinanggal ko ‘yung ear plug, kaya naman nakapagkwentuhan ako sa kanila. Kung anu-ano ang naman pinag-usapan namin. Wala ngang kwenta ‘yung iba. Pero masaya pa rin.

Nasa kalagitnaan kami ng masarap na kwentuhan namin ng biglang.Ayun na. Ibinalik ko na agad ang ear plug ko. Ang sakit talaga sa tenga ng tili nila. O.A na kung O.A, wala akong pakialam, pero talagang masakit siya sa tenga. Tsaka kung pagiging O.A. lang din naman ang pag-uusapan, eh wala ng tatalo sa ka-OA-han ng mga babaeng ito. Makakita lang ng gwapo ganyan na magreact, di ba O.A yun?

Tinapos na namin agad ang pagkain namin. Gusto ko na kasi talaga makaalis kaagad sa cafeteria eh. Kahit na naka ear plug na ko ay naririnig ko pa rin ng mga sigaw nila. At talagang naiinis na ako.

Your author's note.

Dear Readers,

Sana kahit papano ay nagustuhan niyo ‘tong ginawa ko. I hope hindi kayo na O.A.-han. Sana pag tiyagaan niyo tong story ko. Sana mag vote kayo. Pleaseee. Pretty please.

Kung may ayaw kayo or suggestion sabihin niyo lang. Open minded naman ako kahit papaano. hahahaha

Sincerely Yours,

Mai

P.S.

Alam ko gusto niyo na magmeet ang dalawang bida. Next chapter na yan. "Suplado plus Palaban equals?"

Continue Reading

You'll Also Like

90.7K 2.2K 12
Role player World o alam natin sa RPW ay sikat ngayon sa mundo ng social Media, lalo na sa Facebook. Rpw ay tinatawag nilang pekeng mundo kung saan m...
129K 2.5K 50
#1: Sometimesfunny Sequel: Should I Let Go? By: Gigglycira Pagmahal mo ang isang tao, gagawin mo ang lahat para sakanya gaya nalang ng palayain mo si...
45.3K 967 22
Original copy: Start: 07.12.2018 Ends: 07.18.2018 Edited stories is also available at Psicom App. Thank you!
328K 5.7K 96
This story is about love and friendship of high school students. Ashley Shaine Santos----Since First year inlove na sya kay Justine Daniel Sanchez--h...