When Suplado Boy Meets Palaba...

By iamhopelessromantic

687K 12.3K 1K

Si James Nathaniel dela Vega, gwapo at mayaman. Pero suplado at masama ang ugali. Sanay siya na kinatatakutan... More

Prologue
Chapter 2 - Diana Sophia Eliza Torres Alcantara
Chapter 3 - Suplado plus Palaban Equals ?
Chapter 4 - Apologize to him? NOOOOO WAY
Chapter 5 - I Have No Choice
The Great James
Chapter 6 - She's Not Gone
Chapter 7 - The Confrontation
Chapter 8 - Lost and Found
Chapter 9 - The Set-up
Chapter 10 - The Accident
Chapter 11 - Nathaniel (Part I)
Chapter 11 - Nathaniel (Part II)
Chapter 11 - Nathaniel (Part III)
Chapter 12 - Puno
Chapter 13 - The Suplado Returns
Chapter 14 - The Hard Reality
Chapter 15 - I'm Stupid
Chapter 16 - Their First Night Together
Chapter 17 - Angel
Chapter 18 - It's Confirm
Chapter 19 - Rooftop
Resolving the Issues
Chapter 20 - Drama Club
Chapter 21 - Relax
Chapter 22 - Nananadya
Chapter 23 - For the First Time
Chapter 24 - Boyfriend
Chapter 25 - His Female Version
The Reason Why
Chapter 26 - Lunchbox
Chapter 27 - Clinic
Chapter 28 - His Personal Nurse
Chapter 29 - Slave and Not Nurse
Chapter 30 - What's Wrong With Her
Chapter 31 - Palaban Girl is Back
Chapter 32 - 1,2,3,4 Pass
Chapter 33 - She's Mad at Me
Chapter 34 - Cold
Chapter 35 - Secret Admirer DAW
Chapter 36 - Enchanted Kingdom
Chapter 37 - Napakatanga
Chapter 38 - You're my Business
Chapter 39 - Whether You Like it or You'll Like it
Chapter 40 - Tangs
Chapter 41 - Sumpong
Chapter 42 - Heartbeat
Chapter 43 - Yakap
Chapter 44 - To See You
Chapter 45 - Nalaglag
Chapter 46 - Cheer
Chapter 47 - Picture
Chapter 48 - Curious
Chapter 49 - Tears
Chapter 50 - Mall
Bastard
Chapter 51 - Future Sister In Law
Chapter 52 - Dinner
Chapter 53 - Goodbye
Chapter 54 - Hurt
Chapter 55 - What
Chapter 56 - Who's Jealous
Chapter 57 - Saleslady
Chapter 58 - Baliw Talaga
Chapter 59 - Walang Takas
Chapter 60 - Smile
Chapter 61 - Placard
Chapter 62 - Date
Chapter 63 - Picnic
Chapter 64 - Trust
Chapter 65 - Jason
Chapter 66 - Honesty May Not Be The Best Policy
Chapter 67 - Cake
Chapter 68 - Stalk
Chapter 69 - Locker Room
Chapter 70 - Guardian Angel
Chapter 71 - Ask
Chapter 72 - Sealed With a Kiss
Chapter 73 - Time Zone
Chapter 74 - Booth
Chapter 75 - King and Queen
Chapter 76 - Candles and Lies

Chapter 1 - The New Comer

22.1K 277 18
By iamhopelessromantic

Tumatakbo na siya ngayon papunta sa classroom nila… “Sana hindi pa ko late…” dasal pa rin niya kahit na sa sarili niya ay alam niyang late na talaga siya. Dapat magpakitang gilas siya dahil ngayon ang  first day niya sa bago niyang school. Yes, bagong school, dahil katatransfer niya lang. Bakit? Mamaya na niya sasabihin, mahabang kwentuhan ‘yun at talagang late na siya.

Tumigil muna siya sandali para siguraduhin na tama ang pinupuntahan niya , bago pa lang siya dito, wag niyong kalimutan, baka mamaya hindi niya mamalayan na naliligaw na pala siya, kanina pa kasi yata siya  nagtatakbo pero hindi pa rin niya  mahanap ang room nila…  Tumakbo na naman siya ulit… Kung bakit parang sinasadya ata ng pagkakataon na malayo ang room nila.

Kung hindi ba naman siya masyadong excited na hindi siya nakatulog nang maayos kagabi kaya tinanghali siya nang gising at ngayon nga ay ganito ang nangyari.  “Sana naman hindi masungit ang teacher sa first period namin… Kung hindi” dasal na naman niya.  Sa sobrang pagmamadali niya ay hindi ko napansin na may kasalubong siya… Kaya naman…

Isang malakas na kalabog ang narinig. Malakas kasi ang pagkakabangga niya kaya tumilapon siya at napaupo sa sahig. “Aray!” malakas na sigaw niya. Hindi pa siya nakatayo agad. Nakaupo pa rin siya sa sahig at tinangala ang taong nakabannga sa kanya.  

Aray ko po... sigaw nang utak niya. Pero hindi ‘yun dahil may masakit sa kanya. Iba ang dahilan. Ang gwapo kasi ng lalaking nakabangga sa kanya Sobra. Napatulala pa siya  sa kinauupuan niya. Saka niya biglang naalala na hindi pa nga pala siya nakakatayo.

“Damn it...” Nanlaki ang mga mata niya at nagising mula sa pagkatulala dahil nagmura ang gwapong lalaki. Mukhang nagalit ata kaya bigla siyang napatayo.

“Sorry, hindi ko sinasadya” sabi niya sa lalaki. Nagpacute pa siya nang sabihin ‘yun para di na magalit ang gwapong lalaki.

“Pwede ba tumingin ka sa dinadaan mo ta huwag kang tatanga-tanga!”  Nanlaki na naman ulit ang mata niya. Halatang nabigla sa pagsigaw at pagtawag sa kanyang tanga nang lalaki.  Pagkatapos ay umalis na lang ito ng walang pasabi. Nakakunot ang noong nasundan na lang niya ito nang tingin. Bigla siyang nainis sa lalaki. Ni hindi man lang kasi nito tinanong kung ayos lang siya. Tumilapon kaya siya, kung hindi niya maalala, higit sa lahat hindi na nga siya nito tinulungan makatayoay  sinigawan pa siya at tinawag na tanga.

“Kapag minamalas ka nga naman.” Bulong niya sa sarili.  Inaamin naman niyang siya ang may kasalanan. Siya ang  nakabangga sa dito. Pero hindi naman ata tama ang ginawa nito. “ Ibang klase din 'yung lalaki 'yun ha. Akala mo naman kung sinong gwapo. Pero gwapo naman talaga siya. Ay ano ba yan kinokontra ko sinasabi ko. Aish… Kahit na, Kahit na siya pa ang pinakagwapong nilalang sa mundo hindi sapat na dahilan 'yun para maging bastos siya. Sama ng ugali.”

Sa waka ay  nakarating na rin siya sa room nila. At tulad nang inaasahan niya,  late na nga siya kaya hindi na siya nagulat pa. Pagpasok niya  sa room nila  ay nilapitan  agad niya ang teacher nila.  Mukhang hindi naman ito galit late siya. Ibinigay  na niya dito ang kanyang  certificate of registration. Matapos tingnan ang kanyang certificate of registration ay inutusan siya nang teacher nila na  magpakilala siya  sa  mga bagong classmates na agad naman niyang sinunod.

Nagbilang muna siya hanggang tatlo bago nagsalita, hindi pa kasi siya gaanong na kakaget over sa pagtakbo niya,  medyo hinihingal pa nga siya. “Hi, I’m Diana Sophia Eliza Torres Alcantara, nice to meet you everyone” 'Yan lang sinabi niya. Wala na kasi siyang ibang maisip na sabihin.

Pagkaupo na pagkaupo pa lang niya sa upuan niya ay nagpakilala na agad sa kanya ang  mga kaklase niyang nakaupo  malapit sa kanya. Sa sobrang excitement nila na makilala ang isa’t-isa ay nakalimutan nilang nasa harap pa ang teacher nila na abala sap ag-lelecture. Mabuti na lang at mukhang sobrang absorbed nito sa pagtuturo kaya hindi sila nito napansin.

Sa kanan niya ay si Nica, maganda siya  kaya lang sobrang payat niya. Sa kaliwa naman niya ay si Michael. Medyo weird ang itsura niya. Hindi pala medyo dahil weird talaga siya pero mukha naman siya mabait. Naisip ni Diana. Sa harapan naman ay sina Chloe at Monique, sa itsura pa lang nang dalawa ay magpahahalata mo nang mga fashonista sila. Sa unang tingin mukhang napakamaldita nila pero pag nakausap mo na sila ay mabait naman pala. Sa likuran ko naman ay si Ina, na siya yatang geek ng klase nila.  Sobrang kapal kasi nang suot nitong salamin. Mukhang hindi pa yata nauso dito ang contact lense.

Nang dumating ang lunch time ay nakilala  na rin niya ang iba ko pa niyang  classmates. Ilang oras pa lang ang lumilipas ay nakahanap na agad siya nang mga bagong kaibigan. Niyaya na siya nang mga kaibigan niya na magpunta sa cafeteria para mag-lunch. Habang  naglalakad sila papunta doon ay  nagdaldalan pa sila.  Sina Nica, Michael at Ina lang ang kasama niya. Hindi na siya umaasang sasamahan siya ng dalawang fashonista na sina Chloe at Monique. Sinabi nang dalawa na hindi siya nila masasamahan dahil siyempre ‘dun sila sa kanilang mga kauri. Ano pa bah? Eh di ang  mga kabarkada nilang fashonista din.

Pagdating nila  sa cafeteria ay hindi mapigilang mapahanga ni Diana. Ibang-iba ito sa inaasahan niyang magiging itsura nang isang cafeteria. Hindi niya alam kung paano ilalaraw kung gaano kaganda ang lugar. Ang layo nito kung ikukumpara sa naging dati niyang school. Pero hindi nga naman talaga tamang ikumpara ito sa dati niyang school. Natural lang na mas maganda dito dahil unang-una ay private school ang napasukan niya. Sa public school lang kasi siya dati nag-aral. Sa sobrang pagmamadali niya  kanina ay hindi man lang niya napansin kung gaano kalaki at kaganda ang bago niyang school. Naisip na mamaya ay magtotour siya  sa buong school. Ito kasi ang first time niya sa ganito ka ganda at kagarang  school.

“Pero bago ang lahat  bibili muna ako pagkain” naisip niya nang maalala na kanina pa siya nagugutom.

"Diana anong gusto mong kainin?" tanong sa kanya ni Nica. Napatingin muna siya kung anong pwede niyang bilhin. Nanlaki na naman ang mga mata niya. Paano ba naman kasi, hindi yata niya kilala ang mga pagkain sa harapan niya. Iniisip niya na pareho lang naman ang mga pagkain kahit pa sabihing pangmayaman o pangmahirap ito. Pero mukhang nagkamali siya nang inisip. Hindi na niya alam kung ano ang oorderin kahit pa sabihing mukhang masarap naman lahat.

Ano nang gagawin ko ngayon? Kung bakit ba kasi ako napadpad sa lugar na to? Tsk. Sigaw nang utak niya. "Pwede bang kwek-kwek na lang?" gusto sana niyang sabihin. Pero hindi niya ginawa dahil nahihiya naman siya. Baka mamaya ay pagtawanan pa siya ng mga tao ditto, mukhang hindi naman kasi ata nila alam kung ano ‘yun.

"Hoi, Diana?" Napatingin na siya kay Nica. Tapos na itong bumili, Ganoon din sina Michael at Ina.

"May problema ba Diana? Bakit hindi ka pa bumibili ng pagkain?" si Michael na ang nagtanong. Mukhang natatagalan na ito sa kanya.

"Pwede ikaw na lang pumili ng para sa ’kin?" sabi niya kay Nica. Tapos binigyan siya nito nang  sigurado-ka- bakit-look.

"Okay" sa wakas ay sabi nito kaya nakahinga na siya nang maluwag . Tapos nag order na ito saka ito na rin ang  nagbayad. Treat daw nito sa kanya. Siya na talaga ang makapal ang mukha. Nagpalibre pa talaga.

Habang kumakain sila,  napansin ni Diana na panay ang tingin sa kanya  ng ilan sa mga estudyante kaya  kinakabahan siya.

"Ganyan talaga yan pag may bago" biglang sabi ni Michael sa kanya.  Mukhang napansin nito na medyo naiilang siya. Halos hindi na nga niya malunok ang kinakain niya sa sobrang pagkailang.

"Lalo pa at ang ganda mo."

"Nagulat naman ako sa biro mo" nahihiya niyang sagot kay Ina.

"Ano ka ba, totoo yon, maganda ka talaga" sabi naman ni Nica kaya lalo tuloy siyang nahiya. Kahit na aminado naman talaga siya na maganda ako. Ayan, Nagsisimula na siyang magbuhat ng sariling bangko.

"Salamat kung ganoon." pabiro pa niyang sagot sa mga ito kaya nagkatawanan na lang silang tatlo. Susubo na sana  ulit si Diana nang pagkain ng bigla na lang tumili ang mga babae.

Ano ba naman yan? Kung makatili naman ang mga babae dito parang may sunog na. Nagulat tuloy ako. Reklamo niya sa sarili niya.

"Huwag mo na pansinin ang mga ‘yan." sabi ni Michael. "Normal na yang ganyan dito sa school." Napakunot ang noo ni Diana sa sinabi nito. Iniisip niya kung papaanong naging normal na lang dito ang ganoong tilian. Nakatakot naman pala ang lugar na ‘to.

"Masanay ka rin sa ganyang sigawan" dagdag pa ni Ina na tuloy pa rin sa pagsubo. Parang  balewala na lang sa dito ang tilian ng mga babae. Mukhang nasanay na nga ito, na tulad ng suhestiyon nito kay Diana na nagdadalawang-isip pa kung masasanay nga ba talaga siya. Napakasakit kasi sa tenga nang mga tili nang mga babae. Daig pa nito ang mga biik na kinakatay.

"Eh bakit ba sila nagtitili ha?" hindi na niya napigilang itanong.

"Ganyan lang talaga karamihan sa mga babae dito kapag nakikita nila si James at mga kaibigan nito."

"James? Sino naman ‘yun?" nakakunot ang noong tanong niya.

"Siya ang anak ng may-ari nitong school."

"Ganoon? Ano naman ngayon kung siya ang anak nang may-ari nitong school? Anong kinalaman ‘nun sa pagtitili ng mga biik na ‘yun?" Hindi napigilan ng tatlo na matawa sa huli niyang sinabi. "Hoy, ano na?" kulit niya sa tatlo. Tawa pa rin kasi tawa ang mga ito at  hindi pa sinagot ang tanong niya.

"Kasi po si James pati na rin ang mga kaibigan niya ay ang gagwapo. Pinagpapantasyanhan sila ng maraming babae dito sa buong school." Lalong kumunot ang noo ni Diana na tila wala na itong ikukunot pa. Ganoon nga ba talaga kagwapo ang James na sinasabi nang mga kaibigan niya, abot langit ba ang kagwapuhan nito  para mabaliw ang mga babae sa school nila. Talagang nababaliw na ang mga babae dito, baliw lang kasi ang sisigaw nang ganoon. Bigla tuloy naisip ni Diana kung gaano kagulo ang school na napasok niya.

James' POV

There they go again. The girls in this school, they all suck...

I am James Nathaniel dela Vega, and hell yeah, I am  handsome.  Very handsome. (Ang yabang ko di ba? Pero nagsasabi lang ako ng totoo) and on top of it, I belong to a very wealthy family. That's why all these girls are going crazy kahit na wala naman ako ginagawa. I don't even smile at them but still, they act like that.

"Naiinis na talaga ako."

"Ano ka ba naman James, Hindi ka pa rin ba nasasanay sa mga yan" sabi sa’kin ni Stephen. Sa mga kaibigan ko siya ang pinaka kalmado. Kahit kelan ay hindi ko pa ito nakitang nainis, hindi katulad ko na sobrang mainitin ang ulo. Pero sino nga ba ang hindi iinit ang ulo kung maya’t maya na lang ay may sisigaw at hahabol sa’yo?

"Why don't you just enjoy it" si Dominic.  Ang chick magnet at playboy ng barkada. Kumakaway pa ito sa ibang mga babae. Mukhang nag-eenjoy talaga ito sa atensyon tulad ng sinabi nito. Lalo tuloy siya nainis.

"Pwede ba itigil mo ‘yang pagkaway-kaway mo diyan" galit na utos ko dito. Pero imbes na tumigil ay nag-flying kiss pa ito, Lalo talaga akong iniinis.

"Tumigil ka na Dom, kung ayaw mong pumutok si Mount James" si Albert ang pinakapilyo at pinakapalabiro. Tiningnan ko ito ng masama. Paano ba naman kasi tawa ito ng tawa wala namang nakakatawa sa sinabi nia.  Tumigil na rin saw akas si Dominic sa pagkaway niya, samantalang si Albert naman ay nagpipigil pa rin ng tawa. Kilala na ko ng mga kaibigan ko, alam na alam na nila kung hanggang saan ang limitasyon ko. Kung kailan ako naiinis at kailan hindi. Bata pa lang kasi ay magkakilala na kaming apat. Actually lima kaming matalik na magkaibigan. Si Annika, ang kaisa-isang babae. Maya-maya pa siya darating.

Sabay na kaming lumaki, magkakaibigan kasi ang mga parents namin. Kaya ngayon pati kami ay matalik na magkaibigan na rin. Hindi talaga ako palakaibigan na tao, kaya silang apat lang talaga ang kaibigan ko. Silang apat lang rin naman kasi ang nakakasabay at nakakatagal sa ugali ko.

Nakaupo na kami ngayon sa pwesto namin. We have this certain table in the cafeteria wherein only we can use. It's a place where no one would or rather should dare to bother us. I requested for it. Well I own this place, so why not. Kahit papano ay tumigil na ang mga babae sa pagtili nila. Pero panay pa rin ang tingin nila sa table namin.

"When will I ever get use to this?" I asked myself.

"What's the problem of our prince? Bakit na naman ito nakasimangot?" I did'nt bother to look at who just came. It's obviously Annika. Iisang tao lang naman ang tumatawag sa kanya ng Prince. ‘Yun ang pang-asar niya sa akin, and obviously, gumagana siya dahil naaasar talaga ako.

"Ano ka ba naman Annika, palagi namang nakasimangot si James eh."

"You’re right Dom. He wouldn’tt be our James kung hindi siya nakasimangot, right?"

"Ano ba naman kayo, Huwag niyo nang asarin si prince simangot." Nagtawanan na silang tatlo at nag apir pa talaga. Wala na talagang tatalo sa kanilang tatlong pagdating sa pang-aasar sa akin.

"The three of you, stop that already. Ang mabuti pa kumain na tayo." Sumunod naman sila sa sinabi ni Stephen. Siya ang pinakamature sa amin at sa awa ng diyos ay nakikinig naman ang tatlo sa kanya. Like I said, alam naman nila kung kailan titigil sa pang-aasar sa akin. Pero hindi naman pwede na titigil lang sila kapag talagang naiinis na ako at parang mangangain na ako ng tao. At ‘yun na nga ang trabaho ni Stephen, nagagawa niyang patigilin ang tatlo kahit hindi pa ko sasabog sa sobrang inis.

"Hey prince, have you heard about the transferee?" Tiningnan ko lang ng masama si Annika, I really don't like it when she calls me prince.

"Ito naman oh, pikon masyado. oh ano na?"

"Tsk… Bakit ba ako tinatanong mo?"

"Well, you own the school, so I just thought you would know."

"Whatever... But why on earth would i bother myself to know who the hell is that transferee?"

"So you don't know anything?" Tinitigan ko lang siya ulit ng masama bilang sagot.

"Bakit Annika, do you have any problem with the new student?"

"No Stephen, I don't have any."

"Then why are you asking suddenly?"

"Nothing, I just heard some of the students talking about her. I thought maybe we could be friends"

"Her? So she's a girl?" Sinabi na ngang her, itatanong pa kung babae... Napabuntunghininga na lang ako. Kahit kelan talaga itong si Dominic, narinig lang na babae ang bagong student ay lumaki na agad ang mga mata.

"And as what I've heard, she's pretty." Lalong lumaki ang mga mata nito sa sinabi ni Annika. Mukhang excited na itong ma meet ang bagong estudyante. Hindi ako naniniwala sa sinabi ni Annika na maganda ‘yung transferee. At kahit pa maganda ‘yun, wala akong pakialam. Malamang sinabi lang niya ‘yun para lokohin itong si Dominic. At nagpaloko naman ‘to.

"Annika, anong name, year at section nung new student?"

"Hoy, hoy, hoy mr. loverboy... Ayan ka na naman. Ano ka ba, kay bago-bago eh bibiktimahin mo na agad... Maawa ka naman."

"Tsk. Huwag mo nga ako pakialaman Albert. Kung di ko pa alam eh naiingit ka lang." tinawanan lang ni Albert si Dominic. "Oh Annika, ano na?"

"Well, ang alam ko lang pareho kami ng year, third year."

"Wala ka nang ibang alam?"

"Sira ka din naman talaga ano. Sa tingin mo magtatanong ako dito sa prince natin kung may alam ako?" Tsk. Ayan na, nasali na naman ako sa usapan. Makaalis na nga lang. Mga walang kwentang kausap ang mga tao dito. Talagang naasar nako sa kanila.

"Uie prince,  saan ka pupunta?"

"Sa impyerno...  Gusto mong sumama?" pabalang kong sagot kay Annika pagkatapos ay umalis na agad ako. Hindi ko na hinintay ang sagot niya.

 

Continue Reading

You'll Also Like

2.1K 124 15
Ang kwentong ito ay tungkol sa isang binata na nakatira sa maliit na apartment, palagi siyang binubugbog ng mga gangster sa daan dahil gusto ng mga g...
261K 17.8K 84
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
2.7M 53.1K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
5K 551 19
[COMPLETE] Ang kwento ni Ci-L at Jenna. Mahilig kaba sa BASKETBALL? O isa ka rin sa humahanga sa BASKETBALL PLAYER? Ang kwentong ito ay pareho sa dal...