Angst Academy: His Queen

By supladdict

14.3M 435K 99K

Highest Rank Reached in Action Category: Rank #1 Her innocence. Their violence. How come a weak and innocent... More

Prologue
Author's Note
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Epilogue
Special Chapter

Chapter 54

195K 5.3K 1.3K
By supladdict

Her POV

Hawak lamang niya ako sa kamay habang naglalakad kami. All the students na nadaanan namin ay napapatingin sa amin. Napanguso ako at binaba ang tingin sa kaniyang kamay na mahigpit ang hawak sa akin. Mainit ito at masarap sa pakiramdam. Ano nga ba 'yong sinabi ko kay Greg noong nakaraang gabi habang sumasayaw kami? Bakit nakalimutan ko na yata?

"Saan tayo pupunta, Greg?" I asked. Huminto kami sa harap ng sasakyan sa may parking lot ng academy. Sometimes, I am wondering kung sino ang owner ng paaralan na 'to.

Of course there is an owner of this school. Lalo na at hindi naman gobyerno ang nagpatayo rito. I also doubt if the government really knows the purpose of this school. Marami talagang bagay ang sekreto.

"I said, to our Gregian."

Pinagbuksan niya ako ng pinto ng limo saka siya umikot at pumasok para umupo sa tabi ko. Umiwas ako ng tingin nang maalala ang nangyari sa elevator kanina. How many times did we already kiss, yet it still feels like our first kiss. So magical and something else that hard to explain.

The car started to move. Pinanood ko ang mga bagay sa labas na nadaraanan namin mula sa heavily tinted na bintana. I sighed again and remember Love. Ano na kaya ang iniisip niya ngayon ukol kay Greg? I know his not dumb not to realize what is that something between Greg and me. At isa pa, hindi man lang ako nakapagpaalam.

"Greg," I called him out as I face him. Sandali akong natigilan nang mapagtanto na kanina pa pala siya nakatingin sa akin. Napakurap ako at tumikhim,"Babalik naman agad tayo, 'di ba?" I asked. Kumunot ang kaniyang noo. His dark eyes are still fixed on me. I suddenly felt uncomfortable because of his eyes.

"Why? You're thinking about that guy that we left on your dorm?" I watched his jaw clenched. It defined the perfect and manly structure of his face. I suddenly want to run my fingers on his jaw line.

"Yes. Hindi man lang ako nakapagpaalam kay-"

"Don't mention him. Even through his name or your endearment to him. Don't fucking speak if you'll just talk about him." Umigting ang kaniyang mata at kitang-kita ko iyon lalo na at nakatagilid siya.

"Greg, let me explain about him."

"No. I don't want you to talk about him." I smiled sadly and face the other view. I felt the familiar bitterness inside me.

"Iyan ang mahirap sa'yo, Greg. Ayaw mong makinig." I didn't hide the sadness and bitterness on my voice. He moved beside me and I felt his stare at me again. But he never talked again until we stopped in front of a great mansion.

Bakit ba ayaw niya makinig? Kaya hanggang ngayon ay magulo pa rin kami dahil sa pagiging bingi niya. He loves to cover his ears. Gusto kong sabihin sa kaniya na kuya ko si Love at hindi niya kailangan magalit. But if it is what he really wants... not to talk about Love then I will let him suffer on his useless anger and jealousy. Tss, bahala siya.

Sana kapag tumagal maging bato na lang ako. Para mabaliw si Greg sa kakahintay na magsalita ako. And at the same time, I will never feel another pain again.

Bumukas ang pinto sa tabi ko. Mabilis akong lumabas at hindi na nagpaalalay pa. Agad kong nilibot ang tingin sa paligid ng lugar na tinigilan namin matapos ang halos dalawang oras na biyahe. At sa buong durasyon na iyon ay katahimikan ang pumainlang. Or Greg's bothered and fake coughs. Ilang beses din siyang sumubok makipag-usap but I didn't talk back since huwag daw ako magsalita kapag tungkol kay kuya Love ang sasabihin ko. E, sa gusto kong ipaliwanag sa kaniya ang tungkol kay kuya. But since he wants it and it is his rules, then I'll be a good girl.

A very beautiful mansion blocked my view. May ilang halaman sa paligid na organized. Tabi-tabi ang pare-parehong uri at halaman. Nagkalat din ang mga lalake na nakakulay puti na polo at may mga armas. Kulay cream, white and beige lamang ang mga makikita na kulay ng mansion mula sa labas. Maliban sa malaking pinto na kulay kayumanggi.

Greg hold my hand. He slid his fingers on mine and I am amazed how perfectly fit it is for each other. Nakatitig lang ako roon hanggang sa tumikhim siya. Nakanguso siya at tila nagpipigil ng ngiti bago tinuro ang mansion. We entered it and a guy in suit ushered us. Agad na tumalima ang mga kasambahay para batiin kami.

I looked around at pinagsawa ang mata sa loob ng mansion. Everything is classy and elegant. Mula sa mga vases at antiques, furnitures and the giant chandelier on the middle of the ceiling. Nakasunod lamang ako sa kaniya habang naglalakad.

Tinungo namin ang isang pinto. Binuksan niya iyon saka kami roon pumasok. It's an artificial garden. Ang bubong noon ay salamin kung saan ay bahagyang tumatagos ang sinag ng araw ngunit hindi masakit sa balat. Marami ring mga halaman. Mayroon pang artificial mini-waterfalls. Sa may gilid naman ay may malaking aquarium kung saan may mga magagandang isda na inaalagaan. Meron ding puno sa loob at paggala-gala na mga ibon at paru-paro. It's like a whole nature in one room.

Hindi ko mapigilan ang mamangha sa ganda noon. Hindi halata na man-made ang karamihan doon. Ang tunay lamang yata roon ay ang malaking puno kung saan may mga iilang ibon.

"It is so beautiful here," I murmured. I heard him sigh beside me.

"At last, you talked again." Tila nakahinga siya nang maluwag. Nilingon ko siya at sinimangutan. He just chuckled.

Naagaw ng maliit na bahay sa gitna ang aking atensyon. Bumilis ang tibok ng puso ko nang mapagtanto na kung ano ang maaaring nakatira roon. At hindi ako nagkamali. Later on, a familiar cute creature ran towards us. Agad siyang umikot-ikot kay Greg na tila naglalambing. Bigla tuloy akong nalito kung pusa ba siya dahil sa ginagawa niyang pagkiskis ng sarili sa binti ni Greg.

"Hi there, Gregian. Your mother is here!" Greg said after he kneeled in front of it. Napangiti ako at lumuhod sa tabi ni Greg.

Gregian faced me at agad akong dinamba. He began to sniff my scent like his familiarizing me. Later on, he began to bark. I know he already recognized me. Niyakap ko siya at pinasada ang mga daliri sa kaniyang makapal at puting-puti na buhok. I sighed and I can't help but to smile.

"I miss you baby," I murmured. Biglang nawala siya sa yakap ko. Narinig ko rin ang tahol niya na tila nagpoprotesta. Nakita ko na lamang siya na buhat ni Greg at muling ibinalik sa maliit na bahay. Ang nakabukas na pinto noon ay sinara ni Greg. Kunot ang kaniyang noo nang bumalik sa tabi ko.

"Ano ba? Bakit mo siya kinuha agad?" I asked. I even pouted, nabitin ako sa pagyakap kay Gregian.

"H-he needs to sleep now!" Umiwas siya ng tingin. Namumula na naman ang kaniyang pisngi, leeg at tenga. Napasimangot ako at kumamot sa noo.

"Sleep? Ang aga pa! Tsaka matutulog siya kung kailan niya gusto," reklamo ko. He just shook his head.

"No. You can hug him again and say sweet things on him if I already bought him a wife. Understand?" He asked with a serious face. Matagal akong nakatitig sa kaniya at unti-unting napatawa nang may mapagtanto.

"Wait— what?" I laughed and touched my stomach as I feel it ached because of too much laughing. Sumimangot siya sa akin at lalo lang akong napatawa. Tinuro ko siya at pinilit na ayusin ang sarili, "Don't tell me, you're jealous? Damn Greg, he's an animal for pete's sake." I continued laughing. Natigilan lang ako nang dumampi ang mainit niyang labi sa akin. Sandali lang iyon but it is more than enough to stop me and to have a heated cheeks.

"There. You just uttered some curse and I don't want to hear that from your little pretty mouth. Okay?" I nodded, still stunned because of his kiss. He let out a boyish grin then winked at me playfully. I felt my heart almost jumped out from my chest. Oh my God!

"Let's go."

Nagpatianod lamang ako sa kaniyang hawak. Bumalik kami sa living room ng mansion at pinaupo niya ako sa kulay cream na sofa. He sat beside me. Agad lumapit ang isang kasambahay. Mukha nga siyang hindi kasambahay dahil napakaganda ng uniform nila. It's a white long sleeve top and a black pencil cut skirt. Their hair was fixed into a tight bun.

"What do you want, kitten, hmm?" Mapungay ang kaniyang mata habang nakatitig sa akin. His arm is on the back of my seat and in a possessive position. Uminit ang pisngi ko sa lambing ng kaniyang boses. My mind suddenly became black, don't know what to say.

"A-ah, k-kahit ano na lang," nauutal kong saad. Greg bit his lips and nodded.

"Slices of cakes will do and a pineapple juice. Also a tuna spread sandwich." Hindi iniwan ng kaniyang mata ang aking mukha. Habang nagsasalita ay nasa akin ang kaniyang buong atensyon. Tumikhim ako at pasimpleng hinaplos ang braso dahil sa naninindig na balahibo.

"Just few minutes, master." The maid bowed before leaving. Umiwas ako ng tingin mula sa nakapanlalambot niyang tingin. I tried hard to focus in looking around ngunit ramdam na ramdam ko ang titig ni Greg.

"W-where's Lovi?" I asked. He 'tsk-ed', kaya napatingin ako sa kaniya. Ngumuso siya at sumubsob sa aking balikat. Kinabahan ako dahil sa takot na marinig niya ang mabilis na tibok ng aking puso.

"Why are you looking for her?" He asked. As he talked, his voice softly vibrated on my body. Dumausdos ang kaniyang braso at lumapat iyon sa aking likod. Pumulupot at nagpahinga ang kaniyang mainit na palad sa kanang bewang ko.

"S-she's my friend," sagot ko. Hindi ako makapagconcentrate lalo na nang magsimula siyang gumuhit ng kung ano-anong linya sa aking tiyan.

Hindi siya natinag kahit na dumating na ang babae at may dalang tray. Pinanood ko lang ang babae kahit na ang utak ko ay nasa mga ginagawa ni Greg sa aking bewang. The maid doesn't mind our position. Ni hindi siya sumulyap sa amin, like it is forbidden to do. Hanggang sa umalis siya.

"Greg, o. Kain na tayo," saad ko.

"Eat up. I'm already contented on our position."

At iyon nga ang nangyari. Hindi siya gumalaw ng pagkain at nanatili sa ganoong posisyon samantalang ako ay marahan na kumakain. Paminsan-minsan siyang gumagalaw hanggang sa napwesto na ang noo sa bandang leeg ko at ang kaniyang labi ay sa bandang collarbone.

"Hi Eirian! Long time no see!"

Mula sa grand staircase ay bumaba si Georgiette. She's wearing a yellow dress at nakatali ang kaniyang itim na itim na buhok. Her dark eyes immediately caught my attention. And I realized na pareho pala kami. Kamukha namin ang aming kuya at pareho pa kaming bunso. Hindi ko nga ma-gets kung bakit naniwala si Greg kay kuya na girlfriend niya ako.

Humigpit ang hawak sa akin ni Greg. Ngunit wala iyong nagawa nang itulak siya ni Georgiette at napahiga siya sa sofa. Niyakap ako ni Lovi nang mahigpit.

"I miss you so much!" She squealed and giggled. I laughed and caressed her back.

"Lovi Georgiette!" Greg said in a calm but warning tone. "She's eating so let her go, now." Madiin niyang saad. But instead, she tightened the hug at hinila pa ako patayo.

"You're here, omo! Hindi ako nakapagpaalam sa'yo because kuya didn't let me! And I'm happy to see you again, Eirian," she sincerely said.

"Me too, Lovi. I am happy. I miss you."

"Waaah! I miss you, too! So much!" She's so hyper at nagtatalon-talon pa at muli akong niyakap.

"Lovi, don't you dare! Eirian is straight, so you're hopeless."

"Nye-nye. May nagsalitang gago!" Nanlaki ang mata ko.

"What? What did you just say?" Gigil na tanong ni Greg. Kapwa kami napatingin sa kaniya.

"Gago ka. You don't deserve Eirian. You didn't even hear her out," pinatigil ko siya but she's persistent at mukhang pikon na rin. "Akala mo ikaw lang ang agrabyado. She suffered the most. She lost her dad, and she was depressed. Hindi lang ikaw ang nahirapan. You're so deaf, blind and heartless, kuya. I want you to be happy, but I think kuya Lyndon deserves her more."

Matagal na katahimikan ang pumainlang. Tanging mabibigat na hininga lamang ang maririnig. I bit my lips and stopped myself from looking at Greg. I don't know why I'm scared to see his reaction. Kuyom ang kamao ni Georgiette. I can't believe on her sudden outburst. Hindi ko 'yon inasahan at napaghandaan. But is it better he already know the real reason?

"W-what?"

Sa wakas ay nagawa ko ng tumingin kay Greg. He seems shocked. Umiling siya at mariin na pumikit. Sa pagbukas ng kaniyang mata ay diretso ang kaniyang tingin sa 'kin.

"That's really the reason, Greg. I'm sorry if I left in a sudden that time. Hinihintay ako ni Papa noon dahil isasalang siya sa operasyon." Halos bulong ko na lang iyon nang nasabi.

"You didn't let her explain. So what now?" Lovi asked sarcastically.

"Let's talk alone, Agape. Let's g-"

"Dieu! Dieu!"

Natigilan kami nang dumating si Elixir na nagmamadali. Kasunod niya sila Last at Xicarus. Kumunot ang noo ko nang makita si Elene na kasama nila. Isn't it weird that she's with them?

"What?" Greg asked irritatedly. Hinawakan niya ako sa kamay at tumayo sa tabi ko,"Agape and I need some privacy." He added.

"Huwag muna. Huwag muna kayo gumawa ng baby. Nagkaroon ng emergency sa Academy!" Elixir answered.

"What? What emergency?"

"Sumama ka na lang sa 'min, Dieu," seryosong saad ni Last. His eyes fixed on me. Kinabahan ako dahil tila may gusto siyang iparating sa akin. May kinalaman ba ang emergency sa 'kin?

"Damn, let's go," Hinarap ako ni Greg at hinaplos ang aking pisngi. "We will talk later, alright, kitten?" He kissed me on my forehead bago kami naglakad palabas ng mansion.

"Sama ako sa'yo Elixir!" Lovi shouted.

"Stay here, Lovi." Greg said.

"No, sasama ako. Kay Elixir ako sasama."

"You'll ride me, baby?" Elixir asked.

"Wanna die, Elixir?" Greg gritted his teeth. Namutla si Elixir at hinarap si Lovi.

"Huwag ka na sumama, okay? You can ride me next time," he chuckled and pinched Lovi's cheek. Lovi pouted ngunit walang nagawa.

Napangiti ako. Mas nakikinig pa siya kay Elixir kesa sa kuya niya. I shook my head. Elixir and Lovi? Not bad.

Sumakay agad kami sa sasakyan. Kasama namin si Elene. Ang tatlong lalake naman ang magkakasama sa kabilang sasakyan na dala nila. Nilingon ko si Elene. Pinapagitnaan nila ako ni Greg.

"Why are you here, Elene?" I asked. Umiwas siya ng tingin. Kinabahan ako sa mga bagay na tumatakbo sa isip ko but I pushed it all away.

"W-wala lang. I just want to see Dieu's mansion," saad niya at tuluyan ng umiwas. Sa may bintana lamang siya nakatingin.

Greg's hand on me tightened. Nilingon ko siya and I caught him eyeing Elene with his forehead knotted. Alam ba niya ang ginawa ni Elene noon?

Pinanood ko na lamang ang mga dinaraanan namin. I watched the tall trees and grassy land. Hindi ko alam ngunit hindi maganda ang kutob ko. Labis akong kinakabahan at hindi mapalagay sa kinauupuan. Sinulyapan ko si Greg na tulalang nakatingin sa glass partition na nasa harap namin. Tila may iniisip siyang malalim.

Si Elene naman ay ganoon din. Kunot ang kaniyang noo at pinaglalaruan ang labi, hindi rin mapalagay. Sumilip ako sa may likod at nakita ang kotse na sinasakyan ng tatlo. Something is really not right here.

"Greg. Hindi maganda ang kutob ko."

Napatingin sa 'kin si Greg at kumunot ang noo. Akmang magsasalita siya nang malakas na pumreno ang sasakyan namin dahilan para halos tumalsik kami sa loob. Greg immediately hugged me tight. I heard him muttered some curses. Umikot ng ilang beses ang kotse bago ito bumangga sa matigas na bagay.

Pagmulat ko ay may maliit na sugat si Greg sa noo. Agad kong sinulyapan si Elene na ngayon ay nakayuko. Nanlaki ang mata ko at umusog palapit sa kaniya. I touched her face at iniangat iyon. Bloods are flowing down from her forehead. Mukhang masama ang pagkakatama niya sa may glass partition.

"Elene. Elene." I called her out. Narinig ko ang pagkatok ni Greg sa may glass partition. He cursed again.

"Greg, huwag mong buksan ang pinto." Kabadong-kabado ako at pilit na inaaninag ang nasa labas.

"No. I need to know what's on the outside. The driver isn't responding," seryoso niyang saad.

"B-baka nagkaproblema lang sa preno, Greg. Huwag ka na lumabas," I almost pleaded. Kahit anong gawin kong pagtulak ng mga dahilan sa utak ko, na baka may problema lang ang kotse, ngunit nangingibabaw sa akin ang dahilan na may tao sa labas.

And that will be worst.

Sumilip siya sa likod. Hindi namin nakita ang kotse nila Elixir. Lalo akong kinabahan. Inalog ko si Elene at dahan-dahan naman siyang nagmulat.

"Don't go outside, okay?" Greg said. Inilingan ko siya, nagmamakaawa na huwag lumabas. I suddenly remember the threats. Paano kung ngayon na 'yon mangyayari?

"Greg naman..."

"I'll be okay," he kissed me on my forehead bago lumabas ng kotse. Agad niya iyon na sinara. Nawala siya sa paningin ko nang tumungo siya sa may bandang harapan.

"What the hell happened?" Elene asked. Napatingin ako sa kaniya at nanghihina na umiling.

"Hindi ko alam, basta bumangga tayo," saad ko. Sinapo niya ang noo at umayos ng upo. Sumilip siya sa may bintana at napailing.

"I'll go to check," she said.

Hindi na ako nakapagsalita nang lumabas siya. Nanlaki ang mata ko sa realisasyon. Greg is outside and Elene followed. Paano kung si Elene ang nagpadala noon? Greg is great and he can fight. Pero paano kung hindi niya inaasahan ang magiging pagsugod ni Elene.

Suminghap ako at agad na lumabas ng kotse. Mabilis akong tumakbo at hinanap ng aking mata si Greg. Napakabilis ng tibok ng akin puso. Halos mapaatras ako sa senaryo na sumalubong sa akin.

Maraming mga nakaitim na tao ang nakapalibot kila Elene at Greg. Damn it! Tinignan ko ang driver seat at nagtakha nang walang makitang tao sa loob. Paanong nangyari 'yon? Lumabas? Tumakas? But I'm sure he's dizzy because of what happened!

Halos madapa ako nang may tumulak sa akin mula sa likod. Hinila niya ang damit ko at pinilit na pinatayo para kaladkarin patungo sa pwesto nila Greg. His eyes widened when he saw me. Inabot ko ang kamay na nakahawak sa likod ko at agad na sinipa sa mukha. I ran towards Elene and Greg.

"Bakit ka lumabas?!" Greg asked. Pulang-pula ang leeg pababa sa may dibdib dahil sa galit. Hindi ko 'yon pinansin.

"Nasaan sila Elixir?" I asked. He shook his head habang kunot na kunot ang kaniyang noo.

"Ano na naman ba 'to?" Elene asked. The people that surround us began to attack.

Agad humarang si Greg na tila inaako ang lahat ng atake. Napailing ako at umalis sa likod niya. I can already fight and I am not very weak anymore. Alam ko naman na kahit papaano ay nag-improve na ako in terms of fighting.

"Damn it, Agape. Stay at my back."

Hindi ko siya pinansin at sinalag ang mga atake ng kalaban. I held the fist of the guy and kicked him on his chest. Agad niya iyon sinapo at natumba, naghabol ng hininga. I locked the other's head and twisted his neck. Agad akong bumwelo para sipain sa mukha ang papasugod saka binitawan ang hawak ko na lalake.

Greg is also fighting. Iniiwasan niya ang mga suntok at matapos iyon ay nagpapakawala rin siya ng suntok at sipa. Agad akong umupo nang may tumatakbo para hampasin ako ng bat. Tinuwid ko ang paa at sinipa ang pagitan ng kaniyang hita. Inagaw ko ang bat saka nilabanan ang iba pa.

Elene is also using her greatness in tae kwon do. Hindi makalapit sa kaniya nang tuluyan ang kalaban dahil sa mga pinakakawalan niyang sipa at suntok. Halos matumba ako nang lumapag sa aking pisngi ang isang suntok. It feels like my bone in jaw cracked. I clench my jaw at agad na hinarap ang sumuntok sa akin. I hit him with my bat.

Ilang beses din akong natamaan ng suntok ngunit hindi ko 'yon inalintana. Namumula na rin ang kamao ko dahil sa mga suntok na pinakakawalan kaya palit-palit ang ginawa ko. Sometimes I hit them with the bat, or kick their asses, punch them and twist their necks.

Hanggang sa dumating ang tatlo na may iilang pasa na rin. Hinihingal pa siya ngunit agad din na sumalang sa paglaban.

"Saan kayo galing?" Tanong ko at sinuntok ang nasa harapan. Umilag ako sa suntok ng isa pa at hinuli ang kaniyang braso saka pinilipit. His face twisted in pain.

"Hinarang din kami. Tangina much," Elixir cursed at gumanti ng sipa sa kalaban.

Last blocked my view at siya ang lumaban sa mga sumusugod sa akin. Kumunot ang noo ko at napanguso.

"What the hell, Last?"

"Just run away," seryoso niyang saad. Umiling ako kahit hindi pa niya iyon makita.

"No. Hindi ako aalis. It's better to be hurt because I fought than to run and die. Wala naman kasiguraduhan na kapag tumakbo ako paalis ay ligtas ako."

Tinalikuran ko siya at lumayo sa kaniya. Pinagpatuloy ko ang paglaban. Hindi ko alam kung saan sila nagmula at bakit nila sa 'min 'to ginagawa. Living with the blood of mafias isn't easy. Magulo at laging may panganib. Ngunit hindi 'to maiiwasan because it already runs on our blood.

Another batch came. Sa tagal naming nakipagpalaban, may mga dumating muli na mukhang fresh na fresh pa. Natigilan ako at huminga nang malalim. It's impossible na may phone ang kahit sino man sa kanila since cellphone isn't allowed inside the academy. Kaya hindi kami makakahingi ng tulong mula roon.

Wala kaming nagawa kung hindi labanan sila kahit nakakapagod. Si Elene ay natumba na rin. I immediately went in front of her to protect her from the attacks of the enemies. Mahirap ang ginawa niya lalo na at puro physical lang ang ginamit niya sa buong durasyon ng laban.

"What the fuck do you need from us!?" I heard Greg asked sa kaniyang kalaban. Ngumisi lamang iyon at nagpakawala ng suntok. But Greg immediately caught his fist at sinuntok din ito sa mukha.

Umikot ang tingin ni Greg. Nang makita niya ako ay tila nakahinga siya nang maluwag. I smiled at him and wave my hand.

"Don't worry about me, I can fight!" Pinakita ko pa sa kaniya ang aking bicep. He laughed ngunit muling sumeryoso ang mukha.

"Take care," he said. I said it back. Ayoko ng maging weakness niya ako katulad noon. I want to be his strength. Iiwas na sana ako ng tingin but he mouthed something that almost melt me.

"I love you."

Kailan ba niya sinabi sa akin ang tatlong salita na 'yan? His actions says it sometimes pero iba rin pala kapag sinabi niya. Napangiti ako at pinilit na nagfocus sa ginagawa. I'll definitely say it back to him later.

But it seems like the destiny wouldn't let me. Ang mga bagong dating na mga kalaban ay mas magagaling. Na parang binuhay sila para lumaban at pumatay. Ilang buwan lang ako nagtraining kaya nahirapan akong makisabay sa mga maliliksi nilang kilos. And it's a great achievement sa tuwing nakakapagpatumba ako.

"Eirian, let's go!" Elene shouted and caught my wrist. Nalito ako bigla sa ginawa niya kaya pinilit ko na makawala.

"Bakit? Ano ba, Elene? We need to fight!" I shouted back kahit malapit na siya sa akin.

"No. Ito ang gusto ni Greg. Susunod sila sa 'tin mamaya," mariin niyang saad. Natulala ako at pilit na pinabigat ang mga paa upang hindi niya matangay.

"This is not your plan Elene, right?"

Pakiramdam ko ay sobrang sama ko nang panahon na 'yon. Is it bad to doubt her? Paano kung katulad dati, may plano pa rin siyang patayin ako? At sa pagtakas namin na gusto niyang gawin ay ilalayo niya ako saka niya isasakatuparan ang plano.

Her eyes turned bloodshot. Malungkot siyang ngumiti hanggang sa nahulog ang mga butil ng luha mula sa kaniyang mata. Tila piniga ang puso ko habang nakatingin sa kaniya. I'm sorry.

"I know I did something wrong from the past, Eirian. I tried to kill you. I'm really sorry about that. Hindi kita masisisi kung hindi mo na ako pinagkakatiwalaan. Pero hindi ko na 'yon uulitin, hindi na. I learned my lesson very well. Trust on me this time, please."

Pinahid niya ang luha. Nanghihina pa ako sa pag-iyak niya nang magsimula siyang tumakbo at tangay ako. Ang mga sumubok na harangan kami ay sinisipa at sinusuntok niya.

I feel so guilty. I am the bad person right now. Dahil pinagbibintangan ko siya. Iniisipan ko siya ng masama. Iyong taong nagsisisi ay pinag-isipan ko ng masama.

"Elene, Elene. Let's go back there. Ayoko ng tumakbo palagi." Pinilit ko na hilain ang kamay ko pabalik.

Natigil siya sa pagtakbo at hinarap ako. Suminghap siya ng hangin at naghahabol ng hininga. Pinunasan niya ang ilang butil ng pawis sa kaniyang noo. May bakas pa ng dugo roon dahil sa pagka-untog niya kanina.

"I want you to be safe, Eirian. I'm here to protect you. Kaya ako sumama kila Elixir kasi hindi maganda ang pakiramdam ko. Simula nang magawa ko 'yon sa'yo, nagsisi ako at naisip ko na sa pagbalik mo, I'll sacrifice my life for you in any way. Hindi lang dahil sa naguilty ako because you're so important to me, Eirian. Please just come with me," she pleaded. Napailing ako.

"I'm sorry for judging you Elene. At ngayon hindi ko kaya na iwan lang sila roon," suminghap ako at nilibot ang tingin sa paligid. Tila nasa gitna kami ng gubat. "I want to fight. Ayoko ng ako na lang lagi ang pabigat, ang pinoprotektahan. Nakakapagod din. Please."

She sighed and smiled. Niyakap niya ako nang mahigpit at hinaplos ang likod ko.

"Where's our weak and scared Eirian? You improved so much!" She murmured.

"Thanks to you guys. Simula nang pumasok ako sa academy, marami na akong natutunan. Kaya hindi ko 'yon pagsisisihan kailanman."

Sabay kaming tumakbo pabalik kila Greg. Entering the Academy is the best thing that I did. I can't help but to smile upon remembering the seventeen years old version of me. Who carelessly climbed up the gate just to escape from the beast's den as I call it in the past.

Natigil kami nang makasalubong namin si Adela. She's looking around.

"Hey!" I called her out. Kumunot ang kaniyang noo nang makita ako.

"Where's Greg?" She asked. Napangiti ako habang nakatitig sa kaniya. She really loves Greg. But sorry, Greg is really mine.

Sumabay siya pabalik sa 'min. Agad naming nilabanan ang mga naroon. Pagod na pagod na sila nang makabalik kami. And I can understand it dahil kanina pa sila nakikipaglaban. Napapatumba nila ang marami ngunit may mga bagong dumarating.

"Bakit ka pa bumalik?" Last asked. His eyes landed at the person in my back. "You're with Adela?" He added. I nodded.

"Nakasalubong namin siya," saad ko.

"Hindi siya humingi ng tulong sa academy?" Nagkibit balikat ako at sinalag ang suntok ng kalaban.

Natigilan kami nang makarinig ng putok ng baril. Agad kong inisa-isa ang mga kasama ko at nakahinga ng maluwag nang walang nakita na natamaan.

"Saan nanggaling 'yon?" Bulong ko sa sarili. Iyon ang mahirap dito. Kapag may dalang baril at ginamit 'yon. Siguradong mas agrabyado kami.

Dahil ang baril kahit malayo, pwedeng makapatay ng tao. Dapat physical lamang.

"Kitten, bakit ka bumalik?" Napalingon ako kay Greg na nasa may tabi ko na ngunit patuloy pa rin sa pakikipaglaban. Sinipa ko ang tuhod ng aking kalaban bago muling sinulyapan si Greg.

"Because I want to fight. I'll never leave you again, Greg."

"In this case, I want you to leave," seryoso niyang saad. Ngumuso ako.

"Kapag umalis ako ngayon, 'di na ako magpapakita sa'yo ulit. Ano, pili na? I'll stay or you'll let me stay?" He grinned and shook his head.

"Keep safe, okay. We will still have our twelve babies soon."

"Greg nga!" He laughed at muling sumeryoso sa pakikipaglaban.

Makalipas ang ilang minuto ay napagpasyahan namin na kumilos. Tatakbo kami palayo mula sa lugar na 'yon. Of course we will still fight. Ngunit dapat naglalakad kami palayo nang palayo hanggang sa malaman ng academy ang nangyayari. May iilang men in black hundred meters away from the academy.

Makita lang nila kami ay maaalerto na sila. Or maybe one of us will run towards the academy kapag malapit na kami. Iyon nga ang nangyari. Agad na sumunod ang mga kalaban kaya napapahinto rin kami sa pagtakbo at paglakad.

Nang marami na ang napatumba na kalaban ay mabilis kaming tumakbo. Greg is holding my hand while we are running. We are all anticipating. Napakabilis ng tibok ng puso ko, hindi lang dahil sa pagtakbo kung hindi para sa antisipasyon na marating na namin ang akademya.

Napilitan si Greg na bitawan ako nang may mga sumalubong sa amin na kalaban. I am now really curious kung saan sila nanggaling at kung saang organisasyon sila nakapailalim. They are unlimited and it's tiring the shit out of me.

Nagkahiwa-hiwalay kami dahil sa mga kalaban. Lalo na ang mga nasa harap ko na panay ang hakbang patungo sa akin at ako naman ay umaatras habang nagpapakawala ng mga atake.

Hanggang sa hindi ko na nakita ang mga kasama ko. Ramdam ko na ang labis na pagod at pananakit ng katawan dahil sa pakikipaglaban. Ngunit hindi ako maaaring sumuko. I must stay standing. Dapat kumpleto kaming lahat makakabalik sa academy.

Natapos ko ang lahat ng nasa harapan ko. Babalik na sana ako sa pwesto namin kanina but someone blocked me. May hawak siyang baril at nakatutok sa akin. Mabilis ang hininga ko habang nakatingin sa kaniya. Pamilyar ang ganitong senaryo. Humakbang siya palapit at ako naman ay umatras. Hanggang sa napasandal ako sa malapad na katawan ng puno. Ngumisi siya sa akin ng nakaloloko.

"Shock? Why? Sa tingin mo hindi ko 'to magagawa?"

Malungkot akong ngumiti at umiling.

"No I'm not. After everything, hindi na ako mabibigla. Nothing is unexpected already."

"Just shut up. You'll taste your death now."

*******

Supladdict<3

Continue Reading

You'll Also Like

4.3M 120K 110
Nemesis Louie Montero is a class S assassin who was given a mission to marry the mafia boss of a certain organization that would help them rise from...
219K 2.2K 8
"How much do you love her?" Tanong ni Pierce kay Wrath. Wrath smirked. "I had her pictures in every corner of my room. That's how." The baritone vo...
14.7M 325K 48
Her name is Monique Lee Gomez Samonte, a rich girl who was sent back by her parents to the Philippines because of her bad attitude. She's a war freak...
1.7M 42.7K 59
This is a story of how a simple girl will deal with bunch of guys who are unsure of their lives para makuha nya yung inaasam nyang scholarship. Makam...