Angst Academy: His Queen

By supladdict

14.3M 435K 99K

Highest Rank Reached in Action Category: Rank #1 Her innocence. Their violence. How come a weak and innocent... More

Prologue
Author's Note
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Epilogue
Special Chapter

Chapter 35

210K 6.2K 1.2K
By supladdict

Her POV

"A-ano pong ibig niyong sabihin?" Umatras ako at bumitaw mula sa yakap niya. Lumamlam ang kaniyang mata at tumitig sa akin.

"You're my long lost daughter, Eirian. Matagal na kitang hinahanap, and I'm happy that I already found you," he said and touched my face. Napapikit ako at pinakiramdaman ang haplos niya. Sabi nila may iba kang mararamdaman sa magulang mo dahil lukso ng dugo 'yon, and now, I'm feeling something for him.

"T-talaga po?" Uminit ang sulok ng mata ko at tuluyang napaiyak nang tumango siya. Inilahad niya ang dalawang braso, agad akong lumapit sa kaniya at niyakap siya.

I cried hard on his chest. Thanks God that I already met my father. Hinihiling ko 'yon pero hindi ko inakala, I didn't expect na makikita ko talaga siya. And it's overwhelming.

"Sir, can you prove it?" I heard Greg asked. Tinignan ko siya. I saw him looking at us.

"Ah, of course. I have the DNA result at kahit ipaulit niyo pa 'yan, it will show that I am his father. At kitang-kita naman sa mga mata namin, hindi ba?" He answered. Greg sighed and nodded. May inabot sa kaniyang papel ang headmaster. I think iyon ang DNA result.

"See? I know it youngman. Iniisip mo na puno ng kasinungalingan, manipulation at kaguluhan sa mundo natin na magiging mundo na rin ng anak ko at naiisip mo na baka niloloko ko lang kayo. But I'm sure that the beautiful lady here in my arms is my daughter." His hug tightened and he caressed my back.

"And I helped the headmaster, wala na ang mga kalaban na sumugod sa inyo. My men pulled them out and I'll surely punish them. Aalamin ko kung sino ang nagpapunta sa kanila sa akademya na 'to. They even hurt my daughter which I'll never forgive." He added in a very dangerous tone.

"Are you happy?" Napalingon ako kay Greg na nakatitig sa akin. I nodded and smiled.

"Oo naman, sobra. Kaya pala may kakaiba akong nararamdaman sa kaniya na hindi ko maipaliwanag, because he's my father." Matamis akong napangiti at pinanood ang mga estudyante na nasa paligid.

We are still on the gymnasium dahil bukas pa darating ang team na magre-renovate ng mga dorm namin na nasira dahil sa mga kalaban. I felt Greg's arms on my shoulder. He pulled me closer hanggang sa nakadantay na ang ulo ko sa dibdib niya. He combed my hair with his fingers.

"I'm happy, too that you're happy. I only wish for two things. One of it is your happiness." He murmured. Napapikit ako at pinakinggan ang tibok ng puso niya.

"Hmm, and what's the other one?" I asked. Humikab ako at napasiksik sa kaniya. I heard him chuckled.

"You're really a kitten, my Agape," he murmured. Bumigat ang talukap ng mata ko.

"Ano nga 'yung other one? Malay mo, isa ako sa mga maka-grant no'n." I said sleepily. This day is really tiring. Nararamdaman ko na ng pagod ko sa buong araw na 'to.

Napaayos ako ng upo nang kumilos siya. Sumandal siya sa pader saka ako hinawakan sa balikat at marahan na hinila papunta sa kaniya. I smiled at him samantalang siya ay titig na titg lang sa akin.

"Good night, Greg." I murmured. I felt a warm thing pressed on my forehead.

"Good night, my kitten. Dream of me," he answered. Unti-unti na akong nilamon ng antok hanggang sa makatulog na ako.

"And the other one is, I want to be with you, forever."

"O, blower?" Pinakita sa akin ni Elene ang hawak niya na red na blower. I shook my head at pinakita sa kaniya ang tuwalya na hawak ko.

"Okay." She said saka niya iyon ginamit. Sunod na dumating si Sunshine na may nakapulupot rin na tuwalya sa ulo.

"Pahiram ako Elene later, ah," Saad niya at umupo rin sa tabi ko.

"Mabuti naman at pinayagan tayong maligo sa shower room nitong gymnasium." Ani Elene habang patuloy na pinapatuyo ang buhok.

"Sandali lang naman. Sobra tayong minamadali, 'yung ligo ko na dapat 30 minutes and up naging 10 minutes na lang. Grabe 'yon, a." Reklamo ni Sunshine.

"Paano pa sa mga lalake, siguro nag-wisik wisik na lang 'yung mga 'yon." Bawi ni Elene.

"Arggh! Nakaka-imbyerna! 'Yung one hour ko na ligo naging 5 minutes na lang!" Napatingin kami kay Clarence na kakarating lang.

Bumaba ang tingin ko sa suot niya. He's just wearing a sando kaya kitang-kita ang mga braso niya.

"Wow bakla! Nagda-doubt na talaga ako kung bakla ka ba talaga! Tignan mo nga 'yang mga muscles mo, o! Halata pa 'yung abs mo," saad ni Elene. Clarence rolled his eyes at umupo sa tabi ni Sunshine.

"Ewan ko ba dito. Mag-isang tumubo 'yang mga 'yan. Nabi-bwiset na nga ako, e," sagot niya at sumimangot.

"Sus, talaga ba? O baka patago kang nagwo-work out." Elene teased.

"Punyeta tigilan mo ako Elene. At ako kapag nainis sa'yo, iuumpog kita sa six pack abs ko."

Nanlaki ang mata ni Elene, "Sige ba! I'm willing!" She giggled.

"Ugh! Tigilan mo ako, Elene! Tomboy ka na ba? Nasaan na ba 'yung boyfriend mo na si Jeff?" Elene didn't answer. She just made a face.

"Pero bebe girl, ha? Binigla mo naman si ako! Anak ka pala ni Lord Valentino. Bongga!" Baling sa akin ni Clarence. I smiled and comb my hair.

"Kahit din naman ako nabigla. No one expected that," saad ko.

"He's one of the strongest mafia leader and you're his heiress. Wait, may kapatid ka ba?" Elene asked. I slowly shook my head.

"Hindi ko alam, hindi pa kasi kami nakapag-usap nang matagal. But I think, later. But know what, I'm really excited. Gustong-gusto ko na kaming dalawa lang muna tapos mag-uusap kami. Aalamin 'yung mga nangyari noong mga panahon na hindi kami magkasama. I want to feel that feeling of having a father. Wala akong ina at lumaki rin na walang ama. But now, natagpuan niya ako. Kaya gustong-gusto ko na makasama ko siya." Litanya ko. Tumango naman sila at niyakap ako ni Elene.

"I'm happy for you bebe girl. Marami talagang bagay na nangyayari na hindi inaasahan. Life is full of surprises." I nodded and smiled.

"Hindi na ako nagtataka sa kakayahan mo. Now, I'm enlightened regarding on your surprising strength. Malakas ka kasi pala malakas ang pinagmulan mo. It really runs in the blood and you just need to practice more and yeah! I'm sure no one will try to mess up with you anymore," saad naman ni Sunshine at ni-pat ako sa ulo.

"Pero ang mga mafia leaders ay matatalino. Matalino ka naman pero slow lang at masyadong inosente. Dapat patalasin mo 'yang utak mo. Ibang mundo na ang papasukin mo," saad naman ni Clarence. I shook my head.

"As far as I can, ayoko sana pasukin ang sinasabi niyong mundo. Masaya na ako na nakilala ko si Lord Valentino at nalaman na ama ko siya, pero 'yung underground world? Hindi ako nababagay do'n, Clar. Hindi ko kaya malaman ang mga gawain nila na alam ko ay hindi lahat legal," mariin kong saad. He frowned.

"E, paano si Fafa Greg? I think he's from underground world! Lord Valentino knows him." Natigilan ako at napatitig sa kawalan. Kapagkuwan ay huminga nang malalim.

"Bakit nadamay si Greg?" Tanong ko. They heaved a sigh in unison and shook their head.

"Lady Agape." Napalingon ako sa tabi nang may lalake na tumawag sa akin. Kumunot ang noo ko at tinignan siya.

"Bakit?" I asked.

"Please follow me. Lord Valentino wants to see you," saad niya. Tumango ako at tumayo. Inayos ko ang buhok sandali saka nagpaalam kila Elene.

Lumabas kami sa gymnasium at naglakad papunta sa Bureau du Proviseur. Pagdating namin doon ay nakita ko si Lord Valentino at headmaster na magkausap. They both look at me when I arrived.

Tumayo si Lord Valentino at naglakad patungo sa akin para yakapin ako. I hugged him back. Hinalikan niya ako sa noo bago hinaplos ang aking pisngi.

"How's your sleep?" He asked. I smiled.

"Okay lang po. Naging unan ko po si Greg," saad ko. Napangiti siya at ginulo ang buhok ko.

"Do you like that young man?" He asked. Nanlaki ang mata ko at uminit ang pisngi. I heard the headmaster's laugh at naglakad din siya palapit sa amin.

"I really like this kid, Lord Valentino. She's just so adorable and natural. Kakaiba siya and that what makes almost everyone love her." Lalong uminit ang pisngi ko sa pag-puri sa akin ng headmaster. Nginitian niya ako bago ako bumaling kay Lord Valentino.

"Ahm, pinapatawag niyo raw po ako?" I asked. He nodded.

"Ah, yes! I just want to inform you na aalis tayo mamaya. I want to be with you and you know. Catch up." He smiled widely. Nanlaki ang mata ko at agad na tumango.

"Sige po. Ihahanda ko lang 'yung ilang damit na gagamitin ko," saad ko. He shook his head.

"No need, sweetheart. Ako na ang bahala ro'n." Napangiti ako at hinayaan siyang yakapin ako.

"Oh God, it's been a long time since I became this happy. Thank you for giving me back my gemme." He murmured.

"Anong oras ang alis niyo, Lord Valentino?" Headmaster asked.

"Later, anong oras ba gusto mo gemme?" He asked.

"Kahit po mamayang hapon na. Magpapaalam lang muna ako sa mga kaibigan ko. Pero po sandali lang naman tayo do'n 'di ba?" Tanong ko.

"I don't know how long, gemme. But I'm assuring you that I'll send you back here in the academy," sagot niya.

Nagpaalam muna ako sa kanila at binalikan sila Elene. Nakita ko silang kasama sila Hendrix at Hendrei. The twins saw me kaya agad silang tumakbo palapit sa akin. Halos matumba ako nang sabay nila akong salubungin ng yakap.

"Oopps."

Mahigpit ang yakap nila sa akin. Unang bumitaw si Hendrix at ilang minuto ang dumaan muna bago bumitaw si Hendrei. May ilang galos din sila, mga sugat at pasa. But it didn't cover their cuteness!

"Are you okay?" Sabay nilang tanong. Nagtinginan silang dalawa at matalim na tinignan ang isa't isa.

"Ako muna!" Sabay ulit sila.

"Ako ang nauna, e!" Hindi ko mapigilang matawa sa kanila. Ganito ba 'pag kambal, sabay rin magsalita?

"I'm okay, twins," saad ko at ngumiti sa kanila. Tinuro ko ang pwesto nila Elene. They are eating some junk foods.

"Doon tayo," aya ko sa kanila. They nodded at pumwesto sa magkabilang gilid ko. Yumakap si Hendrei sa braso ko habang naglalakad kami.

"Here, food trip," saad ni Elene at inabot sa amin ang malaking piattos. Nag-indian sit kami at umupo sa tapat nila.

Binuksan ko binigay sa akin ni Elene saka nagsimulang kumain. Nakikikuha rin ang kambal sa akin.

"Bakit ka pinatawag?" Tanong ni Elene. I smiled.

"Lord Valentino info— aray naman Elene." Hinawakan ko ang noo na kinutusan niya.

"Lord Valentino? Tatay mo 'yon beshy!" Saad niya. I pouted. Nabigla ako nang kutusan rin siya ng kambal, tig-isa.

"Putapetes kayong dalawa! Anong ginawa ko sa inyo, mga punyetang de putangina kayo, ang sakit!" Reklamo ni Elene at sinapo rin ang noo. Aambahan niya sana si Hendrei pero nakailag ito.

"Bleh! Ikaw ang nauna, e!" Saad ni Hendrei.

"Pinapakialam ba kita? Tangina mo, a!? Gigil mo si ako!" Pulang-pula ang mukha ni Elene at mukhang napikon talaga siya.

"Ikaw kasi, kinutusan mo si Eirian," saad naman ni Hendrix matapos dumukot sa hawak kong piattos.

"Tangina niyo talagang kambal kayo! Hindi ko kayo pinapakialam, rumble-in ko kayo, e." Nakasimangot niyang saad. Nagliwanag naman ang mukha ng kambal.

"Talaga? Sige, tara!" Saad ni Hendrix. Elene made a face saka ako hinarap. Si Clarence naman na nasa tabi niya ay biglang tumayo at simabunutan ang sarili.

"Hoy, anyare sa'yo bakla?" Tanong ni Elene. Kami rin ay napatingin sa kaniya.

"Ilayo niyo sa akin si Sunshine!" Sigaw niya. Nanlaki naman ang mata ni Sunshie habang nakatingala.

"Ako? E, ikaw ang kanina pa diyan tingin nang tingin! E ano, naghahanap ka na naman ng ipipintas sa akin?" Umismid si Sunshine at nagpangalumbaba.

"Bruha ka. Lumayo ka sa akin." Saad ni Clarence at pina-usog si Elene para magpalit sila nang pwesto. Maya-maya ay dinungaw niya si Sunshine.

"Pero girl, may tanong ako. Pumapatol ka ba sa tomboy, in case?" He asked to Sunshine seriously. Matagal na katahimikan ang namagitan hanggang sa bumulanghit ng tawa si Elene.

"Geez, bakla! Nahanap mo na ba ang tamang landas?" Tawang-tawa si Elene. Samantalang ako ay pilit na ina-analyze ang mga sinabi nila.

Tomboy? Bakit, meron bang may gusto kay Sunshine na tomboy? Parang wala naman akong nakitang tomboy na umaaligid sa kaniya, a.

"Bee, he's pertaining to himself as tomboy." Saad ni Hendrix. Kumunot ang noo ko.

"Ha? E 'di ba bakla siya?" Tanong ko.

"Just don't mind them. Let's just eat piattos." Saad naman ni Hendrei. Tumango na lamang ako at hindi pinansin sila.

"Bye bebe girl. Sumulat ka sa akin, a? Huwag mo akong kakalimutan.." saad ni Clarence at pinunsan ang gilid ng mga mata niya. Nakatanggap naman siya ng sapok mula kay Sunshine.

"Ang OA mo naman. Sulat sulat ka pang nalalaman. Psh," saad ni Sunshine. Tumuwid naman ng tayo si Clarence at inakbayan si Sunshine.

"Selos ka ba? Later, susulatan kita. Saan mo ba banda gusto?" He asked using his original manly voice. Pumula naman ang pisngi ni Sunshine na parang puputok na.

Humaglapak ng tawa si Clarence at lumayo, "Pfft. Kala mo naman! Tse! Hindi ako pumapatol sa kapwa ko babae," saad niya.

Napailing si Elene at bumaling sa akin.

"Ingat ka do'n, a. Huwag ka masyadong pumunta kung san-saan. Curiosity kills the cat and you're a cat. Pfft. Pero balik ka kaagad, a? Baka masanay ka sa buhay prinsesa mo do'n. Aba ineng, nag-aaral ka pa," aniya. Napangiti ako at niyakap siya. Tinapik naman niya ang likod ko.

"Goodbye is permanent so, 'till we meet again! Huhuhu, honey ko." Biglang yumakap naman sa akin si Hendrei at umiyak sa leeg ko. Napailing si Hendrix at yumakap din sa akin.

"Balik ka kaagad bee." He murmured. Natatawa akong tumango.

"Ano ba kayo? Syempre babalik ako. Para naman mamamatay na ako niyan, e. And I'm safe kasi ama ko ang kasama ko, okay? Kayo rin, ingat dito." Saad ko.

"Let's go?" I heard father called me out. I tried to smile and wave my hand.

Wala siya..

Huminga ako nang malalim at tumalikod at naglakad papuntang limousine na nagsundo sa amin. Parang may mabigat sa akin habang naglalakad papunta sa kotse. Hindi man lang ako nakapagpaalam kay Greg.

Tinignan ko ang bukas na pinto ng kotse. I sighed and I almost entered nang may humila sa braso ko at niyakap ako nang mahigpit.

"Hindi ka man lang magpapaalam sa akin, kitten?" He asked. Hingal na hingal siya at napakabilis ng paghinga. Tiningala ko siya at napangiti nang makita ang mukha niya.

"Greg." I murmured. He smiled and rested his forehead on mine. He closed his eyes.

"Damn, sandali lang ba ang dalawang linggo? Just thinking of those days without you is so heartbreaking. I'll miss you baby, my Agape. Come back as soon as possible okay?" He said and opened his eyes. Suminghap ako ng hangin at tinitigan ang perpekto niyang mukha.

I smiled and nodded.

"Of course, I will." I murmured. He smiled sadly and kiss my nose. I felt disappointed kaya sinapo ko ang mukha niya at tumingkayad.

I heard some gasped from the back and I even heard Hendrei sobs.

Uminit ang pisngi ko dahil sa ginawang paghalik kay Greg at nahihiyang ngumiti.

"I need to go guys," saad ko. Napatitig ako kay Greg na tulala lang at namumula ang pisngi. Napangiti ako at tuluyan ng pumasok sa kotse.

Nagsimula ng umandar at tinignan ko sila na unti-unting lumiliit sa paningin ko dahil sa paglayo namin. Nasapo ko ang dibdib dahil sa napakabilis na tibok ng puso ko. Why I suddenly felt bad? Why I feel something strange?

Napatingin ako kay Lord Valentino na nakatitig sa akin. He smiled when I stared at him. I tried to smile back and tried to stop the tension building up inside me.

*******

Supladdict<3

Continue Reading

You'll Also Like

334K 10K 36
Paano kung dumating ang araw na magbago sya. Kaya nya kayang saktan ang taong nanakit at nagpaiyak sa kanya?
5K 283 28
Grew up in Baguio, Charlotte Vandella notices a huge difference from her new hometown named Griffin's Cove. When she messed up with her friends and e...
1.1K 215 32
Nais ni Akihiro Landez na muling magkabalikan sila ni Erika Romulo bilang magkasintahan. Si Erika naman ay wala nang nararamdaman para kay Akihiro at...
14.7M 325K 48
Her name is Monique Lee Gomez Samonte, a rich girl who was sent back by her parents to the Philippines because of her bad attitude. She's a war freak...