Pretend

By Arca_sen

103K 4.2K 364

"I'm not going to pretend to be his bride!"- Yukki "Love is just a word but too painful to feel." - Snow [COM... More

Prologue
Pretend Characters
Sudden Marriage
Wedding Day~
Halloween
Bookstore
Thinking of him
Bonding
Beach Volleyball
Yukki and Senon
Him
Note
Korea
Back to the Philippines
Trouble
Save Him
Disgusted
Trauma
Vanessa Seiki
Vienne Ford Jimsckon
You'll be Okay
Missing you
Special News
Suspicious Cousin
The First Revelation
The Handkerchief
Second Revelation
Angel's Wings
Cooking Lesson
Talk
Telling The Truth
Dexter Riley Parker
Gone
Safe and Sound
Finding Yukki
I've found you
Case Closed
Asking Permission
My Confession
Our Ending
Special Chapter
Unexpected Love

Plan

2K 93 7
By Arca_sen

Yukki's PoV

Ilang beses ko ng tinatawagan si Senon pero hindi parin siya sumasagot ibibigay ko kasi dapat yung USB na 'di niya nakuha.

"Senon, please answer it." Bulong ko pa habang paikot-ikot sa loob ng aking unit.

Tinext ko rin siya pero hindi siya nagrereply. Hindi ganito si Senon, pagtatawag o magtetext ako sa kanya ay wala pa isang segundo ay sasagutin na niya agad ito kaya nakakapagtaka kung bakit hindi pa niya sinasagot ang text o tawag ko.

Wala na akong ibang nagawa kundi tawagan ang boss namin sa kompanya.

Ilang minuto lang ay sinagot niya rin agad ito.

/Yes, may I help you?/Boses ng babae ang narinig ko at baka secretary niya ito.

Huminga muna ako ng malalim bago ako nagsalita.

"Can I talk to Sir.Madrigal?"

/May I know who you are?/ Napatigil ako sa tanong ng babae. Kaya naman huminga ulit ako ng malalim bago siya sagutin.

"It's me, Snow." Matagal na hindi nakaimik ang babae.

Ganun ba ka big deal ang pagpapakilala ko? Na kailangan talagang matahimik.

/S-s-snow?!/ mukhang makakausap ko muna 'tong secretary niya.

"Yes, it's me." At nakarinig ako bigla ng napakatinis na boses. Nakarinig pa ako ng bulungan sa kabilang linya.

/Guys! Si Snow kausap ko!!! AAAAAAHH/ Nailayo ko bigla ang cellphone ko sa tenga ko. Pagtapos ng pagtili niya ay marami ng boses ang naririnig ko.

/Snow! Ikaw ba talaga 'yan?

-Parinig ng boses mo!

-Fan mo po ako!/

At marami pa akong naririnig kaya naman hindi muna ako umimik.

/Guys! Huwag niyong i-pressure si Snow, Iloloud speaker ko nalang para rinig niyong lahat!/ loud speaker? ibig sabihin nakacellphone din sila at hindi gumagamit ng Telepono? What?--

/Ahm oh sige po, ano po ba ang kailangan niyo kay Boss?/

"I want to ask him something." At nakarinig nanaman ako ng mga tilian.

/Ang cute ng boses mo SNOW!

-SNOW I LOVE YOU!/ what...? And mostly the ones who are shouting are men.

"Ahm, I love you too?" Hindi ko sure na sagot at nagtilian nanaman sila. Ganun ba ako ka big deal?

"Can I talk to Sir. Madrigal now?" At doon ay gusto ko na talaga makausap si Boss at yun din naman talaga ang pakay ko simula una palang.

/Okay Snow, wait lang./ Maya-maya ay binaba na niya at nag-ring ulit ang cellphone ko kaya sinagot ko naman.

/Sabi daw nila ikaw daw 'to Snow./ bungad na tanong agad sa akin ni Sir.Madrigal.

"Yes it's me Sir."

/What do you want to ask?/ at doon ay napaseryoso na ako.

"It's about Senon Sir. He isn't answering my phone calls and not replying to my text. Is he there?" ilang minutong 'di nakaimik si boss.

/About that Snow, you have a new Personal Editor./ Napatigil naman ako sa sinabi ni boss.

"What are you talking about?"

/Senon just resigned yesterday, we ask him why but he didn't tell us/ napatahimik ako bigla. Pero bakit naman kaya? Dahil ba 'to sa hinalikan niya ako?

/And also, your new Personal Editor want to see you at the Restaurant near here in our company building/

"okay Sir. Thank you." At binaba na ang tawag. Agad akong nagsuot ng hood, mask at shades para maitago ang identity ko at lumabas na ng unit at sumakay sa kotse ko. Isa lang naman ang malapit na restaurant sa BFY company kaya madali lang itong hanapin.

Nang makarating na ako sa nasabing restaurant ay may lalaki akong nakita na kumakaway sa direction ko kaya baka iyon na daw ang bago kong Personal editor, nang makalapit ako ay nagulat ako sapagkat ito yung lalaki sa Volleyball tournament at nung nasa Park.

Hindi nalang ako nagpahalata na nagulat ako at umupo ako sa harap nito.

"Hi Snow! I'm Dave Dwelton your new Personal editor." Pagpapakilala nito kaya wala na akong nagawa kundi kamayan ito at nagulat ako bigla dahil bigla niyang hinalikan ang kamay ko kaya agad ko itong binawi.

"It's a pleasure to meet you Snow." Sabi pa nito na may kakaibang ngiti sa labi.

"Or should I say Yukki Jace Velamore." Nanlaki bigla ang mata ko pero hindi ako nagsalita at hindi ako nagpapahalata. How did he know that?

"No need to hide your Identity to me, because I already know who you are." Sabay tanggal ng hood ko at mask ko kasama ang shades ko.

"Ang ganda mo talaga." Sabay himas nito sa mukha ko at agad kong tinapik ang kamay nito.

"How did you know?" Seryoso kong tanong pero nginisian lang ako nito.

"I wonder how also." Sabay sandal niya sa silya.

"Wanna eat?"

"I'm not hungry." Maikli kong sagot dito.

"Come on Yukki, ngayon lang 'to." Pero humindi lang ako.

"I'm going." At akmang aalis na sana ako kaso pinigilan niya ako.

"Give me the USB." Bigla niyang sabi.

"No, unless you are Senon." Sagot ko na 'di siya tinitignan.

"I'm your new Personal Editor."

"I Don't Care."At tinabig ko ang kamay niyang nakahawak sa pulsuhan ko at umalis.

He's wasting my time.

Dave's PoV

Pagkatapos ng paguusap namin ni Yukki ay tumawag ako sa pinsan ko.

"Ayaw niyang ibigay eh." Sabi ko dito.

"AHH! Kailangan mong makuha 'yon Dave!" Ang plano kasi namin ay bawat na gagawing kwento ni Yukki ay ibibigay ko sa kaniya at gagawin niyang kaniyang story.

"Pero mukhang hindi ko magagawa eh." Totoo naman kakasabi niya lang kanina hindi ba? Na hindi niya ibibigay unless na ako daw si Senon.

"Damn! By the way, do you know what she look like?" Napangiti ako bigla sa tanong ng pinsan ko.

"I also have a pictures here." Nag-hire kasi ako ng may magpipicture sa kaniya habang kausap ako.

"I have an Idea." At pagkasabi ko no'n ay napangiti ako.

Yukki's PoV

Kinabukasan madaling araw palang ay naalimpungatan agad ako dahil sa may tumatawag at pagtingin ko ay si Yura lang pala.

/Kuyaa!/ Nailayo ko kaagad ang cellphone sa tenga ko dahil sa lakas ng sigaw nito.

"What again?" at paglibot ng mata ko ay nandito si Mama at yung mga make-up artist na nag-ayos sa akin.

"The Heck?! What are you doing here Ma?!" At rinig ko sa kabilang linya yung 'hehe' ni Yura.

"Yura, explain this!"

/Kasi ano, nag-promise ako noon kay Mark na lalabas kami ngayon at nakapagpromise din ako kay Vienne na magdadate kami ngayon./ at alam ko na pinapahiwatig ni Yura ngayon.

"And you want me to pretend as you again?" Hindi ko makapaniwalang tanong. Bakit ba ako nagkaroon ng ganitong kapatid? May mas itatanga paba sa kaniya?

/Pleasee kuya!/ Kahit hindi ko siya kita ay alam kong nakanguso na ito at naka-puppy eyes pa.

"Why not tell him the truth?" Suggestion ko, kesa naman sa magsinungaling siya sa asawa niya hindi ba?

/Ihhh kuya kapag sinabi ko naman sa kaniya paniguradong hindi ako papayagan nun./ Napabuntong hininga nalang ako sa explain niya.

"Ano paba ang magagawa ko? Nandito na si Mama at yung mga make-up artist." Sabay tingin kay Mama na naka-peace sign pa.

/Nakakatuwa nga si Mama eh, kasi she understand me./ Napangiti ako sa sinabi ni Yura.

"You're right, she never failed us to be our Mother." At doon binaba ko na ang tawag at humarap na sa mga nag-aabang.

"Ma, you should have scolded Yura about this, hindi tama na maglihim siya kay Vienne." Ngumiti naman si mama ng malungkot.

"Pabayaan mo na Yukki, time will come at matututo rin siya sa mga ginagawa niya." I just sighed at pinabayaan na ang gagawin nila.

After an hours ay hinatid na ako sa bahay nila Yura. Sabi rin sa akin ni Yura na tabi na daw sila ni Vienne matulog kaya naman wala na akong ibang nagawa.

Ang pangtulog naman na suot ko ay kung ano rin ang nasuot ni Yura bago siya umalis. Naka-white shirt ako na maluwag kaya nakikita yung balikat ko at pajama.

Dahan-dahan na akong tumabi kay Vienne at natulog.

Mga 5 ng umaga ako naggising dahil sa hindi rin naman ako masiyadong makatulog kaya naman tumayo nalang ako.

Pagkababa ko ay may nakasalubong akong maid at nilapitan ko ito.

"Good Morning po." Bati ko dito at napatingin ito sa akin na gulat na gulat? Bakit? Nahalata kaya nila na hindi ako si Yura?

"B-bakit po?" Tanong ko dito na may halong kaba. Napailing naman ito at ngumiti.

"Ngayon lang po kasi kayo nagising ng Maaga ma'am." Napahinga ako ng maluwag.

"Hehe ganun po ba?" At tumango siya, aalis na sana siya kaso may tinanong ulit ako.

"Ahm, mga anong oras po ba nagigising si Vienne?" Napaisip naman bigla ang Maid.

"Mga 8 po." Tumango-tango naman ako at nag-thank you.

Dahil sa maaga pa ay tumulong ako sa paglilinis, ayaw nga nila akong patulungin pero nagpumulit ako kaya wala na silang nagawa.

Sinabihan ko rin sila na ako na magluluto at 'wag na silang umangal kaya pumayag nalang sila.

Nilinis ko rin ang kwarto ni Yura, tinupi ang mga nakakalat niyang damit at nilagay sa dapat na kinalalagyan nito.

Nang matapos na ako ay tinignan ko ang orasan at nagluto na ako ng makakain.

Shadow's PoV

Habang naghihiwa ng hotdog si Yukki ay pinagtitinginan siya ng mga maid.

"Nakakapanibago si Ma'am." Bulong ng maid sa kasama niya pang maid.

"Oo nga, tinulungan niya tayong maglinis ng buong bahay eh tamad kaya 'yang si Ma'am pati nga ata pagkuha lang ng tubig ay iuutos pa sa atin." Agad naman siyang sinita ng kasama niyang maid.

"Totoo naman, baka nga sinapian ngayon si Ma'am eh." At sabay tingin kay Yukki na nagluluto na.

"Pero pansin mo ba?"

"Ang alin?

"Tumangkad at medyo lumiit mata ni Ma'am?" Sabay turo ng maid kay Yukki.

"Oo nga noh?"

"At 'yung boses niya parang iba."

Pagkalipas ng ilang oras ay inihahain na ni Yukki ang breakfast nila at siya namang saktong pagbaba ni Vienne na kinukusot kusot pa ang mata nito.

Napatingin si Yukki dito at binati niya ng Good Morning sabay lapag ng tinimpla niyang gatas.

"Good Morning din Ra, ang aga mo ata nagising." Sabay yakap ni Vienne patalikod kay Yukki kaya naman medyo nailang si Yukki.

"Kain na tayo." Pagiiba ni Yukki ng usapan at umupo na sa tabi ni Vienne.

"Hmm! Ang sarap! Nag-level up luto mo manang ah!" Pagpupuri niya sa maid na nakatingin sa kanila.

"Nako si Ma--" Agad na pinutol ni Yukki ang sasabihin ng maid. Ngumiti siya dito bago magsalita.

"Oo nga po Manang, ang sarap po ng luto niyo." At palihim na kinindatan ang maid na parang sinasabi na *sekreto lang natin yun-look* kaya naman tumango nalang ang maid at ngumiti.

"A-ah salamat po Sir at Ma'am."
At habang kumakain sila ay tinitignan ni Vienne si Yukki.

'Parang iba kinikilos niya.' Sa isip isip nito. Kapag si Yura daw kasi ang kumain ay masiba daw at madaldal kaya nagtaka siya kung bakit tahimik ito ngayon.

at pansin rin niya ang expose na balikat nito. 'Bakit natuturn on agad ako? Pagnakikita ko naman siyang expose ang balikat, minsan katawan ay hindi naman ako nagkakaganito?' Habang pinagmamasdan niya ang balikat ni Yukki.

Napansin naman iyon ni Yukki kaya nagtanong siya.

"Why? Is there a problem?" Agad na umiling si Vienne at sinabing wala naman.

"Oo nga pala, saan mo gustong magdate." Tanong ni Vienne kay Yukki.

"Anywhere." Maikling tugon nito na 'di man lang tinitignan si Vienne.

'Weird' Nang matapos na silang kumain ay agad na naghanda si Yukki at Vienne para sa date nila. Si Yukki narin ang nagmake-up sa sarili niya. Tinuruan kasi siya bago magpunta sa bahay nila Yura.

Agad na naghanap si Yukki ng masusuot sa Wardrobe ni Yura at nanlumo siya sapagkat puro ito Dress.

"Wala ba siyang pants dito?" Bulong niya sa sarili niya. May nahanap kasi siyang longsleeve at pantalon nalang ang hinahanap niya kaso puro talaga dress at palda na above the knee pa.

Kaya naman no choice siya kung hindi magpalda na color blue at longsleeve na stripe. Tumingin siya sa salamin at nagtaka.

"I wonder why her clothes fitted to me perfectly." Sabay ikot nito. Agad siyang naghanap ng masusuot na sapatos kaso puro may takong at hindi pa kasya sa kaniya.

Sa paghahanap niya ay may nakita siya sa ilalim ng kama ni Yura at pagkuha niya isang shoebox na may sticky note pang kasama.

Kuya! alam kong wala kang dalang sapatos at kung meron man ay hindi babagay sa damit na suot mo ngayon HAHAHA! kaya ayan Sneakers na black , bagay sa kung ano mang suot mo! Enjoy your date na supposed to be mine Hahaha

-YURA<3

Napailing nalang siya sa sulat ng kambal niya, binuksan niya ang kahon at tama sa size niya.

"Not Bad." At agad na isinuot yung Sneakers. Paglabas niya ay naka handa narin si Vienne kaya naman sumakay na sila sa kotse at nagmaneho si Vienne.

Vienne's PoV

Paglabas ni Yura ay parang nag slow motion nanaman ang lahat. Second time ulit na mangyari 'to, yung first eh nung kasal namin tapos ngayon ang second.

Yung tipo ang simple lang ng suot niya ang ganda niya parin. Pansin ko rin na hindi siya masiyadong nakaayos ngayon. Pagmagdedate kasi kami ay lagi talaga siyang nagdredress at takong na mataas may dala din siyang bag na maliit tapos naka redlipstick pa. Pero ngayon naninibago ako sa kaniya. Basta ang simple niya ngayon.

Habang nasa biyahe ay pinagmamasdan ko si Yura pero siyempre kailangan ding nasa kalsada ang tingin. Ang tahimik niya kasi ngayon, siya kasi 'yung tipo ng babae na hindi nauubusan ng topic.

"Ra, ayos ka lang?" Tanong ko dito at tinanguan lang ako. Kaya wala na akong ibang nagawa kung hindi i-focus ang sarili ko sa pagdadrive.

Dinala ko si Yura sa isang mall at diretso sa pinakataas ng Mall.

"Anong gusto mong panuorin?" Tanong ko habang tinitignan isa- isa ang mga naka-display na papalabasin.

"Ikaw ng bahala." Sabi niya habang tutok na tutok sa isang picture na nakadisplay. Tinignan ko ito at binasa.

"A Silent Voice?" bulong na tanong ko sa sarili ko at anime pa ito ah. Mahilig ba sa anime si Yura?

Kumuha nalang ako ng dalawang ticket nito at inaya si Yura na bumili ng Popcorn at drinks.

Pagpasok namin ay medyo marami-rami narin ang tao kaya sa itaas kami ni Yura pumwesto, masakit kasi sa Mata kapag sa unahan ka.

Ilang minuto pa bago magumpisa ang palabas kaya naman nagulat si Yura nang makita kung ano ang movie, napatingin siya sa akin at nginitian ko ito.

Habang nanunuod kami ay pa-simple ko namang hinawakan at in-enterwined sa kamay ko ang kamay ni Yura at bigla akong nagulat nang parang may kuryente akong naramdaman, pareho kaming napatingin sa isa't isa, napangiti ako at hinalikan ang kamay nito.

Nang matapos na ang palabas ay kumain kami sa isang mamahaling restaurant.

"Mahal dito ah." Biglang sabi ni Yura.

"Don't worry, basta ikaw." At hinila na siya papasok pina-order ko siya at parang nahihiya pa siya.

"Huwag ka nang mahiya, hindi kana nasanay sa akin." At ayun nag-order na siya. Habang kumakain siya ay hindi ko maiwasang hindi siya kunan ng picture, ang cute niya kasing kumain.

Pagkatapos naming kumain ay nag-aya ako sa kaniya mag-arcade muna.

Una naming nilaro ay basketball at 'di ako makapaniwala kasi ang galing niya dito.

"Hindi ko alam na magaling ka diyan ah! Saan mo natutunan 'yon?" Pero tinawanan niya lang ako. Napatigil ako sa pagtawa niya, bakit iba rin siya tumawa ngayon? Ang cuuuuuteee.

Sunod naman ay 'yung susundan mo yung sayaw tawa kami ng tawa kasi nagkakamali kami.

Nag-picture din kami sa photobooth at kung ano-anong pose ang pinaggagawa namin kaya natawa kami sa itsura namin.

Lahat ata ng laro sa arcade ay nilaro namin.

"Ra, gusto mo ba ng ice cream?" Dahan-dahan naman siyang tumango. Nahihiya siya, ang cute niya talaga.

Nagpunta rin kami sa mga women's clothes para bilhan ko siya ng damit, sabi niya 'wag nalang daw pero pinilit ko siya.

Kumuha ako ng dress na medyo balloon at tube ang pang itaas. Pinakita ko sa kaniya ito pero ayaw niya daw ng ganu'n na dress. Kaya nagtaka ako kasi 'yan ang favourite niyang uri ng damit.

Pinabayaan ko nalang siyang pumili at nagulat ako ng kumuha siya ng isang longsleeve na makapal at jeans.

"Yan ba ang gusto mo?" Hindi ko makapaniwalang tanong at hindi rin ako makapaniwala na tumango-tango siya.

Binayaran ko na iyon at namili rin ako ng mga damit ko.

Habang namimili ako ay kita ko ring namimili siya. Baka para sa akin pero nagulat ako ng parang sa kaniya niya ito sinusukat.

"Ganyang damit naba ang gusto ni Yura?" Bulong ko nanaman sa sarli ko. Habang namimili ako ay nakaramdam ako ng may kumakalabit sa akin at paglingon ko ay si Yura lang pala.

"Bakit?" Tanong ko at sabay niyang pinakita ang isang longsleeve na damit at may malaking heart sa gitna nito, hinawakan ko ito at maganda ang tela niya.

"Gusto mo 'yan?" Pero umiling siya.

"Pinili ko para sa'yo pero kung hindi mo gusto eh ibabalik ko nalang ito." Na akma na sana siyang aalis pero pinigilan ko siya.

"No, bibilhin ko iyan." At sabay kuha ng damit. Hindi ko alam pero parang kinikilig ako.

Nang matapos kami sa pamimili ay napagdesisyunan ko ng umpisahan ang plano ko.

Yukki's PoV

Habang nasa biyahe kami ay nahalata ko na iba itong dinaraanan namin. Hindi ito pauwi ah.

"Vienne, saan tayo pupunta?" Takang tanong ko sa kaniya.

"Secret~" At ngumiti, napatahimik nalang ako at tumingin sa labas.

Nang tumigil na ang sasakyan ay napatingin ako sa paligid.

"Private plane?" Sabay tingin kay Vienne na nakangiti.

"Yup! Pupunta tayong Korea!" Oh no! I need to call Yura now.

"Uhm wait, I need to go to the restroom" paalam ko dito at hinanap ang restroom ng Girls, since I can't go inside the men's restroom looking like this.

Pagpasok ko ay agad kong tinawagan si Yura. Nakailang tawag na ang ginawa ko pero 'di siya sumasagot kaya kinabahan na ako.

"Bakit ngayon ka pa nalowbat Yuraaaa!" Bulong ko sa sarili ko. Lumabas nalang ako ng restroom at bumalik sa kinaroroonan ni Vienne.

"Let's Go." Pero hindi parin ako kumikilos.

"Yura?"

"Can...can we go next week?" Agad naman akong hinawakan ni Vienne sa balikat ko.

"Why? May problema ba?" Tanong nito pero umiling lang ako na wala.

"Wala naman pero.."

"Please Yura, ngayon lang tayo magkakasama ng matagal matapos ang pagtretraining ni Dad sa akin para sa company kaya please naman." Napatingin ako sa mga mata ni Vienne at naawa ako dito.

"B-but--"

"Pleasee." Kaya wala na akong nagawa kung hindi pumayag.

Patay ako dito.

Continue Reading

You'll Also Like

3.7M 101K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
587K 3.5K 9
HOOD Series Book 1: Synopsis 'Paano pa ako kakapit sa kamay mo-kung mismong realidad na ang humihila sa akin pabalik sa mundo ko' That's the exact...
205K 9.5K 56
MOST IMPRESSIVE RANKING: Two Moons #1 out of 10 stories Boyslove #31 out of 19k stories LGBT #158 out of 5.6k stories boyxboy #89 out of 6.5k stories...
4.3M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...