Angst Academy: His Queen

By supladdict

14.3M 435K 99K

Highest Rank Reached in Action Category: Rank #1 Her innocence. Their violence. How come a weak and innocent... More

Prologue
Author's Note
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Epilogue
Special Chapter

Chapter 24

219K 7.2K 934
By supladdict

Her POV

Dumaan muna ako sa dorm ko para magpalit ng p.e uniform. Nauna na si Lyndon kaya sumunod ako sa tinatawag nilang Salle de formation o training room. Mabuti na lamang at dala ko ang mapa na kasama ng booklet na binigay no'n kung hindi ay naligaw na ako. Hindi man lang ako hinintay ng lalaking 'yon.

Tinulak ko ang pinto at bumungad sa 'kin ang napakalawak na kwarto. Namangha ako sa lawak no'n at sa isang sulok ay may malaking cabinet. Nakatayo at nakapamulsa sa tabi nito si Lyndon. He looks so bored while leaning on the wall. He looked up and stared at me bago umiling.

"Tss, ang bagal mo, stupid!" He uttered. Napanguso ako at naglakad patungo sa kaniya. Napakurap-kurap siya bago umismid.

"Don't pout, mukha kang pato. Ang pangit mo.." Umiwas siya ng tingin. Lalo akong napasimangot. May problema talaga sa 'kin ang taong 'to. Parang babae na may dalaw. Kung hindi nga lang siya lalake iisipin ko na meron siya ngayon.

"Ganiyan ka ba talaga kabagal maglakad?" Inip na tanong niya. Kaya naman ay halos mag-jog na ako palapit sa kaniya. Umismid siya, "tama, bilis na muna ang ipraktis natin. Nawalan na ako ng mood sa kabagalan mo, stupid creature," he uttered.

"Bakit puro stupid ang tawag mo sa 'kin? I have a name." Hindi ko mapigilang saad. Nilingon niya ako at ngumisi.

"Bakit? Stupid ka naman talaga, ah? Oh, baka gusto mo naman ng idiot na lang?" Huminga ako nang malalim at hindi na lang nagkomento pa.

Binuksan niya ang malaking cabinet na parang hindi cabinet dahil nakapasok naman siya. Para na siyang walk-in closet, ang pagkakaiba lang ay mga sandata ang laman no'n. I was so amazed. May iba-ibang klase ng sandata do'n. Alam kong mapanganib 'yon pero ang ganda kasi ng mga desinyo at pagkakaayos. May iba't ibang haba at klase rin ang bawat isa.

"Don't smile like that, idiot. Wala sa mga sandatang 'yan ang gagamitin mo.." Unti-unti iyon na sumara at nawala sa paningin ko ang mga sandata, "ito, oh." Nakangisi niyang saad at inakbayan ang isang..dummy?

Kulay puti 'yun at halos kasing tangkad niya. Kumunot ang noo ko.

"Anong gagawin natin d'yan?" Takhang tanong ko. He grinned and press something on its back. Biglang umilaw ng kulay blue ang mata nito. May pinindot ulit siya at nanlaki ang mata ko nang tumakbo 'yon palapit sa 'kin.

"Run.." He grinned widely. Halos hindi ako makagalaw at pinanood ang paglapit no'n.

"Run now, stupid. He's detecting you now at kapag naabutan ka niya, sasaktan ka. He was built for trainings kaya wag ka na magtakha." Nanlaki ang mata ko at mabilis na kumaripas ng takbo ng muntik na akong malapitan no'n.

Sinubukan ko lumabas ngunit sarado na ang pinto.

"No cheating!" Saad ni Lyndon nang makita ang pagsubok ko na tumakas.

"Ikaw ang madaya! Ang sama mo!" Sigaw ko.

Bigla akong nadapa kahit naman walang bato sa makinis na sahig. Nagsimula na akong mapahikbi at pilit na tumayo. Nakailang ikot na kami at takbo lang ako nang takbo habang hinahabol ako ng dummy.

"Tama na! Pagod na ako!" Nnginginig pa ang boses ko dahil sa pag-iyak. Ayaw ko man umiyak pero naiyak ako sa inis, pagod at takot. Maimagine ko pa lang na mahuli ako ng dummy, susuntukin ako no'n at bubugbugin.

Narinig ko lang ang halakhak niya. Nakita ko na may pinindot siya at halos ngumawa na ako sa pag-iyak nang mas bumilis ang takbo no'n. Nagkandarapa na ako sa sobrang takot at pilit na binilisan ang takbo.

Nanginginig pa ang tuhod ko sa bawat hakbang na ginagawa.

"Run, stupid. Run!" Tila nanunuya niyang saad. Lalo akong napaiyak at hindi na kinaya kaya nadapa ako muli.

Narinig ko ang mahinang tunog ng dummy at sunod ko na naramdaman ay ang pagsuntok sa mukha ko.

"Ahh!" Tili ko. Sinapo ko ang pisngi at gumapang palayo. Tawa lamang nang tawa si Lyndon at tingin ko na sa kaniya ngayon ay isang demonyo.

"Ang sama mo, itigil mo na 'to." Iyak ako nang iyak. Nakaramdam ako ng pagsipa sa paa. Kahit isa siyang dummy, ang sakit pa rin niya umatake.

Nakatanggap ako ng ilang suntok pa bago iyon tumigil. Pinagdikit ko ang tuhod saka sumubsob do'n at lalong napaiyak. Nanginginig ang bawat sulok ng katawan ko sa takot at pagod na nararamdaman. Hindi naman kasi dapat ako narito. Hindi ako nababagay rito.

Narinig ko ang bawat yapak niya palapit. I can even hear his low chuckles na tila tuwang tuwa.

Umupo siya sa harap ko at pilit na pinaangat ang mukha ko. Hinawakan niya ako sa baba saka ako tinitigan. Ineksamin ng mata niya ang aking mukha at unti-unting napalis ang ngisi sa kaniyang labis. Kinuyom ko ang kamao at lalong nanginig.

Hindi ko napigilan ang sarili at sinuntok siya sa mukha. Natamaan ang kaniyang ilong at labi. Napaatras siya at natumba sa pagkakaupo. Tumayo ako at masama siyang tinitigan. Natauhan ako sa ginawa pero pinilit ko na magmukhang galit kahit ang totoo ay naawa ako sa kaniya at natakot.

"Ang sama mo!" Sigaw ko.

Dahan-dahan niyang tinanggal ang pagkasapo sa kaniyang mukha. Nanlaki ang mata ko at natigilan nang makita ang tuloy-tuloy na pagdugo ng kaniyang ilong at labi. Kinuyom ko ang kamao at nanginig pa 'yun bago lumuhod sa kaniya harapan.

"S-sorry.." Bulong ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat gawin. Unti-unti siyang umupo at pinunasan ng suot na t-shirt ang mga dugo. Napalis iyon ngunit may mga umalpas muli kaya lalo akong nabahala.

"Don't say sorry for the thing that you intended to do," malamig niyang utas. Nag-init ang mata ko.

"So you're not really sorry sa ginawa mo sa 'kin kanina?" tanong ko. Walang emosyon siyang ngumisi. I shook my head.

"Then babawiin ko ang sorry ko. Dapat lang 'yan sa'yo. Hindi ka naawa sa 'kin kanina. Mas pinabilisan mo pa 'yung dummy tapos ano.." Pinahid ko ang luha ngunit para iyon gripo na patuloy sa paglabas ng tubig, "tuwang-tuwa ka pa habang pinapanood mo akong binubugbog!" Tinulak-tulak ko siya sa dibdib.

"Masaya ka ba na may nakikita kang isang tao na walang ginawang masama na sinasaktan? Alam kong training iyon pero kailangan mo pa bang tumawa? Masaya ka ba na may nasasaktan at nahihirapan? You're a beast!" I shouted. Tulala lang siya na nakatingin sa 'kin.

Matagal akong umiyak sa harap niya hanggang sa mapagod. Tumayo ako nang walang imik at iniwan siya doon. Mabuti na lamang bukas na ang pinto.

Alam kong training iyong pinuntahan ko pero mali iyong ginawa niya. Pinagtawanan pa niya ako. Knowing na wala akong kahit anong alam sa pakikipaglaban ay pina-atake na niya ako sa dummy na 'yun. Sana kung pinahabol lang niya nang pinahabol, e. Pero pinabugbog pa talaga niya ako. Ang sama niya. Alam kong may atraso siguro ako sa kaniya no'n sa cafeteria, pero hindi pa ba siya nakaganti no'n noong sinakal niya ako? Pati sa training dinadamay niya 'yon.

Pagdating sa dorm ay binagsak ko ang katawan. Hindi na ako lumabas kahit kumain pa.

Kinabukasan na ako pumasok. Pumunta agad ako sa cafeteria. Nakasalubong ko pa si Lyndon ngunit hindi ko siya tinignan. Wala rin naman siyang pakialam sa 'kin. Siguro tuwang-tuwa iyon nang makita ang mga pasa ko sa mga braso.

Pagka-order ko ng pagkain ay umupo na ako sa may bakante. Hinubad ko ang face mask na suot para makakain. May pasa kasi ako sa may bandang ibaba ng pisngi, magkabilaan at natatakpan naman ng face mask. Masakit rin ang katawan ko.

Mukhang na-inat talaga ang bawat sulok ng katawan ko. Mas grabe pa 'to sa pinagawa sa 'min ng prof ko. Tahimik akong kumakain nang may umupo sa harap ko. Hindi ko na inalam kung sino 'yun dahil sa labis na tamlay ng katawan.

Pero halos mapaigtad ako nang may humawak sa baba ko at inangat 'yon. Si Greg ang tumambad sa 'kin. Mariin na magkalapat ang kaniyang labi. Nabigla ako at napatitig sa kaniya. Umigting ang kaniyang panga at nagsalubong ang kilay. Natauhan ako ng haplusin niya ang aking pisngi. Bigla siyang tumayo at natumba ang kaniyang kinauupuan.

Nanlaki ang mata ko nang makita siyang malalaki ang hakbang na tinungo ang mesa ni Lyndon na tulalang kumakain.

"Putangína, Arguilles!" He growled. Sinipa niya ang lamesa na nasa harap ni Lyndon kaya bumaliktad iyon. Lahat ay naalerto at napatingin sa kanilang pwesto.

Agad niyang hinila ang kwelyo ni Lyndon patayo at sinuntok sa mukha.

"Anong ginawa mo kay Agape! Sumagot ka, putangina ka!" sigaw niya. Ngumisi si Lyndon kaya nakatanggap siya ng suntok sa sikmura.

Pabalya niyang hinagis si Lyndon at bumagsak sa mga lamesa. Mabilis siyang naglakad at nilapitan si Lyndon. Pinaghahagis niya ang mga nakaharang na upuan at sinipa ang mga lamesa. Napatayo ako nang matauhan at agad na lumapit.

Sinusuntok pa niya si Lyndon kaya niyakap ko siya sa likod. I can feel how his muscles were tensed up. Mahigpit kong niyakap siya at pinigilan.

"Tama na..Greg.." Bulong ko.

Pero wala siyang narinig at patuloy na binugbog si Lyndon. I can hear his loud growl habang pinagsusuntok ang kawawang lalaki. Puro mura rin siya. And I noticed that Lyndon didn't fight back. Kahit pagdepensa lang, hindi niya ginawa.

"Greg! Tama na!" Sigaw ko. Napahikbi ako at humigpit ang yakap sa kaniya. Nagsimula ng magdilim ang paningin ko nang masamyo ang amoy ng dugo. Sa pagkakataon na 'to ay mukhang may epekto.

Unti-unting kumalas ang yakap ko sa kaniya ngunit bago pa ako makabitaw ay humarap na siya at niyakap ako nang mahigpit.

"I'm sorry kitten.." He murmured. Nanginginig pa ang mga braso niya dahil sa galit but I can sense that he's calming his self.

Tumango ako at mariin na pumikit. Inakay niya ako palayo at unti-unti ng naging maayos ang paningin ko. Nawala na ang aking hilo at mabuti na lang ay hindi ako hinimatay.

"Are you okay now?" He cupped my face. Nagmulat ako ng mata at tiningala siya. Tumango ako. He sighed at hinalikan ako sa noo.

"Damn it! Hindi ako papayag na mangyari 'to ulit. Don't worry, I'll be the one who will train you, kitten," he murmured. Ngumiti ako at hinayaan siyang yakapin ako.

*******

Author's comment (2020): Grabe pala talaga ang pagiging sadista ko HAHAHAHA kawawa character ko sa akin, grabe.

Supladdict<3

Continue Reading

You'll Also Like

219K 2.2K 8
"How much do you love her?" Tanong ni Pierce kay Wrath. Wrath smirked. "I had her pictures in every corner of my room. That's how." The baritone vo...
4.2K 245 18
[Rainbow Series #4: Color Green] Paano kung isang araw, bigla mo na lamang matuklusan na isa ka palang diwata mula sa isang kaharian. Ganyan ang nang...
9.9M 169K 66
Meet Janine Park, the leader of the strongest girl gang in the Gangster World. But somehow, someone wanted them DEAD. They hid in the small part of P...
1.1K 215 32
Nais ni Akihiro Landez na muling magkabalikan sila ni Erika Romulo bilang magkasintahan. Si Erika naman ay wala nang nararamdaman para kay Akihiro at...