Angst Academy: His Queen

By supladdict

14.3M 435K 99K

Highest Rank Reached in Action Category: Rank #1 Her innocence. Their violence. How come a weak and innocent... More

Prologue
Author's Note
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Epilogue
Special Chapter

Chapter 22

231K 8.7K 2.6K
By supladdict

Her POV

Sa building ko rin pala matatagpuan ang dorm niya at katulad ko rin ng floor. Sa kaniya pala ang nasa pinakadulong kwarto. A manly room welcomed me. Halos kagaya lang ng features sa 'kin at hitsura. Kahit ang pasikot-sikot ay pareho but the only thing that's different is the color scheme.

Gray and white dominated the room emiting a manly and strong aura. Naamoy ko rin ang amoy niya sa paligid and it feels so good to smell his scent everywhere.

Binitawan niya ako at nakita ko siyang naglakad patungo sa kwarto niya. Paglabas ay may dala siyang bottled juice. Inabot niya iyon sa akin.

"Salamat...." Siya na ang nagbukas para sa akin. When the juice touched my tongue, I realized that it's my favorite flavor. Pineapple juice.

"Ano pong gagawin natin dito?" I asked him. Nakaupo ako sa sofa samantalang siya ay nakatayo sa harap ko.

Ngumuso siya at umiwas ng tingin.

"Wait for me, I'll just take a bath.." He uttered. Tumango ako at pinanood siyang pumasok sa kwarto niya.

I heaved a sigh and look around. Napansin ko sa isang rack ang magkakapatong na frame. With the thought that it's his picture ay nilapitan ko 'yon at dinampot. Dahan-dahan ko iyon na kinuha at nilapag sa center table na nasa harap. It's more than ten.

I gasped when I realized that it's not his pictures. Mga naka-frame na certificates at awards niya iyon. Hindi ko mapigilang mamangha habang binabasa ang mga academic achievements niya. These deserves to be posted on the wall proudly. Mas lalo ko tuloy naisip na masyado siyang maraming katangian na tinataglay para katakutan at respetuhin.

He has the strength, brain and physical appearance to praise. He seems perfect though I know no one is perfect. But he's almost. Hindi ko alam kung ano ang kapintasan niya. Mabait naman siya, matulungin. Well he can be a monster, as far as I remember no'ng halos mapatay niya ang higanteng lalaki na 'yon. But he has a valid reason. But I know that it is still against Lord dahil ayaw niya na nananakit ng kapwa.

Ako rin marami ng kasalanan. Nakahampas na rin ako ng tambo at nakasuntok. May nasapak na rin ako and all of that happened yesterday.

Pinagmasdan ko ang bawat isa at binasa ang mga nakasulat. I'm more amazed to him. He's so admirable. Ang daming katangian na maganda sa kaniya kaya hindi na ako magtatakha kung marami ang nagkakagusto sa kaniya.

"Hey.." Umangat ang tingin ko nang makita siyang lumabas sa kwarto niya.

Nakasuot na siya ng sando at jogging pants. He looks so homey kaya naging komportable ako. May hawak rin siyang tuwalya na isinabit niya sa kaniyang leeg.

"Bakit hindi mo po 'to dinisplay?" I asked him. Sinulyapan niya ang mga frames at dahan-dahang naglakad patungo sa akin. Umupo siya at napapikit ako nang malanghap ang bango niya

"These are not really important," saad niya. Sumulyap ako sa kaniya at nakitang kunot ang kaniyang noo habang nakatingin sa mga iyon.

Kinukuskos rin niya ang basang buhok. Lumingon siya sa 'kin kaya nagsalubong ang aming mata.

"Can you please dry my hair?" Mapungay ang kaniyang mata at napakalambing ng boses. I felt something on my chest reacted violently. I blinked twice and nodded.

Inabot niya sa 'kin ang towel at inusog niya ang center table na nasa harap ko. Nagtaka ako sa kaniyang ginawa at narealize ang purpose no'n nang umupo siya sa sahig, nakasandal ang kaniyang likod sa aking mga binti. Suminghap ako bago tinuyo ang kaniyang buhok.

His dark midnight hair is so soft na katulad sa mga baby na alagang-alaga ang buhok. Naalala ko ang sariling buhok at pasimpleng pinasadahan. Kinuskos ko gamit ang tuwalya ang kaniyang buhok para matuyo 'yon.

"Ang alam ko po may hair dryer sa bathroom.." saad ko nang maalala ang bathroom ko.

He nodded at nakita ko siyang lumabi.

"Yeah, but it's irritating on ears," saad niya. Napangiti ako at naisip ang reaksyon niya kung sakaling ginamit niya 'yon.

"Pareho ba ang lahat ng room dito?" Tanong ko sa kaniya. Sinikup ko ang mga buhok na nalaglag sa kaniyang noo at pinasadahan ng tuwalya. He shook his head.

"Nah. Every room has their own designs," aniya. "And they can request if they want to change something," he added. Napatango ako at kumunot ang noo.

"Pero 'yong atin pareho. Magkaiba lang ng kulay pero 'yong pasikot-sikot at mga kagamitan pareho. Katulad nitong center table at sofa. Tsaka 'tong rack.." puna ko. I felt him stiffened.

"A-ah, maybe just a coincidence. Don't you want the design of your room?" He asked. I shook my head ngunit natigilan nang maisip na hindi niya ako nakikita

"Hindi po. I like the designs. Parang iyong dream condo unit ko lang dati. Pangarap ko kasi na bibili ako ng condo unit tapos gumawa pa ako ng sketch no'n, kaso nawala no'ng junior high school ako. But that doesn't matter anymore. Tanda ko naman ang hitsura lalo na at katulad ng dorm ko." I happily said. Tumango siya. Pinagpatuloy ko ang pagpatuyo ng kaniyang buhok but I stiffened when I remember something.

"Why? Are you okay?" He tilted his head at tiningala ako. His dark eyes bore to me.

"May pasok pala ako— tayo!" Nanlalaki ang mata ko. Ngumuso siya at hinawakan nang mahigpit ang kamay ko na nasa ulo niya. He squeezed it and shook his head.

"Don't worry. The headmaster told me that we don't have class for today because of what happened yesterday.." Sandaling nagdilim ang mukha niya bago tipid na ngumiti sa 'kin. Nakahinga ako nang maluwag.

"Akala ko I'll be mark as an absent.." Bulong ko.

"Comb my hair please.." Napalunok ako sa paos at malambing niyang boses. Parang may nagkagulo sa sistema ko.

"W-wala akong suklay." Saad ko.

"Just use your fingers, kitten." I nodded and ran my fingers through his hair.

Halos manginig ako nang unti-unti siyang tumagilid ng bahagya at idinantay ang ulo sa hita ko. Tahimik akong suminghap at tinignan ang mukha niya. Ang kaliwa niyang pisngi ang nakadantay sa hita ko. Nakatingin siya sa kawalan.

Pinanood ko ang pagkurap-kurap nang makapal at mahaba niyang pilik mata. Kitang-kita ko rin ang tangos ng kaniyang ilong. I sighed at pinagpatuloy ang ginagawa.

"Agape.." Nabigla ako nang tawagin niya ako sa pangalawang pangalan. Nanindig ang balahibo ko sa boses niya. It's his first time to call me by my name at sa pangalawa ko pang pangalan.

"Ano po?" Nanginig ang daliri ko habang pinapasada 'to sa kaniyang napakaitim na buhok.

"Did you already like someone from the past?" Natigilan ako sa tanong niya at napamaang. Napaisip ako sandali bago umiling.

"Wala pa naman. Masyado pa akong bata sa sinasabi mong past at pag-aaral lang ang nasa isip ko.." sagot ko. He sighed at naramdaman ko ang paghaplos ng mainit niyang hininga sa hita ko.

Hindi ko alam kung paano ako naging ganito kakomportable sa kaniya. Parang masyadong kampante ang isip at puso ko kapag kasama siya. Kahit nakita ko na siya na tila halimaw na galit ay hindi pa rin ako gano'n katakot sa kaniya.

"Now? Are you ready to like someone? Or to love?" mahina niyang tanong. Itinigil ko ang ginagawa at tumitig sa kaniyang buhok.

Hindi ko rin alam. Hindi ko naman masasabi kung kailan ako handa o hindi. Walang pinipiling panahon ang pagkakagusto at pagmamahal. Darating 'to nang hindi inaasahan.

"Hmm, hindi ko pa alam. Hindi naman natin malalaman kung kailan tayo handa ng magmahal at magkagusto. Pero habang wala pa, iisipin ko muna ang mas mahahalagang bagay. At kapag dumating ang panahon na mangyari ang sinasabi mo, siguro susunod na lang ako sa agos na dala ang utak ko." Tumango siya at nanahimik.

Matagal na katahimikan ang pumainlang sa paligid. But it isn't an awkward silence but a comforting one. Hindi na gaanong basa ang kaniyang buhok.

"Greg?" I called him out. Nakapikit kasi ang kaniyang mata.

Naisip ko na dapat siya iyong tawagin na kitten dahil pumipikit siya sa bawat suklay ko sa buhok niya. Gano'n kasi ang isang kuting o pusa na parang inaantok kapag hinahaplos ang balahibo.

"Hmm?" Nanatili siyang nakapikit. I bit my lips.

"Totoo ba na kapag galit ka lang nagta-tagalog?" Tanong ko sa kaniya. Sandali siyang napamulat at muling pumikit. Nakanguso siya na tila nagpipigil ng ngiti.

"Greg nga!" Suway ko.

"Sorry.." Halatang nangingiti siya at hindi ko alam kung bakit, "Maybe. I'm also speaking in Tagalog even I'm calm but I'm more fluent when I'm mad. I really don't know why.." Umiling siya at nanigas naman ako dahil medyo nakiliti ako.

"Why? Do you want me to talk in Tagalog?" Bigla siyang umayos ng upo at humarap sa 'kin. Mapungay ang mata niya at tila bagong gising na nakatingin sa 'kin.

"H-hind—"

"I'll try then. Do you find it gay if I'm always speaking in English? Then I'll try Tagalog. Marunong naman ako, e."

Muntik akong bumulanghit ng tawa nang magsalita siya ng Tagalog. Medyo pilipit kasi. He pouted and his forehead creased.

"Bakit mo ako tinatawanan?" Tanong niya. I shook my head.

"Ang cute mo kasi kapag nagtagalog. Hindi ka naman ganiyan no'ng galit ka? Totoo nga na mas tuwid ka kapag galit." I chuckled.

"You find it cute? Then lagi na ako tagalog I mean magsasalita sa tagalog."

And I realized now how adorable he is. Alam ba ng iba na hindi siya talaga nakakatakot? He's so cute. I giggled and he just stared at me. His lips even parted while watching me.

May dinukot ako sa bulsa at pinakita sa kaniya ang maliit na goma.

"Pwede ko bang talian 'yang mga humaharang sa noo mo na buhok?" Tanong ko. Matagal siyang nakatitig sa 'kin at tumango.

Mabilis kong sinuklay ang bandang tuktok na buhok at tinalian. He look so cute at nakatayo iyong mga buhok niya. Para siyang bata. Mas lalo lang nakita ang mga perpekto niyang itim na mata.

"Do I look cute to you?" Tanong niya at parang naiilang dahil panay niya iyon kinakapa.

"Ayaw mo ba?" I pouted and then smiled, "alisin na lang natin kung ayaw mo.." Malungkot kong saad. I'm enjoying to see him like that pero kung ayaw niya, okay lang.

"No! If you want this, 'wag mo alisin." And again, I stop myself from laughing when he speaked in Tagalog again. I smiled sweetly.

"You looks so cute!" I giggled and pinched his cheeks. Nakasimangot siya kaya agad kong binitawan ngunit kinuha agad niya ang kamay ko at muling pinakurot sa pisngi niya.

"Ang bait ng master ko," saad ko. He smiled.

"I think you're really the master and I'm your willing esclave.." Natigilan ako at natulala sa kaniya.

Natigil lang ang pagtitigan nang may nag-door bell. He groaned at tumayo ng tila tinatamad. Binuksan niya ang pinto.

"What the fuck happened to you fucker! Lumadlad ka na ba?" I heard a familiar voice.

"Damn, ako na lang ang straight sa grupo natin!" One of them grunted.

"Pinapatawag ka ng headmaster." Naisip ko na si Last iyon since pormal magsalita. Siya ang prim and proper next to Greg sa grupo nila.

"Stop you two, bastards. Wait up—" bigla siyang sumulyap sa 'kin, "I mean sandali lang. Bihis lang ako." Nakarinig ako ng ilang mura sa labas at pinanood ang nagmamadali na pagpasok ni Greg sa kwarto niya.

Biglang pumasok ang tatlo at nanlaki ang mata nang makita ako.

"Putangina! Binata na si Dieu!" saad ni Xicarus at nanlalaki ang mata habang tinuturo ako.

"Kaya pala parang pusa na ang amo ng mukha bago nakipag-usap sa 'tin!" Sigaw naman ni Elixir at tinuro rin ako.

"Then remember, his hair! Ikaw ba may gawa no'n?" Biglang singit ni Last. I smiled a bit and nodded.

Nagpapalatak sila at nagtinginan. They blurted some curses.

"Wag kayo masyadong magmura. Naririnig kayo ni Lord, ni hindi nga kayo galit kaya bakit kayo nagmumura?" Tanong ko. Suminghap sila.

Tinuro muli ako ni Xicarus.

"He's really smitten hardly to this innocent child!" Aniya.

"Stop pointing her or I'll cut that finger of yours." Lumipad ang tingin namin lahat sa kakalabas pa lang na si Greg.

He's now wearing a longsleeve shirt and jeans. He looks so gorgeous, clean and presentable pero 'yong pagkakatali sa buhok niya ay gano'n pa rin. He didn't remove it!

"Damn! Bakit hindi mo pa inaalis 'yan! Sa headmaster ka haharap!" saad ni Xicarus. Nagsalubong ang kilay ni Greg at lumapit sa akin.

"I don't care. Agape made it."

********

Author's comment (2020): Sobrang lame ko noon, ah? HAHAHAHA may urge na baguhin ko ang narration pero natutuwa rin ako na mabasa kasi hahaha. So, hahayaan ko na lang talaga at aayusin na lang ang mga mapapansin na pagkakamali. Hehe.

Supladdict<3

Continue Reading

You'll Also Like

432K 16.3K 31
{{THE QUEENS SERIES IV: The Average Queen}} Just another bestfriend story. - This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events...
7.1K 396 26
• Chasing the Vampire Prince (Novel) • Vampire Prince Series #2 Being born into the family of a vampire hunter, Hailey Stewart has only one goal in l...
5.5M 142K 60
The Knightless Princess By Sexykisser
1.3K 100 32
Si Alvira Trinity Hawthorne ay isang Outcast; ibig sabihin, wala siyang taglay na kapangyarihan, mahika o anumang kakaibang kakayahan na mayroon ang...