Heartfilia's Premises

De zieeerendipity

4K 229 36

People outside the academy think that everything is normal and fine until a third year college student is sen... Mai multe

Prologue
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Epilogue

Chapter 1

184 11 17
De zieeerendipity

"Welcome to Heartfilia Academy, Miss Lowrie," masayang sambit ni Miss Pedregosa na dean ng Academy na ito.

Agad ko namang inabot ang nakalahad niyang kamay.

"Thank you Ma'am. It's a privilege being here." Kahit napilitan lang talaga ako.

"Enjoy your third year of college," dagdag niya pa at tinawag na ang secretary niya. Senyales na ihatid ako sa labas.

Muli ay nagpaalam ako atsaka sumunod kay Miss Secretary na hindi ko pa alam ang pangalan.

"Miss Aleighna Lowrie," baling niya sa akin.

"Leigh na lang po Ma'am."

"Ok. Leigh. I'll just call the SCB Secretary to lead you to your dorm and tour you around the campus. Have a sit first."

"Yeah, sure Ma'am, thank you."

Umupo na lang ako at iginala ang paningin ko sa labas ng bintana kung saan tanaw na tanaw ko ang quadrangle.

Malaki nga ito, halatang pangmayaman na school.

Bigla akong napaayos sa pagkakaupo nang mapagtanto ang nadatnan ko nang pumasok ako kanina sa campus na ito. Ang tahimik. I mean ang daming estudyante sa paligid pero sobrang tahimik.

Napailing na lamang ako dahil dito at sakto namang dating ng isang estudyante at sa palagay ko ay siya ang kanina ko pang hinihintay.

"Miss Aleighna Lowrie?" tanong niya at agad akong tumayo at tinanguan ko siya.

Nagsimula na kaming maglakad-lakad at 'yong gamit ko ay pinakuha niya na lang sa isa pang estudyante.

"Dito muna tayo sa Building A," saad niya na parang naiilang.

"Wait. Kanina pa tayo naglalakad but I still don't know your name," pigil ko sa kaniya na naging dahilan naman ng pagtigil niya at paglingon sa akin.

"I'm Joseph, Joseph Fuentes."

Inilahad ko ang kamay ko sa kaniya pero laking gulat ko nang tanggihan niya ito at tipid lang na ngumiti. O... kay?

"I'm sorry Miss Lowrie but half of this first floor, specifically the right side are computer-related courses and the other half, which is obviously the left one, belongs to the engineering students."

Tumango-tango lang ako habang sinisilip ang loob ng rooms. Maganda, malaki and lahat airconditioned. Dalawang malalaking bintana lang ang nagiging dahilan kung bakit ko sila nakikita.

Ilang minuto rin kaming nag-ikot sa ground floor bago siya nagpasyang tumuloy na sa 2nd floor.

"Dito naman sa second floor ay art-related. This is what we call here the Leisure Floor. Room 214."

Binuksan niya ang isang room at namangha ako nang makita ko ito. Puno ito ng paintings at sobrang ganda.

"Pwede kang magpalipas ng oras dito."

"Really?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya at nilibot ko pa ito.

"Yes. Huwag ka lang maliligaw dito kung may klase ka."

My heart is really screaming colors. Ito na yata ang magiging tambayan ko rito.

Akmang hahawakan ko na ang isang mosaic na nakasabit sa wall nang bigla siyang magsalita.

"Those paintings at the wall are not supposed to be touched."

Hindi ko siya pinansin dahil namamangha talaga ako sa mosaic. It was a sailing boat and it looked so realistic.

"I said hands off," ulit niya.

Wala na nga akong nagawa dahil naging seryoso na ang boses niya, seryoso with full of authority.

"Learn to follow rules, Miss Lowrie and put in mind, you're with the Student Central Board Secretary."

"Ok.Ok. I'm sorry," I surrendered.

Unang araw ko pa lang ngayon at hindi pwedeng ma-bad shot ako sa secretary na 'to. I told you, I don't break rules. Secretary din ako sa dati kong school and I am one of those people who implement rules, kaya naiintindihan ko tong si...

"Teka, sino ka nga ulit?"

"You're having so much to say, Miss Lowrie. Tara na sa library."

Napabuntong-hininga na lamang ako dahil sa bigla niyang pagtalikod. He's starting to get into my nerves! Ganito ba talaga niya itrato ang mga baguhan? And how did he become the secretary in the first place? I mean, he's a HE and as far as I know, boys don't like tons of things to do and-

"Miss Lowrie!"

Napapitlag ako at naputol ang mga iniisip nang bigla kong marinig na tinawag niya ako mula sa labas. Well, let me act like I cannot feel that this Secretary does not like this thing, I mean what he is doing right now.

He seems to be fine with this but his aura screams the opposite. Okay... Did I ruin his precious life as the Student Central Board Secretary of this prestigious Heartfilia Academy?

Anyway, hindi ko na mabilang kung ilang minuto na kaming paikot-ikot sa loob ng campus at napapa-wow na lang talaga ako sa mga nakikita ko rito sa loob. Everything is well-organized and I realized na tama nga si Sir Sanchez regarding this school. Everyone is well-disciplined.

"Miss Lowrie, it's almost lunch at nalibot naman na natin ang kalahati ng campus so it's okay kung ititigil na muna natin."

"Hmm... Hindi ba ako aattend sa klase ko?"

"Later after lunch, meet me at the atrium. I'll accompany you to the president's office. It is his obligation to give and tell you about your class schedule."

"President? You mean, Mr. Heartfilia?" I asked out of curiosity. Well, it's an honor meeting the low-profiled Zaiede Heartfilia.

Bago pa kasi ako pumunta rito, Sir Sanchez already told me some of the things regarding this academy, including the personnel. And according to him, Mr. Heartfilia only appears once in a bluemoon. Pero hindi nabanggit ni Sir Sanchez ang rason kung bakit. And out of annoyance upon knowing that I would be temporarily out from Karringstyn that time, hindi ko na rin naitanong sa kaniya.

"No. It's the SCB President," he answered.

"What? But you said to the president's office, didn't you?"

"Well yes. SCB officers have their own offices in this academy which are located at the SAS Office."

"Wow. So ganoon pala talaga ka-elite ang paaralang ito."

"Anyway Miss Lowrie, if you are done with your concerns, I need to go," he said leaving me wondering but before he took a step away, I already grabbed the opportunity to ask him for a little favor.

"Hey, wait... Pwede bang sumabay ako sa'yo or sa inyo mag-lunch? You know, wala pa akong kakilala dito and I still do not know where the cafeteria is."

Oo na. I know it's kind of awkward pero kasi, wala pa talaga akong kakilala dito and I don't want to look like a loner.

Hindi pa man siya nakakasagot ay may lumapit na sa kaniyang babae.

"Seph, nahanap din kita. San ka ba-Oh! Hiiii. I guess you're the newbie. I'm Louise by the way."

Biglang nabaling ang tingin niya sa akin at inilahad niya ang kamay niya kaya agad ko naman itong inabot.

"Aleighna Lowrie."

"Such a cute name. Anyway, sabay ka nang mag-lunch sa amin. Tara."

Bago pa ako makasagot ay hinila na niya ako papuntang canteen. Buti na lang ay hindi pa masyadong marami ang mga estudyanteng nandirito kaya agad kaming nakabili ng makakain. Wala pa ring tigil sa kakadaldal I mean kaka-kwento si Louise nang biglang sumingit si Joseph.

"Louise, pagkain ang kaharap."

"Screw it Seph. Aleighna, sinungitan ka ba nito?"

"Most of the time that we had the campus tour, yes."

Bigla akong sinamaan ng tingin ni Joseph kaya bahagya ko na lang siyang nginitian. I was just being honest.

"But he accompanied me well," dagdag ko.

"Oh come on, Seph! Is that how you are going to welcome transferees all the time?"

"Tumigil ka nga muna sa kakadaldal Louise. Ganyan mo rin ba iwelcome ang mga transferees?"

Natatawa na lang ako sa kanila dahil nagsimula na silang magtalo slash mag-asaran.

"Teka Louise, nakita mo na ba sina Nazaire at Chas?"

"First and foremost Seph, wala akong pake kay Nazaire at mas lalong wala akong pake sa Chastity na yun na malamang sa malamang eh nakabuntot na naman kay Nazaire na ginagawa ang duty niya."

Tuloy-tuloy na saad niya at ako yata ang nahilo sa kaiirap niya.

Hindi naman siguro siya galit sa mga taong 'yon?

"Watch your mouth, Louise de Guzman. Kapag may nakarinig sa'yo at nakarating to sa kanila, hindi kita sasaluhin."

"H-hey... Sino si Chastity at 'yong Nazar? Naizare?" bigla kong tanong dahil nabakas ko kanina ang pagkainis niya sa dalawa.

"Chastity is the SCB Vice President who is head over heels with NAZAIRE who happened to be the SCB President for three years," she said emphasizing NAZAIRE's name.

Sooo... The president and vice president?

"Hindi ka naman galit sa kanila, 'no?" pabirong tanong ko sa kaniya.

"Not actually. I mean, not totally."

Bigla-bigla na lang nagbago ang ekspresyon ng kaniyang mukha at naagaw naman ng lalaking lumapit sa amin ang atensyon namin.

"Sec, pinapabigay ni Pres. Ikaw na lang daw bahalang magbigay sa transferee nito."

"Bakit? Nasaan siya?" singit ni Louise sa dalawa.

"Walang nasabi Louise eh."

"Ahh baka busy kasama ng mga kaibigan niya at si Chastity sa gym."

"Louise," kalmadong sambit ni Joseph pero ramdam ko na ang pagpipigil niya ng inis, "Inuulit ko ha. Hindi kita sasagutin kapag nakarating kay Nazaire 'yan"

Iniabot na sa akin ni Joseph ang isang brown envelope na ibinigay ng lalaki and I guess this envelope contains my class schedule, the rules and regulations, my rights as a student here and so on.

"Anyway, I have to go," walang ano-ano ay umalis na nga siya at kami na lang ni Louise ngayon ang magkasama.

"So Aleighna," panimula ni Louise nang makaalis si Joseph.

"Just call me Leigh, Louise" singit ko sa kaniya.

"Ok, Leigh I heard galing ka sa Karringstyn University, bakit nag-transfer ka pa rito?"

Sinong hindi magtataka? It's Karringstyn University, one of the well-known schools in the country, at isang malaking kawalan ang pag-iwan sa university.

"I did not transfer here. I am here because of the exchange student program."

"So you mean, hindi mo talaga iniwan ang Karringstyn?"

Sa halip na sagutin siya ay umiling na lamang ako.

"Damn, Leigh. I thought nahihibang ka na. Karringstyn na yun eh. Dream school ng lahat at kung magkakaroon lang talaga ako ng opportunity, I won't hesitate na ipagpalit tong Heartfilia doon."

Sino ba naman ang hindi? Karringstyn is all your ALL.

Naputol ang pag-uusap namin nang biglang mag-ring ang bell senyales na tapos na ang lunch break. Hindi ko alam kung masyado bang mabilis ang lunch break dito o hindi ko lang namalayan ang oras dahil sa mga kwento ni Louise kanina.

"That was just a reminder call meaning, twenty minutes more before the afternoon class. So let's go," saad niya at kasabay nito ay ang pagtayo at paghila niya sa akin.

"Saan tayo pupunta Louise?"

"Duhh. Edi sa dorm mo."

"Alam mo?"

"Duuhh? Close ko ang SCB secretary."

Napasapo ako sa noo ko dahil dito. This Louise is crazy. Eh ako nga mismo, hindi ko pa alam kung ano ang dorm number ko. Pero sabi niya nga, close niya ang secretary kaya malamang sa malamang eh alam niya.

Tumigil kami sa harap ng isang dorm at tinuro niya sa akin ang envelope na hawak hawak ko at kinuha ko ang card sa loob nito.

"Inaalagaan ka pa rin talaga ng Karringstyn," sambit niya pagkapasok namin at tiningnan ko lang siya ng may pagtataka bago muling maglakad papunta sa bag ko.

"This area is exclusive only for the SCB, school officials and other students na kayang magbayad ng doble just so you know."

Hindi na lang ako nagsalita at kinuha ko na lamang ang dapat kong kunin saka kami lumabas.

Ang bilis talaga ng panahon. Friday na ngayon at ikalimang araw ko na rito. The first five days of being here were smooth. Except last Wednesday. Napadaan ako sa isang room during break time and the door happened to be open at hindi ko sinasadyang marinig ang usapan sa loob. At dala ng kuryosidad ay napasilip ako. There was a man standing at the platform shouting at those students, not really shouting but he was more on scolding them.

As much as I wanted to hear and see what was happening, dahil parang hindi normal sa akin na pagalitan pa ang mga college students by their co-student, I chose to leave with respect to them. It was a private issue, I guess, dahil isang buong section sila.

For the past week ay may mga nakilala na rin ako, nakausap, naka-kwentuhan. Pero may isa lang akong gustong sabihin sa kanila.

ANG SAKIT NILANG LAHAT SA ULO.

Most of them, kakausapin ka lang kapag school-related tsk. Or baka naman kasi dahil sa bago pa lang ako rito kaya ganito? Sigh. Siguro nga. Imposible namang maging close ko sila kaagad in just five days.

Anyway, nasaan na ba si Louise? Kanina pa ako naghihintay sa kaniya rito sa quadrangle pero kahit anino niya, wala.

Malamang Leigh. Matakot ka kapag nakita mo anino niya tapos siya wala.

Nasapo ko ang aking noo dahil dito at bigla kong naisip na tawagan na lang siya nang biglang lumitaw ang pangalan ni Sheiana sa caller ID na agad-agad ko namang sinagot.

"Hey girl! Ano? Kamusta? How's your stay there?"

"Hey my ass, Iana! Ang saya mo talaga at wala ako diyan, 'no?"

"Nah-uhh. Wala akong mapagtripan bessy"

"Sheiana Cereza!! Hindi ko talaga alam kung paano kita naging best friend!"

"So do I, Leigh." Narinig ko pa ang pagtawa niya mula sa kabilang linya bago siya muling nagpatuloy sa sinasabi niya, "Well tinawagan lang talaga kita para sabihing gusto kang makita ng lover boy mo at susunduin ka namin bukas ng 8:00 am."

"What the he-"

"Bye bessyyy. Ingat ka diyan."

The hell! She just put down the call! May araw ka din sa'kin, Iana.

"Uyy Leigh, problema? Gigil na gigil ka dyan ah?" at nagpakawala na naman ng tawa itong kakarating lang na si Louise.

"Louise mahigit 15 minutes na akong naghihintay dito, para lang malaman mo."

For the past days din, lagi kaming magkasabay ni Louise sa lunch break and even short breaks tuwing nagkakataon na nagsasabay ang schedule namin.

"Ohh. Sorryyy. Kasi naman yung class president namin ang daming nalalaman kung ano raw ang mga dapat na gawin mamaya, ganito ganyan. Tsk. Palibhasa kasi gustong mapansin ni Nazaire."

Sa buong linggo na magkasama kami ni Louise, walang araw na hindi siya nagsabi ng ganyan. Minsan nga napapaisip ako kung may galit ito sa mga tao rito eh. It was like she was cursing them out all the time.

"Sh*t Leigh!"

Bahagya akong napaatras dahil sa biglaan niyang pagsigaw at inagaw niya sa akin ang cellphone ko at pilit itong ipinasok sa bag ko.

"H-hey ano ba?"

"Anong ano ba? Hindi mo ba binasa 'yong inabot na envelope ni Joseph sa'yo? Nasa rules and regulations yan, Leigh. Paano na lang kung may nakakitang officer sayo? First offense!"

Hindi ko alam pero bigla akong natawa sa reaksyon ni Louise.

"OMG Louise! Hahahahaha"

"B*tch. Ititigil mo yang pagtawa mo o ako mismo magsusumbong sa'yo sa president?"

"Louise naman," saad ko habang nagpipigil pa rin ng tawa, "Parang noong Monday lang wala kang takot na magsalita ng kung ano-ano laban sa SCB, tapos ngayon, para kang nanay ko."

"Aleighna Lowrie, hindi mo kilala ang SCB President. Binabalaan kita. Never break any rules as long as you are under the academy's premises."

"Pero-"

Hindi ko na naituloy ang dapat kong sabihin nang makarinig kaming pareho ni Louise ng boses ng isang lalaki.

"Kuya, spare me another chance please. Bago lang po ako rito, hindi ko po talaga alam ang tungkol doon."

The guy was almost on his bended knee begging this another guy. Curiosity then hit me and instead of just leaving I decided to stay and kept my eyes on them.

"Leigh, tara na."

"Wait lang Louise."

Hindi ko alam dito kay Louise, bigla na lang nagmamadaling umalis, pero pinigilan ko siya at ibinalik ko ang pansin ko sa dalawang lalaki na hindi kalayuan sa amin.

"Bago? You've been here for a month so stop telling me you're new here. What's the purpose of those papers kung hindi mo babasahin?"

This guy looked familiar... He was the one Last Wednesday!

Nagsisimula nang dumami ang mga estudyante na nakapalibot sa kinaroroonan ng dalawa and gossips are everywhere na hindi ko naman maintindihan.

"Kuya," nagmamakaawa pa rin 'yong lalaki sa kaniya pero parang wala itong pakialam at nagsisimula nang kumulo ang dugo ko sa kaniya. This is not how we treat students in Karringstyn.

"Go back to your respective areas everyone!" saad ng lalaki sa mga estudyanteng nakapalibot sa quadrangle.

"Kuya, please po. This might affect my scholarship and I cannot lose it."

"H-hey, Leigh! What do you think you're doing!? Wag ka nang makialam diyan!"

Akmang hahawakan pa lang ako ni Louise pero agad na akong naglakad papalapit sa lalaking akala mo ay kung sino at nang nasa harapan niya na ako ay binigyan niya lang ako ng blankong ekspresyon.

"Is this how you treat your schoolmate? Putting them on shame in front of other students?" saad ko at tiningnan ang mga nakapalibot sa amin, "For what? To show them that you are steps ahead? Na mas nakakataas ka kaya pwede mo silang maliitin?" dagdag ko nang makita ang badge sa bulsa ng kaniyang pangtaas na uniporme.

It was royal blue and Louise told me that the colors of the badges represents a hierarchy wherein royal blue is one of the highests.

Nanatiling nakatingin lang ang lalaki sa akin. Hindi siya nagsasalita o kumikilos man lang.

He deserved to be put on his place.

"What's up with you? I had seen you degrading students twice," patuloy ko.

"I think she's the transferee."

"No one has ever did this."

"No one would even dare."

Ilan lang yan sa mga narinig ko sa paligid namin at sandali ko silang tinignan bago ako tumingin sa iba pang estudyanteng naririto.

"No one did what? No one voiced out? Hinahayaan niyo na lang na apihin kayo o may maapi na kapwa niyo? Bakit? What's the joy you can get from it?"

Ibinalik ko ang tingin ko sa lalaking nasa harapan ko na may bakas ng pagkagulat sa kaniyang mukha.

"How many sorry do you want to hear from this guy before forgiving him?"

"Stop. Right. There." Madiin na pagkakasabi niya but it did not made me stop. It could not make me stop neither.

"You want me to stop? Where the hell is the SCB president?"

"Leigh, I said stop!" hindi ko namalayan na nakalapit na pala sa akin si Louise.

"Stop what, Louise?" iritableng tanong ko sa kanya at tiningnan niya lang ako ng masama, "Okay, I will but then, gusto kong sabihin sa inyong lahat, NEVER EVER ALLOW PEOPLE LIKE HIM NA APAK-APAKAN KAYO. He is just one of the students here and he is not a king to treat you, us, this way."

Murmurs became louder pero dahil sa sabay-sabay ang mga estudyante sa pagbubulungan ay hindi ko na maintindihan ang kanilang mga sinasabi.

Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ng lalaking nasa harapan ko bago bumaling kay Louise.

"Is she your friend Louise?" he asked.

"A-ah. H-hindi niya pa alam, okay? Isang linggo pa lang siya rito. A-ako na kakausap sa kaniya."

"Just make sure, Louise. Just make sure."

Nilagpasan niya na ako and out of the blue I murmured, "BASTARD"

"Aleighnaa!!!"

Tinignan ko lang si Louise hanggang sa makaramdam ako ng mahigpit na pagkakahawak sa braso ko.

"Who the hell you were saying a bastard?"

"Obviously, it was you so put your sh*tty hands off me."

Lalo pang humigpit ang pagkakahawak niya at kasabay nito ay ang paglakas ng bulung-bulungan ng mga nakapaligid sa amin, but I don't give a damn.

Marahas niyang binitiwan ang braso ko at naglakad na palayo habang ang mga tao namang nadadaanan niya ay umiiwas sa kaniya.

Who the hell is he? Ang lakas ng loob!

"Welcome to your miserable life, Aleighna, and don't blame me because I warned you at kayo," baling niya sa mga estudyanteng patuloy pa ring nanonood at nakikinig sa amin, "the show is over. ALIS." Walang ano-ano naman na nagsialisan ang mga ito pati na rin ang lalaking nagmamakaawa kanina.

"Miserable life? Screw that. Samahan mo ako," kasabay nito ay ang paghila ko sa kaniya.

"Saan naman tayo pupunta?" iritableng saad niya.

"I want to talk to your president. Gusto kong ipaalam sa kaniya 'to."

"Seryoso Leigh?"

"Mukha ba akong nagbibiro, Louise?"

"Actually no, but you just talked to the president. You just humiliated him in front of us."

"What!?"

Hindi makapaniwalang tanong ko. S-siya!? Siya si Nazaire na president ng Student Central Board!?

Continuă lectura

O să-ți placă și

111K 2.6K 12
حسابي الوحيد واتباد 🩶 - حسابي انستا : renad2315
Reborn Heiress De AnonymousAuthor

Polițiste / Thriller

164K 6.9K 84
A girl whom I thought as my best friend standing before me with a knife to kill me. She stabbed the knife onto my chest and told me "He will not like...
1.3K 421 58
Skyla spent most of her days either studying or thinking of a way to make a bit of extra money. Her one goal to pay back her dad for everything he ga...
The Whole Truth De jaxharlow

Polițiste / Thriller

438K 20.2K 52
Adele knows she witnessed a murder - what she doesn't know is just how personal it is. ...