Forever Love Series 1: Undyin...

By simplyanonimous

307K 7.8K 439

not just your any ordinary story. Si Zoey at si Shinrei. Magkasintahang pinaghiwalay ng tadhana. Ipinagpatulo... More

Undying Love: Chapter One
Undying Love: Chapter Two
Undying Love: Chapter Three
Undying Love: Chapter Four
Undying Love: Chapter Five
Undying Love: Chapter Six
Undying Love: Chapter Seven
Undying Love: Chapter Eight
Undying Love: Chapter Nine
Undying Love: Chapter Ten
Undying Love: Chapter Eleven
Undying Love: Chapter Twelve
Undying Love: Chapter Thirteen
Undying Love: Chapter Fourteen
Undying Love: Chapter Fifteen
Undying Love: Chapter Sixteen
Undying Love: Chapter Seventeen
Undying Love: Chapter Eighteen
Undying Love: Chapter Nineteen
Undying Love: Chapter Twenty
Undying Love: Chapter Twenty-One
Undying Love: Chapter Twenty-Two
Undying Love: Chapter Twenty-Three
Undying Love: Chapter Twenty-Four
Undying Love: Chapter Twenty-Five
Undying Love: Chapter Twenty-Six
Undying Love: Chapter Twenty-Seven
Undying Love: Chapter Twenty-Eight
Undying Love: Chapter Twenty-Nine
Undying Love: Chapter Thirty
Undying Love: Chapter Thirty-One
Undying Love: Chapter Thirty-Two
just me and my wild imaginations
Undying Love: Chapter Thirty-Three
Undying Love: Chapter Thirty-Four
Undying Love: Chapter Thirty-Five
Undying Love: Chapter Thirty-Six
Undying Love: Chapter Thirty-Seven
Undying Love: Chapter Thirty-Eight
Undying Love: Chapter Forty

Undying Love: Chapter Thirty-Nine

8.1K 215 40
By simplyanonimous


Mabilis na lumipas ang mga araw at ngayon nga ay kabuwanan na ni Zoey. Pansamantala na rin silang nakatira sa bahay ng mga de Madrid para mas mabilis ang pagpunta nila ng hospital sa oras na manganganak na siya.

Naglalakad-lakad sa hardin ng hapong yun si Zoey ng makaramdam ng paghilab ng tiyan. Kinakabahang hinawakan niya ang kanyang tiyan.

Wala pa man din si Shinrei sa bahay dahil sumaglit ito sa resort para bilinan muli ang mga staff lalo at puno na naman ng guests ang isla.

Kampante naman si Zoey na umalis ang mister dahil next week pa naman ang due date niya. Ngunit excited na ata ang anak nila at gusto ng lumabas ng maaga.

Napahugot ng malalim na hininga si Zoey ng muling humilab ang tiyan.

"Dad!!", sigaw niya habang dahan-dahang naglalakad papasok ng bahay.

"Daddy!!", muli niyang sigaw ng hindi sumagot ang ama.

"Wala ang daddy mo Zoey.", sagot ni Manang Yas na humahangos mula sa kusina pagkarinig ng tawag niya. "Bakit, manganganak ka na ba?", nanlalaki ang mga matang tanong nito ng makitang sapo-sapo ni Zoey ang tiyan."

"Sumasakit na Manang Yas.", nakangiwing sagot ni Zoey.

"Aba'y tawagan na natin ang asawa mo at ng madala ka na agad sa hospital."

Hindi pa man nakakasagot si Zoey ay bumungad naman sa pintuan ang kanyang mga kaibigan.

"Besh! May dala akong dvd. Fifty Shades Darker!", bungad ni Skylar na iwinawagayway pa ang hawak na dvd.

"Halla. Naglalabor ka na?", gulat namang tanong ni Anary ng mabistayan ang itsura ni Zoey.

"Ay! Tara na sa hospital!!", mukhang excited namang yaya ni Brix na nakasunod sa dalawa.

"Asan si Shinrei?", takang tanong din ni Iñigo na palinga-linga pa.

Habang si Cyric ay puno ang bunganga sa kinukutkot na chichiria.

Si Marion malamang ay nakaduty sa hospital kaya hind nila ito kasama ngayon.

Hindi naman alam ni Zoey kung matutuwa ba siya o maiinis sa presensya ng mga kaibigan.

"Ano dalhin ka na namin sa hospital?", muling tanong ni Anary.

Bumaling muna si Zoey kay Manang Yas bago sumagot sa kaibigan. "Manang pakibaba po dito yung mga gamit namin ni baby.", agad namang tumalima ito.

"False labor pa lang naman beshy. Maya-maya na konti.", kalmang saad ni Zoey.

"Kahit na!", giit naman ni Skylar. "At least pag andyan na talaga si baby, nasa hospital ka na."

"Kaya ko pa. Magpapadala ako pag masakit na masakit na talaga. Pakitawagan na lang si Shinrei please. Nasa isla kasi siya ngayon."

"Hay ano ba naman yang asawa mo!", palatak ni Brix habang nilalabas ang cellphone para tawagan ang kaibigan.

"Hello!", malakas na sabi ni Brix! "Hoy mister! Yung misis mo manganganak na!", walang pakundangang imporma nito.

"Uhm!", dagok ni Cyric sa kaibigan.

"Aray naman!", angal ni Brix. "Bakit?"

"Gusto mo bang languyin ni Shinrei mula resort niya hanggang dito?", nanlalaki ang mga matang sita ni Cyric.

"Eh ano ba? Dapat ba pasweet?", nakangising sabi ni Brix saka muling nilagay ang cellphone sa tenga. "Hello Shinrei. Halika na dito pare ko. Naglalabor na ang misis mo at ayaw pang magpatakbo sa hospital kasi hindi pa naman daw siya masakit na masakit.", super hinhin na na bigkas ni Brix sa kausap.

Sabay ng inundayan ng suntok sa tiyan ni Iñigo at Cyric si Brix.

Hindi naman malaman ni Zoey kung matatawa ba siya o maaawa kay Brix.

......

Wala pang trenta minutos ay dumating naman si Shinrie na humahangos.

"My wife. Where's my wife?", tanong agad niya habang hinahabol ang hininga.

"Nasa likod bahay. Naglalakad-lakad para daw madali siyang umire mamaya.", sagot ni Iñigo.

Agad namang tumakbo si Shinrei para puntahan ang asawa.

"Babe!", malayo pa lang ay tawag na ni Shinrei ang misis.

"Oh babe", sagot ni Zoey na nakahawak sa balakang ang kaliwang kamay at sa tiyan naman ang kanan habang patuloy na naglalakad. Naka antabay naman sa tabi nito si Anary at Skylar.

"Ano pang ginagawa niyo dito? Tara na sa hospital.", yakag ni Shinrei ng makalapit sa asawa.

"Pero...", aangal sana si Zoey ng walang anu-ano'y pinangko siya ni Shinrei.

"Anary, Sky, paki lagay sa sasakyan yung mga gamit nila babe. Dadalhin ko na siya sa hospital.", kalmadong sabi ni Shinrei ngunit bakas sa mukha ang pag-aalala at paumpisang pagpapanic.

Agad namang kumilos ang dalawa at maya-maya pa ay pare-parehas na silang nasa kalsada sakay ng mga sasakyan nila papunta ng hospital.

"Ang oo-a niyo. Kayo ba ang manganganak?", taas kilay na turan ni Zoey.

Hindi naman siya sinagot ng mga kasama sa sasakyan.

Muli siyang pinangko ni Shinrei ng makarating sa hospital at agad diniretso sa E.R.

Lakad pabalik-balik ito habang inaantay ang paglabas ni Dra. Chesca mula sa loob ng E.R. na siyang sumusuri sa asawa.

Ang mga kaibigan naman niya ay nakasalampak sa hallway at nag-aantay din. Si Anary at Skylar ay nakatayo.

"Will you stay still?", sita ni Anary. "Ako ang nahihilo sayo!"

Akmang ibubuka ni Shinrei ang bunganga ng bumukas ang pinto.

"Dra. How is my wife?", agad na tanong ni Shinrei.

Bahagyang natawa naman ang pinsan ni Zoey at tinapik sa balikat ang lalaki. "Relax! You looked pale. She's good. 4cm pa lang ang cervix. Matagal-tagal pa bago lumabas ang baby niyo. I suggest kumuha ka na ng available room dahil ipapa-admit ko na si couz para di na kayo bumalik ng bahay"

"Ok salamat Dra.", sagot din ni Shinrei.

"Balikan ko siya mamaya. Rounds lang ako.", paalam ni Dra. Chesca.

........

"Aray...", daing ni Zoey ng muling makaramdam ng labor contractions. Nasa hallway sila ngayon na sadyang para sa mga buntis at naglalakad-lakad.

Napahawak siya sa stand ng dextrose niya at napa-squat ng bahagya dahil sa sakit.

"Babe..", alalang alalay naman ni Shinrei sa asawa.

Napahugot ng hininga si Zoey saka napakapit ng mahigpit ang kanang kamay sa braso ng asawa. Nasa stand naman ang kaliwa at mahigpit ding nakakapit doon.

Naaawang hinaplos ni Shinrei ang likod ng misis upang maibsan kahit papano ang sakit na nararamdaman nito.

"Ang sakit babe...", maluha-luhang sumbong ni Zoey.

Wala namang magawa si Shinrei kundi halikan sa sentido ang asawa. Kinakabahan din kasi siya. Mas takot pa nga ata siya kesa sa asawa, hindi lang niya pinapahalata dito.

Nakahinga na naman ng maluwag si Zoey ng mawala ang contractions sa tiyan.

Siya namang dating ni Brix na may tulak-tulak na wheelchair. Sa likod nito ay si Cyric at pareho silang nakangisi.

Si Iñigo, Anary at Skylar ay nasa labas at bumili ng pagkain nila.

"Bakit yan?", takang tanong ni Shinrei.

Walang salitang nilipat ni Cyric ang D5 LR dextrose ni Zoey sa tubong nakakabit sa wheelchair para sabitan ng dextrose.

"Tutulungan namin si Zoey maglakad-lakad.", sagot ni Brix.

Akmang uupo naman sana si Zoey sa wheelchair ng pigilan siya ni Cyric at unahang maupo.

Maang na napatitig si Zoey sa kaibigan.

"Nyetah kayo anong plano niyong masama sa akin?", nagpameywang na sita ni Zoey.

"Grabe siya. Masama agad?", mulagat ding tanong ni Brix. Saka ngumiti itinulak ang wheelchair. "Halika na Mrs. Fortalejo. Mamamasyal tayo sa hallway!", he said wickedly.

Bumubula ang bungangang nagreklamo si Zoey ngunit nakasunod siyang naglalakad din sa takot na mahugot at dumugo ang dextrose na nakakonekta sa kamay.

"Mga bwiset talaga kayong dalawa! Wala na kayong ginawang mabuti kundi puro kabulastugan. Kaya walang nagseseryosong mga babae sa inyo dahil ginagawa niyong laro at biro ang lahat!", sermon na ni Zoey sa dalawa ng walang tigil ang mga ito sa pagtulak sa wheelchair.

"Wag mong bilisan Brix! Animal ka talaga!", palatak pa ni Zoey.

Natatawang nakasunod naman si Shinrei sa asawa. Habang napapahalakhak naman ang dalawang lalaki sa mga litanya ni Zoey.

Sakto namang makakasalubong nila ang tatlo pang kaibigan.

Bahagyang nakayukod si Iñigo at inaayos ang sintas ng sapatos.

"Tagal niyo ah? Gutom na ako.", saad ni Brix ng makalapit sila sa tatlo.

"Nagyosi pa yan kasi oh!", nguso ni Anary kay Skylar na napangisi lang.

"Ahh!! Wait lang sumasakit uli.", sabi ni Zoey sabay sapo sa tiyan. At napahawak ang isang kamay sa ulo ni Iñigo na papatayo na sana.

"Arayyy...",maluha-luhang sambit na ni Zoey habang napahigpit ang hawak sa buhok ni Inigo.

"Babe.", alo din ni Shinrei at nakihawak sa tiyan ni Zoey. "Baby, wag mo ng pahirapan si mommy."

"Awww... Zoey, maawa ka naman sa akin.", reklamo ni Iñigo na nakangiwi.

Natatawang naaawa naman sina Brix, Cyric at Skylar kay Iñigo.

Habang si Anary ay lumapit sa asawa.

"Besh...", awat ni Anary sa kaibigan.

"M-my bag of w-water...b-broke!", utal na bigkas ni Zoey kasabay ng pagkabasa ng mga hita nito.

Itinulak paalis ni Brix si Cyric sa wheelchair. Mabilis namang ipinaupo ni Shinrei ang asawa doon at parang tsubibo si Brix na itinulak ang wheelchair papunta sa Delivery Room ng hospital.

"Hoy!!! Tarantado ka Brix! Dahan-dahan at baka mahulog yang asawa ko! Gago ka!", sigaw ni Shinrei na hindi nakahuma sa biglaang ginawa ni Brix bago patakbong sumunod dito habang tawa naman ng tawa si Cyric na nakasunod sa kanila.

Naiwan muli ang tatlo doon at inaalo si Iñigo na mangiyak-ngiyak sa sakit ng pagkakasabunot ni Zoey sa kanya.

........

"Konting push na lang couz", engganyo ni Dra. Chesca sa pinsan. "Nakikita ko na ang ulo ni baby."

"Come on babe. Push.", sabi naman ni Shinrei na nasa ulunan ni Zoey. Hindi ito pumayag na mag-antay sa labas kaya naman pinapasok na ito ng doktora sa D.R. tutal naman ay walang kasabayang manganganak si Zoey.

"Ahhhh...", nakaangat ang ulong sigaw ni Zoey. Nakahawak siya ng mahigpit sa mga braso ng mister. "Ayoko na babe.", naiiyak na nitong turan saka binagsak muli ang ulo sa higaan.

"You have to push babe. Sige na. Parang kagat na lang yan ng langgam", pang-aalo naman ni Shinrei sabay punas sa pawisang noo ng asawa.

"Namo ka! Kagat ng isang batalyong langgam yang sinasabi mo ei... arayyy", angil nito sa kanya.

Nakita naman ni Shinrei ang pagyugyog ng balikat ng doktora tanda ng pagpigil nitong matawa.

"Sige na couz.", muling utos ni Chesca sabay hawak sa tiyan nito bandang baba ng dibdib ni Zoey upang tulungang maitulak palabas ang anak niya.

Zoey extended her right arm and grab Shinrei's hair before giving her full and powerful push.

Sabay namang napasigaw sa sakit ang mag-asawa.

Si Zoey dahil sa panganganak, at si Shinrei dahil sa pagkakasabunot sa kanya ng asawa.

After a series of pushing and cussing, sa wakas ay nailabas din ni Zoey ang anak at agad nabalot ang D.R ng iyak nito.

"Welcome to the world baby girl.", nasisiyahang sambit ni Chesca sa umiiyak na sanggol habang maingat na inilalapag sa tiyan ni Zoey for their first skin to skin contact as a  mother and child.

Naluluha habang nakangiti naman ang mag-asawa habang pinagmamasdan ang anak nilang umiiyak.

Niyuko ni Shinrei ang asawa saka ginawaran ng halik sa noo. "Thank you babe. I love you so much!", madamdamin niyang saad saka masuyong hinalikan sa mga labi.

Sa pagod ni Zoey ay bahagya na lang siyang tumugon saka napapikit.

"Doktora!", tawag ni Shinrei ng makitang nawalan ng malay ang asawa.

"Relax. She's just exhausted.", sagot naman ng doktora sa lalaki.

.......

Magtatanghali na ng magising si Zoey kinabukasan. At bahagya pa siyang nalito kung nasaang lugar siya dahil sa dami ng mga bulaklak at lobong nakalutang lang sa ere ang nakakalat sa buong kwarto.

Pagbaling niya sa kanan niya ay nakita niya ang nakayupyop na si Shinrie habang nakahawak sa kamay niya.

"Babe", tawag ni Zoey sa asawa. Maingat na inalis ang kamay saka buong pagmamahal na hinaplos ang ulo ng mister.

Doon naman naalimpungatan si Shinrei at mabilis na nag-angat ng ulo.

"Hi babe.", paos na sabi ni Shinrei. Halata pa sa mga mata nito ang antok. "How are you feelin'?"

"Im good. Ikaw? Inaantok ka pa?"

Ngumiti naman si Shinrei at muling pinagsalikop ang mga palad nila. Saka dinala sa bibig at hinalikan ang kamay ng asawa. "Hindi na."

Tinitigan ni Shinrei si Zoey ng malamlam. "I love you babe. Mula noon hanggang ngayon. You never fails to amaze me. Lalo akong naiinlove sayo araw-araw."

Zoey blushed by the sudden sweetness of her husband. "I love you too babe. Thank you for loving me unconditionally."

Tumayo si Shinrei saka siniksik ang katawan sa kama ng asawa.

"I missed our sexy time babe.", mapang-akit na saad ni Shinrei. Saka hinaplos-haplos ang braso ng misis. "Gawa na ulit tau ng kapatid ni baby.", ngiti pa nito.

Natatawang pinitik naman ni Zoey ang matangos na ilong ng asawa. "Uhm! Ang hirap-hirap manganak. Ano ako inahing baboy?"

Natawa rin si Shinrei saka naglalambing na isiniksik ang mukha sa leeg ng asawa.

Nailang naman ni Zoey. "Babe. Am'baho baho ko kaya. Ano ba."

"Hindi kaya."

"Isa."

Akmang hahalikan ni Shinrei ang leeg ni Zoey ng bumukas ang pinto at pumasok doon ang mga magulang nila.

"Por Diyos! Por Santo! Shinrei!", agad na palatak ni Ellie ng makita ang ayos ng anak. "Kakapanganak pa lang ng asawa mo susundan mo na agad?!"

Natatawang umayos ng upo si Shinrei ngunit nanatiling nakapwesto sa kama.

Pinamulahan naman ng mukha si Zoey.

"Eh kasi nga di ba mommy we promised we will give you a dozen of grandchildren?", pilyong sagot ni Shinrei sa ina.

Tinampal naman ni Zoey ang braso ng asawa habang natatawa si Nikkos at Ernest sa kanila.

Sakto namang may tumawag sa cellphone ni Ernest saka ipinasa kay Zoey ng makita kung sino ang tumatawag.

Galak na sinagot ito ni Zoey. "Hello mom.", masuyo niyang sabi. "Mommy na rin ako....Thank you mommy. I love you. Alam ko na ang hirap ng pagluwal mo sa akin sa mundong ito. Mahirap na masarap.... I love you mom. See you soon."

Maya-maya pa ay pumasok na si Dra. Chesca at isang nurse bitbit ang kanilang anak.

"Here comes the baby.", masayang turan ni Chesca. Kinuha niya ang sanggol sa nurse at saka ipinasa kay Zoey.

"Thank you couz.", ngiti ni Zoey sa doktorang pinsan.

"Sus! 'La yun. Ninang ako ah?", presenta ni Chesca.

"Oo naman.", sagot naman ni Zoey.

"Ay, eto pala birth certificate. Pakifill-up-an tapos pakibalik sa akin. Hospital na ang magpaparehistro sa munisipyo.", sabay abot ng papel kay Shinrei.

"Salamat.", ngiting sagot din ni Shinrei.

"So pano, rounds muna ako.", paalam ng doktora saka humalik kay Ernest at magalang namang nagpaalam sa mga magulang ni Shinrei.

"Anong ipapangalan niyo sa baby?", excited na tanong ni Ellie.

Nagkatinginan naman ang mag-asawa at sabay na napangiti.

"Rhoanne ShiRis de Madrid Fortalejo", may pagmamalaking bigkas ni Shinrei saka niyuko ang mag-ina niya.

Hinalik-halikan naman ni Zoey ang pisngi ng anak bago ito pinagmasdan ng mabuti. "Kamukha mo babe.", usal ni Zoey na hindi mapigilang maiyak.

"Mas kamukha mo babe", sagot naman ni Shinrei.

Narinig ni Zoey na suminghot ang mister kaya tiningala niya ito at may kung anong humaplos sa puso niya ng makitang nagpipigil itong maiyak.

"Why?", kunot noong tanong niya kahit hilam din sa luha ang mga mata.

"Im...Im just happy. Contented. Fulfilled."

"Same here babe. Same here."

"Ang....ang drama niyong mag-asawa", pamamasag ni Ernest sa moment ng mga anak nila.

Natawa naman si Nikkos habang lumapit na si Ellies sa kama.

"Can I?", tanong ng sabik na lola.

"Sure po mommy.", abot naman ni Zoey sa anak.

Naluluha ring kinuha ni Ellie ang unang apo at agad pinupog ng halik.

"Sweetheart baka naman malamog yang apo mo niyan.", natatawang sawata ni Nikkos sa asawa.

"Nakakagigil kasi sweetheart. Ang ganda-gandang bata. Mana sa akin.", saad ni Ellie. "Hi Rhoanne ShiRis. Ako si lola. Pero mommyla ang tawag mo sa akin ok?"

"Pahalik din sa apo ko!", agaw naman ni Nikkos sa apo.

Hanggang sa pinagpapasa-pasahan nilang tatlo ang kawawang apo.

"Mom! Dad! Yang anak ko hindi bola!", protesta na ni Shinrei.

Tinawanan lang siya ng tatlo.

Hanggang sa muling bumukas ang pinto at pumasok ang maiingay nilang kaibigan na lalong nagpagulo sa loob ng kwarto dahil sa pagkasabik nila sa kawawang si ShiRis.

.........

4 MONTHS LATER...

Naalimpungatan si Zoey ng makapang wala sa tabi niya ang asawa. Nagmulat siya ng mata at iginala ang paningin sa buong silid.

Nakita niya ang crib ng anak ngunit wala ito roon. Hindi muna nila pinapatulog ang anak sa nursery room dahil ayaw mawalay ni Zoey dito kaya nilipat muna ang crib ng bata sa kwarto nila.

Nung nakaraang buwan ay idinaos ang binyag ng anak nila. Siyempre pa ay ninong at ninang ang mga kaibigan nila. Hindi rin pumayag na hindi makasama sa listahan ng magaganda kunong ninang si Sey. Umuwi rin si MariDel na sa unang pagkakataon ay personal na mahahawakan ang unang apo. Sa video call lang kasi madalas makita ni MariDel ang apo.

Binalak din nilang mag-asawa na imbitahan si Cady at Jace ngunit pareho nilang hindi mahagilap ang dalawa.

Napapangiting bumangon siya ng makita ang asawa sa rocking chair na kalong kalong ang anak.

Nakatalikod ang mga ito sa kama at nakaharap sa sliding door na papunta sa balkonahe ng kwarto nila.

Malamang ay inaabangan na naman ng mister niya ang pagsikat ng araw.

Dahan-dahan siyang lumakad papunta rito saka naglalambing na niyakap ang leeg ng asawa ng makaupo siya sa armrest.

"Ba't gising ka na?", masuyong tanong ni Shinrei saka iniyakap ang libreng kamay sa beywang ng misis. Nakahiga sa dibdib niya ang anak at nakapalibot doon ang isa niyang braso.

"Ba't di mo ako ginising?", tanong naman ni Zoey saka sinuklay-suklay ang malagong buhok ni Shinrei. "Umiyak ba si ShiRis?"

"Uh-uhm.. pinalitan ko ng diaper."

Napangiti naman si Zoey sa sinagot ng asawa. Never in her wildest dream na darating ang araw na magagawa ni Shinrei ang magpalit ng diaper para sa anak.

He is a loving father indeed. And a fabulous husband.

Ilang beses na siyang nagpapasalamat sa Diyos na binigyan siya ng isa pang pagkakataon para muling mahalin at alagaan si Shinrei.

Napakaswerte niya sa asawa dahil alam niyang mahal na mahal siya nito. At ipinapangako niya sa sarili na susuklian niya ito ng mas pa sa pagmamahal na inaalay ng mister sa kanya.

"I love you", hindi napigilang bulong ni Zoey saka hinalikan ang ulo ng asawa.

Tiningala naman ni Shinrei ang misis niya. "Mas mahal kita babe!", at sumilay ang ngiti.

Yumuko si Zoey upang hagkan ang mga labi ng asawa. Hindi naman nagdamot si Shinrei at agad tinugon ang halik ni Zoey.

Papalalim na ang halikan nila ng umiyak si ShiRis. Agad naghiwalay ang kanilang mga labi at inihele ni Shinrei ang anak.

Kontento naman idinantay ni Zoey ang ulo sa ulo ni Shinrei saka tahimik nilang pinagmasdan ang pagsikat ng araw.

"I love you.", muling bulong ni Zoey sa hangin.

Pero hindi gaya noon, kung saan nakaupo sila ni Shinrei sa open field ng university nila at hindi tinugon ang bulong ni Zoey sa kasintahan, ngayon, walang alinlangan, walang inhibisyon, walang pagtatampong sinasagot na ni Shinrei ang bawat bulong ni Zoey.

"I love you more, now and forever.", bulong din ni Shinrei sa hangin.

÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷FIN÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷

Kasalukuyang nasa Manila si Shinrei upang personal na kausapin ang dati ring nagdesign sa Shin's Paradise.

Katatapos lang ng meeting nito at papauwi na sana ng lalawigan nila ng maalala niya si Cady.

Nasabi nito sa kanya na nasa condo siya nito kaya naisipan niyang daanan muna ito at kamustahin bago tumulak pauwi.

Mabuti na lamang at nasa listahan ang pangalan niya sa mga pwedeng dumalaw kay Cady kaya naman nakapasok siya ng building at ngayon nga ay nasa harap na siya ng unit ng kaibigan at nagdodoor bell.

Bumukas ang pinto at laglag ang panga ni Shinrei sa nabungaran.

Nagtama ang mga mata nila at nagkatitigan. Nagsukatan ng mga titig. Walang may gustong kumurap at magpatalo.

Nang mula sa loob ay may lumabas at nagsalita habang lumalapit sa kanila.

"Jace, sinong kuma---...Shin?!", gulat na bulalas ni Cady.

........................................................................

A/N:

Iiyak na ba ako?
Waaahhh..

End na talaga.😢

Salamat sa mga nagbasa ng kwento nila Shinrei at Zoey.

Sana nag-enjoy kayo kahit hindi ako ganun kagaling sa pagsusulat at paglalahad ng isang obra.

Kitakits po ulit tayo sa RACER'S REVENGE mga beshy!

Ayoko maging emosyonal..pero mamimiss ko sila.

Lalo na si Brix. Hahahah mamaya mangalabit na naman yun. Natatawa ako sa kanya eh.

Ayoko man tapusin pero lahat ng nasimulan, may hangganan. And sad to say, dito na talaga nagtatapos ang kwento ng mga pusong pinaghiwalay ng kapalaran ngunit muling pinagtagpo ng tadhana.

Salamat at hanggang sa muli mga beshy!😙😙😙

P.S.

CTTO TO ALL THE MEDIAS USED ALL THROUGHOUT THE STORY! TY!

RACER'S REVENGE ONGOING
CHECK IT IN MY WORKS
THANKS!

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 58.9K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
2.6K 96 11
Luna was a woman who is contented with her life, a successful career, a complete and happy family then the best partner of all. Everything is fix, h...
12.3M 538K 57
(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age...
10.6K 483 29
Giovanni Moretti is a self-made billionaire. A vintner or winemaker. He owned the largest vineyard of grapes in Italy. He's also the largest manufact...