Angst Academy: His Queen

By supladdict

14.3M 434K 99K

Highest Rank Reached in Action Category: Rank #1 Her innocence. Their violence. How come a weak and innocent... More

Prologue
Author's Note
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Epilogue
Special Chapter

Chapter 11

227K 7.4K 1.7K
By supladdict

Her POV

Napatunganga ako sa kawalan dahil sa ginawa nila. Ramdam ko ang yakap ng may pink na buhok sa akin sa likod. Samantalang ang nasa harap ay hawak ang kamay ko at nasa balikat ko ang kaniyang mukha. Nanigas lamang ako at hindi makagalaw.

Should I push them away? Pero natatakot ako na baka isang mali ko lang na galaw at 'di nila magustuhan ay saktan na nila ako.

Nagitla ako nang pabagsak na bumukas ang pinto. Nakita ko kahit na naka-upo sa sahig ang bagong dating. Napa-awang ang labi ko nang makita siya. Siya iyon! Ang lalaking na-encounter ko sa cafeteria. Ang lalaking nabuhusan ko ng soup at nagbanta sa akin.

Huli na ang plano kong pag-iwas ng tingin. Nagkasalubong ang aming mata. Natigil siya sa paglalakad at kunot noo na nakatitig sa akin. Hawak hawak niya ang puno ng kaniyang bagpack at balewalang bitbit ito sa kaniyang balikat. His lips twitched into smirk ngunit ang mga mata niya ay nananatiling malamig.

Napalunok ako nang malalim. Pilit kong iniwas ang tingin sa kaniya at bumaling sa kawalan. Narinig ko ang mga yabag niya at lagabog ng upuan. Gumalaw ang kambal sa akin.

"You're not breathing.." bulong ng isa mula sa likod ko. At doon ko napagtanto na halos hindi na ako huminga dahil sa kaba. I inhaled and filled my lungs with air.

"Better," bulong naman ng isa na nasa harap ko. Natauhan ako at bahagyang gumalaw. I felt awkward.

"U-uh..okay na ba yung mga sugat niyo?" tanong ko at bahagyang lumayo.

Tuluyan na silang bumitaw sa akin. Napasandal ako sa pader at tumitig sa kanila. Bahagya silang nagdikit at nangalumbaba na tumingin sa akin. Sabay silang tumango.

"Yeah, thanks." Sagot ng isa. Napakurap-kurap ako at pilit na ngumiti.

"Ahh.. s-sige. Balik na ako sa desk ko," sagot ko. Mabilis akong tumayo at halos tumakbo papunta sa pwesto ko. Narinig ko pa ang mahinang bulungan nila ngunit hindi ko naintindihan.

Tuwid akong umupo at tumitig na lamang sa whiteboard na nasa harap. Kinagat ko ang labi at pasimpleng sumulyap sa likod. Nakita ko siya na naka-earphone at tuwid na naka-upo. Mabilis akong nag-iwas ng tingin nang kumilos siya.

Tumahimk na ang classroom. Halos makarinig na ako ng mga kulisap sa sobrang tahimik. Ganon siguro ang epekto ng nakaka-intimida niyang dating. Ano kaya ang pangalan niya?

At ibig sabihin ay kaklase ko siya? Sa nangyari sa cafeteria noon, malamang ay marami na siyang nagawang kalupitan kaya napunta siya rito. Sana naman ay nakalimutan na niya ako. Ang sabi pa naman niya, kapag nagkita kami muli....

Napalunok ako at sumulyap muli. Nanigas ako nang magsalubong ang mga mata namin. Umiwas ako ng tingin at kumuha ng notebook mula sa bag ko, pati na rin ng ballpen.

Binuklat ko ang bandang dulo na bahagi ng notebook at nagsulat ng kung ano-ano. Para iwas boredom. Sumulyap ako sa wrist watch and I realized that thirty minutes already passed ngunit wala pa ring teacher. Sumulyap ako sa may pinto at tumingin kung may paparating ngunit wala.

Baka naman may meeting ang mga teachers kaya wala pa...

Yumuko na lang ako muli at nagsimulang gumuhit. Naalala ko ang nangyari kagabi. Kahit napaka-imposible makatakas dahil na rin sa mataas na pader ng akademya pinilit ko pa rin.

At ngayon ito ang kabayaran noon. Kahit ganon, hindi pa rin ako nanghihinayang. Atleast I tried, kesa naman hindi ko sinubukan at habang panahon na pananatili ko rito ay puro pag-iisip ng posibilidad na nangyari kung sumubok. Wala namang nawala, well napunta ako sa klase na ganito. But no regrets...

Talagang mahapdi lang ang mga sugat ko. Hindi ko pa rin naman natatanggap na dito na ako mag-aaral. Sa paaralan na mas wala akong laban. Alam kong magiging mahirap at honestly hindi ko rin alam kung anong gagawin ko sa mga sitwasyon na nangyayari sa akin. Anong gagawin ko kung mangyari ang mga kinatatakutan ko?

But hindi ako dapat magpagulo sa mangyayari sa hinaharap. Iisipin ko man iyon at pagplanuhan, hindi ko dapat hayaan na sirain ako nito. Mas mahalaga ang kasalukuyan at dapat itong tutukan.

Napa-upo ako nang tuwid nang biglang may pumasok. Nanlamig ako nang makita ang grupo na tinatawag na Plus èlèvee. Bumigat ang tensyon sa loob ng kwarto kahit wala pang nangyayari.

Pumasok ang lima. Dalawang babae at tatlong lalaki. Nilibot nila ang tingin sa paligid. Tumigil iyon sa likod bago napa-iling ang isang naka-top knot at ngumisi. Hanggang sa madako ang tingin nila sa akin.

"The stubborn newbie," malamig na saad ni Xiela at tinaasan ako ng kilay. Kinabahan ako. Bumilis ang tibok ng puso ko habang nakatingin sa kaniya.

Noon na wala pa akong alam ukol sa mga estudyante dito ay ayoko na ng presensya nila. At lalo na ngayon. Ngayon na alam ko na kung saan nagmula ang mga estudyante dito.

"Ang baguhan at scholar na nagtangkang tumakas.." Humakbang siya palapit. Napalunok ako nang ilagay niya ang dalawang palad sa desk ko. Dinungaw niya ako. Tumitig siya sa mata ko maya't maya ay napakurap at umiwas ng tingin.

"Ang kapal ng mukha.. scholar na nga lang ay nagtangka pang tumakas mula sa prestihiyosong paaralan na 'to," nanunuya niyang saad.

"Kung pumunta ka rito Xiela para sabihan siya ng kung anu-anong salita, umalis ka na. Umalis na kayo."

Nanlaki ang mata ko nang magsalita si Elene gamit ang malamig na boses. Walang bakas ng takot ang kaniyang mukha. Lahat ng nasa loob... lahat sila ay kalmado at tila hindi man lang naiintimida sa grupo ng nasa harap.

Malayo sa mga estudyante noon sa cafeteria na takot na takot sa grupong Plus èlèvee..

"You shut up, bitch. Hindi kita kinakausap kaya wala kang karapatan magsalita," saad ni Xiela. Ngumisi si Elene.

"Hindi ka rin naman kinakausap ng newbie, kaya wala ka ring karapatan magsalita sa kaniya kung gano'n?" Tumaas ang kilay nito at ngumiti ng nakakaloko.

Inismiran siya ni Xiela at bumalik sa pwesto. Halata ang pagka-pikon sa mukha nito. Kinindatan ako ni Elene at ngumiti.

"Ito ang magiging parusa mo. Dito ka mag-aaral kasama ang mga rule breakers na 'to. You see, maraming disadvantage dito that serves as your punishments.." Saad ni Ezperanza. Ang tatlong lalaki naman sa harap ay tahimik na nagmamasid.

"Atleast kami, we can do anything. Kahit may parusa, malaya. Hindi katulad ng iba diyan, nagpapaka-santa sa sobrang bait mapanatili lang sa pwesto niya," saad ng isa pang babae na may kasamang bakla. Hinipan niya ang kuko at nagtaas ng kilay. Napatikhim ako at yumuko.

"Whatever," saad lang ni Xiela.

"At mababawasan rin ang allowance mo, can I get your card for a while?" Malamig na saad ni Ezperanza. Tumango ako at kinuha sa bag ang itim na card. Tumayo ako at inabot sa kaniya ito.

Kumunot ang kaniyang noo at tinitigan ang card na binigay ko. Sumulyap siya sa akin. Ramdam ko rin ang paninitig ng iba pa niyang kasama sa akin.

"B-bakit ka may ganito? You're a scholar right?" Tanong nito sa akin.

"Y-yes. Hindi ko alam, basta binigay sa akin ng headmaster iyan," sagot ko.

Nakita kong bumulong ang naka-top knot na buhok sa lalaking mukhang tahimik. I can't understand it ngunit kumamot lamang ang bumulong nang senyasan siya ng tahimik na h'wag maingay.

"Really? Baka naman ninakaw mo?" Taas kilay na tanong ni Xiela.

Pakiramdam ko ay may malamig sa tiyan ko nang sinabi niya iyon. Nakarinig ako ng marahan na lagabog sa mula sa likod.

"Ewan ko kung nasaan ang utak mo Xiela. Kung ninakaw niya iyan sana hindi niya iyan pinakita sa inyo at 'yong tunay niya ang binigay. Boba!" saad ni Elene at humalakhak.

Napatuwid si Xiela at nanlaki ang mata. Akmang susugod siya nang hawakan siya ng kaniyang kakambal. Pulang-pula ang kaniyang pisngi at tila puputok na sa sobrang inis.

"You don't have any fucking rights, bitch to say those kind of words to me!" Sigaw niya. Tumaas ang kilay ni Elene.

"Bakit? Sino nagsabi?" Tanong niya at pinag-krus ang kamay sa harap ng dibdib.

"It's on the rule. Na dapat igalang ang nasa grupo na Plus èlèvee!" Humalakhak si Elene at tinapunan ng nanunuyang tingin si Xiela.

"Oh, really stupid. Nakalimutan mo yata kung bakit nandito kami, we are the RULE BREAKER. Kaya wag ka na umasa na sundin ko iyan," humalakhak itong muli. Tumayo naman ang bakla at babae na magkatabi at pumalakpak at umiling-iling pa.

"Tss, umalis na kayo dito.." Saad ng isa sa mga kambal. Tumingin ito sa akin at pumula ng pisngi at umiwas ng tingin.

"Iyan talaga ang binigay sa akin ng headmaster.." Saad ko. Tumango si Ezperanza at tumitig sa akin.

Napatayo sila ng tuwid ng biglang may pumasok. Napa-atras ako nang makita ang matangkad na lalaki. Tumingin ang kaniyang mata sa paligid ngunit huminto sa akin. Napa-awang ang labi ko nang makita ang itim na itim niyang mata. Sandali lamang iyon at tumingin siya kay Ezperanza.

"What's that?" Tanong nito.

Nanigas ako nang marinig ang boses niya. Pamilyar 'to. Tumitig ako sa makurba at makapal niyang pilik-mata. Down to his sharp and arrogant nose. Sa kaniyang mapulang labi... at sa depinang mga panga. My heart beat fast when I realized something. Siya iyon... 'yung kagabi.

"Her card, babawasan 'to.." Saad ni Ezperanza. Umiling ang bagong dating. Hindi ko maalis ang tingin sa kaniya.

"You don't need to. Besides.." Sumulyap ito sa akin, diretso sa mata ko ang tingin bago bumalik kay Ezperanza ang tingin, "..she's a newbie, she doesn't know anything about the rules."

Naningkit ang mata ni Xiela.

"So you're saying na exempted siya? Hindi pwede iyon, she need to stay here---"

"Don't be over acting Xiela. Tungkol lamang sa card ang sinasabi ko.." seryoso nitong saad.

I can even hear the authority on his voice. Marahas na bumuntong hininga si Xiela.

"I'm sorry.." At yumuko ito na tila maamong pusa. Napakunot lalo ang noo ko. They are acting like he's the highest person among them..

"Now, let's go." Inagaw nito ang card kay Ezperanza at inabot sa akin. Maagap ko iyong tinanggap. Naunang lumabas ang mga lalaki.

Lalakad na sana paalis sila Xiela ng huminto siya at naniningkit ang mata na tumingin sa akin. Pati ang mga lalaki ay nahinto rin at pumasok muli.

"What's your name? Tell me!?" Aniya. Napatindig ako at tumitig sa kaniya.

"Eirian Agape Lopez.." sagot ko. Her eyes widened at natulala nang sandali.

"Agape.." Bulong niya. Inulit rin ito ni Ezperanza. Nakita kong napatingin sila sa may bandang likod ko. Nanlalaki ang mga mata nila at may kung ano sa kanilang mata na nais iparating sa taong nasa likod ko. Sino ba ang nasa...

Napatuwid ako at nanindig ang balahibo nang makaramdam ng marahan na haplos sa aking likod. Kahit makapal ang uniporme na suot ko ay naramdaman ko pa rin ang init ng kaniyang balat.

"You can sit now.." Bulong ng paos niyang boses. Para akong manika na dire-diretsong naglakad papunta sa pwesto ko dahil sinabi niya iyon.

Kakaiba pa rin ang titig na binibigay nila Xiela at Ezperanza sa lalaki at lumipat sa akin hanggang sa maka-alis sila.

"Agape, huh?" Napatingin ako sa likod at sumulyap sa lalaking naka-earphone. Nakangisi ito sa akin at kumislap ang mata niya na tila may naisip na kalokohan.

*******

Supladdict<3

Continue Reading

You'll Also Like

23.4M 779K 60
Erityian Tribes Series, Book #3 || Cover the world with frost and action.
1.1K 215 32
Nais ni Akihiro Landez na muling magkabalikan sila ni Erika Romulo bilang magkasintahan. Si Erika naman ay wala nang nararamdaman para kay Akihiro at...
1M 29K 93
She thought everything was alright about her identity but she was wrong. She was sent to a boarding school for another chance to change-to be a norma...
1.3K 100 32
Si Alvira Trinity Hawthorne ay isang Outcast; ibig sabihin, wala siyang taglay na kapangyarihan, mahika o anumang kakaibang kakayahan na mayroon ang...