Angst Academy: His Queen

By supladdict

14.3M 435K 99K

Highest Rank Reached in Action Category: Rank #1 Her innocence. Their violence. How come a weak and innocent... More

Prologue
Author's Note
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Epilogue
Special Chapter

Chapter 4

256K 7.5K 771
By supladdict

Her POV

Tumigil kami sa harap ng isang pinto. Bumaling sa akin ang babaeng naghatid sa akin na tulad nila Ethan ay naka-suit at walang emosyon ang mukha. Alinlangan akong ngumiti. Kinuha niya ang kamay ko at iginiya ito papunta sa scanner na nasa gilid ng pinto. I pressed my thumb on the screen and afterwards, a check mark appear as a sign of verification. Kusa itong nagbukas at kinuha ng babae ang dala kong bag at pinasok ito sa loob.

"This is your room, Lady Agape. If you need anything, you can see the assistance number near the telephone," malamig niyang saad. Tumango ako at sumilip sa loob.

Napalunok ako nang makita ang loob ng dorm. It's cozy and very beautiful. Pagtingin ko sa tabi ay wala na ang babaeng naghatid sa akin. Napabuntong-hininga ako nang mapagtanto na hindi man lang ako nakapagpasalamat. Tuluyan na akong pumasok sa loob. Kusang sumara ang pinto at halos mapanganga ako nang mag-isang bumukas ang mini-chandelier na nasa kisame.

The room shouts elegance and luxury. Just a mere sight of the things around, masasabi mo namamahalin ang mga ito. Napansin ko pa sa likod ng pinto ay may golden plate at may naka-ukit na 'Haute Class'. As far as I remember, it is a French word but I forgot the meaning of it. Umiling na lang ako at pinagsawa ang tingin sa paligid.

Color beige and cream dominated the whole room. May malaking flat screen TV, tapos sofa at sa gitna nito ay may coffee table. Lumapit ako sa gawi ng T.V, sa may bandang baba nito ay may rack kung saan nakalagay ang maraming CD's.

Tinungo ko ang isang pinto na naroon. My eyes widen as I saw the bedroom. May queen sized bed which is covered with color cream bed sheet. May maayos din na nakatuping comforter sa ibabaw nito which is color beige. Gano'n rin ang mga unan.

Sa gilid nito, sa kanan banda ay may maliit na lamesa. Sa kaliwa naman ay ang mini cabinet kung saan may nakapatong na maliit na flower vase sa ibabaw at may laman itong ilang tangkay ng kulay pink na rosas.

Nagawi naman ang tingin ko sa may bintana. Natatakpan ito ng kulay cream na kurtina. Tinungo ko ito at hinawi. Isang ceiling-to-floor glass window ang  naroon. Nagbigay daan iti upang matanaw ang puro berde na kapaligiran. Sa may baba ay may malawak na espasyo, which is covered with bermuda grass. At sa hindi kalayuan ay ang kakahuyan na. Puro nagtataasang puno ang natatanaw ko. It gives relaxation on my eyes and at the same time, a little creep. God, naiimagine ko na may puno na monster ang lalabas d'yan. And since malapit ako, ako ang uunahing aatakihin!

Pinilig ko ang ulo. Tss, kalokohan, Eirian! Saway ko sa isip ko.

I turned my back at tinungo ang isa sa pintuan na nasa loob ng kwarto. Bale dalawa ang pinto dito sa loob. Tinulak ko ang pinto and my jaw dropped when I saw what is inside. It's a walk-in closet! May mga uniforms, formal clothes at iba pa. May rack pa para sa mga sapatos at sandals! Nilapitan ko ang mga iyon at hinaplos. Pabagsak akong na-upo sa single-seater sofa na nasa gitna ng closet. Hindi pa rin ako makapaniwala. The sizes of clothes and shoes are exactly like mine.

Dali-dali akong tumayo. Baka hindi naman sa akin ang dorm na ito! Everything is too much para sa isang scholar na tulad ko.

Tinungo ko ang vanity table at kinuha ang telepono. I saw the number on the wall. I immediately dialed it. After few rings ay sinagot na ito.

"Good afternoon Lady Agape! How may I help you?" The girl on the other line asked cheerfully.

She knows my name?

"A-ah, may I ask? Akin ba talaga ang room na ito?" Tanong ko.

"Yes Lady Agape. Sabi dito, galing sa room number 18 ang tawag na ito at ang pangalan niyo po ang naka-register. May problema po ba?" Nag-aalalang saad niya.

Inilibot ko ang tingin bago bumuntong-hininga.

"Wala po, sorry sa abala," marahan na saad ko.

This is too much! Yes, I expected na magiging maganda ang kwarto na mapupuntahan ko since I'm a scholar in a prestigious school. But I never expected na ganito kabongga. Yung mala-VIP ang dating. Sobra-sobra, parang nagbabayad ako.

I sighed before walking towards my room. Inayos ko ang mga gamit na dala ko. 'Yong mga damit ko, nilagay ko sa closet. Parang na-out of place pa nga ang mga ito. Paano ba naman, halatang branded ang mga damit na nandito samantalang yung akin... kung anu-ano lang. Pagkatapos ay 'yong iba naman. Huli ang mga picture frame at nilagay ko ito sa cabinet at bedside table. Malungkot akong napangiti habang pinagmamasdan ang mga ito. May isang picture kung saan kasama ko sila Tita, Tito at Ella. Naka-upo ako at naka-kalong sa akin ang pinsan ko. Tapos nakayakap sa likod si Tita at naka-akbay sa kan'ya si Tito.

Pinalis ko ang luha. Namimiss ko agad sila, ilang oras pa lang ang nakalipas. I sighed and put it down. Nakalulungkot lang na may tampo pa 'yon sa akin si Ella. Pero mawawala rin iyon dahil maiintindihan rin niya ako.

Tumayo ako at hinanda ang susuotin. Tinungo ko ang isa pang pinto na may malaking plate sa may tuktok at nakalagay ang salitang 'Chambre Confort'. Bumungad sa akin ang sink na may malaking salamin. Kumpleto ang mga gamit doon. Sa gilid ay may toilet. Malawak rito sa loob. May isa pang bahagi na close area, frosted glass ito at nang ini-slide ko ang pinto ay shower room pala. Sa may corner ay may malaking tub. Maraming mga gamit pampaligo ang naroon. Shampoo na nasa bote, body wash at iba pa. Napangiti ako habang tinitignan ang mga iyon. Feeling ko tuloy ang yaman ko kapag ganito. Napa-iling ako at nagpasyang maligo na.

Pagkatapos maligo feeling ko lalong kuminis ang balat ko dahil sa ginamit. Dati kasi ay safeguard ang gamit ko. Tapos lalo pang lumambot ang buhok ko! Ganito siguro ang ginagamit ng mayayaman kaya ang gaganda ng kutis nila.

I decide to wear a sleeveless top and paired it with a tight jeans at low cut na rubber shoes. Napatingin ako sa malaking salamin at sa harap nito ay mga mamahaling perfume at make up kit. Kumpleto ang mga iyon. Pero hindi naman ako gumagamit no'n, so display lang 'yon. Cute din naman ang mga lagayan.

Bago umalis ay dinampot ko ang itim na card na binigay sa akin ni Headmaster Johnson. Maisip ko lang siya ay nai-intimidate na ako. His aura is shouting authority and power. Malamig din ang mga tingin niya.

Sumakay ako sa elevator para makababa. Kahit apat na floor lang ito ay nakapapagod pa rin akyatin. Four floors ang building. At kada-palapag ay may limang kwarto. Ngunit kahit gano'n ay mataas pa rin ang structure, dahil nga kada-dorm ay matataas.

Nang makababa ay lumabas ako sa gate ng building. May iilan na naglalakad na mga estudyante. Nginingitian ko sila ngunit tumigil na rin ako dahil malalamig na titig lamang ang sinusukli nila. Ang iba naman ay nagtatakha at nagtataas kilay. Ipinagkibit balikat ko na lamang iyon at hinanap ang cafeteria. Dalawang sandwich lang kaya ang kinain ko kanina.

Hanggang sa natagpuan ko ang isang tila bahay ang disenyo na building. May malaking arko ito sa tarangkahan at doon nakalagay ang salitang 'Cafétéria'.

Tinulak ko ang pinto at sumalubong sa akin ang tahimik na cafeteria. May mga kumakain rin ngunit wala masyadong nagsasalita. Hinanap ko ang pagbibilhan ng pagkain at nakita ko ang mga estudyanteng nakapila.

Buffet style iyon at self-service. Ang estudyante ang kukuha ng pagkain at pagdating sa dulo ay counter. May inaabot silang card. Tinignan ko ang card na hawak. Ito ba yun? Bakit silver at bronze ang sa kanila?

Dumugtong ako sa pila. And when it's already my turn kumuha ako ng maliit na tila tray sa lagayan. Direct na nilalagay don ang pagkain. Pumili lamang ako ng fried chicken, kanin, salad at karton ng juice. Nang nasa harap na ako ng counter, iniabot ko na sa babae ang card.

Kinabahan ako nang kumunot ang noo niya habang nakatingin sa card sabay lipat sa akin ng tingin. I gulped hard.

"May problema po ba?"

Baka hindi 'yon ang ginagamit. Sabi kasi ni Sir Johnson, naglalaman 'yon ng allowance ko!

Nakahinga ako ng maluwag nang umiling siya. May pinindot siya sa computer saka ito ini-slide. Binalik na niya ito sa akin kaya dinampot ko ang tray ko at naghanap ng bakanteng upuan. Malayo sa iba.

Napagpasyahan kong umupo sa malayo sa iba at malapit sa bintana. Bahagya kong hinawi ang kurtina para makita ang tanawin sa labas.

Nagsimula na akong kumain at paminsan-minsang sumusulyap sa iba. Sabi ng headmaster ay wag kong tipirin ang allowance na ibinigay sa akin, itong card. Pero syempre magtitipid pa rin ako. Nakahihiya naman kung gagamitin ko 'to nang sobra. Sinulyapan ko ang pagkain na inorder ko. Kahit mukhang ito ang pinakamura na nandon ay mahal pa rin siguro 'to.

Natigil ako sa pagnguya nang biglang may nag-ring na bell. Mukhang sakop no'n ang buong paaralan. I saw how the people here tensed-up. Mas naging tahimik na kahit yata ang mahina kong pagnguya ay naririnig na.

Biglang bumukas ang pinto. Pumasok ang maiingay na estudyante at nagkalat sa mga bakanteng upuan. Pumitik sila ng daliri at awtomatikong nagsilapitan ang ilang mga estudyante. Nagawi ang tingin ko sa partikular na grupo. Nagtatawanan sila at binato nila sa mukha ng dalawang lalaking nasa harapan ang card.

"Alam niyo na yun!" maangas na saad ng isa. Mabilis silang tumalima at naglakad papunta sa may buffet.

Umiwas na lamang ako ng tingin pero napa-isip. Bakit parang alipin nila ang ilang mga estudyante?

Nagawi muli ang tingin ko sa kanila ng makabalik na ang dalawa at may dalang mga tray. Lihim na nagngisihan ang babae at lalaki na nakaupo. Tinanggap nila ang tray. Tumayo ang babae at pinunit ang karton na naglalaman ng juice saka sinaboy sa isang lalaki.

Napasinghap ako at nanlaki ang mata. Nagtawanan sila, sinipa pa ng isang lalaki ang dalawa kaya napahiga sila. I saw how the head of the guy hit on the edge of the table. Alam kong masakit iyon lalo na at bakal ang kanto noon.

Kumuyom ang kamay ng isang lalaki at tumayo. Kumunot ang noo ng lalaki mula sa grupong iyon at maangas na tumayo. Kinwelyuhan niya ang lalaki na kumuyom ang kamao.

"Bakit, lalaban ka?" maangas nitong saad. Humalakhak ang babae mula sa grupo.

"Oh dear, you don't have any rights. You're our esclave." Saad nito. Kumunot ang noo ko.

Esclave?

"S-sorry.." Saad ng isa pang lalaki at hinila na lamang ang kasama. Tinulak pa ito ng lalaki na nagmula sa grupo.

Pinagmasdan ko ang paligid. Wala man lang silang ginawa para tumulong? At gano'n rin ang iba! May binubully!

Lalo lamang ako kinabahan. Hindi malayong mangyari iyon sa akin. Kaya kailangan kong maging maingat. Kung pwede, ayoko ng mabully ulit.

Biglang bumukas ang pinto. Biglang nagsitahimik ang kaninang magulo at maingay na cafeteria. Rinig ko ang mabigat nilang paghinga. Tila lumamig ang paligid at bumigat ang atmospera ng paligid.

Pumainlang sa gitna ng tahimik na kwarto ang tunog ng takong. Tumindig ang balahibo ko sa 'di maipaliwanag na dahilan. Tila lalong naging maingat sa kilos ang bawat isa. Na parang may darating na kinatatakutan.

"The Plus Élévee," rinig kong bulong ng isang babae.

*****

Supladdict<3

Continue Reading

You'll Also Like

219K 2.2K 8
"How much do you love her?" Tanong ni Pierce kay Wrath. Wrath smirked. "I had her pictures in every corner of my room. That's how." The baritone vo...
1M 29.1K 93
She thought everything was alright about her identity but she was wrong. She was sent to a boarding school for another chance to change-to be a norma...
10.2M 140K 24
Daughters and sons of conglomerate families gathered at Fukitsu Academy. They believe they are untouchable, yet there is one clan they fear the most...
4.3M 120K 110
Nemesis Louie Montero is a class S assassin who was given a mission to marry the mafia boss of a certain organization that would help them rise from...