Pretend

By Arca_sen

103K 4.2K 364

"I'm not going to pretend to be his bride!"- Yukki "Love is just a word but too painful to feel." - Snow [COM... More

Prologue
Pretend Characters
Sudden Marriage
Wedding Day~
Halloween
Bookstore
Thinking of him
Bonding
Beach Volleyball
Him
Note
Plan
Korea
Back to the Philippines
Trouble
Save Him
Disgusted
Trauma
Vanessa Seiki
Vienne Ford Jimsckon
You'll be Okay
Missing you
Special News
Suspicious Cousin
The First Revelation
The Handkerchief
Second Revelation
Angel's Wings
Cooking Lesson
Talk
Telling The Truth
Dexter Riley Parker
Gone
Safe and Sound
Finding Yukki
I've found you
Case Closed
Asking Permission
My Confession
Our Ending
Special Chapter
Unexpected Love

Yukki and Senon

2.5K 101 11
By Arca_sen

Senon's PoV

Nandito kami ngayon sa ospital at hinihintay na magising si Yukki, nahimatay daw siya dahil hindi na daw makahinga. Inatake nanaman siguro ng asthma 'tong- lalaking 'to.

Habang nakaupo ako ay naalala ko yung mga panahong nagkakilala kami.

Flashback

Nandito ako ngayon sa harap ng building ng pinagtratrabahuan ko. 1 week palang ako dito at isa akong editor pero wala pa akong nahahanap na Author na gusto kong ieditan ng story. Masyado kasing boring yung mga story na nababasa ko dito sa kompanyang ito at hindi rin ako pwedeng mag-resign kasi mahirap ng maghanap ng trabaho. Lalo na't dito nalang sa kompanyang ito ang may bakante.

Naglakad ako malapit sa Coffee vendor at bumili ng kape, nang makakuha na ako ng kape ay bumalik ako sa pwesto ko at naupo. Boring. Mukhang wala na akong choice kung hindi ang magtiyaga sa mga boring na story ng isa sa Author dito ah.

"Uhmm, excuse me." Napatingin ako sa nagsalita at isang...teka? Hindi ko mawari kung babae o lalaki, paano kasi naka-mask na tapos nakahood pa tapos naka-shade pa. Pero parang babae dahil sa katawan at boses pero..ay ewan!

"Bakit?" pagkatanong ko n'on ay may inabot siya sa akin na envelope.

"Are you an editor here?" Wow, englishero/a. Nosebleed.

"Yeah, why?"

"Nothing, just asking. Please give that to the CEO of this company." Iaabot ko 'to sa boss namin?

"You can also check that story if you want." Pagkasabi niya nun ay umalis na siya. Balak niya bang maging Novelist sa kompanyang ito? Sigurado akong boring din ang story na ito.

Sumakay na ako ng elevator at pinindot ang button 5. Nang makarating na ako ay agad akong pumunta sa office ng boss namin at kumatok.

"Come in." Rinig kong sabi ni boss kaya agad akong pumasok.

"Boss, may nagpapabigay po nito." Agad ko namang iniabot ang envelope na hawak-hawak ko.

"What's this?" Tanong ni boss habang inuusisa ang envelope.

"Don't know sir." Bored na sagot ko. Pinaupo naman ako ni boss kaya umupo din ako.

Binuksan naman ni boss ang envelope at tumambad sa kanya ang isang USB at papeles. Mukhang Resumé ata yun?

"Mag-aaply? Pfft is this person kidding me? Ni real name niya nga hindi nakalagay dito eh! Tapos nakalagay lang eh Snow?!" Biglang sabi ni boss na ikinagulat ko. Napabuntong hininga naman si boss.

"Well, if this person satisfied me with his work well, I'll accept this person." Sabi ni boss. Choosy pa 'tong taong to eh samantalang ang boboring ng mga Author dito!

"Senon." Biglang tawag ni boss kaya napatingin ako agad dito.

"Come back here tomorrow, I'll tell what I could say about this story."

"Why me?" Tanong ko sa kanya.

"You're the one who brought this here." napa-shut up naman ako sa sinabi ni boss. May punto naman siya.

Napabuntong hininga nalang ako at tumango. Lumabas na ako ng office ni boss at umuwi nalang ako.

Ang boring ng araw ngayon..

Habang naglalakad ako ay may nahagip ang aking mga magagandang mga mata.
Hindi ko alam kung bakit pero sinundan ko ito. Habang sinusundan ko ay doon ko lang na-realize na siya yung taong nag-abot ng envelope sa akin.

Takteng yan bakit ko nga ba siya sinusundan? Bahala na nga. Pa-simple ko naman siyang sinusundan habang naglalakad lakad sa mall, hindi ko rin alam kung ano ang ginagawa niya dito.

Nakita kong pumasok siya sa isa sa mga restaurant dito kaya naman umupo nalang ako sa labas at pinagmasdan ang ginagawa niya.

Nakita kong lumapit siya sa isang babaeng nakaupo at nag-usap pa ata sila? Tinanggal naman ng sinusundan ko yung hood, shade at mask niya.

Napatigil naman ako. Ang ganda niya! Shoulder length ang buhok nito pero bagay na bagay sa kaniya. Pansin ko naman yung babaeng kasama niya, magkamukha silang dalawa. Could it be na kambal sila? Siguro nga.

Dahil sa umalis na siya doon ay umalis na rin ako. Baka makita pa ako at mapagkamalang stalker kaya naman umuwi na ako.

Nang makauwi na ako ay siyempre sinalubong agad ako ng Dad ko.

"How's work?" Bungad niyang tanong sa akin.

"Still the same Dad, hindi parin ako nakahanap ng pageeditan ko." I said in a bored tone at heto nanaman siya.

"I told you na sa kompanya nalang natin ikaw magtrabaho, hindi kapa mahihirapan." He still insist me na sa kompanya namin magtrabaho pero I don't want to. That's not my passion.

"How many times do I have to tell you, dad? I want to be an editor, that's what I want, so please stop insisting me to work on your company. Please be considerate for what I want." At umakyat na ako, I want freedom. Gusto ko ako ang nagdedecide ng mga gagawin ko, ayoko ng may magcocontrol sa akin.

Nang makapasok na ako sa kwarto ko ay nagbihis na ako, I look at my desk at kinuha yung librong binabasa ko.

Ang gusto ko kasi sa isang Auhor ay yung unique ang mga story niya, yung may sense ba at hindi yung sulat lang ng sulat.

Takte kasi eh, kung may bakante lang sa iba ay doon na ako kaso wala eh at sa BFY's company lang ang meron at talagang Books For Youth pa ang meaning ng company name nila pero ang pangit ng mga story at pare-pareho lang. Puro happy endings, nakakasawa.

At may isa akong Author na gustong gusto ko kaso sa ibang company siya at hindi na ako makapasok doon kasi hindi daw ako qualified, peste lang hindi ba.

Kaya binabasa ko nalang ang mga story niya.

Kinabukasan ay dumiretso agad ako sa office ng boss namin, pinatawag kasi ako. Pagkapasok ko sa office niya ay nakatutok siya sa laptop niya at nakapalumbaba pa.

"Good Morning Sir." Bati ko agad sa kaniya. pinadaanan ako ng tingin ni Sir at balik agad sa laptop niya.

"Ang masasabi ko lang sa story na ito ay Excellent." Sus siguro boring yan. Excellent para sa kaniya eh.

"Napaka One of a Kind ng storyang ito, halatang pinagisipan." Hindi nga sir? Baka pareho lang sa mga storya dito ah.

"Kaso.." pabitin pa siya oh..

"Too many typos." Ayun lang. Alam ko na ang mangyayari.

"I want you to edit this story, malay mo siya na pala ang hinahanap mong Author." At sabay bigay ni Sir ng USB sa akin.

Lumabas na ako ng walang imik at tinignan ang USB, sana nga ito na ang Author na hinahanap ko.

Umuwi na agad ako sa bahay at diretso agad sa kwarto ko at kinuha ang laptop sabay salpak ng USB dito.

Nakakita agad ako ng files at naka entitle na 'Her Lies' sounds interesting.
Binukan ko na ito at binasa.

First paragraph palang ay nagustuhan ko na agad. Siyempre habang binabasa ko ay ineedit ko rin ang mga typos.

Inabot na ako ng gabi at kumakatok narin ang maid pero dineadma ko lang. Nahuhumaling na kasi ako sa story na 'to.

Nang matapos ko na ang story ay doon ko na namalayan na 2:36 am na pala. Ang tagal ko palang nagbabasa at walang kain kain.

Bumaba na ako at naghanp ng pagkain, habang naghahanap ako ng pagkain ay naisip ko na 'Siya na nga ang hinahanap kong Author'

Dumiretso ako sa kwarto ko at doon na kumain, nang matapos akong kumain ay inayos ko muna ang laptop at sinave ang files at kinuha ang USB at nilapag sa ibabaw ng desk ko.

Kinaumagahan ay maaga akong nagising 5 hours nga lang tulog ko eh. Excited kasi ako, may napili na akong pageeditan ko ng story.

Naligo na ako at naghanda, kinuha ko na ang USB at dalidaling umalis. Hindi na ako nakakain dahil sa pagiging excited ko.

Pagkarating ko ng building ay agad akong pumasok sa office ng boss ko ng may malapad na ngiti.

"Mukhang nakahanap kana." Nakangiting sabi ni boss. Nilapag ko ang USB sa harap niya.

"I want this person who type this story to be my Author whom I'll edit his/her story in short I want to be his/her editor." Napangiti si Sir. Gayun din ako.

"Well then, sabihan mo ang tao na ito na I'll meet him/her here." Tumango naman ako at aktong lalabas na sana kaso I realize something.

"Sir." Napa 'hmm' naman si Sir.

"I don't know this person." Sabi ko.

"What about his/her number?" Napakamot naman ako sa ulo ko.

"I don't have also."

"Email."

"None sir."

"Facebook?" That's quite unexpected.

"Error 404 not found sir." Humarap ako kay sir. Nang sinabi ko yun, ngumiti naman sa akin si Sir.

"Not my problem Mr. Torres." Ouch. Laking tulong ng boss ko. Lumabas na ako ng office ni sir ng nakabusangot. Ano ng gagawin ko niyan?

Sa story na nabasa ko ay isa itong tragic lovestor, the author emphasized very well the characters emotions so much na may katabi pa talaga akong tissue box dahil sa iyak ako ng iyak.

The story is about a guy who is very self-concious, since he is afraid what others think of him kaya naman lagi itong nakatungo.

He is like that not until he met a girl, a girl who doesn't care about anything, the very first person aside from his family accepted him.

They became friends, both supported each other with their own passions, they did many things not caring what others think about it.

They became happy with each other at naging sila rin.

It was all okay until the girl didn't came to school. Ilang araw hinintay ito ng lalaki pero lumipas na ang buwan ay hindi na ito nagparamdam.

Hanggang sa napagpasiyahan ng lalaki na bisitahin ito sa bahay nila, tinanong niya ang maid na bumungad sa kaniya kung nasaan na ang babae, ngunit nanlumo ito nang marinig kung saan dinala ang babae.

Dali-dali siyang pumunta sa lugar na iyon, hindi siya makapaniwala bakit doon dinala ang babae.

Malusog naman ang babae at walang sakit ang mababakas mula dito, kaya hindi niya alam bakit nasa ospital na ito.

Pagkarating niya sa ospital ay agad niyang tinanong kung saan ang kwarto nito, nang makarating na siya doon ay doon na siya napaluhod at nanikip ang dibdib.

Kita niya na walang malay ang babae at may nakakabit na ECG dito at oxygen, patuloy lang siyang umiiyak habang pinagmamasdan ang babae.

~~

Tama na ang pagkwekwento ko siguro naman alam niyo na ang ending? Hahaha well kung nagtataka kayo kung bakit 'Her lies' ang title ay sapagkat kung hindi pa pupuntahan ng lalaki sa bahay yung babae ay hindi niya malalaman ang lahat.

Basta ang ganda ng story niya, iyak ako ng iyak habang binabasa ko siya, para nga akong timang eh, gusto ko happy ending sila samantalang sabi ko sa sarili ko nagsasawa na ako sa happy ending.

May problema pa pala ako. Saan ko naman siya hahanapin? Nang nasa baba na ako ay laking gulat ko ng makita ang taong hinahanp ko kaya naman agad akong lumapit dito, buti naman hindi na ako mahihirapang hanapin siya.

"You're the guy that I gave the envelope, right?" tanong niya, nagulat naman ako, tanda niya pa pala ako kaya napatango naman ako.

"So, about that, did the CEO already gave his decision?" Tanong niya ulit. Bakit ba english spokening 'to?

"Yes and gladly that he is satisfied with your work kaya naman tanggap kana daw dito." Napatango naman siya, hindi ko alam kung nakangiti ba siya o hindi kasi nakamask nanaman siya at nakashade samahan pa ng hood.

"Can we talk?" Tanong ko dito, sana pumayag.

"Uhmm, sure." At ayun pumunta kami sa malapit na coffee shop at nag-order ng maiinom namin, pagkatapos ay naupo na kami.

"What do you want to talk about?" Tanong niya, hindi naman ako mapalagay sa kinauupuan ko sapagkat kinakabahan ako.

"C-can I be your editor?" Hindi siya umimik, napayuko naman agad ako. Mukhang ayaw niya, sino ba namang tatanggap sa'kin basta basta hindi ba? Ni hindi niya nga ako kilala eh.

Pero nagulat nalang ako sa sagot niya.

"Sure." Sa simpleng salitang iyon ay natuwa ako kaya naman tinignan ko siya na may ngiti sa aking mukha.

"Thank you!" Mula sa puso kong pagpapasalamat. Gusto ko pa nga magtatalon-talon sa tuwa pero nakakahiya namang gawin 'yon.

Pagkatapos nun ay hindi na ako makatulog sobrang excited kong magtrabaho sa kaniya.

Nung isang araw habang naglalakad ako sa isang park ay nakakita ako ng isang pamilyar na mukha kaya naman nilapitan ko ito para masiguro.

"Snow?" Silip ko dito, napatingin naman sa akin yung pamilyar na mukha na nanlalaki ang mata.

Tama siya nga.

"H-how?" Nagtataka niyang tanong, sa tuwing nagkikita kasi kami ay lagi siyang nasa attire niya, you know, shades, hood and mask as always.

"Nakita ko na kasi mukha mo n'on." Nakangiti kong sagot, naupo naman ako sa tabi niya at tumingin sa paligid.

"When?" Sapul yung tanong niya ah, baka isipin nito inistalk ko siya nung dati.

"When you gave me the envelope." Nahihiya ko pang sagot. Narinig ko siyang tumawa ng mahina.

"So, you followed me." Namula naman ang mga pisnge ko at yumuko.

"Hindi sadya." Nahihiya kong sabi, I heard him chuckle kaya naman napatingin ako dito.

"It's fine." pagkatapos nun ay ilang minutong katahimikan pero binasag ko ito.

"And also, nakita kita n'on na may kausap na babae." Napangiti naman siya.

"My sister." Sagot niya.

"Bunso?" At napatango siya doon.

"I see, so you're the oldest?"

"Yes, and we're twins." Nanlaki nman bigla ang mga mata ko. Kambal sila? Sabi ko na eh dahil magkamukhang-magkamukha sila.

"Wow both girls." Bigla kong sabi.

"W-what?" Nauutal niyang tanong. Tinignan ko naman ito at kita ko sa mukha niya ang pagkabigla.

"I said both girls." Napahinga naman siya ng malalim, bakit? May mali ba sa sinabi ko?

"Guess my gender." Nagulat ako bigla sa tanong niya. Obvious na nga ipapaguess niya pa.

"You're a girl."

"You think of me as a girl?" Hindi niya makapaniwalang tanong.

"Obviously." Rinig kong napabuntong hininga naman siya.

"I'm a guy." Eh? Nagproprocess pa sa utak ko ang sinabi niya.

"You're kidding right?" Hindi ko sure na tanong, trip ba ako nito?

"I'm serious." Kita ko nga sa mukha niya na seryoso siya, so lalaki talaga siya?

"But you look like a girl."

"I know." napayuko naman ako.

"Sorry." Paghingi ko ng tawad, nakakahiya ang lakas ng loob ko kaninang sabihin na babae siya.

"It's okay, I get that a lot." At nagpatuloy pa kami sa pag-uusap, ang dami kong nalaman tungkol sa kaniya at nalaman ko narin ang tunay niyang pangalan. He's Yukki Jace Velamore at yung kambal niya daw ay si Yura Christine. 21 years old. Tinanong ko nga rin siya kung bakit Snow ang napili niyang Author's name kaso hindi niya sinabi, tanging ngiti lang ang sagot niya palagi.

Months passed by at na-publish narin ang first book niyang 'Her Lies' unang publish palang ay nag-hit na agad, ang taas lagi ng salings niya, laging ubos sa mga bookstore at pinaguusapan narin ng mga tao.

Nang tumagal ay may tumawag sa kompanya na pinagtratrabahuan ko. Gusto daw nilang gawing movie ito. Tinanong ko kung ano ang pasya ni Ki at ang sagot niya lang ay.

"Bahala na kayo, ang gusto ko lang ay makapagsulat." At sinabi ko kay boss ang desisyon ni Ki, pumayag naman si boss at ayun nga naging movie ito at pumatok sa masa, kita ko rin sa comments na dapat daw ay nagdala sila ng tissue.

Simula noon ay naging sikat na si Ki or should I say Snow. Maraming gustong mag-interview at makita siya ng personal kaso walang balak si Ki kaya naman ay nanatili siyang misteryoso, ginawan din siya ng sariling opisina ni boss kaso hindi siya manlang pumunta dito.

Naging sikat narin ang kompanyang pinagtratrabahuan ko, marami ng gustong magtrabaho dito, at kung nagtataka kayo kung bakit hindi ako nabibilang sa ibang divisions ay dahil sinabi ko kay boss na gusto kong maging isang personal editor ng isang Author at ayun na nga si Ki ang Author na napili ko.

Habang naglalakad kami ni Ki ay may nakasalubong kami.

"Siya yung dating sikat na Author, si Scarlet." Mahina kong pagkakasabi, kasama naman ni Scarlet yung mga editors niya, mga personal editors.

"Oh, Senon! Glad to see you." Nakangiti niyang sabi at napangiti nalang din ako. Tanda niyo ba yung Author na paborito ko dati guys? Na gusto ko sanang pageditan ng story kaso hindi ako qualified? Yup, siya yun.

"Sino 'yang kasama mo?" Sabay turo niya kay Ki.

"A friend of mine." Lumapit naman siya bigla sa akin.

"Why not be my personal editor? Alam kong yun naman talaga ang gusto mo. Ako ng bahala kay Sir. Macaraig at pwede na kitang maging personal editor kaya naman iwan mo na yung Snow na 'yon." Napayukom naman ako ng kamao ko. Alam kong insecure lang siya kay Ki dahil wala sa mga gawa niya ang may narating hindi gaya ng kay Ki.

"Sorry, but Snow is my Author now." At umalis na kami ni Ki.

"Bakit hindi ka pumayag? She's your idol right? Matagal mo nang gustong maging personal editor niya." Nagtatakang tanong ni Ki, napangiti naman ako bago tumingin sa kanya.

"But I found my Author already."

Ilang buwan na ang nakakalipas at nandito kami ngayon ni Ki sa tapat ng BFY building, sinamahan kasi ako ni Ki na magpasa kay boss ng bagong gawa niya, hindi ko ba alam kay Ki kung bakit ayaw niyang magpakita kay boss, kahit kay boss nalang pero ayaw niya.

Naghintay naman si Ki sa labas ng building at as usual suot niya ang mask, shade at hoodie niya. Nang makapasok na ako sa loob ng office ni boss ay binati ko ito.

"Boss, eto na po yung bagong story ni Snow." Sabi ko sabay bigay sa kaniya ng USB na naglalaman ng finished story ni Ki.

Kinuha naman ito ni Boss at sinalpak sa Laptop niya.

"For you..." basa niya. Yup, yan ang bagong story ni Ki ang For you. Ang cute nga ng title eh, pero yung kwento hindi.

"Hm...another interesting story huh? Well, you may leave now Mr.Torres." pagkasabi ni boss nun ay nag-bow na ako at umalis.

Another tragic story nanaman ang bagong story ni Ki, I think all of his stories are tragic. Mapanakit na author 'tong si Ki.

"Uy Ki! Saan punta mo?" Tanong ko kay Ki na naglalakad na palayo.

"Wanna come?" Napangiti nalang ako at tumango, kahit saan ka magpunta susundan kita Ki.

Pumasok si Ki sa kotse niya, at nanlaki ang mata ko.

"You have a car?" Hindi ko makapaniwalang tanong. Napatingin sita sa akin sabay baling sa unahan.

"Of course I do, This is a gift from my Father when I turned 21." Last year lang pala, pero mukhang bago pa ang kotse niya ah, halatang maalaga at malinis siya.

Ilang minuto din ay napahinto si Ki sa isang... Orphanage?

Lumabas na si Ki sabay punta sa likod at may kinuhang mga bag. Lumabas din ako ng kotse at tinulungan si Ki.

Pagkapasok namin sa orphange ay sinalubong agad kami ng pagkadami-daming mga bata.

"Kuya Yuuuu!!" Sabay takbo nila papunta kay Ki, napatitig naman ako kay Ki na may ngiti sa labi habang tinitignan ang mga bata.

"Kuya Yu, sino siya?" Turo sa akin ng isang batang babae habang nakahawak sa laylayan ng damit ni Ki.

"My personal Editor, oh eto pala yung mga pinangako ko sa inyo na gifts ko." Sabi ni Ki sabay bigay sa mga dala niyang bags sa mga bata at inabot ko sa kanya ang dala ko para siya ang magpamigay.

Napatitig ako kay Ki habang namimigay ng mga bags sa mga bata na may ngiti.

'Ang cool niya talaga'

End~

At ngayon mukhang hindi makakapunta si Ki sa orphanage kasi nandito siya ngayon sa hospital at anong oras na din.

Maya-maya lang ay lumabas ang doctor na nagcheck up kay Ki at nagsilapitan naman kami.

"Kamusta na po siya Doc?" Nag-aalalang tanong ni Yura.

"He's fine now at gising na siya kaya pwede na siyang makalabas dito ano mang oras." At sabay alis ng doctor, agad naman kaming pumasok sa loob at kita namin si Ki na nakaupo sa gilid ng kama at balak atang tumayo kaya naman aalalayan ko sana kaso naunahan ako ni Vienne.

"Kuya!" Sabay yakap ni Yura kay Yukki.

"Kuya sorry! Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari ay hindi na sana kita pinilit." Naluluha pang sabi ni Yura dito at mahigpit na yumakap kay Ki.

Napangiti naman si Yukki at ginulo ang buhok ni Yura. "Ayos lang 'yon, hindi mo naman kasalanan."

"How are you feeling?" Nag-aalalang tanong ko, napangiti naman siya sa amin.

"I'm fine at oo nga pala Senon nay pupuntahan pa tayo." Sabay tingin sa akin, at na-gets ko rin naman iyon kaya tumango ako.

"Gusto ko ng makalabas dito, Yura ikaw ng bahala, aalis na kami." At sabay lakad ni Ki palapit sa akin.

"Let's go." At maglalakad na sana kami palayo kaso may napansin ako.

"Ki." Tawag ko dito.

"Yes?" sabi niya na dire-diretso parin ang lakad.

"I think it's not nice na pumunta ka roon na ganyan ang suot mo." Sabi ko sabay tingin sa kaniya mula ulo hanggang paa. Napatigil naman si Ki at napatingin sa sarili sabay namula.

Naka-topless kasi siya na may nakabalot na panyo sa kaliwa niyang braso.

"I guess kailangan muna nating bumalik sa resort para makapagbihis." Napatango naman siya sabay nauna ng lumabas.

"Kayo ng bahala guys." Baling ko kay Yura at Vienne na nakatingin sa amin, napatango naman sila at lumabas na ako.

Nang makarating na kami sa resort ay agad na pumuntang banyo si Ki, ako naman ay naghanap ng damit na masusuot.

Nang matapos si Ki ay ako naman ang nagbihis at pagkatapos ay pumunta na kaming kotse.

"Paano ba 'yan Ki eh anong oras na." Sabi ko sabay tingin sa relo ko.

"Bilhan ko nalang sila ng gifts at iiwan nalang doon." Napatango naman ako, tumigil kami sa isang mall at bumili ng maibibigay sa mga bata. Ang mga kinikita kasi ni Ki sa pagiging Author niya ay dinodonate niya sa mga orphanage at pinangbibili ng mga gifts para sa mga bata.

Bumili kami ni Ki ng mga damit at pagkain. At ng matapos na kami ay diretso sa kotse sabay lagay ng pinamili sa likod nito at umalis na kami.

Mga anong oras narin kami nakarating kaya medyo wala ng katao tao, nagdoorbell kami ni Ki at may lumabas na isang babaeng kaedaran siguro namin.

"Bakit po?" Mahinhin niya pang tanong sabay tingin kay Ki kaya napangisi ako. Ikaw ate ha.

"Please give this to the children, may mga pangalan na 'yan kaya hindi na sila mag-aagawan pa." Agad na kinuha ng babae ang mga gifts at hindi na niya halos mabuhat kaya binaba niya muna.

"S-sige po, salamat po siguradong magugustuhan 'to ng mga bata." Sabay ngiti ni Ate, napatango si Ki at aalis na sana kami kaso napatigil si Ki.

"And please tell them that I say Hi to them." At umalis na kami ni Ki. Hanggang ngayon ay napapabilib talaga ako ni Ki.

Continue Reading

You'll Also Like

3.7M 101K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
331K 13.1K 53
Isang kwento ng pagiibigang sinubok at hinamak tadhanan. Magwagi kaya ang pagmamahalan sa kabila ng mga balakid?
4.3M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
237K 4.2K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...