TMW: Academy Of Magic (Curax...

Da AillexSkcy

401K 8.3K 215

Bata pa lang ako mahilig na ako sa Magic. Gusto ko sa lahat ng gagawin ko dapat may Magic. Mahal na mahal ko... Altro

Paalala ng Awtor:
Cast of the story
Chapter 1: Magic
Chapter 2: The Dark Magic
Chapter 3: Potion
Chapter 4: First day at Academy
Chapter 5: The Necklace and The Birth Mark
Chapter 6: Training
Chapter 7: Blair Red Diamond Blade
Chapter 8: The Secrets
Chapter 9: Another Secret
Chapter 10: Kingdom of Dark
Chapter 11: Secret Hero
Chapter 12: The truth about the necklace
Chapter 13: Powerful Magic
Chapter 14: The truth about the necklace II
Chapter 15: Powerful Magic II
Chapter 16: Powerful Magic III
Chapter 17: Feelings
Chapter 18: Hitch
Chapter 19: Dress
Chapter 20: Kier's Dream
Chapter 21: Suspicion
Chapter 22: Da' Moves
Chapter 23: Ring
Chapter 24: Ring II
Chapter 25: Azureus
Chapter 26: Content of Kaet's Book
Chapter 27: Beginning of Revenge
Chapter 28: Ready
Chapter 29: Academy of Magic Ball
Chapter 30: Vidia
Chapter 31: Flashback (Dreawidia)
Chapter 32: 10:58 PM
Chapter 33: 11:17 PM
Chapter 34: 11:26 PM
Chapter 35: Magical Shield
Chapter 36: UNSEAL
Chapter 37: Last Minute
Chapter 39: The First Full Moon
Chapter 40: Done
Chapter 41: The Kiss
Chapter 42: Punishment
Chapter 43: She's awake
Chapter 44: TRUTH!
Author's Note:
Chapter 45: The Real Me
Chapter 46: Ariella Joe
Chapter 47: Kingdom of Magic
Epilogue
(Let me clear)
Reminders

Chapter 38: Unrestrained

4.8K 102 0
Da AillexSkcy

Ang kanyang damit at hitsura ay nagbago, para siyang si drakula dahil sa sobrang puti ng mukha. May sungay siya na itim sa kanyang ulo na kasing haba ng 12 inches na ruler, itim na may touch ng red ang damit niya.

Nabura ang mukha niya bilang Revil at napalitan iyon ng mukhang may pilat sa kaliwang pisngi, ang pilat na iyon ay tila nahagip ng isang matalas at mahiwagang espada.

Ilang sandali lang ay binitawan ako ni Kaet, pero ayaw kong humiwalay sa kanya.

"Papatayin ka niya." Bulong niya sa akin kaya napabitaw ako sa pagkakahawak sa kanya. Kahit na may sugat pa si Kaet ay pilit niya akong itinayo at ibinigay sa akin ang weapon ko. Umilaw ito ng hawakan ko na parang katulad ng liwanag noong una ko itong hawakan. Tumayo ako kahit  sira sira na ang aking suot na dress na may bahid ng mga dugo. Humakbang ako ng kaunti habang nasa likuran ko si Kaet, napabaling ang aking tingin kay Uye na nahimatay at hawak hawak ng babae na tinatawag nilang Vidia. Napatingin ako sa balikat ni Uye, namumula iyon na tila niluto sa apoy. 

"Bakit ba hindi ka na lang sumunod sa akin, tutal estudyante ka lang naman dito at inuutos utusan pa. Sumanib ka na lang sa akin bata!" Napatingin ako kay Revil ng marinig ang boses niya na malademonyo, nakaramdam ako ng pagkahilo sa mga oras ng sambitin niya iyon, tila may spell siyang sinambit sa mga salitang iyon dahilan para mahilo ako, napapikit ako ng mata at naramdaman ang usok na papalapit sa akin, dahan dahan kong iminulat muli ang aking mata at ipinikit ulit ng maramdaman ang usok na iyon. Tila inaantok ako sa mga sandaling nakatayo ako.

"Psalm, Psalmmmm!" Nagulat ako ng marinig ang sigaw na iyon kaya agad kong iminulat ang aking mga mata, umiling iling lang ako ng kaunti at nagulat ng makita sa aking harapan si Revil. Humakbang ako paatras ngunit ramdam ko pa rin ang pagkahilo, unti unti ng nagiging blurred ang aking paningin, ramdam kong tutumba na ako ngunit inihakbang ko ang isa kong paa upang makabalanse, sinubukan kong lumapit kay Revil kahit malabo ang aking paningin. Kumurap kurap ako upang maging malinaw ang aking dinadaanan ngunit malabo pa rin iyon halos puti lang ang nakikita ko, muli kong inulit ang pagkurap at unti unti namang bumabalik ang pagkalinaw ng aking paningin. 

"Papaanong?" Narinig kong sambit ni Revil habang nakatingin sa akin na dalawang metro lang ang layo sa akin, kahit medyo malabao ay naaaninag ko na siya hindi katulad kanina na puro puti ang aking nakikita.

"Psalm, isang ingredient na lang ang kailangan namin!" Isang sigaw ang umagaw sa aking atensyon sa mga sandaling iyon, kaya nilingon ko iyon hindi ko siya makilala dahil hindi malinaw ang aking nakikita.  

Bigla naman akong may naramdamang tumusok na patalim mula sa aking likuran habang inaaninag ang boses ng babaeng iyon. Ibinaling ko sa nakatusok sa aking katawan ang aking atensyon at dahan dahang hinugot, ramdam kong may likidong lumabas mula doon ngunit wala akong maramdaman, tila dugo iyon na nanggagaling sa aking katawan.

Muli akong humarap kay Revil at ipinakita sa kanya ang hawak kong matalas na bagay, tila palaso iyon dahil sa hugis na nararamdaman ko, ngunit nagulat ako ng hawakan ang dulo niyon, putol iyon at tila may naiwanang ilang bahagi na nakatusok sa aking katawan.

May napansin ako sa kanya ng tingnan ko siya, tila nakangiti siya sa aking kinaroroonan, may biglang sumagi sa aking isipan sa mga oras na iyon.

"Kailangan mo ding matutunang lumaban ng walang nakikita." Iyon ang huling itinuro sa akin ni Daddy, nahirapan akong gawin iyon dahil hindi ako sanay ng walang nakikita.

Dahan dahan kong ipinikit ang aking mata at pinakiramdaman ang bawat tunog at galaw sa aking paligid. Naririnig ko ang bawat yabag at takbuhan ng bawat nakikipaglaban sa hindi kalayuan mula sa aking kinatatayuan. Itinuon ko naman ang aking attention ng marinig ang paghinga ni Revil na nasa bahaging harapan ko, nakatayo siya lang siya at sa anumang oras ay handa siyang sumugod. Kahit nakapikit ako ay ramdam ko ang bawat paglunok niya ng laway, ang pagtulo ng pawis niya mula sa kanyang pisngi patungo sa kanyang panga, ang paghinga, ang paghugot ng weapon lalong lalo na ang pagsugod kung saan man siya pupunta dahil nabasa ko din ang kanyang iniisip.

Nagsummon ako ng Air dagger tulad ng ginagawa ni Kaet. Tumira ako ng isa, hinabol ng aking pandinig ang tunog na iyon ngunit inilagan lang iyon ni Revil at tumama sa magical shield na inilagay ko. Binawasan ko ang kapal niyon upang makalabas sina Zanderr upang makatulong sa pakikipaglaban.

I summon the Blair Red Diamond Blade again, the sword of Princess Blair. Nakahanda na ako para sa pagsugod ni Revil, at maya maya pa ay may narinig akong papalapit na palatim patungo sa aking mukha, kaya agad akong umilag pakanan, pero nahagip pa rin ako sa kaliwang pisngi. Sa ngayon hindi ko na alam kung saan siya nakapwesto, hinanap ko ang amoy ng kanyang pawis ngunit dugo ang naaamoy ko na nanggagaling sa aking pisngi. Pinakiramdaman ko siya at may narinig akong papalapit na naman na patalim at sa pagkakataong ito sinalag ko iyon gamit ang sword. Ngunit hindi ko pa rin maramdaman kung saang direction siya naroroon, I sighed and focus sa isang aurang nararamdaman ko na papalapit na naman sa akin, agad kong binitawan ang sword sabay summon ng Fire balls. Inihagis ko iyon sa direction ng taong nararamdaman ko ang aura.

"Psalm ako ito si Kaet." Napamulat ako at nakikita ko ang isang bolang apoy na papalapit kay Kaet pero malabo pa rin ang aking paningin. Agad ko iyong pinigilan at agad namang nalusaw. Hinanap ko ang mukha ni Revil kahit na malabo ang aking nakikita sa paligid, sa hindi inaasahan may napasin akong kakaibang nangyayari sa paligid. Sinubukang kong kusotin ang aking mata, pero wala pa ring nangyari.

"Psalm isang ingredi---- nilingon ko ang boses na iyon at malinaw na malinaw sa akin kung sino ang nagmamay ari ng boses na iyon. Napansin ko ang hawak niyang bowl na kulay puti  na nasa ere papalapit iyon sa akin kaya sinubukan kong umilag ngunit naramdaman kong nabuhos ang laman niyon sa aking mukha, agad kong kinusot ang aking mata ng maramdaman ang tila tubig sa aking mukha. Sinubukan ko muling imulat ang aking mata at sa pagkakataong iyon ay malinaw na malinaw sa akin ang paligid, ang lahat ng nangyayari sa aking paligid ay malinaw at nakikita ko na. Hindi ko maintindihan ang bawat kaganapan sa aking paligid habang nasa harap ko si Coolen na kanina pa ako tinatawag, oo boses ni Coolen ang naririnig ko kanina. Nasa likuran niya sina Crytt, Quira at Dhaecob. Hinanap ko ang mukha ni Revil, pati na rin si Kaet pero wala sila.

"Magtatagumpay na ako, at sa wakas wala ng makakapigil sa akin. Ha ha ha ha ha!" Napatingla ako at nakita ko mula doon sina Revil habang sinasakal sa leeg si Kaet. 

"Surprise, ano nagustuhan mo ba ang bagong Kaet na kaharap mo ngayon?" Nanlaki ang mata ko ng makita si Vidia, habang si Uye naman ay nakahiga sa sahig na walang malay.

Nalilito na ako sa kanila at hindi ko na alam ang gagawin. Pero salamat na lang dahil dumating sina Coolen. Humarap ako kina Coolen, pero nakatali na sila at nakatakip ang mga bibig nila, napansin kong may mga kawal ni Revil na nasa likuran nina Coolen, tanging ako na lang ang natitira sa mga sandaling iyon dahil maging sina Zanderr ay nagapi na ng mga kalaban ngunit sina Reanna ay hindi mapasok ng mga monster at witches sa loob dahil sa magical shield na inilagay ko kanina.

"Pakawalan mo siya!" Sigaw ko kay Revil at tiningnan siya, tumingin naman siya paibaba kung nasaan ako naroroon, lumapad na naman ang malaking ngiti sa kanyang labi at alam mong may back up plan ang demonyong ito at sa ngayon hindi ko na mabasa ang iniisip niya kaya napakunot ako ng noo.

"Bakit naman ako susunod sa iyo bata? Batang puslit!" Namuo ang galit sa aking mukha ng sabihin niya iyon.

"Manahimik ka na lang diyan dahil kapag nagtagumpay na ako wala ng kahit sino ang makakapigil sa aking kapangyarihan. Wala na, maging ikaw ha ha ha ha ha!" Ang galit sa mukha ko ay mas lalong lumalalim ng sabihin niya iyon at sinabayan pa ng malademonyo niyang pagtawa.

.

.

.

HM Draew's POV

Kahit nasa loob kami ng kung ano ay kitang kita ko ang pamumuo ng galit sa mukha ni Psalm ng sabihin ni Revil ang mga iyon. Napabaling ang tingin ko sa paligid ng mapansin ang paggalaw at paglutang ng mga bato. Nagsama sama sa iisang direksyon ang mga batong iyon habang nakatutok sa kinaroroonan ni Revil sa itaas na bahagi. Napansin ko na napatuon ang atensyon ng lahat ng makita ang ginagawa ni Psalm maging si Zeyn na nakakabatang kapatid ni Gale na isang Earth user na nagmula pa sa Immortal Academy at dumalo lang ng ball ngayong gabi. Napanganga ang lahat maging ako sa mga nakikita namin habang nakahawak sa inivisible shield na nasa paligid namin. Nakaramdam ako ng mainit na hangin, kaya napapikit ako ng sandali dahil sa singaw ng init na dumagdag sa puwersa ng mga batong nakatulang.

Muli kong tiningnan si Psalm at nagulat sa nakita.








Continua a leggere

Ti piacerà anche

113K 3.9K 58
Will you choose to LIVE and Fight or Will you be TAKEN and Die... You have two choices to make... But what will you choose? To Be Live or To Be Taken...
260K 5.3K 27
[Book 1 of Frozen Series] [UNDER MAJOR REVISION] "A tale of snowflake..." Celandine Snow, an ice mage, vows to seek revenge for her family that was k...
6.6K 254 44
Who is the keeper? And where is the lost kingdom? Sa paglipas ng mga taon ay muli na naman magkakasama ang magkakaibigan na siyang nabuo sa loob ng i...
347K 15.2K 43
Status: Completed "A forgotten memory, an undying charm, a sacred heart, a lonely soul, and a cruel life." ----- Was it too much to ask for a happy l...