TMW: Academy Of Magic (Curax...

Da AillexSkcy

401K 8.3K 215

Bata pa lang ako mahilig na ako sa Magic. Gusto ko sa lahat ng gagawin ko dapat may Magic. Mahal na mahal ko... Altro

Paalala ng Awtor:
Cast of the story
Chapter 1: Magic
Chapter 2: The Dark Magic
Chapter 3: Potion
Chapter 4: First day at Academy
Chapter 5: The Necklace and The Birth Mark
Chapter 6: Training
Chapter 7: Blair Red Diamond Blade
Chapter 8: The Secrets
Chapter 9: Another Secret
Chapter 10: Kingdom of Dark
Chapter 11: Secret Hero
Chapter 12: The truth about the necklace
Chapter 13: Powerful Magic
Chapter 14: The truth about the necklace II
Chapter 15: Powerful Magic II
Chapter 16: Powerful Magic III
Chapter 17: Feelings
Chapter 18: Hitch
Chapter 19: Dress
Chapter 20: Kier's Dream
Chapter 21: Suspicion
Chapter 22: Da' Moves
Chapter 23: Ring
Chapter 24: Ring II
Chapter 25: Azureus
Chapter 27: Beginning of Revenge
Chapter 28: Ready
Chapter 29: Academy of Magic Ball
Chapter 30: Vidia
Chapter 31: Flashback (Dreawidia)
Chapter 32: 10:58 PM
Chapter 33: 11:17 PM
Chapter 34: 11:26 PM
Chapter 35: Magical Shield
Chapter 36: UNSEAL
Chapter 37: Last Minute
Chapter 38: Unrestrained
Chapter 39: The First Full Moon
Chapter 40: Done
Chapter 41: The Kiss
Chapter 42: Punishment
Chapter 43: She's awake
Chapter 44: TRUTH!
Author's Note:
Chapter 45: The Real Me
Chapter 46: Ariella Joe
Chapter 47: Kingdom of Magic
Epilogue
(Let me clear)
Reminders

Chapter 26: Content of Kaet's Book

5.2K 120 5
Da AillexSkcy


Kahit nalaman ko na ang mga kasagutan na matagal ko ng itinatanong isipan, iba pa rin ang tumatakbo sa isip ko sa mga sandaling iyon. Ibinalik ko na ang libro na hawak hawak ko at agad na umalis sa office ni HM.

Dumiretso ako sa dorm at humiga sa kama, walang ibang tao sa dorm kundi ako lamang. Bumangon ulit ako at tinanggal ang singsing na isinuot sa akin ni Kier. 

"Bakit kaba ibinigay sa akin ng Kier na yan? Ano ba ang dahilan?" Para akong luka luka sa ginagawa ko, dahil maging ang singsing ay kinakausap ko na. Nababaliw na yata ako. 

"Diba kay Blair ka, bakit sa akin ka ibinigay ni Kier?"

"Baliw na yata ako, para kausapin ka e hindi ka naman nagsasalita." Inilagay ko na lang ang singsing sa box ng aking necklace. Isasara ko na sana ang box ng biglang kumislap ang singsing. Pero hindi ko na lang iyon pinansin, inilagay ko na ang box sa isang cabinet. Kahit masakit sa akin na itago muna ang isang bagay na galing sa taong kinaiinisan ko pero pagkasama ko ay payapa ang buhay ko. Pagkatapos kong ilagay sa cabinet ang box ay hmuli akong humiga, hanggang ngayon iniisip ko pa rin ang mga nangyari kanina. Kahit na wala akong masyadong ginawa feeling ko pagod na pagod na ako, dumagdag pa ang isang libro na nabasa ko na nakalagay sa office ni HM.

Naalala ko ang libro ni Kaet, kaya agad akong tumayo sa kinaihihigaan ko. Lumabas ako ng kwarto at hinanap ang librong iyon. Halos malinis ko na ang buong living room, kusina at dinning area sa loob ng dorm kakahanap sa libro. Sumagi sa isip ko na tingnan sa kuwarto ni Kaet, baka sakaling iniwan niya doon. Sumilip silip ako sa kwarto niya, pero nag aalangan akong pumasok, ayaw humakbang ng paa ko papunta sa kwarto ni Kaet. Kaya't napaupo na lang ako sa sofa, at sa pagkakaupo kong iyon may naramdaman akong matigas sa kinauupuan ko. Agad ko iyong kinapa at kinuha, laking gulat ko ng makita ko ang librong kanina ko pa hinahanap, luminga linga muna ako sa paligid maging sa orasan bago buksan ang libro. 5:48 pa lamang ng hapon at may ilang minuto pa ako para basahin ang laman nito.

Pagbuklat na pagbuklat ng libro ay agad na bumungad sa akin ang napakagandang larawan.

"Princess Blair McLean" Basa ko sa larawan. So ganito pala siya kaganda noong bata pa ang Prinsesa nila, buti pa siya may picture noong bata, samantalang ako wala kahit isa. Napapout na sambit ko sa aking isipan, binuksan ng binuksan ko ang libro at halos lahat ng nakalagay ay about sa buhay ng Prinsesa. Hanggang sa kadulo duluhan ng pahina ay about sa mga nangyari sa Prinsesa.  So ibig sabihin mali ako ng akala. Oh my goodness, hinusgahan ko kaagad siya ng hindi ko alam. Teka there's one more, noong madaling araw na iyon. What she's doing that time?

Isasara ko na sana ang librong hawak ko ng biglang.

"Psalm!" Lumingon ako sa pinangyarihan ng boses na iyon at nanlalaki ang mga mata nya, parang kakainin nya ako sa kanyang mga tingin. Nakatayo lamang siya sa may tapat ng pinto habang diretso lang ang tingin sa akin. Hindi ako makagalaw sa aking kinauupuan, pero pinilit ko pa ring tumayo at instead na ilapag na ang book na hawak ko ay iniabot ko pa sa kanya ito ng nakabukas. Di ko alam kung bakit ganoon na lamang ang ikinilos ko sa harap niya. Agad akong  pumasok sa kwarto ko. 

Sorry Kaet. Sambit ko sa isipan ko ng makapasok sa loob ng kuwarto ko.                                        Tahimik lang ang dorm, siguro ay nakatayo pa rin sya sa may pinto hanggang ngayon. Bulong ko sa sarili ko habang nakalapat sa pinto ng kuwarto ko ang aking tainga, upang pakiramdaman si  Kaet kung gumalaw na ba siya sa kinatatayuan niya kanina, ngunit wala akong marinig na kahit anong ingay maging ang mga yabag ng paa.

Hinihintay kong makarinig ng kahit anong ingay ngunit wala pa rin akong marinig na ingay. Isinandal ko na ng todo ang aking tainga sa pinto ng aking kwarto, ngunit wala pa rin akong marinig. Napabuntong hininga na lang ako at ipinikit ang mga mata ko, talikod sa pinto ng kuwarto ko. Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata, nanlaki ang mga mata ko nang makita si Kaet. Ganoon pa rin ang titig niya sa akin, katulad kanina. Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso, sa halip ay tumango na lang ako dahil sa kahihiyan. Ngunit naramdaman kong lumapit sya sa akin at itinunghay ang aking ulo na nakatango. She smile at me and she bow her head, kaya nagtaka naman ako sa ginawa nya.

"Hindi ka galit?" I asked her but she just smile and hug me.

"Kaet are you okay?" Muli kong tanong sa kanya, pero humiwalay lang siya sa pagkakayakap sa akin at nakangiti. Ang weird nya, may sayad na ba sya? O galit sya kaya siya nagkakaganyan. Bulong ko sa aking isipan habang nakatingin kay Kaet.

"I'm sorry your highness." Sabay bow ulit sa harap ko. Wait, what? Your highness? Bakit ba niya ako tinatawag na your highness? She's crazy at kanina pa siya.

"Kaet ano bang pinagsasabi mo?" Muli ko na namang tanong sa kanya na medyo  natatawa pa.

"Ako nga ang dapat magsorry sayo, dahil pinakialaman ko ang gamit mo." Nahihiya  kong sambit sa kanya.

"Okay lang po iyon." Magalang nyang sagot. Bakit ba ang galang niya sa akin? Kanina pa talaga siya. 

"Kaet may itinatago kaba?" Nanlaki naman ang mata nya sa tanong kong iyon. Siguro ngayon ang tamang oras para itanong siya sa nangyari noong gabing iyon. 

"W-wala po your highness." Tiningnan nya ako na para bang naiilang, hindi ko inalis sa kanya ang aking atensyon. Pinipilit kong mahuli siyang umiiwas sa aking tingin.

"Huwag mo nga akong tawaging your highness, hindi ako Prinsesa. Tsaka kung wala, anong ginagawa mo noong madaling araw ng mahospital ako?" Napangiti siya na para bang may masaya sa sinabi ko.

"Iyon po ba? Nagising po kasi ako ng maramdaman kong wala na po kayo sa kwarto nyo. Kaya sinundan ko po kayo ang kaso hindi ko po kayo makita, halos nilibot ko na nga ang buong Academy kakahanap sa inyo ngunit bigo ako." Nagulat ako sa sinabi niyang iyon. Ang judgmental ko talaga sa kanya, hindi ko muna tinanong kung ano ba talaga ang ginagawa niya. Halos malibot na pala niya ang buong Academy kakahanap sa akin.

"Bakit mo naman ako hinahanap noong araw na yun?" Muli ko na namang tanong sa kanya, hindi kasi ako satisfied sa sagot niya masyadong kulang ang mga sagot nya at hindi kapanipaniwala para sa akin. Naku Psalm, naghihinala ka na naman samantalang sinabi na nga sayo ang dahilan niya. Tutya ng isip ko sa akin dahil sa tanong ko kay Kaet.

"A-ano po kasi, yang ahmmm." Napasingkit ako ng mata habang hinihintay ang isasagot niya, tiningnan ko siya sa mata habang halatang hindi mapakali sa kanyang kinatatayuan. Halatang natataranta ang kanyang mga mata, napansin ko pa na nangangatal ang bibig niya. Tila nagdadalawang isip siya sa sasabihin niya. 

"Ahmm. I'm sorry po. H-hindi ko po na nagawa ang d-dapat kong g-gawin. Huhu, please forgive me dahil hindi ko po kayo nabantayan noong a-araw na iyon, pero  ginawa ko naman po ang sinabi niya na bantayan ka." Huh? Hindi ko magets. Ano bang pinagsasabi niya? Bantayan? At sino naman ang nag-utos sa kanya na bantayan ako? Tanging tanong ko sa isipan ko ngunit hindi ko maisambit sa kanya.

Niyakap ko siya na para bang ayos na ang lahat, pero kailangan ko pa siyang kausapin kung sino ang nag-utos sa kanya ng mga ganoong bagay? At bakit nya ako masyadong ginagalang, e bata pa naman ako at magkasing edad lang kami. I tried to comfort her para naman mawala agad ang pag-iyak nya, bakit ko pa kasi siya tinanong ng mga ganoong klaseng tanong. May kaunting awa din naman ako sa kanya, at kahit hindi pa niya  sinasabi ang totoo.





Author's note:

Guys malapit na po ang book 2 ko.

The Magical World: The History of the Six Kingdom

Continua a leggere

Ti piacerà anche

44.9K 366 5
The Truth is Ruthless.Toothless but fanged. Two faced bruteness.Roofless in the Rain. The crude taste of sane.A suitcase full of pain. The Truth is T...
11.1K 838 24
The Fifth Order || Completed Soon to be published under PaperInk Publishing House ««»» Soul, Reality, Time, Mind, Space, and Power . . . "The univers...
45K 1.8K 42
[COMPLETED] Following the broken engagement with the Crown Prince while struggling to adapt to her new environment, Myrtle Edelwyse now needs to marr...
32.4K 835 24
this story is a about the academy. let's just say na meron kakaiba na nagaganap sa academy na ito....... ANO NGA BA ITO? LET'S FIND OUT MERONG BABAE...