"Naihanda mo na ba ang susuotin ni Psalm?" Itunuon ko ang atensyon ko kay Draew ng magtanong siya sa akin. Hindi ko alam kung excited ba siya o sadyang handa lang talaga siya sa maaaring mangyari ngayong gabi. Ibinalik ko na sa hawak kong notebook ang atensyon ko at ipinagpatuloy ang pagsusulat.
"Excited na kasi akong isuot niya ang pinakamaganda at pinakamahalagang damit sa kasaysayan. Gusto ko na rin na malaman nya ang totoo, para naman mabawasan ang dinadala dala ko sa dibdib ko. Ang bigat na kasi e." Paliwanag niya habang nakatingin sa aking sinusulat.
"Paano kung hindi nya maintindihan?" Muli niyang tanong kaya napatigil ako sa pagsusulat at muling napatingin sa kanya.
"Diba sabi niya? Ating ipaintindi sa kanya ang lahat. So ipapaintindi natin sa kanya ng ayos, diba?" Hindi na ako nakapagsalita pa ng sabihin iyon ni Draew.
"Alam mo namang wild and cold hearted si Psalm, pero Draew kailan ba natin sasabihin ang totoo?" Tanong ko kay Draew.
"Maybe siguro mamaya na lamang." sagot naman ni Draew sa akin.
"About pala sa singsing nakita mo na ba?" Tanong sa akin ni Draew.
"Hindi pa nga e."
"Hays, pero kapag nandito si Psalm sasabihin ko talaga sa kanya ang lahat lahat."
"Ano?!" Biglang may nagsalita sa may bandang pinto ng kuwarto kung saan nakaupo kami ni Draew sa sofa. Si Psalm ang sumigaw ng salitang iyon na nakatayo at nakatingin sa kinaroroonan namin ni Draew, napansin ko na gulat na gulat siya, siguro dahil nalaman niya na siya ang pinag-uusapan namin. Alam nyo naman itong batang ito hindi marunong kumatok bago pumasok at parang multo na bigla bigla na lamang sumusulpot sa gitna ng conversation ng iba. Ewan ko ba dito kung bakit nag-iba ang ugali, hindi yata ito yung batang inalagaan ko sa Mortal World.
"Oh Psalm nandyan ka pala, teka kanina ka pa dyan?" Gulat at kinakabahang tanong ni Draew.
"Ano ang dapat kong malaman?" Sigaw niya, at nagsisimula na namang magdilim ang kanyang paningin sa amin. Teka narinig nya din ang mga sinabing iyon ni Draew? Tanong ko sa isipan ko habang nakatingin kay Psalm na nakatayo pa rin sa may pinto.
"Ahm Psalm, ano kasi yang." Iyon na lang ang nasabi ni Draew dahil sa kaba nsto na naman nangangatal na naman si Draew.
"Sabihin niyo na kasi sa akin!" Pasigaw na sagot ni Psalm, bigla siyang lumapit sa amin. Hindi ko alam ang susunod na gagawin. Wild na naman kasi sya at nakatingin lang sa amin ni Draew, naku naiinis na talaga ako sa mga ginagawa ng batang ito. Parang gusto ko siyang patulan. Naku kung pepwede nga lamang e matagal ko ng nagawa.
"Psalm wag ka munang sumigaw diyan, at pwede ba umupo ka muna para pag-usapan natin ito." Mahinhin ko namang sagot sa kanya para pakalmahin siya. Once kasi na sagutin ko sya ng pasigaw, panigurado na lalo siyang sisigaw at magagalit.
"Ibig sabihin may matagal na kayong itinatago sa akin?! Kailan pa?! at kailan niyo balak sabihin sa akin ha?!" Pasigaw na naman nyang sambit. Hindi ko alam kung kailan ba siya magiging mahinahon sa pagsasalita. Hindi ganitong klase ng ugali ang nakita ko sa kanya noong nasa Mortal World pa lamang kami, ibang iba sa Psalm na nakilala ko.
"Psalm hindi pa pwede sa ngayon at mas------." Nilingon ko si Draew at lumapit kay Psalm kaya napatigil si Draew sa kanyang balak sabihin, dahil siguradong magwawala na naman si Psalm sa mga sasabihin ni Draew, at hindi pa ngayon ang tamang oras para sabihin sa kanya ang lahat lahat. Pagkalapit ko ay agad kong hinawakan siya sa braso.
"Psalm, kung sabihin man namin hindi ka rin naman maniniwala e." Sabay pisil sa braso niya na nagsisimula na namang uminit at mamula. Hindi naman siya siguro galing sa labas, dahil mainit ang braso niya. Tiningnan ko ang nraso nya ngunit napabaling ang tingin ko sa kamay niya, nanlaki ang mata ko at nagulat ng makita ang singsing na nasa isa sa daliri niya sa kamay niya.
"T-teka saan mo nakuha ang singsing na ito?" Hinawakan ko ang kamay niya at iniangat ng kanuti upang mas makita ang singsing na suot suot niya sa mga sandaling iyon.
"Wag mong ibahin ang usapan, yung tanong ko ang sagutin nyo. Ano ba ang dapat kong malaman?" Muli niyang tanong.
"Teka Psalm, sagutin mo muna ako. Saan mo ba nakuha ang singsing na suot mo?" Nanggigigil kong tanong sa kanya.
"Sinabing sagutin nyo muna ang tanong ko e!. Ano ba kasi ang kinalaman ng singsing na suot ko?"
"Sagutin mo na kasi ako Psalm." Nagtitimpi na lang ako para hindi masyadong tumaas ang boses ko.
"Ano ba kasi sa----
"Dahil iyan ang singsing ni Princess Blair!" Malakas kong sigaw sa kanya.
"Ano?! Princess Blair?! Wala akong pakialam sa Princess Blair na yun, ang tanong ko muna ang sagutin mo?!" Sigaw niyang sambit sa akin.
"Sasagutin mo ang tanong ko o gusto mong manatili dito?!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pagtitimpi, sumusobra na siya sa mga ginagawa niya at nakakasawa na.
"Hindi ko alam, hindi ko alam kung saan nakuha ni Kier ang singsing na ibinigay nya sa akin. Okay na ba? Yung tanong ko naman ang sagutin nyo. Ano ba ang dapat kong malaman?" Niyakap ko si Psalm ng mahigpit, buti at nasa mabuting kamay iyon napapunta. Sobra ang pasasalamat ko na nasa kanya na ang singsing. Inilayo ko na ang katawan ko sa kanya at bigla nyang ibinalik ang tanong.
"Sasabihin nyo ba o hindi?" Nanlilisik ang mata niya sa pagkakabanggit niyang iyon. Hindi ko alam kung gagawin ba namin ang iniuutos nya o hindi.
"Ipangako mo muna na makikinig ka at maniniwala sa amin?" Napatingin sa akin si Draew ng sabihin ko iyon, magkasalubong ang kanyang kilay at tila nagtatanong sa ginagawa ko, alam kong hindi pa siya handa na sabihin ang lahat pero bahala na ang mangyayari ngayong hapon. Tumango naman si Psalm which means payag siya. Isinara ko ang bawat bintana at nilagay iyon ng barrier upang walang ibang taong makarinig sa pinag-uusapan namin. At dahil may ibang estudyante na may ability to hear in a far distance kahit gaano pa kalayo ang nag-uusap. Syempre kailangan din naming mag ingat ng kaunti. Halos lahat ng kwarto ay nalagyan ko na ng barriers. Inilabas ko ang damit na tinutukoy kanina ni Draew. Nagulat si Psalm sa damit na inilabas ko.
"This is your gown for tonight. Ito ang isusuot mo." Kinakabahan kong sambit habang binubuo ko pa sa aking isipan ang mga sasabihin ko sa kanyang tanong, pero hindi pa ito ang tamang oras para sabihin sa kanya ang lahat lahat.
"Ito yung itinatago nyo sa akin?" Parang may iba pa siyang tinutukoy sa mga nalalaman namin. Masyado kasing henyo itong batang ito.
"Oo yan yung itinatago namin sayo." Draew added, at mukhang naintindihan naman agad niya ang ginagawa ko.
"Bakit hindi nyo agad sinabi sa akin, nakabili na ako ng dress ko para mamayang gabi" Nagulat kami sa sinabi nya at biglang nawala ang pagiging wild nya at cold kanina. Obvious ba e hindi nga namin magets ang emotion ng batang ito.
"Thank you po, pero may dress na po ako." Sabay yakap sa akin pati na rin kay Draew. Nakangiti siya na parang bata.
"Adavance happy birthday Psalm." Sabay na sambit namin ni Draew. Kami lang ni Draew ang nakakaalam na birthday ni Psalm mamayang 12:00 midnight.
"Thank you po, sige po kailangan ko ng umalis." Pagpapaalam ni Psalm sa amin. Umalis na sya ng nakangiti ang mga labi at nagkatinginan na lang kami ni Draew at huminga ng malalim.
.
.
.
Psalm's POV
Ang saya ko dahil naalala nina HM at Reanna na birthday ko. Akala ko kung ano yung itinatago nila sa akin yun lang pala. Pero may kutob ako na meron pa silang ibang itinatago. Lalo na dun sa nabanggit ni Reanna nung una kong pasok sa pinto.
Flashback
Ayaw pa rin tumigil ng paa ko sa kakalakad. Maya maya pa ay may narinig akong parang may nahulog. Pinuntahan ko iyon, at tama nga na may nahulog. Nilapitan ko ang flower vase na maliit at inayos ang mga nahulog nitong lupa. Hindi naman masyadong nasira ang vase, pero may kaunting crack sa may gilid. Hindi ko na hinawakan ang gilid para hindi matuluyang masira. Nang maayos ko ay napatingala ako.
Nandito ako sa harap ng pinto ng office ni HM. Hindi na ako kumatok, sana'y naman na sila na hindi ako kumakatok tuwing papasok. Pagkapasok na pagkapasok ko ay agad ko silang nakita at hindi nila ako napansin ng pumasok ako, dahil parehas silang may ginagawa habang nag-uusap. Hinintay ko na lamang na mapansin nila ako.
"Draew kailan ba natin sasabihin ang totoo?" Tanong ni Reanna kay Draew.
"Maybe siguro mamaya na lamang." sagot naman ni HM.
"About pala sa singsing nakita mo na ba?" tanong ulit ni HM kay Reanna.
"Hindi pa nga eh." agad namang sagot ni Reanna.
"Hays, pero kapag nandito si Psalm sasabihin ko talaga sa kanya ang lahat lahat."
End of Flashback
Ano ba ang meron sa singsing na suot ko? At nabasa ko sa libro na iilaw ang singsing if nasa mabuting kamay. I don't get what they are talking about to this ring. Wait Reanna said that this is the ring of Princess Blair. So dapat ko bang ibalik ito kay Kier?