When Suplado Boy Meets Palaba...

By iamhopelessromantic

688K 12.3K 1K

Si James Nathaniel dela Vega, gwapo at mayaman. Pero suplado at masama ang ugali. Sanay siya na kinatatakutan... More

Prologue
Chapter 1 - The New Comer
Chapter 2 - Diana Sophia Eliza Torres Alcantara
Chapter 3 - Suplado plus Palaban Equals ?
Chapter 4 - Apologize to him? NOOOOO WAY
Chapter 5 - I Have No Choice
The Great James
Chapter 6 - She's Not Gone
Chapter 7 - The Confrontation
Chapter 8 - Lost and Found
Chapter 9 - The Set-up
Chapter 10 - The Accident
Chapter 11 - Nathaniel (Part I)
Chapter 11 - Nathaniel (Part II)
Chapter 11 - Nathaniel (Part III)
Chapter 12 - Puno
Chapter 13 - The Suplado Returns
Chapter 14 - The Hard Reality
Chapter 15 - I'm Stupid
Chapter 16 - Their First Night Together
Chapter 17 - Angel
Chapter 18 - It's Confirm
Chapter 19 - Rooftop
Resolving the Issues
Chapter 20 - Drama Club
Chapter 21 - Relax
Chapter 22 - Nananadya
Chapter 23 - For the First Time
Chapter 24 - Boyfriend
Chapter 25 - His Female Version
The Reason Why
Chapter 26 - Lunchbox
Chapter 27 - Clinic
Chapter 28 - His Personal Nurse
Chapter 29 - Slave and Not Nurse
Chapter 30 - What's Wrong With Her
Chapter 31 - Palaban Girl is Back
Chapter 32 - 1,2,3,4 Pass
Chapter 33 - She's Mad at Me
Chapter 34 - Cold
Chapter 35 - Secret Admirer DAW
Chapter 36 - Enchanted Kingdom
Chapter 37 - Napakatanga
Chapter 38 - You're my Business
Chapter 39 - Whether You Like it or You'll Like it
Chapter 40 - Tangs
Chapter 41 - Sumpong
Chapter 42 - Heartbeat
Chapter 43 - Yakap
Chapter 44 - To See You
Chapter 45 - Nalaglag
Chapter 46 - Cheer
Chapter 47 - Picture
Chapter 48 - Curious
Chapter 49 - Tears
Chapter 50 - Mall
Bastard
Chapter 51 - Future Sister In Law
Chapter 52 - Dinner
Chapter 53 - Goodbye
Chapter 54 - Hurt
Chapter 55 - What
Chapter 56 - Who's Jealous
Chapter 57 - Saleslady
Chapter 58 - Baliw Talaga
Chapter 59 - Walang Takas
Chapter 60 - Smile
Chapter 62 - Date
Chapter 63 - Picnic
Chapter 64 - Trust
Chapter 65 - Jason
Chapter 66 - Honesty May Not Be The Best Policy
Chapter 67 - Cake
Chapter 68 - Stalk
Chapter 69 - Locker Room
Chapter 70 - Guardian Angel
Chapter 71 - Ask
Chapter 72 - Sealed With a Kiss
Chapter 73 - Time Zone
Chapter 74 - Booth
Chapter 75 - King and Queen
Chapter 76 - Candles and Lies

Chapter 61 - Placard

5.2K 129 12
By iamhopelessromantic

Eto na ang update na ipinangako ko. Maikli lang to. Ilang araw ko na tong sinusulat pero kagabi lang talaga siya natapos. Medyo nahirapan akong isulat to kasi BROKEN HEARTED ang lola niyo. Broken hearted ako dahil sa G2B. Paskong-pasko ganun ang episodes. Nakakastress.

Anyways, pagpasensiyahan niyo na kung may typo errors... Hindi ko na nacheck eh...

iamhopelessromantic

 

Pumasok kami sa gate Shalom High. Sa pagkakaalam ko, we're rivals with this school.

"Anong ginagawa natin dito?" tanong ko sa kanya pagkababa na pagkababa ko pa lang ng kotse.

 

"Why did you get out?"

 

"Huh? Hindi pa ba tayo dito?"

 

Napabuntunghininga siya.

"Nevermind." sabi niya at the same time offering his hand.

Tinanggap ko na rin yun tapos ay naglakad na kami. Sa isang kamay niya ay may bitbit siyang bag. Halos kaladkarin na niya ako sa bilis niyang maglakad. Hindi naman ako makapagreklamo kasi mukha talagang nagmamadali siya.

Ilang hakbang pa ay nakarinig ako ng malakas na sigawan. At mukhang sa pinanggalingan ng sigawan ang punta namin.

 

"Nat anong meron?"

 

"You'll see" sagot niya habang tuloy-tuloy pa rin sa pagkaladkad sa'kin.

Nasa labas pa lang kami ng  building na pinanggalingan ng sigawan ay may sumalubong na agad sa min. He seemed relief nang makita kami.

 

“Where’s Annika? Siya ang pinapunta ko dito?”

Nagsuplado na naman si Nathaniel kaya natakot ang sumalubong sa’min. Hindi agad siya nakasagot.

 

“She’s watching the game.”

 

“Game? Anong game.”

 

“May game ngayon ang varsity team. At late na si James.”

 

“Did I gave you a right to talk to her?”

 

“You have a game? Ba’t di mo agad sinabi?” Sira-ulo talaga siya. May laro pala sila tapos sinundu-sundo pa ko. Malamang ang laman nang bag niya ay ang jersey niya.

 

“Tssk.” Yan lang sinagot niya tapos hinarap na niya ang sumalubong sa’min.

 

“What are you still doing here? Umalis ka sa harapan ko.”

 

Siniko ko siya.

 

“What?”

 

“Hindi mo ba narinig ang sinabi niya?Late ka na sa game.”

 

“I asked Annika to come here para samahan ka sa loob.”

 

“I can take care of myself. Hindi naman ako ganun katanga.”

Tinaasan lang niya ako ng kilay. Hindi siya naniniwala sa sinabi ko. Dapat ba mainis na ko?

 

“Well obviously, our friend …”

 

“Eric.”

 

“Hi Eric! He’s here to escort me.”

 

“He’s not our friend.” Naasar na sabi niya

 

“Well. My friend.”

 

“You just met him.”

Parang mas natuwa ako ng makita kung gaano siya nagagalit kahit hindi ko maintindihan kung bakit.

 

“Can’t I be friends with someone I just met?”

 

“No!”

 

Pinigilan ko ang sarili ko na matawa. Kung makikita lang niya ang mukha niya malamang lalo siyang maaasar.

 

“Eric tara na.” sabay bitaw sa kamay niya.

 

Lalong sumama ang mukha niya. Naku, kung hindi lang talaga to malalate sa laro niya, inasar ko na to lalo. Para kasing bata.

“Late ka na. Kapag natalo ang team natin baka ako sisihin ng schoolmates natin. Hahanapin ko agad si Annika kapag nasa loob na'ko.”

 

"Fine." Tipid na sagot niya.

Napakaraming tao sa loob ng gym. Kanya=kanyang sigawan ang mga audience. Napatingin ako sa scoreboard. Nagsimula na ang second half. Late na nga ang ungas. Tapos lamang pa ang kalaban.

Hindi ko na kinailangang hanapin si Annika. Dahil hinatid ako ni Eric sa mismong kinatatayuan nito. Nagpasalamat ako sa kanya tapos ay umalis na agad siya.

Nagulat pa ako kasi kasama ni Annika ang mga kaibigan ko liban nga lang dun sa dalawang boys.

"Diana bakit ngayon ka lang? Asan na si James?"

 

"Nagpapalit pa. Sorry, hindi ko kasi alam na may game ang varsity ngayon. Wala naman kasi akong maalalang may inanounce sa school."

 

"Wala talagang inanounce kasi hindi naman to official game. Anyways pabayaan mo na. Ang mahalaga andito na kayo."

 

May kinuha si Annika sa gilid ng upuan niya at inabot sa'kin. Nanlaki ang mga mata ko.

"Ano to?"

 

"Placard."

 

"Annika naman eh. Alam ko namang placard to, pero bakit ganito ang nakasulat?"

Tiningnan niya ang placard checking kung may mali.

"Tama naman ang sinulat ko ah. Yan mismo ang sinabi ni James na isulat ko."

 

"What? Siya ang nagpagawa nito?"

Ang damuhong yun. Kaya pala sinundo talaga ako kahit na malalate siya sa game niya. May masama pala siyang balak.

 

Tumango lang siya. Napatingin na lang ako sa mga kaibigan ko. Nanghihingi nang saklolo. Pero nginitian lang ako ng tatlo na parang hindi nila naintindihan ang paghingi ko ng saklolo.

Biglang nagtilian ang mga babaeng nanonood nang game. Nakita na kasi nang mga ito si Nathaniel in his number 10 jersey. Nginitian niya ako. Lalo namang lumakas ang tilian ng mga babae.

Sinimangutan ko siya. Lalong lumapad ang ngiti niya. Malamang alam na niya kung bakit ako nakasimangot. The fact na bitbit ko pa ang placard na pinagawa niya.

Inilapag ko sa gilid ang placard saka naupo sa tabi ni Annika. Siya naman ang napasimangot. Anong akala niya. Hindi ko ipapakita sa lahat ang placard na yan. Hindi pa ko nasisiraan nang bait para ipahiya ang sarili ko.

Nadismaya ang mga audience. Imbes kasi maglaro na ay naupo lang si Nathaniel at nakipagtitigan sa'kin.

"Hindi ako maglalaro hanggat hindi mo itinataas ang placard." Sabi ng tingin niya.

Ginantihan ko rin siya ng tingin. "Ayoko nga. Pakialam ko kung hindi ka maglaro."

 

"Tingnan natin." nakangiting titig niya sabay sandal pa sa upuan.

God. Kelan pa kami nagkaroon ng telepathic power para mag-usap ng ganito?

Nagpatuloy pa rin ang game. At habang tumatagal ay lalong lumalaki ang lamang ng kalaban. Habang tumatagal ay nararamdaman kong malapit na akong matalo samantalang ang ungas ay mukhang sobrang confident. Hindi man lang nag-aalala na matalo sila. Baliw talaga.

"Diana bakit hindi pa rin naglalaro si James?" Tanong ni Monique.

 

"Ewan ko sa kanya. Bakit ako tinatanong niyo?"

 

"Ang suplada Diana ah."

 

"Sorry Monique."

 

Humingi ng time out ang team namin. Nagulat ako kasi imbes na sa coach nila pumunta ay sa akin lumapit sina Albert at Dominic.

"Diana please. Hindi namin kakayanin to ng wala si James."

 

"Kung pagwapuhan lang sana to eh walang magiging problema."

 

Hindi ko alam ang isasagot ko. Bakit ba ako ang kinakausap nila?

Pumito na ang referee, tapos na ang thirty seconds. Mabilis na bumalik ang dalawa sa court.

"Basta Diana." Pahabol pa nila.

Tiningnan ko ang scoreboard. Malapit nang maubos ang ten minutes ng second half. Almost twenty points na rin ang lamang ng kalaban. Pero si Nathaniel hindi man lang natitinag. Napapikit na lang ako. Humugot ako nang pagkalalim-lalim na paghinga bago ko dahan-dahang itinaas ang placard.

Ilang segundo rin na parang tumahimik ang buong paligid. Pagmulat ko ng mga mata ko ay sabay na nagtilian na naman ang mga babaeng audience. Pumasok na rin sa wakas sa court si Nathaniel. So ito lang talaga ang hinihintay niya.

"Go, go, go my Nathaniel. Your Tangs."                                      

 

"Nang-aasar ka ba Nica?"

 

"Hindi naman. Kinikilig nga ako eh. May tawagan na pala kayo ni James."

 

"Bakit nga pala Tangs?" tanong ni Chloe.

 

"Kapag nalaman niyo kung anong ibig sabihin nang Tangs sigurado hindi na kayo kikiligin. Kaya kung pwede magconcentrate na kayo sa game."

 

Tong mga to. Kita mo ngang nahihiya na ang tao dadagdag pa sila.

Halos five minutes na rin ang lumilipas simula nang maglaro si Nathaniel. Minsan ay nakakalimutan kong itaas ang placard, at ang ungas na si Nathaniel ay bigla na lang titingin sa'kin sa kalagitnaan ng laro sabay nguso sa placard.

Wala naman akong magawa kung hindi ang sumunod. Kasi hindi niya inaayos ang laro niya hangga't hindi niya nakikitang itinataas ko ang lintik na placard.

Isang minuto na lang ang natitira. Pero four points pa rin ang lamang nang kalaban. Hindi na magkamayaw sa kasisigaw ang mga tao. Pati yata ako nakikisigaw na rin. Hindi kami pwedeng matalo. Ipinahiya ko na ang sarili ko tapos matatalo lang din pala kami. No way.

Halos sabay-sabay kami nagtilian na magkakaibigan ng maka-shoot ang team namin. Two points na lang. Pero isang shot-clock na rin lang ang natitira. At sa kalaban pa.

Inuubos na nang kalaban ang oras. Pinagpasa-pasahan na lang nila ang bola. Matatalo na talaga kami.

Hindi ko alam kung anong iniisip ko kasi bigla na lang akong napasigaw.

"Nathaniel dela Vega. Oras na matalo kayo. Sisipain talaga kita."

 

Natahimik ang lahat sabay napatingin sa'kin. Saka ko pa lang narealize ang kahihiyang ginawa ko. Ipipikit ko na sana ang mga mata ko at hihilingin na maglaho ako ng maghiyawan ulit ang mga tao.

Naagaw ni Nathaniel ang bola. At itinira sa three point-lane. Parang tumigil ang puso ko sa paghinga habang hinihintay na pumasok sa ring ang bola. Naghiyawan ang mga tao.

Samantalang ako ay nakatunganga. HIndi pa rin ako makapaniwala.

"Pumasok. Nanalo tayo. Nanalo tayo." natutuwang sigaw ko.

"Late reaction ka naman masyado Diana eh." sabi ni Monique

 

"Oo nga. Nakatili na kami at lahat-lahat tapos ngayon ka pa lang magrereact." si Charlotte naman. Pagdating sa pang-aasar sa'kin nagkakasundo ang dalawang to. Pasalamat sila masaya ako ngayon.

 

"Eh sa nagulat ako eh. Bakit ba?"

 

Nagulat ako kasi may biglang umakbay sa'kin. Sumimangot ako ng makita kung sino.

"What's my reward for winning the game?"

 

Nagkunwari pa kong nag-iisip sandali.

"Well. Obviously. Hindi kita sisipain."

 

Continue Reading

You'll Also Like

26.1K 871 22
Meet Xin Keib,ang babaeng walang pakealam kung anong nagaganap sa mundo. At darating ang araw na makakatagpo nya ang lalaking nag-ngangalang Ice Aeri...
464K 7.6K 67
MAHAL KITA DANIEL PADILLA [FINISHED] [COMPLETED] [BOOK 1]
2.3K 188 47
Grace Salcedo. Isang Grade 12 student, magaling na painter na huminto sa pag gawa ng obra nang makita nya mismo ang pagkamatay ng babaeng nagturo sa...
17.1K 943 27
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...