The Bachelor's Lost Love (Gre...

By Maria_CarCat

5.2M 135K 9.7K

Can I be the missing piece, if he was damn broken? More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue (Special Chapter)

Chapter 56

86.1K 2.2K 128
By Maria_CarCat

Disclaimer: This is still Unedited. Contains typos and grammatical errors.

___________




Tinuro sa akin ni Sir Zach ang malaking space sa loob ng kanyang walk in closet, puro suits, ling sleeve, slacks at mga signiture na damit ang nasa loob nito. Wala pa dito ang mahabang helera ng kanyang mga sapatos.

"Is that all?"

Napaiktad tuloy ako mula sa pagaayos ng aking mga gamit. Dahil sa biglaang pagsulpot nito. "Ha? O...opo yan na yun" naiilang na sagot ko pa sa kanya.

Nakatingin lamang ito sa aking mga damit habang nakakunot ang noo. Maya maya ay tahimik na din naman itong umalis at lumabas sa may walk in closet kaya naman pinagpatuloy ko na lamang ang pagaayos ko ng aking mga damit.

Maya maya bumalik ito at tsaka inilapag sa aking tabi ang mga paper bag na binili niya para sa akin para sa unang araw ko sa pagreReview.

"This is yours too" sabi pa niya sa akin.

Ang mga ito kasi yung tinanggihan ko nuon. At dahil ayoko namang magaway pa kami at magkaroon pa ng mahaba habang usapan ay tumango na lang ako at tsaka kinuha ang inabot niya sa akin.

"After that matulog na tayo" sabi pa niya sa akin at lalabas na sana siya ng kaagad akong napatayo.

"Teka sir, saan po ba ako matutulog?" Tanong ko sa kanya.

Naningkit ang mga mata nito habang nakatingin sa akin kaya naman napayuko na lamang ako.

"Syempre sa kama" preskong sagot niya sa akin.

Lalong bumigat ang aking paghinga dahil duon. "Ka...kayo?" Tanong ko din sa kanya.

Nginisian ako nito sabay halukipkip. "Sa tabi mo, dont worry i wont ask you to have sex with me" diretsahang sabi niya habang nakangisi tsaka niya ako iniwan duon sa loob ng walk in closet.

Ginawa ko na ang lahat para kahit papaano ay tumagal ang ginagawa ko para naman paglabas ko ay tulog na si Sir Zach. Hindi ko alam kung bakit parang nagbago ata ang ihip ng hangin at hindi na ito galit sa akin.

Pagkatapos ko sa ginagawa ko ay lumabas na din naman ako kaagad. Nagulat ako ng makita kong wala pa si sir zach sa kanyang malaking kama. Madilim na sa kwarto at tanging lamp shade lang sa magkabilang gilid ng kama ang bukas.

"Akala ko duon ka na matutulog sa closet" sabi nito sa kung saan kaya naman nagulat ako.

Inilibot ko ang aking maga sa kabuuan ng kwarto at duon ko siya nakita sa may sofa at naiilawan ng laptop niya ang kanyang mukha.

"Uhmm..sorry" yun na lamang ang nasabi ko.

"Matulog ka na, I'll just need to finish something" sabi nito sa akin kaya naman kaagad na akong dumiretso sa kanyang kama.

Nagsitayuan ang aking mga balahibo ng kaagad kong maamoy ang kanyang pabango ng hawiin ko ang comforter para makahiga ako ng maayos. Kahit sobrang lamig sa loob ng kanyang kwarto ay ramdam na ramdam ko pa din ang pagtulo ng aking pawis mula sa aking noo.

Maging sa unan nito ay amoy na amoy ko si sir zach, napapapikit pa nga ako dala na din dahil sa sobrang lambot ng kanyang unan at ang tela sa punda nito ay masarap sa pakiramdam pagdumidikit sa aking pisngi.

Dahil sa paninibago na din dahil ibang iba ito sa higaan ko duon sa ibaba ay hindi ako nahirapang dalawin ng antok. Mabilis akong nakatulog na hindi na iniisip kung sino ang magiging katabi ko.

Nagising ako kinabukasan dahil sa ingay ng alarm clock. Nahirapan tuloy akong dumilat dahil sa lamig at parang gusto ko pang pumikit. Pero dahil hindi humihinto ang pagtunog ng alarm clock ay pinilit kong dumilat at gumalaw pero nagulat ako ng mahirapan akong igalaw ang katawan ko.

Halos maduling ako ng makita kong sobrang lapit ng mukha hi sir zach sa akin, nakayakap din sa akin ang kanyang matipunong braso at maging ang mga binti ko ay hindi ko na maigalaw dahil sa kanya.

Nasa side niya ang alarm clock kaya naman hindi ko magawang abutin iyon. Nagdadalawang isip pa tuloy ako kung tatapikin ko siya para gisingin o ako na lang ang kusang aalis.

"Heck" mahina pero frustrated na sambit ko dahil sa hindi ko malamang gagawin ko para makaalis.

Maya maya ay nanlaki ang aking mata ng makita kong nakangisi na ito at medyo umuuga na ang kanyang balikat dahil sa pinipigilang pagtawa.

"Good morning" seryosong sabi nito habang diretsong nakatingin sa akin at dahil hindi ko na kinaya ang pagiging sobrang lapit namin at ang titig niya sa akin ay kaagad ko na siyang tinulak palayo sa akin tsaka ako mabilis na umupo at tumayo.

"Tanghali na pala" sabi ko na lang sa pagkataranta.

Sa totoo lang ay hindi naman ako sa oras natataranta kundi sa presencya ni Sir Zach. Masyadong mabilis iyon gayong parang nung isang araw lang ay magkagalit pa kami at ang tanging koneksyon lang ay ang anak naming si Zeus.

Naglalakad ako palabas ng kanyang kwarto papunta sa kwarto ni Zeus habang naglalaro sa aking isipan ang mga pwedeng dahilan kung bakit ganyan ang pakikitungo ngayon sa akin ni Sir zach.

Masakit mang isipin ay hindi ko maiwasang hindi magduda na baka dahil ganito ay para mas maging effective ang pagkukunwari namin sa harapan ni President.

"Ma'm sofia, umalis na po si Sir Zach...hindi na po siya nakapagbreakfast. Handa na po ang pagkain sa baba" sabi sa akin ng isang kasambahay pagkalabas namin ni Zeus.

Halos magiisang oras din kasi akong nagkulong sa kwarto ng aking anak. Hinintay ko kasi itong magising. Hindi ko naman inakala na ganuon kabilis aalis si sir zach siguro ay may emergency meeting sa companya? Hospital? o sa University? Kahit tuloy ako nahihirapan para sa kanya. Sa sobrang dami niyang responsibilidad.

"Mabuti na lang talaga at nakakuha tayo ng mga modules" nakangiting sabi ni marco sa akin.

Tinanguan ko siya at nginitian. "Sa Graduate school building tayo hindi ba?" Tanong niya sa akin.

Pagkatapos kong sumubo ay kaagad ko siyang nilingon at tsaka tinanguan. "Ayos lang bang dumaan muna tayo sa PJP? kukuha lang sana ako ng list of requirements sa Medicine registrar office" sabi niya sa akin na kaagad ko namang tinanguan.

"Oo naman, bakit? Magmemed ka na?" Nakangiting tanong ko pa dito.

Parang nahihiya pa itong napakamot sa kanyang batok. "Depende, but im still open to it" sagot niya sa akin na tinanguan ko na lamang.

Pagkatapos naming kumain ni Marco ay kaagad kaming pumunta sa may Pjp building. Tsaka ko lang naalalang ang pupuntahan pala namin ay ang mismong office ng medicine registrar kung nasaan si sir zach.

"Uhmm marco" tawag ko sa kanya bago ako mapahinto sa paglalakad mga ilang hakbang na lang kasi.

"Bakit may problema? May nakalimutan ka ba?" Tanong nito sa akin kaya naman kaagad na lumibot ang aking mga mata para maghanap ng bagay na pwede kong maging excuse sa kanya.

"Uhmm wala naman, pero sa comfort room lang ako" paalam ko sa kanya.

"Alright, sa harap ng office meron" sabi niya sabay hila ulit sa akin kaya naman wala na akong nagawa.

Nagpaalam si marco na papasok na siya sa registrar office kaya naman kaagad na akong dumiretso sa Cr sa harapan nito.

"May kainan nanaman sa mag Conference room" nangingiting sabi ng isang chubby na babae na mukhang isang pharma student din.

"Makikain tayo!" Natatawang sabi naman nung kasama niyang maliit na babae.

"Baka papasukin tayo dun!"asaran nila tsaka sila nagtawanan.

Sa totoo lang ay hindi naman ako talaga dapat magcCr pero nakalimutan ko kasibg tumanggi kay marco kanina nung sinabi niyang sa Pjp kami pupunta.

"Are you done?" Tanong nito na mukhang kalalabas lang din sa registrar office.

"Ah Oo, tara na!" Nagmamadaling yaya ko sa kanya tsaka ko kaagad na hinawakan ang kamay niya para mahila papalayo duon dahil baka mamaya ay makita pa kami ni Sir zach or much worst ay si Ma'm president.

"Ok...bakit ba nagmamadali ka?" Natatawang tanong nito sa akin pero nagpapahila din naman siya.

"Eh basta, baka malate pa tayo" pagdadahilan ko na lamang sa kanya.

"Ow sorry..." sabi nung lalaking nabunggo ko.

"Sorry p..." hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng makita kung sino ang lalaking iyon. Ang mga mata niya ay diretsong nakatingin sa akin. Mga matang nagbabanta kaya naman tuloy nanigas ako sa aking kinatatayuan.

"Sofia tara na, baka malate tayo sa susunod na klase natin" hila sa akin ni Marco na hindi man lang pinansin ang presensya ni sir zach.

Napabuntong hininga ako ng sa pahabol kong lingon ay nakatayo pa din ito sa kung saan kami nagkabunguan ang seryoso ang tingin sa amin ni marco.

"May lakad ka ba after class?" Bulong ni marco sa akin habang tahimik ang lahat dahil sa nalelecture na instructor sa harapan namin.

Pasimple akong tumingin sa kanya. "Oo eh" mahinang sagot ko dito.

"Ganun ba? Sayang naman...next time na lang siguro" may panghihinayang na sambit pa niya.

Tatanungin ko sana siya kung bakit pero di ko na lang tinuloy lalo na nung napatingin na sa aming gawi ang aming instructor.

"Ma'm sofia" tawag sa akin ni Kuya jap, driver ni sir zach.

Nagpaalam sandali ako kay marco dahil mukhang importante ang sasabihin nito sa akin.

"Ano po iyon kuya jap?" Tanong ko sa kanya ng medyo nakalayo na kami.

"Pinapasabi po ni Sir Zach na sunduin ko kayo kaagad, nagpahanda po ng dinner sa bahay. Duon daw po magdidinner si madam president" sabi nito sa akin na parang hindi magawang magsink in sa aking sistema. Why so soon?

Nagpaalam ako kay marco na may importante akong lakad. Kaya naman di na ito gaano pang nagtanong. Hindi rin kami nakapagusap tungkol duon sa sinabi niya sa akin kanina.

"Good evening ma'm sofia" bati sa akin ng mga kasambahay na ang ilan ang busy sa may dinning at sa may kusina.

Sandali akong dumiretso sa may dinning para tingnan kung ano ang kanilang ginagawa. At napataas ang dalawang kilay ko ng makita kung gaano ka engrande ang pagkakaayos nila ng dinning ngayon.

At dahil wala naman akong alam duon ay umakyat na lamang ako para maasikaso ko na din ang aking anak na si zeus. Kagigising lamang nito pagkapasok ko sa kanyang kwarto. Naiiyak pa nga ag mukhang naiirita habang hawak siya ng kanyang yaya.

"Baby" malambing na pagkuha ko ng kanyang atensyon.

Pagkakita nito sa akin ay bahagya pa siyang sumibi pagkatapos ay naglahad ng kamay sa akin.

"Magbibihis tayo ok? Dadating si lola" pagkausap ko sa kanya.

"Sige ako na ang bahala sa kanya" sabi ko sa tagapagbantay ni zeus kaya nama mabilis siyang lumabas ng kwarto nito.

Nilinisan at binihisan ko si Zeus pagkatapos ay nagayos na din ako ng aking sarili. Wala namang sinabi si sir zach tungkol sa magaganap na dinner pero dahil sa set up ng dinning ay mas pinili ko na lamang na magsuot ng simpleng dress.

Nakapili ako nb dress duon sa mga damit na binili ni sir zach para sa akin. Kuhang kuha talaga niya ang size ko dahil tamang tama iyon sa akin.

Nang tapos na kaming pareho ni Zeus ay duon na kami nagstay sa may living room para naman kahit dumating na sila ay hindi na kami maggagahol na bumaba pa.

"Mom! Eat...yum" tawag at pagrereklamo nito sa akin.

"Ok po baby...wait natin sina daddy ha?" Pagkausap ko sa kanya tsaka ko muli inayos ang kanyang damit.

"Ma'm sofia andito na po sila" anunsyo ng isanb kasambahay namin kaya naman napatayo kaagad ako.

Karga karga ko si zeus habang naghihintay kami sa may dinning at halos mahulog ang puso ko ng tuluyan ng bumakas ang pintuan.

"Put up playground for my grandchild" masayang utos ni ma'm president habang kausap si sir zach.

"I will mom" sagot naman ni sir zach dito habang ang kanyang tingin ay diretso sa amin ni Zeus.

"Goodevening po" bati ko dito ng malipat ang tingin niya sa akin mula sa paglibot ng tingin niya sa kabuuan ng bahay.

Imbes na makasagot si ma'm president ay humarang sa aking harapan si sir zach at kaagad na kinuha sa akin si Zeus.

"Hi honey..." sambit nito at ganuon na lamang ang gulat ko ng angkinin nito ang aking labi.

Gulat na gulat ako dahil duon kaya naman kahit nakahiwalay na siya sa akin ay nanlalaki pa din ang aking mga mata.

Pagkatapos nuon ay pumulupot ang kanyang braso sa aking bewang habang ang isang kamay niya ay hawak hawak si Zeus.

Nakaharap na kami ngayon kay ma'm president at tsaka nagpapalitpalit ang tingin niya sa aming tatlo kasama kay Zeus. Matapos ang kanyang mga mapapanuring tingin ay nagkibit balikat na lamang ito at tsaka tumingin sa akin.

"Welcome to the family sofia" sabi niya at pagkatapos ay lumapit ito sa akin at tsaka bumeso.

"Thank you po" sambit ko pagkahiwalay niya sa akin.

"Give me my Apo" nangaasar na baling niya kay sir zach pagkatapos ay naglahad ng kamay para makuha si Zeus.

Mabuti na lamang at sumama ang anak ko kaso nga lang ay sa akin ito nakatingin.

"Let's eat...the food is ready" anunsyo ni sir zach.

Kaagad na tumango si ma'm president at tsaka naunang naglakad patungo sa dinning. Kahit papano ay nakahinga naman ako ng maluwag dahil mukhang nagbago na nga talaga ito.

Susunod na sana ako ang kaso ay napahinto ako ng maramdaman ko ang kamay bi sir zach sa aking bewang. "Ano ba? Wala naman si president ah" suway ko sa kanya pero nakatingin lamang ito sa akin.

Akala ko ay hindi na ito magsasalita pa. "Hindi ba sinabihan na kitang layuan yung lalaking yon?"

Kaagad akong tumango. "Oo, pero hindi naman kami nakita ni president" pagdadahilan ko sa kanya.

"Pero ako nakita ko" poker face na sagot niya sa akin at tsaka ako kaagad na iniwan duon.

Hindi ko alam kung bakit pero lakad takbo ang ginawa ko para masabayan ang lakad niya. "Galit ka ba dahil nabangga kita kanina?" Tanong ko sa kanya.

"No" maiksing sagot niya.

"Eh bakit?" Pahabol ko pa.

"Because you are mine, and i dont share" masungit na sagot niya sa akin.








(Maria_CarCat)

Continue Reading

You'll Also Like

74.8K 3.4K 17
Valle d'Aosta Series 5
2.8M 70.6K 35
Now a published book under Lifebooks. Available in bookstores nationwide! It takes a second to read the word, love-- but it takes a lifetime to under...
757K 26.8K 72
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
1.7M 49.2K 47
Barkada Babies Series #5 PUBLISHED UNDER PHR ❣ Price: 199php -- Lahat na ata ng klase ng pagmu-move on ay ginawa na ni Michelle. Umakyat sa bundok, n...