The Bachelor's Lost Love (Gre...

By Maria_CarCat

5.2M 135K 9.7K

Can I be the missing piece, if he was damn broken? More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue (Special Chapter)

Chapter 55

84.9K 2.1K 106
By Maria_CarCat

Disclaimer: This is still Unedited. Contains typos and grammatical errors.

___________




Dahil wala akong pasok ngayon ay sinubukan kong puntahan ang mga kaibigan ko, malapit na din kasi ang kasal ni Justine.

"Super gwapo naman nitong anak mo!" Nanggigigil na sabi ni elayza habang pinanggigigilan si Zeus.

Ngayon ay nasa condo unit na kami ni Cristine, may anak na din kasi ito na si jacob kaya naman may kalaro ang anak ko kahit papaano. Mas matanda lang si Jacob ng isang taon kay Zeus.

"Buti at pinayagan ka ni Sir Zach na ilabas yang anak niyo" si glayn iyon habang kumakain ng pop corn.

Nasa may sala kami ng kanyang condo. Ang iba ay sa carpet nakaupo.

"Bakit naman hindi? Anak niya yan...kailangan bang magpaalam pa talaga siya?" Inis na sabi ni rea dito.

Kaagad naman kaming napangiti at napailing dahil mukhang magaaway pa ata ang dalawa.

"Uuwi si president" si theresa iyon.

Dahil sa kanyang sinabi ay napatingin tuloy sa akin ang lahat na para bang gusto nilang makita kung ano ang aking magiging reaksyon.

Tumango na lamang ako sa kanya. "Oo alam ko, sinabi ni Sir Zach" kwento ko sa kanila tsaka ko sinuklay ang buhok ni zeus na nasa may paanan ko habang nakikipaglaro kay jacob.

"Naghahanda ang buong university para sa 50th anniversary. Marami events, kaya sobrang busy din" kwento pa nito dahil isa siya sa mga professor duon kaya naman alam niya ang schedule ng university.

"Oo nga, pati review namin medyo natatamaan ng busy schedule" sabi ko din sa kanila na kaagad naman nilang tinanguan.

"Madami din kasing accreditation, sobrang busy ni Sir Zach" kwento pa ni theresa sa akin na may halong pangaasar pa.

Mukhang nakuha naman ng iba ko pang mga kaibigan ang gustong ipahiwatig ni theresa at walang sabi sabi nilang sinakyan iyon.

"Naku, dapat pala eh minamasahe mo si sir zach paguwi sa bahay" si jochelle iyon.

Tumaas lang ang kabilang gilid ng labi ko sa kanya na lalo niya lang ikinatawa.

"Paanong mamasahihen eh ni hindi nga naguusap sa bahay yan" si christine iyon.

"Hoy grabe ka naman!" Si grace iyon pero inirapan lamang siya ni Cristine.

"Totoo naman eh! We need to be realistic here noh! Di na pwede yung assume assume kagaya nung College" parang nanay namin na sabi nito.

Napanguso na lamang ako. Totoo naman kasi yung sinabi niya, nung college ay medyo mga half assumera talaga kami that's why. Lalo na pag may mga crush kaming professor. Pero nuon si sir Zach lang naman ang crush ko kaya sangayon ako kay Christine na ganuon nga talaga ako, kami.

"Kaya ikaw sofia, after ng board exam humanap ka na kaagad ng stable job, ubod ng yaman nga yang kasama mo sa bahay pero ang sama naman ng ugali." Pangaral pa nito sa amin.

Tinanguan ko na lamang siya. Sa kanilang lahat kasi ay sa kanya ako madalas magkwento tungkol sa mga nangyayari sa amin ni Sir Zach.

"Hindi ko alam na may pa Misa ka din pala dito Justine!" Kantyaw ni jochelle at pagpaparinig na din.

"GAGO!" natatawang sigaw ni Christine.

Nang dumilim na sa labas ay halos di magkamayaw ang cellphone ko sa pagilaw, sunod sunod kasi ang pagdating ng text message na kay sir zach galing lahat. Sa muling pagilaw ng cellphobe ko ay tumatawag na ito kaya naman kaagad ko iyong sinagot.

"Damn it, kanina pa ako tumatawag at nagtetext sayo!"frustrated na singhal nito sa kabilang linya.

Buti na lamang at busy ang iba sa pagpreprepare ng dinner namin. Minsan lang kasi magkaroon ng free time ang mga ito kaya naman sinulit na nila.

"Sorry...nasa bag ko kasi ang cellphone ko" paumanhin ko sa kanya.

Rinig na rinig ko ang mabibigat na pagkawala ng paghinga nito sa kabilang linya.

"Where are you?" Seryosong tanong niya.

"Uhm...sa condo ni Christine" sagot ko pa.

"Text me the address, kukuhanin ko kayo diyan" pagkasabi niya nun ay kaagad niyang ibinaba ang tawag.

"Oh anong problema?" Tanong ni Grace sa akin.

"Ah, baka di na ako makasabay ng dinner susunduin na kasi kami ni Sir Zach" sagot ko sa kanya tsaka ko kaagad na kinuha si Zeus na hanggang ngayon ay naglalaro pa din.

"Ano?" Biglang singit ni Christine nakataas pa ang kilay.

"Eh kasi si Sir Zach eh..." medyo mahina kong sagot sa kanya.

"Dito ka magdidinner, isama mo na yang si Mr. Alonzo ng magkaalaman na tayo" masungit na sabi pa niya bago niya kami tinalikuran ni Grace.

Natawa si grace habang nakatingin sa akin na ngayon ay parang pinagbagsakan ng langit at lupa.

"Nagbibiro lang yon, sige na isama mo na si sir zach. Marami kaming niluto" sabi pa ni grace sa akin na tinanguan ko na lamang kahit ang totoo ay di pa din ako sigurado.

Maya maya ay dumating na ang kinatatakutan ko. Nagtext na kasi itong nasa baba na siya ng condo ni Christine.

"Sige na at sunduin mo na, andito naman kamo si Sir Dion kaya hindi siya maoOut of place" sabi naman ni Justine sa akin habang hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan ng sabihin ko sa kanilang nandito na si sir zach.

"Ok lang ya sofia, tingnan mo nga naman oh! Dati ay hiyang hiya pa tayo kay sir zach pagdumadaan sa quadrangle, ngayon ay makakasabay pa nating magdinner" nakangiting sabi ni elyza sabay taas ng kamay para makipagapir kay glayn.

"Easy dude..." poker face na sabi ni glayn dahil mukhang hindi maramdaman ni elayza ang tensyon ko.

"Sige na sofia...behave lang kami" paninigurado ni Rea at kaagad niya akong sinamahang makalabas ng condo unit.

Sobra talaga ang kabang nararamdaman ko kahit nasa elevator pa lang ako. Hindi ko kasi alam kung anong gagawin ko. Kung papayag ba siya? O baka mapahiya lang ako pag niyaya ko siya.

Tumunog ang elevator tanda na nasa parking space na ako. Pagkabukas na pagkabukas ay si sir zach kaagad ang sumalubong sa akin. Nakasandal ito sa kanyang kulay puting subaru. Kumunot kaagad ang kanyang noo pagkakita niyang magisa lamang ako.

"Si Zeus?" Nagtatakang tanong niya sa akin.

Lumakad muna ako papalapit sa kanya bago ako nagsalita. "Uhmm..." di pa man din ako nakapagsasalita ay nauna na ito.

"Dont talk to the floor" maawatoridad na utos nito sa akin kaya naman dahan dahan akong tumingala sa kanya.

Kaagad sumalubong sa akin ang seryoso niyang mga mata na diretsong nakatingin sa akin.

"In...iniimbitahan ka nilang magdinner sa taas, pero kung ayaw mo ok lang naman sasabihin ko na lang na..."

Hindi na ako nito pinatapos pa. Pinatunog niya lang sandali ang kanyang sasakyan bago nauna pang lumakad patungo sa elevator.

"Let's go" yaya niya sa akin kaya naman sa pagkataranta ay kaagad akong naglakad ng mabilis para pumasok na din sa elevator.

Nakakabingi ang katahimikan sa loob. Ito na nga ata ang pinakamatagal na pagakyat ng elevator sa tanang buhay ko. Gusto ko din sana siyang tanungin ko ayos lang ba talaga sa kanya? Na baka busy siya at marami pang kailangang tapusing trabaho. Pero mas pinili ko na lamang ang manahimik.

Pagkabukas ko ng pintuan ng Condo unit ay halata ang biglang pagkawala ng ingay sa loob. Ang lahat ng mata ay nasa amin.

"Goodevening sir Zach" sabi ng mga ito ay tsaka sila isa isang nakipagkamay dito.

Mukhang nakilala niya si Theresa at sir Dion na parehong professor ng university.

"Kain na tayo guys" anunsyo ni Christine.

Malaking ang kanyang round table kaya naman wala kaming naging problema. Si Zeus na hawak ko ay kaagad na kinuha sa akin ni Sir zach. Magkatabi lang kasi kami at medyo malapit talaga sa isat isa kaya medyo nahuhuli ko ang mga tingin ng mga kaibigan ko.

"You eat rice, your too skinny" mahinang sabi nito sa akin. Siya pa ang naglagay ng kanin sa aking plato kahit nakakandong sa kanya si Zeus.

"Thank you, ayos na yan" pagpigil ko sa paglalagay niya ng kung ano ano sa pinggan ko.

Tumango na lamang ito at tsaka kumuha ng pagkain na para sa kanya. Kinakausap pa nga nito si Zeus tungkol sa pagkaing tinuturo niya at sinasagot naman siya ng anak namin na akala mo ay naiintindihan niya.

Hindi naging tahimik ang dinner namin. Hindi kasi napigilan ang ingay ng mga ito, buti na lamang at game na nakipagkwentuhan si sir Dion at sir zach sa ami kaya naman kahit papaano ay nakakalimutan naming sir zach ang kaharap namin ngayon. This time para siyang part namin, walang ilangan.

"Sobrang daming events na gaganapin, hindi ko na nga alam kung anong uunahin kong puntahan, nagkasabay sabay ang mga inivitation" nakangiting kwento ni sir zach kay sir Dion na head ng isang event para sa college of pharmacy.

"But dont worry, i wont forget your event" pahabol na paninigurado ni sir zach kay sir dion na kaagad naman nitog ikinatuwa.

Ang kaninang galit na galit na si christine ay kampante na ngayong kausap si sir zach.

"Gusto nga po sana naming bumalik sa school sir, parang gusto na din naming mag academe" may halong birong sabi nito.

Tumango si sir zach. "You are all welcome to be part of the university, just tell me or sofia kung kailan niyo gusto" paninigurado nito kaya naman kaagad na naghiyawan ang mga kaibigan ko.

Naging ok naman ang dinner namin sa condo ni christine ang kaso ay kailangan na din naming umalis dahil inaantok na si Zeus.

"Ako na ang magdadala sa kanya" sabi ni sir zach at kaagad na kinuha ang natutulog na si Zeus mula sa aking bisig.

Ayoko sana siyang sundin dahil mas gusto kong ako na ang magayos sa anak ko.

"Go fix your things, ilipat mo na sa kwarto ko" utos nito sa akin na ikinabigla ko.

"Pe...pero bakit po?" Gulat na gulat na tanong ko pa sa kanya.

Naglalakad na ito paakyat at mukha atang walang balak na sagutin ako.

"Just fix it sofia, we'll talk later" pahabol niya sa akin hanggang sa nawala na sila sa aking paningin.

Naghehesitate pa din ako kung susundin ko ba siya o ano, pero aa huli ay ginawa ko na lamang kung ano ang inutos sa akin ni Sir zach. Wala din naman akong magagawa siya naman ang masusunod dito sa pamamahay niya at siguradong di ako tatantanan nun.

Konti lang naman ang gamit ko kaya hindi na din ako nahirapan at hindi din ako nagtagal. Maya maya ay pumasok ang dalawang kasambahay para itanong kung ayos na ba ang mga gamit ko. At nang sinabi kong Oo ay kaagad nila iyong kinuha at sila na mismo ang nagdala nuon paakyat.

Naglinis muna ako ng sarili bago ako umakyat papunta sa kwarto ni Zeus. Mahimbing na ang tulog nito.

"Can we talk now?"

Napalingon ako sa may pintuan ng biglang dumungaw si sir zach. Sandali ko muna ulit tiningnan si zeus bago ako tumango dito. Sumunod ako sa kanya ng pumasok siya sa kanyang kwarto. Nakakailang man ay ginawa ko na para matapos na ang sinasabi niyang paguusap namin.

Di pa man din ako nakakapasok ng maayos ay nagulat ako ng sumalubong ito sa akin muntik pa tuloy akong mauntog sa kanyang dibdib. "Not here, in my office" sabi nito na kaagad ko namang tinanguan.

"Let's make this things staight. Darating si President bukas, she'll not stay here in my house but i'll bet that, time after time she'll be here to observe" sabi niya na ikinakunot ng noo ko.

"Observe po saan?" Tanong ko sa kanya.

Napaayos ito ng upo sa kanyang swivel chair. "We're settled, yun ang alam niya..." magulo pa ding sagot nito sa akin.

Kumunot lang ang noo ko sa kanya na kaagad naman niyang nahalata.

"Ang alam ni mommy maayos na tayo, na kasal na lang ang kulang sa atin" sagot niya na ikigulat ko pero ni hindi man lang naapektuhan ang ekspresyon ni Sir zach.

"Hindi siya nagalit?"

Umiling ito sa aking biglaang tanong. "Wala na siyang masasabi, we have a son...pero im sure magagalit siya if nalaman niyang nandito ka lang para sa anak natin" sagot niya sa akin na nagpataas ng aking balahibo pero hindi ito ang tamang oras para kiligin or what so ever.

"Pero ayaw niya sa akin" pagsusumbong ko pa.

"That was a years ago sofia...everything change" sagot niya pa din sa akin pero hindi talaga mawala ang kaba sa aking dibdib. Knowing his mother...one hell of a monster.

"Then...ano na? Nangmangyayari?" Natatarantang tanong ko pa dito.

"Calm down, bukas pa siya darating for goodness sake" sita niya sa akin dahil sa sobrang pagkataranta ko.

It feels like my heart will jump out. "Let's pretend" sambit niya na nagpahinto sa akin.

"Pretend?" Wala sa sariling sambit ko din.

Tumango tango ito sa akin. "Kagaya ng ano?" Pahabol ko pa dahil hindi na talaga ako mapakali.

Hindi ito sumagot nakatitig lang siya sa akin. Kaya naman ako na lang ang nagsalita. "Magpanggap na inlove pa rin tayo sa isa't isa?" Tanong ko sa kanya, pero tinaasan lamang ako nito ng kilay.

"Bakit hindi na ba?" Nakangising tanong niya sa akin.








(Maria_CarCat)

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 49.2K 47
Barkada Babies Series #5 PUBLISHED UNDER PHR ❣ Price: 199php -- Lahat na ata ng klase ng pagmu-move on ay ginawa na ni Michelle. Umakyat sa bundok, n...
11.9K 260 20
It is NOT always fair in the game of love. It's a loosing battle-- but does that mean you'll give it up?
2.2M 56.9K 45
Barkada Babies Series #3 Calix James Santillan is Elisha Min Illustre's closest among her childhood friends. Palagi siya nitong hinihintay tuwing uwi...
759K 26.9K 72
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.