FAKE FIANCE ✔️

By keired

3.9M 42.3K 2.4K

MINI-SERIES ON TV5; PUBLISHED UNDER LIB. Demi's mom is getting married to a super hot bachelor's dad. Nothing... More

1: THE INTERVIEW
2: MEET UP
3: ACCIDENT
4: THE VISIT
5: DINNER DATE
6: MEET HIS BESTFRIEND
7: OTHER MAN
8: LQ
9: ENGAGEMENT
10: AFTER ENGAGEMENT
11: BESTFRIEND'S HELP
12: WEDDING PREPERATION
13: KISS
14: ANGELO
15: TELL HIM
16: FRIENDSHIP
17: BUSINESS DINNER
18:HEARD
19: (wala akong maisip na title)
20: JEALOUS
21: PRETENDING
22: KISS GOODBYE
23: Ruiz
24: TALKSHOW
25: FRIENDS?
26: KAYA NG LONG DISTANCE?
27: UNEXPECTED VISITOR
28: CONFRONTATION
29: VISITORS, MASSAGE
30: WHAT?
31: UNSAID SURPRISE
32: DEMI'S HOUSE
33: MOTHER
34
35: MAMA and PAPA
36: Rafael
37: WEDDING?
EPILOGUE
PREQUEL: LIFE BEFORE DEMI MET HER FAKE FIANCE

37.5: WEDDING

71.2K 1.2K 153
By keired

CHAPTER 37.5



"Bitawan niyo na nga ako!"

"DEMING HINDI PA TAPOS ISUOT YUNG WEDDING GOWN MO. WAG MALIKOT."

Urgh! Ang sikip-sikip na at talagang nag-iinit na ng husto ang ulo ko.

Anim silang pinipigilan akong lumabas kaagad sa van. Gusto nilang matapos muna ang makeover ko bago ako makalabas.

Heck! This is not really happening! Ayoko pang ikasal!

"Bitch stop acting bitch! Calm down and in a minute the wedding will start." Pagtataray ni Kendra.

"Demi, I'm so happ for you." Nakita kong naluha na si Mama bago ako yakapin. "Salamat naman at nakapag-settledown ka na bago pa ako mawala sa mundong ito."

"Mama! Wag nga ko magsasalita ng ganiyan."

"Wag na po kayong madrama. Masisira yung make-up at tinatawag na po tayo ng wedding planner." Anunsyo ni Agnes.

Kaagad akong tumayo at gigil na gigil na lumabas. May gusto na talaga akong dagukan sa inis. Isa pang epal itong camera man. Kanina pa video ng video at picture ng picture. Grr!!

They guided me to a white limo para daw grand entrance. Tsk! Kasama ko si Mama sa loob at nakakuyom na talaga ang mga kamao ko sa galit, nagtatagis na rin ang bagang ko at kulang na lang ay may lumabas na usok sa tenga at ilong ko.

"Wag ka nga nakasimangot Demitria. Kasal mo 'to."

"Kasal na hindi ko alam!"

"Relax lang. Kilala ko si Rafael, mahal ka talag ng batang yun. Sa ilang buwang nawala ka, hindi siya tumigil na hanapin ka lalo na ng sabihin kong mahal mo siya."

"Pero hindi pa ako ready!"

"Kelan ka pa magiging handa? Kung sa simbahan lang din ang tuloy niyo bakit hindi pa ngayon?"

Urgh! Kakaasar!

Pagkababa ko ng limo, may umalalay kaagad sa akin. Nagsisimula na ang entourage ng kasal. Si Papa kaagad ang lumapit sa akin para yakapin ako.

"Kinatutuwa kong ihatid ang nag-iisa kong anak na babae sa kasal niya."

Hindi ko na siya sinagot. Umuusok na yung tenga at ilong ko sa galit eh. Baka namumula na nga ang mukha at mata ko.

Binigyan ako ng bouquet ng wedding planner tapos may sinabi na siya sa radio niya na nandito na yung bride.

Pagkatapos mag march ng lahat ng nasa entourage ay inabot naman ni Papa ang kamay ko para isukbit sa braso niya. I did the same with my mother. Nagpalit ang tugtog at nakita ko ang tingin lahat ng mga guest nasa akin na. Wait, yung mga ka-office ko nandito at nakangiti silang lahat sa akin. Real smile yun. Nakita ko rin ang ilan sa mga kaibigan ni Rafael at may mga media rin. Si Kuya Zero rin at yung nililigawan niya. Handa silang lahat sa kasal ko. Eh ako?

"Pasok na po!" Bulong ng wedding planner ng mapansing hindi pa kami naglalakad.

Tiningnan ko si Papa, sunod si Mama. Nakangiti rin sila. Sumunod naman na tiningnan ko yung altar.

Rafael.

Tuluyang nandilim ang paningin ko. Nabitawan ko yung boquet at kusang nahigit ko ang dalawa kong kamay sa braso ng mga magulang ko.

RAFAEL!!



Walang isang segundo nasa harapan na ako para lapitan ang pangiti-ngiti pang si Rafael Perverted Jerk Reymundo.

"Mukhang nagmamadali ng ikasal ang wife-to-be k--"

PACK!

Rinig talaga ang malakas kong sampal sa kaniya. Napaungol siya sa sakit. At napatahimik din lahat ng nasa simbahan. Wala na ang ngiti nila sa labi lalo na sa kaharap ko na namumula pa ang pisngi dahil sa sapak ko.

"Hoy Rafael Raymundo! Kahit kailan talaga inilalagay mo ako sa sitwasyong wala akong takas. Gusto mo masusunod lahat ng gusto mo! Hoy hindi mo ako laruan na susundin ka na lang sa lahat."

Inalis ko ang tingin ko sa kaniya at nilipat ko ang tingin ko sa mga bisita. "Etong lalaking 'to." Itinuro ko si Rafael. "Simula pa lang ng makita ko siya imbyerna na ang buhay ko. Alam niyo bang naging girlfriend ako niyan ng hindi ko nalalaman. Nalaman ko na lang na ako na magiging-fiancé niya na pala ako. Pero syempre fake lang ang lahat. Niloloko lang namin kayo. Isang fake lang ang kasala na ito."

Ibinaling ko uli ang tingin ko kay Rafael. "Gusto mo talagang pinahihirapan ako? Gusto mong naka-contacts ako kahit na nangangati ang mata ko. Gusto mong naka-makeup at magandang damit ako para hindi ako komportable. Gusto mong wag laging mainit ang ulo ko. Gusto mo rin atang sapilitan akong ikasal sayo."

Tiningnan ko siya sa mata. Magkahalong takot, kaba at hiya ang nakikita ko sa kaniya.. Hindi ako sanay na makita yun sa mukha ni Rafael. He's always confident with himself. Mukhang sa akin lang siya tumitiklopo.

Maski rin naman ako ganun sa kaniya kasi nabali niya ang record ko. Sa kaniya ilang segundo pa lang sumasabog na ako sa inis. Sa kaniya nag-iiba ang meaning ng pamumula ng mukha ko; hindi sa galit kundi sa kilig. Sa kaniya nag-iiba ang taste ko sa fashion. Sa kaniya hinayaan ko ang sarili kong matutong magpatawad. Sa kaniya sinubukan kong mag take ng risk. Sa kaniya ako nagmahal ng ganito.

Mukha akong baliw dito sa harapan. Umandar na naman ang pagka-highblood ko. Huminga muna ako ng malalim bago magsalita uli. "Pwes hindi ako papayag!" Galit at pasigaw kong sabi.

"D-demi.." Nautal naman siya na hindi alam ang gagawin.

"P-pwes hindi ako papayag!" Maski ako nauutal na at namumula na rin...sa kahihiyan sa susunod kong sasabihin. Okay this is it. I have decided. Kahit na madalian na naman ito, papaptusin ko na.

"Gusto kong..." Pagpapatuloy ko. "Gusto kong itatago mo yung salamin ko para pilitin akong mag-contacts. Gusto kong ikaw ang magmake-up sa akin at bumili ng damit ko. Gusto kong minamasahe mo ako o nanakawan ng halik para mawala ang init ng ulo ko. At gusto kong ipaalam sayo na hindi ako napipilitang magpakasal sayo."

"Dem--"

"Hindi pa ako tapos! Okay, kahit inis na inis ako sayo mahal pa rin kita! Hindi ko matagalang wag magalit sayo at kahit na biglaan na naman itong kasal na ito... Oo! Oo, papayag na akong maging-asawa mo sa hirap at ginhawa, sa saya at sa lungkot, hanggang kamatayan kasi mahal na mahal kita Rafael."

Sht! Nasabi ko na. Nasabi ko na. Naiiyak pa ako. Kakainis talaga si Rafael.

Alanganin siyang natawa, napakamot ulo at tuluyan ng humalkhak.

Urgh!

"Bakit ka tumatawa?!"

"Pinakaba mo ako!" Tawa pa rin siya pero pinipigilan na. Lumapit siya sa akin para hawakan ang magkabilang pisngi ko.

"Demitria Magsaysay, the hot headed woman I ever met. The most old fashion woman who loves to wear long skirt and baggy clothes. The woman who gets annoyed with my words and choices. The woman who were afraid to take the risk. She's afraid to love, afraid to forgive, afraid to take chances."

'Nasabi ko na naman dati na I want to change you and to teach you. I will, I want to change you for better and to teach you how to love and be loved. I will always be there for you Demi and I want it to be forever. I want to be always there to constantly tease you, to bother you with your fashion, to comfort you when you're down, to kiss your angers away, to love you until I die. I want everything to be real. I want you to marry me for real. I want you to call me Raffy or Rafa not for the fake sweet moments that we have. Ayoko na ng FF natin." Natawa siya at tumingin sa mga nanunuod sa amin. "FF short for Fake Financé. Pauso niya po yan." Tumingin uli siya sa akin. Nakangiti na siya. The usual Rafael smile. "You're the woman I love and this time no pretending or fake realtionship. I love you Demi."

Ako na ang natulala. Sobrang overwhelming. Sobrang saya. This is surreal. I never thought that I love like this. I never thought that I'll get married someday but here.. I'm on the altar proclaiming my love for him and and his love for me with hundreds of guest. Parang panaginip lang.

"Wala man lang bang 'I love you too'? Ang tapang ko pa naman, walang utal-utal yun at lahat totoo." Bulong niya. Kahit kailan talaga mapang-asar siya.

"Oo na I love you too."

"Napipilutan ka lang ata."

"Hindi ah! Totoo!"

"Patunayan mo nga?"

Tsk! Patunayan pala ah. Itinaas ko ang dalawa kong kamay at inilagay yun sa braso niya para hilain ko siya papalapit sa akin. I kiss him in front of everyone. And I'm not afraid this time.

"Ahhh..uhhmm.. And I pronounce you husband and wife!"

We stopped kissing to laughed. Napatingin kami sa pastor. Nakakahiya hindi na namin siya pinasalita, husband and wife na tuloy kami kagad.







END

----------<3

May Epilogue. Short nga lang.



----------<3

Acknowledgments

Thank you Wattpad for creating a cool site for aspiring writers like me.

Thank God for letting me have a time to write my imaginations.

Thanks to my parents even though they don't know WP and probably me, writing.

To my sisters KeiPINK and _kblue_, to my adopted siblings, Vero and Doy... Thank you for listening to me when I share my stories that I write and read.

Syempre to Isayie. My cyber bestfriend and soul mate. Salamat!

Sa mga taong nakakakilala sa akin personal. Salamat at hindi niyo masyadong pinagkakalat na ako si keired. Haha!

Active readers who never skipped voting and commenting every chapters. I'm very touched with you guys. Isang 'I love you' lang ang maisusukli ko sa inyo.

Sa mga silent readers, don't be silent anymore. Comment and vote na kahit ngayon lang. Thank you.

Ayan, sa lahat... Maraming salamat and mahal ko kayo!!



Sa susunod na part na lang daw magpapasalamat ang RaMi couple :))



<3



Yung nanalo pala sa voting dati na susunod na story kong gagawin... Maid For You, try niyo ring basahin. Thank you.





-keired

Continue Reading

You'll Also Like

13K 665 63
Status: Completed. Date: June 23 - July 10, 2020. Amanda 'Ada' Francine Trinidad known as fake news spreader in high school, the maldita. Amanda alwa...
607K 13.9K 46
[Completed] Book 2 of My Bestfriend Is A Heartbreaker. Ross is my bestfriend, pero certified heartbreaker. I have the perfect love story when this h...
41.6K 1.5K 39
Aksidenteng nalaman ni Noelle Herrera na ang heartthrob ng school na si Nolan Cureg ay may taning na ang buhay. Sumangayon si Noelle sa pinakiusap ni...
3.1M 82.3K 58
C O M P L E T E D R E P O S T E D --- Siya si Meredith Balajadia, ang twenty-five-year-old executive vice president ng Balajadia Industries, ang komp...