The Bachelor's Lost Love (Gre...

By Maria_CarCat

5.2M 135K 9.7K

Can I be the missing piece, if he was damn broken? More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue (Special Chapter)

Chapter 43

67.1K 1.9K 109
By Maria_CarCat

Disclaimer: This is still Unedited. Contains typos and grammatical errors.

___________



"You Bitch!" Sigaw niya sa akin at kaagad na umambang sasampalin ako ng kaagad akong humakbang palayo at tsaka siya dinuro.

"Wag mong subukang saktan ako Cassie...nasa pamamahay kita" pagbabanta ko sa kanya. Kahit nagtatapang tapangan ay ang totoo natatakot ako.

Imbes na matigilan ay napangisi pa ito. "You know what...tama talaga ang hinala kong pera lang ni kuya ang habol mo" pagbibintang niya sa akin.

Di ako sumagot nanatili lamang na pinakikinggan ang mga nais niyang sabihin sa akin na hindi naman totoong mga bagay.

"Nagpabuntis ka sa ibang lalaki tapos pinaako mo sa kuya callum ko? Para ano? Para secured na ang future mo at niyang bastardo mong anak? At dahil ngayon na mukhang mas magiging buhay reyna ka sa poder ni Zach ay unti unti ka ng nagpaparamdam ulit sa kanya?" Naniningkit ang mga mata nito habang nakatingin sa akin na tila mo'y may binabasa siyang isang napakalaking mga letra sa noo ko at duon nanggagaling lahat ng mga pinagsasabi niya.

"At bakit sinasabi mo sa akin to ngayon sofia? Akin lang si Zach..." madiing sabi pa niya sa akin.

"Sayo na Cassie...isaksak mo sa baga mo" pagkasabi ko nuon ay kaagad akong tumalikod sa kanya at hahakbang na sana ako palayo ng kaagad niyang hinila ang aking buhok.

"Malandi ka talaga!" Sigaw niya at tsaka niya malayang winawasiwas ang aking buhok.

"Ano ba Cassandra!" Sigaw ko sa kanya at pilit ko sanang inaabot ang kanyang kamay ang kaso ay iniiwas niya iyon sa akin dahilan para mas lalo niya mahila ang aking buhok.

"Di ako papayag sofia...i'll make you suffer" pagbabanta niya sa akin.

Dahil nakatalikod ako sa kanya at sa higpit ng pagkakahawak niya sa aking buhok ay di ko man lang magawang lumaban, ni hindi ko maipagtanggol ang aking sarili.

"Naku diyos ko! Ma'm cassandra tama na po iyan" suway ng isa sa mga kasambahay namin.

Nanlalabo na ang aking paningin dahil na din sa sakit ng pagkakasabunot niya sa akin. Gusto ko sanang humingi ng tulong sa kanila ang kaso ay alam kong pagnangyari iyon ay pati sila pagbubuntungan ng galit ni Cassie.

"Buksan niyo ang bodega!" Utos niya sa isa sa mga guard namin na pumasok na din sa bahay dahil marahil sa narinig nitong mga sigawan sa loob.

"Cassie tama na!" Suway ko sa kanya.

Hindi ito natinag, hinila pa ako nito gamit ang aking buhok patungo sa bodega namin duon sa may pintuan sa likod na ilalim ng hagdan.

"Cassie please tama na" pakiusap ko sa kanya.

Maging ang mga kasambahay namin ay nakikiusap na din sa kanya. "WAG KAYONG MAKIALAM DITO!" sigaw niya sa mga ito kaya naman natigilan sila.

Malapit niya na akong mahila patungo sa bodega ng nagmamadaling lumapit ay nakikumpol din ang yaya ni Zeus.

"Mommy!" Sigaw na tawag niya sa akin.

Gusto ko siyang lingonin pero di ko magawa dahil sa higpit ng pagkakahawak ni Cassie sa aking buhok. Parang wala na akong lakas na lumingon pa dahil sobrang sakit na talaga.

"Mommy!...mommy!" Paulit ulit na tawag sa akin ng aking anak hanggang sa narinig ko na ang pagpiyok nito at ang dahan dahan niyang pagiyak.

Nang makarating na kami sa pinto ng bodega ay kaagad din naman niya akong binitiwan.

"Tama na ito cassie...magusap tayo. Wala akong balak na ipaalam kay zach ang tungkol sa anak namin, maniwala ka sa akin. Wala akong balak na agawin siya sayo...hindi ko siya aagawin sayo cassie. Mahal ko ang kuya mo" giit ko sa kanya.

Natigilan siya dahil duon, nagkaroon tuloy ako ng konting pagasa na pakinggan niya ako.

"Really sofia?" Maamong sambit niya.

Mabilis akong napatango tango dahil duon at aabutin ko na din sana ang kamay niya, nang bigla itong nagsalita.

"Pero nakipagSex ka pa din sa kanya!" Pagkasabi niya nuon ay walang sabi sabi niya akong tinulak sa nakabukas ng pinto ng bodega at walang kahirap hirap niya akong napatumba sa sahig.

"Di ko sinasadya iyon cassie...please" pagmamakaawa ko sa kanya.

Tanging ilaw na nanggagaling sa labas ang nagsisilbing liwanag sa loob ng bodega. "Pay for it sofia" matigas na sabi niya at kaagad niyang sinarado ang pinto dahilan para dumilim ang buong paligid.

"Cassie please! Maawa ka!" Sigaw ko kahit alam kong di niya ako papalabasin dito agad agad.

Nang mga sumunod pang araw ay napapansin kong paunti ng paunti ang aming mga katulong. Wala akong lakas na magtanong kay cassandra dahil ayoko na muling magpangabot pa kami.

"Ma'm sofia...hanggang bukas na lang po ako dito" malungkot na sabi sa akin ng taga alaga ni Zeus.

"Ha...bakit?" Gulat na tanong ko sa kanya.

Napatingin muna ito sa paligid at parang natatakot pa na baka marinig siya ni Cassandra.

"Yung ibang katulong po pinadala niya sa mansion...yung iba naman po sa rest house sa tagaytay" pagkwekwento nito.

"Resthouse sa tagaytay, bakit sino ang nanduon?" Tanong ko pa sa kanya dahil every summer lang naman namin iyon ginagamit at pag may occasion ang pamilya.

"Ang rinig ko po ay umuwi galing sa ibang bansa si ma'm Sonya" pagkasagot niya nito ay kaagad akong parang kinilabutan.

Then here comes the evil aunt. Una pa lang ay ayaw na din sa akin ni tita sonya. Ni hindi nga ito dumalo sa kasal namin ni Callum. Wala itong asawa at magisang naninirahan sa Savannah, Georgia.

Doble doble ang naging pagaalala ko dahil sa aking narinig. Isa din kasi iyong abogado at parang may kutob akong may kinalaman si Cassandra sa biglaan nitong paguwi.

"Hoy sofia, Ayos ka lang ba?" Tanong sa akin ni Alice.

"Ha...oo naman" labas sa ilong na sagot ko sa kanya. Ang totoo hindi ako ayos. Gusto ko ng umali sa bahay ay humanap na lang muna kami ng ibang matutuluyan ng aking anak na si Zeus habang di pa umuuwi sa callum.

Ayokong malaman niya ang mga nangyayari dito. Ayoko na magalala siya duon gayong nagtratrabaho siya. Pero sa sobrang dami ng dahilan na pwede kong irason ay sa isang bagay lamang talaga bumabagsak ang lahat...

Ayokong malaman ito ni Callum dahil siguradong malalaman niya kung bakit nangyayari ang lahat ng ito. Malalaman niyang nagtaksil ako sa kanya imbes na susubukan na sana naming ayusin ang buhay namin bilang mag asawa ay muli akong nagpakatanga sa lalaking minsan na akong sinaktan. At si callum lang ang nagligtas sa akin duon.

"Tumataas ang sales natin ngayon" masiglang kwento sa akin ni alice.

"Good to hear" nakangiting sabi ko at tsaka ko pinilit na maging masigla.

Buong araw ay nasa companya lamang ako. Nagtataka man ay nagpasalamat na lamang ako at hindi ako pinatawag ni sir gregory para utusang magreport kay sir zach.

"Coffee break" anunsyo ni alice at tsaka siya tumayo kahit nahihirapan na dahil sa malaking tiyan.

"Buntis ka...di maganda ang kape sa inyo ng baby mo" suway ko sa kanya habang busy ako sa pagtytype ng ibang documents para isend sa email ni Sir gregory.

"Konti lang naman Doctora" natatawang pangaasar niya pa sa akin.

Napatingin ako sa wrsit watch at nakitang alastres na ng hapon. Sandali kong isinandal ang likod ko sa swivel chair para sana magpahinga.

Napatingin ako sa may gawi ng pantry dahil sa lakas ng tawa ni alice na mukhang may kabiruang ibang empleyado. Napangiti na lamang ako dahil sa ingay niya, pero di pa din talaga ako tinatakasan ng mga kailangan kong intindihin at isipin.

"Good Afternoon mr. Alonzo" rinig kong bati ng isa sa mga kasamahan ko kaya naman kaagad akong napaayos ng upo.

Susubukan ko pa sanang lingonin ito para makumpirma ng kaagad ng may malaking bulto ang humarang sa aking paningin.

"Bakit hindi ka nagreport sa akin kanina?" Seryosong tanong niya sa akin.

Nakatingala ako sa kanya. Gusto ko sanang tumayo para maging pormal ang paguusap namin ang kaso ay pagtumayo ako ay magkakabanggaan kami.

"Uhmm...wala pa po sa akin ang latest report sir" sagot ko pa sa kanya.

Nakita ko ang pagigting ng panga nito. Ilang sandali pa niya akong tinitigan bago niya ako tinalikuran at kaagad na pumasok sa opisina ni sir gregory. Mukhang inaasahan na talaga siya ni sir gregory dahil ni hindi na namin kailangan pang tumawag sa intercom.

Mga ilang sandali pa akong napatitig sa pintong pinasukan niya bago ako makabalik sa wisyo dahil sa pangangalabit sa akin ni Alice.

"Anong meron sa inyo ni Sir Zach?" Nagtatakang tanong niya.

Nakatayo ito sa harapan ng aking lamesa kaya naman imbes na labanan ang titig niya ay muli akong nagtipa sa keyboard.

"Wala...trabaho" maiksing sagot ko sa kanya ng di man lang sinusubukang tingnan siya sa mata.

"Weh...yun lang?" Pagpupumilit pa niya.

This time ay tiningnan ko na siya sa mata para magmukhang totoo. "Oo yun lang, umupo ka na nga dito buntis ka" natatawang sabi ko pa sa kanya.

Mabuti na lamang at hindi na ito nangulit pa kaya naman nagpatuloy na lamang ako sa aking ginawa. Maya maya ay tumunog ang intercom sa tabi ni Alice and as expected pinatawag na nila ako.

"Good afternoon Sir gregory..." paunang bati ko at tsaka dahan dahang bumaling kay sir zach para batiin din siya.

"Good afternoon sir Zach" sambit ko at mabilis na nagiwas ng tingin sa kanya.

"Mr. Alonzo wants to have a portfolio para duon sa bagong Dengue Vaccines, they are now endorsing it sa hospitals nila" pagsisimula ni sir gregory.

Agad akong napatango at muli pang naghintay ng mga susunod niyang sasabihin. "I want you to work for this sofia...magkakaroon sila ng doctor's conference this coming saturday, and mas makakatulong iyon kung maibibigay na natin sa kanila ang info." Sabi pa ni sir gregory.

"No worries sir, i'll work for it" kaagad na sagot ko sa kanya.

"So ipapahanda na lang kita ng office sa manufacturing, ilang araw ka ding malalagi duon para dito" sabi pa ni sir gregory at wala na akong nagawa kundi ang pumayag.

"Thank you sir"

Sabay kaming napabaling ng tumikhim si sir zach. "I also want to work for this, can i also have an office there? Or even a table to work on" preskong preskong sabi nito kay sir gregory.

Napakuyom ako ng aking kamao. Maging si sir gregory ay napaayos ng upo. "I believe that sofia can handle this project well..." nakangiting sabi pa ni sir gregory dito.

"Maybe. Pero gusto kong maging hands on para dito, uuwi si president para sa conference na ito...i dont want to disappoint her" pagdadahilan pa niya.

Di tuloy sinasadyang napatingin ako ng masama sa kanya. Pero tinaasan lamang ako nito ng kilay.

"If that's the case...mukhang kailangan mo nga talagang maging hands on mr. Alonzo. Knowing your mother..." pagpayag ni sir gregory na para bang kilala niya si Ma'm president.

"Yeah...so ok na? Hindi naman full time akong nanduon, i just really need to ba part of it para walang masabi si President. I stiil need to go to the company, tsaka sa school na din, so..." pagkwekwento niya pa na ikinairap ko na lang ng palihim.

"So...dont worry Mrs. Samaniego, you can still have your private time there" mapangasar na sabi pa niya sa akin at tsaka diniinan pa talaga ang salitang Mrs.

Tinaasan ko lang siya ng isang kilay at muling napabaling kay sir gregory na mukhang para sa kanya ay normal lang ang lahat ng ito.

Matapos ang paguusap na yon ay mabilis na din akong lumabas para matapos ko na ang mga dapat kong i-email kay sir gregory.

"Sofia uwi na tayo" yaya sa akin ni Alice, nagaayos na ito ng kanyang gamit.

"Sige teka lang isesend ko lang to sa email ni sir" paalam ko pa sa kanya.

Pero dahil nasa baba na ang kanyang sundo ay pinauna ko na siya. Habang nagsesend ang email ay nagayos na din ako ng aking mga gamit. Sa totoo lang ayoko ng umuwi sa bahay dahil baka magpangabot nanamn kami ni Cassandra duon. Si Zeus na lang talaga ang tanging rason ko kung bakit hanggang ngayon ay kinakaya ko pa. At ang realidad na asawa ko pa din si Callum at iyon ang bahay namin.

"Taxi po ma'm?" Tanong sa akin ni manong giard pagkalabas ko ng building.

"Opo...salamat po" sagot ko sa kanya.

Kakaway pa lang sana si manong guard sa pilahan ng taxi duon sa kabilang kanto ng may kaagad na pumigil sa kanya.

"No need, she's coming with me" seryosong sambit ni sir zach.

"Hindi" mabilis na tanggi ko sa kanya at tsaka siya tinaliman ng tingin.

At dahil bumalik na din naman si manong guard sa kanyang pwesto ay napagpasyahan ko na lang na ako na lang ang pupunta duon sa mismong pilihan ng mga taxi.

"Damn it sofia!" Sigaw na habol no Sir Zach sa akin.

Mas binilisan ko pa ang lakad ko. Pero dahil sa aking suot na heels ay naabutan din naman niya ako kaagad.

"Sumakay ka" nakakatakot na utos niya.

Ang kanyang itim na sasakyan ngayon ay nasa harapan na namin at nakabukas na din ang backseat.

"Ano bang gusto mo!?" Inis na sigaw ko sa pagmumukha niya dahil naguguluhan na talaga ako sa kanya.

"I want you" mabilis na tugon nito sa akin.

Dahil sa mga pinaghalo halong inis ay mabilis na nanlaki ang mata ko at tsaka ko siyang pinagpapalo ng hawak kong hand bag.

"Tigilan mo na nga ako pwede ba! Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng to! Lubayan mo na ako! Tama na!" Sigaw ko sa kanha at di ko na napigilang mapaiyak.

Imbes na lumayo ay tinanggap niya lahat ng pamamalong ginawa ko. Nang manghina ako ay tsaka niya ako nagawang hinila papasok sa back seat ng kanyang sasakyan.

"Tama na...nahihirapan na ako" mumunting bulong at pagmamakaawa ko sa kanya.

Nakasubsob ako sa magkabilang palad ko habang napapaiyak na lang. Hangga't nandiyan siya ay di mawawala ang galit sa akin ni Cassandra. Hangga't nandiyan si sir zach di titigil si Cassandra na pahirapan kami ng anak ko.

Nagulat ako ng hilahin ako nito papalapit sa kanya. At halos magtayuan ang mga balahibo ko sa katawan dahil sa lambing ng mga sinabi nito.

"Damn it sofia. babawiin talaga kita...sa akin ka lang dapat"





(Maria_CarCat)

Continue Reading

You'll Also Like

761K 26.9K 72
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
209K 3.9K 21
Dice and Madisson
144K 4.8K 32
[ UNDER EDITING ] Aimie Cha is a woman whose life is peaceful, she is not rich but she is not poor either. She graduated as a valedictorian in a famo...
110K 6.2K 20
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.