FAKE FIANCE ✔️

By keired

3.9M 42.4K 2.4K

MINI-SERIES ON TV5; PUBLISHED UNDER LIB. Demi's mom is getting married to a super hot bachelor's dad. Nothing... More

1: THE INTERVIEW
2: MEET UP
3: ACCIDENT
4: THE VISIT
5: DINNER DATE
6: MEET HIS BESTFRIEND
7: OTHER MAN
8: LQ
9: ENGAGEMENT
10: AFTER ENGAGEMENT
11: BESTFRIEND'S HELP
12: WEDDING PREPERATION
13: KISS
14: ANGELO
15: TELL HIM
16: FRIENDSHIP
17: BUSINESS DINNER
18:HEARD
19: (wala akong maisip na title)
20: JEALOUS
21: PRETENDING
22: KISS GOODBYE
23: Ruiz
24: TALKSHOW
25: FRIENDS?
26: KAYA NG LONG DISTANCE?
27: UNEXPECTED VISITOR
28: CONFRONTATION
30: WHAT?
31: UNSAID SURPRISE
32: DEMI'S HOUSE
33: MOTHER
34
35: MAMA and PAPA
36: Rafael
37: WEDDING?
37.5: WEDDING
EPILOGUE
PREQUEL: LIFE BEFORE DEMI MET HER FAKE FIANCE

29: VISITORS, MASSAGE

79.4K 927 72
By keired

5/24/17: Republishing My Painkiller on Wattpad. Sana magistuhan nyo rin ☺️

"I feel like a visitor just about everywhere." --John Corbett

CHAPTER 29

"Ms. Demi, may bisita ka na naman uli."

"Ana!" Bakit ba ang sagana ko sa bisita ngayon?

"Ms. Demi, lalaki siya ngayon. Boyfriend nyo rin po? Hindi kasi si Sir. Rafael."

Hindi si Rafael? Sabagay nasa office yun ngayon. Sino kaya?

Lumabas na lang ako. And to my surprise it's my Kuya Zero. Parang masama ang kutob ko dito. Mukhang pumunta siya dito para tulungan ang magaling kong tatay na kampihan siya. "Anong ginagawa mo dito?"

"Wala man lang bang hug?" He stretched his arms for me to hug.

"Bakit ka nga nandito?" Sabi ko habang tinatapik ko yung likod niya.

Kumalas siya sa pagkakayakap. "Mag early lunch ka na lang. Tara na?"

"Sandali!"

Wala naman akong nagawa. Basta nadala na lang niya ako sa isang fastfood chain. Umorder muna siya tapos kumain na kami.

"Kuya?!" Mejo naiinis na ako. Wala pa kasi siyang sagot sa tanong ko kanina at wala siyang ibang ginawa kundi ngumiti.

"Okay magsasalita na. Alam mo naman siguro ang pakay ko dito diba?"

"Inutusan ka ni Jacinto na kausapin ako?"

"ENGK! Kala ko alam mo na." Hindi ko alam pero parang ang lively ni Kuya ngayon. "Ang totoo niyan narinig ko yung pagkikita niyo kay Mama at nadismaya ako sa ginawa mo. Ama pa rin natin siya Demi. Respect."

"How can I respect a man who ruined his family?"

"Demi."

Tumayo na ako sa kinauupuan ko. Ayoko ng usapang ito. Ayoko!

"Iniwan din ako ni Papa." He shouted.

Natigilan naman ako sa sinabi niya. Nakita ko serious na rin sya. "Dinala niya ako sa America pagkatapos mahati ang pamilya natin. Alam mo kung anong nangyari? Iniwan niya ako sa isa sa mga kamag-anak niya dun. Nalaman ko na lang na nakulong na pala siya. Lumaki ako mag-isa Demi. Binuhay ko ang sarili ko. And look, I become successful. I cursed Papa for leaving me, for hurting our mom, for leaving you. Galit ako...pero napatawad ko siya. Demi, alam ko na pag nasa sitwasyon ka ni Papa ganundin ang gagawin mo." Tumayo na rin siya tulad ko. Tinitigan niya ako ng ilang segundo bago umiwas ng tingin. "May meeting pa pala ako... Please forgive him."

Umalis siya. Ako naiwang tulala. Kuya live in America alone? I didn't even know that! Kaya ba bihira ko lang siya makita dati? Na kahit gusto siyang kunin ni Mama hindi niya magawa? Tapos, nakulong si Papa... Buti nga sa kaniya!





<3

I felt down when I went home..er..went sa pad pala ni Rafael. Wala pa akong balak umuwi. Ano ba kasing sasabihin ko kay Mama? Hindi nga rin sya tumawag. Sa totoo lang, gulong gulo pa rin ako.

"Nandito ka na pala." Maya-maya dumating din si Rafael. Tumabi siya sa couch na kinauupuan ko. Tiningnan ko lang siya saka ibinalik ko yung mata ko sa pagkakapikit. Hindi na niya ako kinulit kaya napatingin ako sa kaniya. Nakatingin lang naman din siya.

"What?"

"Napagod ako."

"So, bakit ka nakatingin sa akin?"

"Ang init ng ulo mo. Halika nga dito, I'll massage you."

Hinawi ko yung kamay niyang hahawak sa ulo ko."Kala ko ba pagod ka? Wag ka nga!"

"Tsk! Wag na maarte. Pagkatapos mo ako naman hilutin mo." Hindi na ako pumalag. Pagod na ako...and I can say that Rafael is a good massager. Baka dating masahista? Swear, it is relaxing. Naaantok lang lalo ako.

After ten munites natapos na siya. "Yun lang? Massage mo pa likod ko."

"Anong yun lang? One hour na kaya kitang hinihilot tapos yun lang? Tsk! Basta, hilutin mo na ako sa ulo." Hindi na ako nakapalag ng humiga siya sa hita ko. Hindi naman sya masyadong demanding noh? Kanina pa niya ako minamando kung anog gagawin ko...pero nasarapan naman ako sa massage niya kaya sige na lang.

Hindi ako marunong manghilot kaya kung ano-ano na lang yung ginagawa ko. Mukha namang okay sa kaniya kasi nakapikit at mukhang relax na relax. "Diinan mo pa jan..yan.."

Tsk! Ang bossy talaga.

"Dito banda Demi..hmm...yan.." Feel na feel niya ah!

"Ayoko na masyado ka ng nasasayahan jan." Nag cross-arms ako tapos niyuyugyog yung lap ko para bumangon siya.

"That's it? After one hour na massage sa akin, ulo lang at wala man nga lang ten munites."

"Ingay mo kasi at ang daming utos." at one hour daw. Di naman.

"Okay hindi na. Pagpatuloy mo lang."

Dahil mabait pa ako sa mga sandaling ito susundin ko siya. Massage na naman uli yung ulo. Nakikita ko yung mukha niyang parang tulog na. Ang peaceful niyang tingnan lalo na't nananamihimk siya. Mas bagay na nakatikom yung lips....niya. Gulp! Tapos yung ilong nya...yung talukap at pilik mata niya.. Sht! What am I thinking. Hindi sya gwapo! Hindi sya gwapo!

"Matunaw ako niyan." Nagulat ako ng nagsalita sya. "Wag kang mag-alala pag nag-asawa na tayo magsasawa kang tumitig sa gwapo kong mukha."

"K-kapal din ng mukha mo ah." Nakakahiya. Nahihiya ako sa mga pinagsasabi niya. Feel ko ang pula na ng mukha ko.

Dumilat na siya at tumingin sa akin. Nagtaka ako kung bat siya ganun makatingin ang serious tapos hinawakan niya pa yung magkabilag kamay ko. Oh no! Kumakabog yung puso ko.

"Demi, why don't we make it real?"

REAL? AS IN REAL RELATIONSHIP?

Nanlaki yung mata ko sa gulat. Hindi ko alam kung bakit sinasabi sa akin 'to ni Rafael. Don't tell me, he feels the same way...na we like each other. Inamin ko na naman sa sarili ko na gusto ko siya? Pero siya...

Oh my! Papalapit ng papalapit yung mukha niya. Hindi ko alam kung pipikit ba ako o magugulat o matatakot o uunahan ko na syang sungaban yung labi nya.

"HAHAHAHA!"

At mas lalo akong naguluhan ng tumawa siya ng malakas. Tsk! Napagtitripan na naman niya ako!

"Nakakainis ka!"

"Hahaha! Ano bang inaasahan mo? Gusto mo ba maging totoo talaga? Kakatuwa yung reaction mo, parang constipate---ARAY!"

Buti nga! Tinulak ko lang naman siya sa kinauupuan niya kaya ayun, laglag sa sahig.

"Mas mabuti pa sigurong matulog na ako kay sa makipaglokohan sayo." Tumayo ako sa couch. May pahabol pang sipa sa likod niya para magtandang wag akong aasarin ng ganun. Baka maniwala ako.

"Bakit ka dito matutulog? May bahay ka naman diba?"

Nilingon ko sya para tingnan ng masama. Pang-asar talaga siya.

"May mangyayari ba kung iiwasan mo ang Mama mo? Ang mga magulang mo?"

Anong sinasabi nya?

"You're coward Demi. You don't like to face the truth. You're afraid of giving chances. Pwede ngang nasaktan ka dati, pero alam mo ba ang makakagaling jan? It is to forgive and forget. Pag natutunan mo yun you'll be free from pain."

Totoong naririnig ko ang sinasabi niya. Tama siya pero pano? Pano ako magpapatawad at makakalimot kung masakit pa rin?

Napalunok na lang ako para mapigilan ang luha ko. "Mag papakasal naman tayo diba? Di bahay ko na rin 'to kaya dito ako matutulog ngayon." Hindi ko na siya hinintay sumabat pa basta tuloy-tuloy lang akong pumasok sa kwarto ko. Hindi seryoso yung sinabi ko. Joke lang din sana yun pero seryoso kong nasabi.



----<3

Why can't I go alone?! Ang tanda-tanda ko na. -_- Haha! Nagdarama lungs!

Continue Reading

You'll Also Like

2.2M 97.5K 32
(Yours Series # 5) Graciella Rae Arevalo just wants to love and be loved. She feels like she has a lot of love to give and she just wants her own per...
1.3M 35.9K 50
Highest Rank: Number 5 in Teenfiction -- Amber Tuazon, ay tinatawag ng mga lalake na Hot Chick. Siya ay di maikakailang sexy at maganda sakabila ng m...
361K 10.6K 94
WARNING!!! Read at your own risk! If you don't like it, just leave. This story is not for everyone. It contains controversial themes and events not...
171K 3.9K 31
Isa daw sa pinakamasayang mangyayari sa buhay ng isang babae ay kapag nagbunga na ang pagmamahalan nila ng kaniyang asawa. Ngunit bakit ito ang nagin...