TBS : 7 ( Jason Montage )

By Rosercl

244K 5K 1.7K

The Bachelor Series : #7 Jason Montage More

JASON MONTAGE
CH - 2
CH - 3
CH - 4
CH - 5
CH - 6
CH - 7
CH - 8
CH - 9
C H - 10
CH - 11
CH - 12
CH - 13
CH - 14
CH - 15
CH - 16
CH - 17
CH - 18
CH - 19
CH - 20
CH - 21
CH - 22
CH - 23
CH - 24
CH - 25
CH - 26
CH - 27
CH - 28
CH - 29
CH : 30
CH : 31
CH : 32
PLEASE READ!
CH : 33
CH - 34
CH : 35
CH : 36
CH - 37
CH - 38
CH - 39
CH - 40
CH - 41
CH - 42
CH - 43
CH - 44
CH - 45

CH - 1

24.2K 262 85
By Rosercl

Jason's POV


''Jason! Baby!''


''Darling!!''


''Mahal!''



Hindi ko mapigilan ang mapakamot ang ulo habang pinipili kung kanino ang kukunin kong chocolates sa mga babaeng na nag aabot saaking ng mga ginawa at binilang chocolates kahit na ayoko 'man kunin ay nakokonsenya ako kaya naman kinuha ko naman.





''Ops! Ops! Ladies and Gays! Tama na ang pag papapansin n'yo sa irog ko!'' kahit paano ay naka hinga ako ng maluwag biglang sumulpot si Rosercl sa kung saan at mabilis naman akong nilayo sa mga babae at mga nagkukunwaring babae.





''Hoy! Bata! Sino ka sa tingin mo para kunin saamin ang aming prinsepe?!'' tanong ng isang bakla kay Rosercl pipigilan ko sana si Rosercl na makipag laban pero matapang pala ang babaeng ito kaya naman hinayaan ko na lang s'ya.





''SINO AKO?! Ako lang naman ang babaeng may matres! At nakakabuntis! Hindi mo katulad! At hindi na ako bata! Dapat magpasalamat pa nga kayo saakin dahil ako ang nagbubuhos ng katangakaran sa inyo noong gabing gising kayo nakalimutan ko lang magtira sa sarili ko dahil ganoon ako kabait!'' pa-irap na sagot ni Rosercl at agad na hinila ako pa pasok sa loob ng Thunder Magazine Building.





''Irog ko namiss kita as in pakiss nga---'' bago pa maidikit ni Rosercl ang nguso n'ya saakin ay s'ya namang pag dating ni Ana at tinulak pa si Rosercl.






''Hi Honey ko!'' bati saakin ni Ana agad naman akong ngumiti. ''Hello.'' Narinig ko naman ang pag imipit na tili ni Ana pero agad 'din naglaho ang impit ng pag tili n'ya dahil tinulak s'ya ni Rosercl.






''Pwede aking lang si Irog ko chupi!'' pagtataboy ni Rosercl kay Ana at kumapit sa kabilang kamay ko.






''Akin si Jason!'' matapang naman na sabi ni Ana nag palitan sila ng matalim ng tingin at hindi ko naman alam ang gagawin ko ng mag simula na silang pag agawan ako habang hinihila nila ang magkabilang kamay ko.





''What's happening here?'' agad naman tumigil ang dalawa na pag agawan ako dahil dumating si Maximillo na nakasalubong ang kilay agad naman akong sabay na binitiwan ni Ana at Rose at patay malisyang umalis si Ana habang si Rose naman ay may inabot pa saakin na box ng chocolate.





''Para s'yo 'yan Irog ko mula sa puso ko 'yan. Sige see you Irog ko love you!'' pag papacute ni Rosercl saakin ngumiti naman ako sa kanya at nagpasalamat pag lingon naman ni Rosercl ay natamaan n'ya si Maximillo.





''Ah meron ako para s'yo.'' Mayamaya ay sabi ni Rosercl at may inilabas at inabot kay Maximillo hindi ko napigilan ang matawa ng Makita kong binigyan n'ya ito ng isang piraso ng choconut nakita ko ang masamang tingin na binigay ni Maximillo kay Rose ngumiti lang si Rose sa kanya.





''Wag na you choosy mapapanot agad ang buhok mo dapat smile lang pak ganern!'' sabi lang ni Rose at bago umalis ay kumaway nanaman saakin kaya naman kumaway ako pabalik.





''Bakit ka nga pala nandito sa baba Max? Diba dapat nasa meeting room ka?'' tanong ko kay Maximillo s'ya kasi ang Boss namin at may meeting kami sa araw na 'to para sa fashion event na gagawin namin.




 

''Akala ko kasi ay mahihirapan ka na pumasok sa loob dahil sa dami ng babae kanina na naka paligid s'yo habang nasa 15th floor ako.'' walang emosyon lang na sagot ni Maximillo habang nasa elevator kami napa ngisi ako ng makitang hawak pa 'din n'ya ang choconut na binigay ni Rose sa kanya.





''Hindi mo ba niyaya si Rosercl na mag date ngayon? Valentines pa naman.'' Naka ngising tukso ko.





''Who the hell is Rosercl? And what the f*ck is Valentines?'' masungit na sagot ni Maximillo at na una ng lumabas sa elevator mahinang natawa na lang ako sa sagot ni Maximillo.




----------------

Thea's POV




Itinigil ko ang sasakyan sa harap ng isang kilalang bar walang iba kundi ang Silver Bullet Bar mabilis na pumasok ako sa loob konti lang ang tao sa araw na 'to paano ba naman kasi ay valentines day ngayon kaninang umaga ay puno ng mga bulaklak ang 'akala ko pa ay All Saints Day pero ng makita ko sa kalendaryo ay Valentine's Day pala.





''Huh. Malalanta lang naman ang mga bulaklak na 'yan bakit nag sasayang pa ang mga tao sa isang bagay na panandalian lang naman?'' hindi ko na pigilan na itanong sa sarili ko at agad ng umupo sa may counter. ''Pa-order 'yung Jack Daniel!'' nakita ko naman nagdalawang isip 'yung bartender kung bibigyan n'ya ako. ''Faster j*rk!'' inis na utos ko ng ibigay naman n'ya ay mabilis na ininom ko 'yon.





Naka ilang inom na ba ako konti palang naman hindi ko pa naman na kakalahati 'yung bote pero hilong hilo na ako. Napa yuko na lang ako at parang walang sawang bumabalik sa utak ko ang lahat ng mga nangyari saakin sa mga nakalipas na araw.





Pati ang sakit nararamdaman ko na ilang araw ko ng pilit na dinedema. Wala ng mas sasakit pa sa nararamdaman ko ngayon dahil ang taong mahal ko ay kasal na sa ibang babae 'akala ko pa naman ay kami ang magkakatuluyan pero 'akala ko lang palayon madami talagang namamatay sa maling 'akala.





Naramdaman ko na may taong umupo sa tabi ko sa may counter lumingon ako sa kanya paano ba naman ay ang bango ng cologne n'ya at napaka manly hindi masakit sa ilong pero bigla 'din naman uminit ang dugo ko paano ba naman sigurado akong babaero ang lalaking ito.





Nang tumingala ako para tignan 'yung lalaki kahit na madilim at blur ang nakikita ko sigurado ako na magandang lalaki ang nasa tabi. ''Typical playboy huh.'' Mukhang narinig naman ng lalaki ang sinabi ko dahil lumingon s'ya saakin ng may pagtataka.




''Pardon Miss?''




''Ganya ba talaga kayong mga gwapo? Manloloko? Sa una lang kayo magaling hindi n'yo ba kayang maghintay? 'yung nawala lang ako saglit napalitan na n'ya ako.'' Tanong ko sa kanya nakita ko naman ang pag kunot ng noo n'ya pero saglit lang naman at ngumiti.





Parang lumiwanag ang paligid ng ngumiti ang lalaking 'to sa tabi ko pero agad ko 'din inalis sa isip ko 'yon sigurado akong tama lang ito ng alak. ''Wala kang masagot ano? Manloloko ka kasi.'' Naka ngising asong sabi ko.





Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ng lalaki sa tabi ko. ''Kung nagmamahal ka dapat alam mo na walang permanente sa mundo na masasaktan ka at kailangan magsakripisyo kung hindi mo kaya gawin 'yon o ayaw mong gawin 'yon mas mabuti na wag kana lang mag mahal.''





''Oh yeah tama ka wala kasing forever!'' sigaw ko at agad na tumayo dahil natamaan ako sa sinabi n'ya pero dahil sa tama ng alak ay hindi maayos ang pagkakatayo ko muntik na akong matumba pero agad naman akong nasalo ng lalaking kausap ko.





''Madami kana atang na inom gusto mo ba na iuwi na kita?'' tanong n'ya saakin. Kumunot naman ang noo ko ito ata ang naka inom paano n'ya ako iuuwi kung hindi naman kami mag kakilala.





''Shunga kaba? Naka drugs? O mas naka inom kapa saakin paano mo—'' hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil malapit pala ang mukha n'ya saakin at anak ng tokwa ang gwapo n'ya kahit na Malabo ang nakikita ko parang nalulunod ako sa magandang mata n'ya.





''Ayos ka lang ba?'' tanong ulit n'ya saakin.




''Pwede ba?''




Nakita ko naman nagsalubong nanaman ang kilay ng lalaking kausap ko. ''Pwede ba ano?'' nagtatakang tanong n'ya saakin.




''Pwede ba na idonate mo na lang saakin ang sperm cell mo?'' tanong ko sa kanya pero hindi ko na nakita pa ang reaction n'ya dahil nararamdaman ko na ang pagka-hilo ko dahil sa kagagawan ng walanghiyang alak dahilan para himatayin ako.




-ROSERCL

DON'T FORGET TO VOTE! COMMENT! AND FOLLOW ME! THANK YOU AND GODBLESS YOU!

Continue Reading

You'll Also Like

370M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
57.7K 1.6K 18
Duke & Izza
345M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...