CH - 25

4.1K 118 29
                                    

Dedicated ang chapter na 'to sa lahat ng mga kabayan ko na patuloy pa rin nagbabasa sa mga storya ko na nawala na sa tamang landas. HAHAHA. Maraming salamat po at sana wag kayong mag sawa sa paghihintay ng mga updates na mas mabagal pa sa pagong. Mabuhayy kayong lahat! :*


-----------------

Thea's POV


Hindi ko napigilan na mapangiti habang naka tingin sa reflection ko sa salamin. Pag katapos kong isuot ang kwintas ko ay lumabas na ako ng kwarto. Walang tao kundi ako lang siguro ay nag overtime nanaman ang kuya ko sa trabaho.




Niyaya ako ni Jason na kumain kami sa labas at sinabi n'ya na may mahalaga s'yang sasabihin saakin. Kinakabahan ako pero alam ko naman maganda ang kalalabasan nito. ''Tatanungnin n'ya ba ako kung pwede na n'ya akong maging girlfriend?'' tanong ko sa sarili ko.





Sana nga at itanong n'ya saakin ngayon gabi 'yon.




Sumakay na ako ng taxi papunta sa isang kilalang restaurant bago ko buksan ang glass door ay huminga muna ako ng malalim. Pag pasok ko sa loob agad kong hinanap si Jason at ng mag salubong ang tingin namin ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko.





Ilang araw din akong nakipag away ka Jessica pero buti na lang at hindi naman nag tagal yon dahil may pinuntahan s'ya kung saan man 'yon ay wala na akong pakialam sana lang at doon na s'ya mag stay at wag ng magugulo saamin ni Jason.





Sa sobrang lalim ng iniisip ko hindi ko na namalayan na nasa harapan ko na pala si Jason habang mag hawak na bulaklak tinggap ko naman 'yon at inalalayan niya ako haggang sa maka-upo. Palagi naman n'yang ginagawa 'yon pero ngayon ay mas ramdaman ko ang kilig na dulot ng simpleng ginawa n'ya.





Nag order na kami at habang nasa kalagitnaan na kami ng pag kain ay biglang nag salita si Jason dahilan para mapatigil ako sa tangkang pag subo ko. ''Thea. Alam mo naman bakit niyaya kita ngayon gabi dahil may gusto akong itanong sayo.''





Napalunok naman ako sa sinabi n'ya habang nag iisip kung ano ang dapat na sabi ko kung kailan naman naka isip ko ng sasabihin ay biglang may kung sino ang nag salita sa likod at sa sobrang bilis ng pangyayari ay nakita ko na lang na hinalikan ni Jessica si Jason.





TBS : 7 ( Jason Montage )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon