CH - 5

5.8K 125 63
                                    

Dedicated to @02Ana22 kailangan ko pabang sabihin bakit para s'yo ang chapter na 'to? hahaha. wala lang gusto ko lang mabwisit ka kay Thea hahaha. Love you girl!

---------------

Thea's POV



''Paki sabi kay Monte na pumunta sa bahay ko ngayon 'din.'' Utos ng Kuya ko sasagot pa sana ako ng bigla na lang n'yang binaba ang tawag naka simangot na tinignan ko na lang ang phone ko pagkatapos ay lumabas ng kwarto ko.






Na abutan ko naman sa labas ang aking bodyguard na pinupunasana 'yung salamin ng sasakyan. Katulad ng dati ay naka suot ito ng maluwag na polo na parang pag mamay-ari pa ng lolo nito sa tuod at tinernuhan ng kupas na maluwag 'din na pantalon.






Tumigil lang s'ya sa ginagawa n'ya pagpupunas ng mapansin ako. ''Good Morning Princess.'' Mas lalo naman dumaloy ang inis sa katawan ko ng tawagin n'ya ako sa first name ko. Ilang ulit ko na ba sinabi sa kanya na wag akong tatawagin sa first name ko?





''Ilang beses ko na bang sinabi s'yo na wag mo akong tatawagin sa pangalan ko?'' reklamo ko sa kanya pero kakamot kamot lang s'ya sa ulo at nahihiyang ngumiti.






''Pasensya na madam. Masyado naman kasing pormal kung tatawagin kitang Ma'am o madam hindi ba?'' hirit naman n'ya.






''Alam mo Mr. Del Monte hindi ko na ulit ito uulitin s'yo pero kung 'akala ko mo ay magiging magkaibigan tayo ay hindi mangyayari 'yon kaya naman dapat ay tawagin mo ako sa pormal na paraan.'' Tumango-tango naman s'ya saakin.






''Kung 'yan ang gusto mo Madam wala naman akong magagawa. Pero gusto ko lang magtanong bakit ayaw mong tinatawag kita sa unang pangalan mo?'' inosenteng tanong n'ya.






Para naman ako ang napipi dahil sa tanong n'ya paano ko ba masasabi sa kanya na kaya ayokong naririnig ang unang pangalan ko na binabanggit n'ya 'yon ay dahil may kakaiba akong nararamdam kapag tinatawag n'ya ako na Princess?





TBS : 7 ( Jason Montage )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon