CH - 27

3.5K 100 27
                                    

--------------

Jason's POV


Hindi ako mapakali habang pinagmamasdan si Thea sa gilid ng mata ko mukhang seryoso ang pinag uusapan nila ni Lory.




''Irog ko nakikinig kaba?'' agad ko naman binalik ang atensyon ko kay Rosercl na kasama ko ngayon nakita ko ang pag nguso n'ya habang nakatingin saakin.




''Yeah nakikinig ako.'' Sagot ko naman.




''So anong masasabi mo sa president ng dubai?''




''Huh?'' kunot noong tanong ko. ''Malayo na pala ang pinag uusapan natin.'' Natatawang sabi ko ngumiti lang saakin si Rosercl at ininom ang kape na nasa harap n'ya.




Nang ibalik ko ang tingin sa pwesto nila Lory ay wala na sila pareho napabuntong hininga na lang ako. ''Gusto mong maglakad lakad Irog ko?'' mayamaya ay tanong saakin ni Rosercl tumango naman ako.




Nag ikot ikot naman kami sa mall naglaro sa mga quatium doon at bumili ng mga damit. Nang mapagod kami sa paglibot ng buong mall ay umupo kami sa isang bench sa labas ng mall tinignan ko ang oras at 5pm na pala.




''May malapit na playground dito maganda 'yung view doon kapag papagabi...at kapag gusto mong mag isip.'' Napatingin naman ako sa sinabi ni Rosercl gusto ko sanang mag tanong kung ano ang tinutukoy n'ya pero mabilis na nakalad na s'ya palayo saakin kaya sumunod na lang ako.




Umupo kami sa magkabilang swing habang pinapanuod ang pagdilim ng kalangitan katahimikan ang nasa paligid namin dalawa. ''Nag enjoy kaba?'' tanong ko kay Rosercl para matanggal ang katahimikan sa pagitan namin.




''Oo naman Irog sinong hindi mag eenjoy kapag naka date moa ng crush mo?'' naka ngising sagot ni Rosercl habang naka tingala sa kalangitan. ''Pero mas sasaya siguro kung yung taong mahal mo ang kasama mo diba Irog ko?''




''May alam kaba na hindi ko alam Rosercl?'' hindi ko na napigilan na itanong sa kanya.




''Meron siguro? Pero meron din wala.'' Tatawang sabi n'ya at tumayo sa harapan ko. ''Gusto kong sumayaw irog pwede mo ba akong isayaw?''

TBS : 7 ( Jason Montage )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon