CH - 13

4K 109 37
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

---------------

Jason's POV


Habang naka higa ako ay iba-iba ng posisyon ang ginawa ko pero hindi naman ako dinadalaw ng antok ko. Nag pasya na akong lumabas muna. Pag labas ko ay napatigil ako at napatingin sa harapan ng kwarto ko kung saan si Thea.




Natutulog na kaya s'ya? Hindi ko napigilan na itanong sa sarili ko. Napabuntong hininga na lang ako. Siguro ay galit s'ya saakin. Hindi ko naman sinasadya na sabihan si Thea tungkol sa kanina hindi ko naman kinakampihan si Sabrina.




Lumabas na ako ng resort at nag punta sa Rock Bar pag pasok ko ay agad na nakuha ng atensyon ko si Gabriel at kasabay non ay ang pag sasalubong ng kilay ko paano ba naman ay katabi n'ya si Thea na mukhang tinamaan na ng alak.




''Bakit hinayaan mo s'yang uminom?'' hindi ko napigilan na mainis kay Gabriel. Tinignan naman ni Gabriel si Thea.





''She wants to drink. So I let her.'' Simpleng sagot ni Gabriel at nag patuloy na sa pag inom.




Nilapitan ko naman si Thea at inalog ang balikat n'ya. ''Thea?'' tawag ko sa pangalan n'ya agad naman s'yang tumingala saakin at ngumiti.




''Yowww!'' masayang bati n'ya saakin at itinaas pa ang hawak na bote ng alak na nakakalahati na n'ya.




''Let's go home.'' Seryosong utos ko at agad na inagaw sa kanya 'yung bote ng alak mabilis naman na nag pumiglas si Thea at inaabot saakin 'yung alak.





''Ibalik mo saakin ang alak ko!'' sumisigaw na utos n'ya nakita ko pa na napunta saamin ang atensyon ng mga tao sa paligid napatingin naman ako kay Gabriel para humingin ng tulong pero tinignan lang n'ya ako napa iling na lang ako sa kasungitan ni Gabriel.

TBS : 7 ( Jason Montage )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon