CH - 41

824 28 0
                                    

Jason's POV


"Andyan ba si Maximillo?" tanong ko kay Policarpio ng makarating ako sa Thunder Company. Sinulyapan naman nito ang isang notebook sa tabi niya.


"Yes Fafa Jason mamaya pang 2pm ang unang meeting niya." Tumango naman ako at nagpasalamat.


Palapit na ako sa pintuan ng makita ko lumabas doon si Rosercl habang kinakausap ang sarili niya. Mukhang nag away siguro sila ni Maximillo ibig sabihin ay nasa loob nga siya. Lumapit naman ako sa kanya at napatigil siya.


Ngumiti naman ako. "Andyan ba si Maximillo?" wala sa sariling tumango siya pagkasabi niya non ay agad na akong pumasok sa loob.


"Ang bilis mo bumalik, saan ka pumunta—" hindi na natapos ni Maximillo ang sasabihin ng makita niya na ako ang nasa harapan niya tumikhim muna ito bago ituro saakin ang upuan na nasa harapan ng lamesa niya.


"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa." pagsisimula ko wala naman siyang sinabi kaya pinagpatuloy ko ang sinasabi ko. "Bakit hanggang ngayon pinapasunod mo pa rin si Thea?" kunot-noo saad ko.


"Sinisiguro ko lang na ligtas siya."


"Hindi mo na kailangan pa siguraduhin na ligtas siya kasi andito ako kaya ko siyang ipagtanggol."


"Hindi ka makakasigurado na palagi mo siyang maliligtas Jason."


"Just leave her alone let her do the things na gusto niyang gawin ng hindi pinapanuod o binabantayan ng ibang tao." Napahilamos na ako sa mukha ko dahil sa frustration. "Wag mo siyang ipapasunod pa ulit sa iba itigil na natin ang kalokohan na yon. Mas lalo lang lalaki ang lahat kapag nalaman ni Thea."


"So you don't have any plans na sabihin sa kanya?" napakunot noo naman ako.


"Anong pinagsasabi mo na wala akong plano? May plano akong sabihin sa kanya ang lahat at dapat ganoon ka 'rin." Tumango-tango naman si Maximillo sa sinabi ko.


"Okay, kung nagpaplano ka na sabihin sa kanya ang lahat just tell me when para naman masamahan kita." anya at binalik na sa ginagawa ang atensyon napa iling na lang ako at tumayo na hindi na ako nagpaalam kay Maximillo.


"Nakausap mo na si Sir?" tanong ni Policarpio tumango naman ako sa kanya. Sumakay na ako sa elevator at pagbukas sa 1st floor nagulat ako ng makita si Thea na nakatayo 'ron. "Thea anong ginagawa mo 'rito?"


Ngumiti siya saakin at itinaas ang dalang box. "Balak ko puntahan si Kuya kasi may meeting kami kasama ang designer na kumukha saakin sa New York yung sinasabi ko sayo bago tayo umuwi." Habang nagsasalita siya hindi ko mapigilan na pagmasdan ng mukha at suot niya ng araw na 'to.


Her outfit is a casual style. Nakasuot ng faded jeans na may black higheels mas lalong na emphasize ang mahahaba niyang legs habang ang pang itaas naman niya ay isang white sando na may ruffles sa ibaba pinatungan ng long coat na color pink dahilan para mas mapansin ang kaputian niya.


Napangiti naman ako maliban kasi sa mama ko siya ang pangalawang babaeng maganda sa paningin ko. nakita ko naman na nagtataka siya. "Nakikinig ka ba saakin?" kumurap naman ako ng ilang beses.


Kamot kamot ang buhok at alanganing ang ngiti. "Sorry na distract ako." Hinging paumanhin ko ngumiti naman siya at lumabas ang dimple niya sa right side ng pisngi niya.


"Ano ba iniisip mo?"


"Wala naman masyado."


"Saan ka na distract?" nakasalubong ang kilay na tanong niya.


"Sayo." Umiiling naman siya.


"Bolero."


"Thea andito kana pala." Sabay kaming lumingon ng makita namin si Maximillo.


Lumapit naman si Thea sa kapatid niya. "Yes kuya actually nagdala pa ako ng food sorry masyado akong napa aga."


"No, it's fine pwede ka muna mag stay sa office may dadaan lang ako sandal babalik ako 30mins before magstart ang meeting okay?" hinalikan niya sa noo si Thea at umalis na.


"I guess mag stay muna tayo 'rito? Gusto mo ba akong samahan?" tumango naman ako sa sagot ni Thea umupo siya sa mga sofa na nasa lobby.


Nakatitig siya saakin habang naka upo kaya naman sumandal ako sa inuupuan ko magkaharap kami sa isa't isa. "Bakit ganyan moko titigan?"


"Nothing, inaappreciate ko lang ang mukha mo." Nagpalitan lang kami ng titig sa isa't isa na parang tinatandaan ang bawat detalye ng mukha namin. "I'm just wondering kung ano pa kaya ang kayang gawin ng pag ibig sa isang tao?"


"What do you mean?"


"I was thinking kung ano ba pinagkaiba ng white lies sa mga iba pang kasinungalingan ng mga tao." Kumimbot pa ang labi na parang may gusto pang sabihin pero hindi na lang itinuloy.


"I think white lies are used para hindi makasakit."


"Does that mean that white lies have no negative consequences?"


Hindi maalis ang salubong na kilay ko sa takbo ng usapan namin ni Thea lalo na ngayon at halata sa mukha neto na kahit anong oras ay handa siyang makipag agrumento saakin. "Ano ba ang problema?"


"Ano nga ba?"


"Thea pwede mo naman sabihin saakin kung may gusto kang sabihin." Tinititigan ko siya pero umiwas lang siya ng tingin saakin tumayo naman ako at nilapitan siya. "Thea come on makikinig ako." Hinaplos ko ang mukha niya.


Ngumiti siya saakin pero hindi umabot hanggang sa mata niya. "Wala lang nadala lang siguro ako ng mga naiisip ko." akmang magsasalita pa ulit ako ng tuluyan na siyang tumayo sa kinauupuan niya. "Wala ka bang gagawin ngayon?"


Doon ko lang naalala na meron pala akong kailangan daan. Sinulyapan ko ang relong pabisig ko. "Meron nga pala akong dadaanan text me kapag natapos na ang meeting sabay tayong maglunch okay?" tumango naman siya saakin.


"You sure na okay ka lang?"


"Yes, sige na puntahan mo na at baka mahuli ka pa ingat." Hinalikan niya ako sa pisngi at naglakad na papunta sa elevator. At kahit naman paano ay hindi pa rin naalis sa isip ko ang biglaang pag akto ng ganoon ni Thea saakin.


-Rosercl

TBS : 7 ( Jason Montage )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon