CH - 21

5.1K 134 57
                                    

---------------

Thea's POV


Isang linggo na ang nakakalipas simula noong naka uwi kami galing sa tagaytay naging successful ang mga cover magazine na lumabas. Pero kahit na dapat ay masaya ako ay mas naiinis pa ako paano simula noong umamin saakin si Jason ay hindi na s'ya nag paramdam ulit.




''Siguro kaya nasabi n'ya lang saakin 'yon dahil para gumaan lang ang loob ko.'' Pakikipag usap ko sa sarili ko. ''Mga lalaki talaga paasa lahat mamatay na sana kayong mga lalaki.'' Inis na pagsusumpa ko.




''Sinong kausap mo?'' napalingon naman ako sa nagsalita at nakita ko ang kuya ko kapapasok lang sa loob ng bahay n'ya.




Tama nakikitambay muna ako sa lugar n'ya masyado kasing tahimik sa condo ko. Pero mas tahimik pala dito. Tsk.




Nag salubong naman ang kilay ko ng Makita ko na may dumi ang suot na polo n'ya. ''Anong nangyari dyan?'' nagtatakang tanong ko sabay turo sa polo n'ya.





Tinignan muna n'ya 'yung suot n'ya at bahagyang ngumiwi. ''Bagong porma.'' Walang ganang sagot n'ya at mabilis na umakyat papuntang hagdan pero agad 'din na tumigil at humarap saakin.




''Bakit?'' inosenteng tanong ko.




''May nag hahanap pala sa'yo sa labas.'' Nanglaki naman ang mata ko at mabilis na tumayo pero agad 'din akong napasimagot at umupo ulit.




So ngayon palang s'ya mag paparamdam? ''Kung si Jason—''





''Si Lory ang naghahanap sa'yo.'' Napatigil naman ako sa pagsasalita ng marinig ko ang sinabi ng kuya ko.




''Si Lory?'' tumango naman s'ya at hinagis saakin 'yung wallet n'ya. ''Aanhin ko 'to?'' sabay wagayway sa wallet na hawak ko.





''Mag grocery kana din pag uwi mo. Wala ng laman 'yung ref.'' napa simangot naman ako sa kanya pero tuloy tuloy lang na umakyat s'ya sa itaas.


TBS : 7 ( Jason Montage )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon