CH - 44

679 32 2
                                    

Jason's POV


"It wasn't your fault." Wika ni Teejay habang busy na sumisipsip ng iniinom na alak.


"Well, you can't blame Thea also for acting that way lalo na at may mali 'rin naman si Jason hindi niya sinabi agad ng malaman niya." Pagbibigay ng opinion ni Terrence.


"Okay lang 'yan Jason tutulungan ka namin sa problema mo." Pagpapagaan naman ni Lance sa pakiramdam ko.


"Yeah if you need us one call away lang kami, Malaki ang utang na loob ko sa inyo sa pagtulong nyo saakin kay Gianna." Ani naman ni Dylan at tinapik ang balikat ko. Lumingon naman ako sa isang tao na hindi pa nagsasalita.


"Pwede ba na i-ambag ko ang kagwapuhan ko sa ganitong klaseng sitwasyon?" sabay sabay na tumalim ang tingin ng lahat sa sinabi ni Nick. Itinaas niya ang dalawang kamay niya. "Chill joke lang g naman ako palagi eh." Napa-iling na lang ako sa mga kasama ko.


"Wala kang kwenta kausap Nick kaya maraming nagbabash sayo eh." Pang lalait ni Lance.


Ngumisi naman sa kanya si Nick. "Wala ka 'rin kwenta kaya nilait ka rin ng ibang tao."


"Ganon talaga pareho kasi tayong gwapo." Nag apir pa ang dalawa na halatang tuwang tuwa sa kalokohan nila habang sabay naman kami ni Dylan na napa-iling at si Terrence naman na pinipigilan ang kambal na suntukin ang dalawang kaibigan namin.


Pagkatapos ng pagkomporta saakin ni Thea tungkol sa narinig niya kanina hindi ko alam kung paano ko ba sasabihin sa kanya ang lahat. Ang sakit at hirap magsimulang sabihin lalo na kung alam mo na wala pa sa tamang takbo ang isip niya at baka masamahin pa lalo ang mga sasabihin ko.


"Tama lang na ipalamig mo muna ang ulo niya at hayaan siya, baka mas lalo lang kasi maging magulo ang lahat." Pagpapayo ni Terrence saakin.


"It hurts." Mahinang boses na pag-amin ko. "I though na magiging ready ako once na malalaman niya ang mga nalaman ko. Pero hindi ko inaasahan na ang hirap pala kapag nasa mismong sitwasyon kana."


"Wala naman madali lalo na kung mahal mo ang nasa harapan mo ang mahalaga ay magagawan mo ng paraan para maitama ang mga maling nagawa mo." Tinapunan ko naman ng kakaibang tingin si Nick sa sinabi niya. "Bakit ganyan ka makatingin? Alam ko nagkamali ako dati pero ngayon happy kami ng asawa ko." pagmamalaki niya pa.


"Nasingit nanaman ang sarili, hoy Nick wag mo nga inaagawan ng spotlight si Jason ngayon. Tignan mo ngayon lang natin siya nakitang nabigo kaya pagbigyan mo na, oh eto Jason shot mo pa." ani ni Lance nilagyan ulit niya ang paubos kong alak sa baso.


Tinagay ko 'yon ng diresto napangiwi ako ng gumuhit ang mainit na pakiramdam sa lalamunan ko. Naka ilang beses pa akong tumagay hanggang sa hindi ko na mabilang at nagsisismula nang umikot ang mga imahe sa paligid ko.


Umiling ako para maging klaro ang mga nakikita ko pero hindi 'yon nakatulong dahil mas lalo lang ako nahilo. Sinubsob ko na ang mukha ko sa lamesa. "Mahal ko si Thea." Wala naman akong narinig na kahit ano sa mga kasama ko siguro ay nakikinig o lasing na rin ang mga 'to.

TBS : 7 ( Jason Montage )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon