CH - 9

4.9K 121 54
                                    

--------------

Thea's POV


''Tulungan na kitang mag lagay ng gamit.'' Agad na kinuha ko 'yung mga gamit ko at ipinasok sa loob ng kotse. Pag katapos namin ipasok ang mga gamit sa kotse ay sumakay na kami binuhay na n'ya ang makina ng sasakyan papunta sa Thunder Company.




Nang tumigil ang sasakyan ay agad na bumaba na ako. Napa kunot noo naman ako ng Makita kong hindi s'ya sumunod agad na kinatok ko 'yung bintana sa pwesto n'ya. ''Bakit hindi kapa lumalabas?'' nagtatakang tanong ko.





''Lalabas na n'ya ako saglit lang. Mauna kana sa loob.'' Sagot n'ya saakin tumango naman ako at agad na pumasok sa loob ng company. Agad na nakita ko ang Kuya ko na busy nag bibigay ng instruction sa mga taong nandoon.





Pupunta kami sa tagaytay para sa isang photoshoot. Napansin naman ako ng kuya ko kaya naman lumapit s'ya saakin. ''Nasaan si Monte?'' tanong saakin ng kuya ko.





''Nasa labas s'ya sabi n'ya susunod na lang s'ya.'' Nagtaka naman ako ng biglang may ibigay saakin na susi ang kuya ko. ''Para saan 'to?''





''Buksan mo 'yung isang bus sa may pinaka dulo doon na lang kayo maghitay ni Monte ako na ang bahala sa gamit n'yo wag n'yo ng dadalhin papunta sa bus. Now go.'' Tumango lang ako at agad na lumabas napa kunot noo naman ako ng mapansin ko na parang may pinag kakaguluhan sa may bandang kotse kung saan naka park ang sasakyan namin.





''Jason!'' napa tingin naman ako sa babaeng sumigaw sa likuran ko. Jason? 'yun ba 'yung nasa magazine noong minsan?





Lilingon na sana ako ng biglang may bumangga saakin. ''Sorry.'' Napa singhap ako ng malakas na makilala kung sino ang bumangga saakin. ''Thea ikaw pala 'yan sorry.'' Hinging paumanhin ulit ni Sabrina saakin.





Hindi naman ako nakapag salita haggang sa naka alis na s'ya. Nakita ko pa ang pag lapit ni Sabrina sa isang lalaking naka tayo malapit sa entrance ng Thunder Company. ''Terrence.'' Parang tanga lang na naka tingin ako sa nakatayong si Terrence habang kausap si Sabrina.





TBS : 7 ( Jason Montage )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon