CH - 29

4K 102 23
                                    

--------------

Thea's POV


''Thea gumising ka dyan!''



''Thea!''




''Pwede ba tigilan mo ako Elizabeth natutulog ang tao eh.'' Naiinis na tinakpan ko ang mukha ko ng unan para hindi marinig si Elizabeth.





''Ayaw mong bumangon?'' tanong saakin ni Elizabeth pero tinaas ko lang ang kamay ko sobrang pagod ko buong araw dahil sa photoshoot at mga advertisement na ginawa ko wala pa akong tulog ng ilang araw din kaya naman wala talaga akong balak na bumangon.





Kinabukasan ng magising ako ay tahimik na ang buong bahay mukhang maagang umalis si Elizabeth hindi na ata ako nahintay nanglaki naman ang mata ko ng Makita kung anong oras na kaya pala wala na si Elizabeth.





Nagmamadaling pumasok ako sa banyo at inayos ang sarili ko ilang minuto ang nakalipas na naka ayos na ako. Mahuhuli ako sa isang photoshoot pa. ''Pambihirang Elizabeth bakit hindi ako ginising ng bruha?'' inis na sinuot ko ang sapatos ko at pag kabukas ko sa pintuan ay nanglaki ang mata ko.





''Hi.'' Mabilis na sinarado ko ulit 'yon.




''Nanaginip ba ako?'' hindi ko napigilan na itanong sa sarili ko. Binuksan ko ulit 'yon at katulad kanina ay sinarado 'din agad.





Anong ginagawa ni Jason dito?! Oh baka kahawig lang n'ya? Oo kahawig lang n'ya siguro. Sigaw ko sa isip ko at binuksan ulit ang pinto.




Pero wala na si ang kahawig ni Jason doon. ''Baka guni-guni ko lang 'yon.'' Ilang buwan na ba ang nakakalipas simula ng huli ko s'yang nakita at naka usap? Hindi ko mapigilan na mainis sa kanya lalo.




Sinubukan ko s'yang ipatawag kay Lory nagbabaka sakali na pipigilan akong umalis pero hindi man lang s'ya sumulpot 'akala ko kahit paano mahalaga ako sa kanya mas mahalaga ako kaysa sa ibang tao tinutulungan at nakakasama n'ya pero hindi pala ordinaryo lang ako.





TBS : 7 ( Jason Montage )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon