CH - 12

4.2K 109 55
                                    

---------------

Thea's POV


Mabilis na dinaanan ko si Monte ng Makita ko s'ya buong hapon ko na s'yang iniiwasan. Naramdaman ko naman ang pag sunod n'ya saakin pero hindi 'din s'ya nag sasalita. Hindi ko mapigilan na maalala 'yung sinabi n'ya saakin. Dahil tumagos sa puso ko 'yon.




Pero wala s'yang karapatan na sabihin na wala akong karapatan na mag mahal at mahalin!




Habang kumakain kami kasama si Kuya ko ay tahimik lang kami kapag tumitingin s'ya saakin ay mabilis na nag iiwas ako ng tingin nang makaramdam ako ng pagka bored ay nag punta ako sa dalampasigan at umupo doon hinahayaan ko lang ang paa ko na mabasa.





Kung sanang marunong lang akong lumangoy ay lumangoy na ako.





Napa simangot na lang ako sa naisip ko. 'yon ang hindi ko kayang gawin masyado akong busy sa pag aaral noon at modeling kaya hindi ako nahilig sa mga sport. Nakita ko naman sa 'di kalayuan si Sabrina.





Kahit naman na ayokong makaramdam ng inggit ay na iinggit pa 'din ako paano marunong s'yang mag swimming! Kanina pa s'ya nag swi-swimming hindi ba s'ya napapagod? Nang laki ang mata ko ng Makita ko parang nalulunod s'ya.





Mabilis na tumakbo ako papunta sa lugar n'ya pero malayo s'ya hindi ako marunong lumangoy siguradong malulunod ako at hindi ko man s'ya matutulungan hindi ko alam ang gagawin ko at naka tingin lang ako sa kanya.





''Tulong!!'' malakas na sigaw ni Sabrina.''Thea tulong!'' parang napako ako sa kinatatayuan ko ng marinig ang pagtawag saakin ni Sabrina wala man lang ako magawa para tulungan s'ya. sakto naman biglang pag daan ni Monte na mukhang nagulat sa nakita n'ya mabilis na lumangoy si Monte papunta sa dagat para sagipin si Sabrina naka hinga naman ako ng maluwag.





''Sabrina!'' napa lingon ako ng Makita si Terrence na takot na takot ang mukhang ng makalapit kay Monte na buhat buhat si Sabrina mabilis na yinakap ni Terrence si Sabrina. ''What happen?'' sinabi naman ni Monte ang dahilan.




Nakita ko pa ang pag tingin n'ya saakin ng kakaiba kaya naman napa kunot noo ako. Bago pa ako makalapit kayla Sabrina ay nilapitan na ako ni Monte. ''Nakita mo na nalulunod si Sabrina bakit hindi mo man lang s'ya tinulungan?''

TBS : 7 ( Jason Montage )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon