CH - 16

4.5K 116 99
                                    

------------------

Jason's POV


''Nakita mo ba si Thea?'' tanong ko kay Beiron na busy kinakain ng ice cream n'ya.



''Mukha bang hanapan ako na nawawala?''



''Oo.''



''Nasa tent kasama si Babe.'' Napa kunot noo naman ako sa sagot ni Beiron.



''Babe?''



''Oo si Babe. Si Lory ko.'' Iniwan ko na si Beiron ng sabihin n'ya 'yon paano ba naman hindi na maalis ang ngiti sa mukha n'ya.




Agad ko naman nahanap kung nasaan si Thea nakita kong inaayos n'ya na 'yung mga gamit n'ya lumapit na ako sa kanya. ''Tulungan na kita.''




Tumingin naman s'ya saakin pero saglit lang at pinag patuloy ang ginagawa n'ya kinuha ko naman 'yung ibang gamit n'ya pero agad na inagaw n'ya saakin 'yon. ''Kaya ko mag isa 'to mag hintay kana lang sa labas.''




Nag salubong naman ang kilay ko dahil bigla s'yang naging masungit saakin. Napa isip tuloy ako kung may masama ba akong nagawa pero wala naman o baka naman napagod lang s'ya sa photoshoot kaya ganoon.




''Kung pagod ka ako—'' hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla na lang s'yang umalis sa harapan ko. ''Sandali saan ka pupunta?'' nagtatakang tanong ko.




''Hindi ba gusto mo akong tulungan? Ikaw na 'dyan.'' Masungit na sabi ni Thea at tinuro ang mga gamit n'ya pagkatapos ay lumabas na sa tent napatingin naman ako kay Lory na busy din sa pag aayos.




''Napano 'yon?'' hindi ko na pigilan na itanong kay Lory.




''Ewan ko.'' Simpleng sagot ni Lory at pinag patuloy na ang pag aayos binuhat ko na ang mga gamit ni Thea na hinihintay pala ako sa labas.




Ngumiti naman ako kay Thea pero umirap lang s'ya saakin at nag lakad na papunta sa resort house. Habang nag lalakad hindi na ako naka tiis na itanong sa kanya kung may problem aba pero nagulat ako ng bigla n'ya akong sigawan.

TBS : 7 ( Jason Montage )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon