CH : 32

4.4K 127 12
                                    

---------------

Thea's POV


''Lumabas ka dyan.''



''Ayoko nga.''



''Ilang araw kana nagkukulong dyan Thea wala naman masamang mangyayari sayo andito ako.''




Napa buntong hininga na lang ako at pinatay ang phone ko sakto naman na pumasok si Elizabeth sa loob. ''Thea tulungan mo naman ako pumunta mag grocery.'' Naka ngusong sabi ni Elizabeth saakin.




Nagdalawang isip naman ako mukhang napansin naman ni Elizabeth yon kaya umalis s'ya akala ko naman ay hindi n'ya ako pipilitin pero nanglaki ang mata ko ng bumalik siya na may dalang kutsilyo.




''Ano hindi ka sasama?'' nanglilisik ang mata na tinignan n'ya ako malapit na akong kabahan ng biglang ngumiti s'ya saakin at binaba ang kutsilyo. ''Joke lang 'yon Thea samahan mo na ako please?'' pag papa-cute niya pa.




Napapailing na lang ako habang natatawa at tumayo na. ''Magbibihis lang ako hintayin mo ako sa labas.'' Tumango naman si Elizabeth at nagmamadaling lumabas ng kwarto kumuha lang ako ng unang nakita kong damit at yun ang sinuot ko.




Lumabas na ako sa kwarto at wala na doon si Elizabeth. ''Nasaan nagpunta ang isang 'yon bumaba na ba siya?'' sinarado ko na ang pintuan ng hotel room namin at sumakay sa elevator buti na lang at ako lang ang tao sa loob ng elevator haggang sa maka dating ako sa lobby.





Nakarating ako sa labas ng hotel pero hindi ko Makita si Elizabeth kinuha ko yung phone ko sa bulsa ng suot kong jacket pero nanglaki ang mata ko na wala pala yon doon. ''Nakalimutan ko pa!'' asar na sabi ko babalikan ko sana ulit yung phone ko ng biglang may humawak sa siko ko.




Paglingon ko nanglaki ang mata ko at may lalaking humila saakin papunta sa sasakyan mabilis ang pangyayari at natagpuan ko na lang ang sarili ko na naka sakay sa loob malakas na sumigaw ako habang gumagalaw ang kotse.





''Ibaba n'yo ako!''malakas na sigaw ko habang nagwawala. ''Tulong Jasonnn!''



''Yes?''




TBS : 7 ( Jason Montage )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon