CH : 31

4.1K 126 32
                                    


Dedicated to JoshuaRoldan1

----------------

Thea's POV


''Umalis kana hindi ko na din naman kailangan ng taong susunod sunod saakin.'' Masungit na sabi ko kay Jason at agad ng naglakad palayo.



''Hindi pwede! Binilin ka saakin ni Maximillo.''




Naiiritang humarap ako sa kanya. ''Ano kaba? Malaki na ako kaya ko naman ang sarili ko, Ikaw wala kabang gagawin sa pilipinas at dito ka umaaligid aligid?''




''Wala ang trabaho ko ay nandito ngayon sa korea at 'yon ay bantayan ka sa ayaw at sa gusto mo.''




''Yeah right.'' Maikling sagot ko na lang at nag lakad na naramdaman ko naman ang pag sunod ni Jason saakin haggang sa maisipan ko na tumakbo na ng mabilis malapit lang din naman ang hotel na tinutuluyan ko sa lugar kung nasaan kami.




Kumaripas na ako ng takbo at narinig ko ang malakas na pag tawag ni Jason saakin pero hindi ko naman s'ya nilingon pa kaliwa na ako ng maramdaman ko na parang may nakatingin saakin lumingon ako at wala namang tao.




Isang itim na sasakyan na van lang ang nandoon sinubukan kong tignan si Jason pero hindi pa s'ya nakakasunod kaya naman tumakbo na ako ulit ng may halong pagmamadali dahil pakiramdam ko ay may tumitingin sa bawat galaw ko.





Ilang takbo na lang at makakarating na ako sa hotel ng biglang mabilis ang pangyayari may isang itim na van ang humarang sa harapan ko at tinakpan ang pader nag labasan ang apat na lalaki sa loob non at hinila ako ng isa sa braso para makapasok sa loob.





Malakas na napatili ako at tinawag si Jason na ngayon ay nakita kong tumatakbo na mabilis na humarang ang tatlong lalaki at nakipag suntukan kay Jason habang ako naman ay gumagawa ng paraan para makawala sa hawak ng lalaking naka itim.





''Jason tulungan mo ako!'' lumapit naman saakin si Jason at nagulat ako ng biglang tutukan n'ya ng baril ang lalaking may hawak saakin mabilis naman na sumakay ang tatlong lalaki at binitawan ako medyo tinulak pa ako kaya sinalo ako ni Jason gamit ang isang kamay n'ya.





Nanginginig ang buong katawan ko dahil sa takot naramdaman ko naman ang mahigpit na pag yakap saakin ni Jason pero kahit kaunti ay hindi natanggal ang takot sa Sistema ko.




''Paano na lang kung hindi agad naka sunod si Jason?''



''Paano na lang kung mabilis akong nahila ng mga lalaking 'yon?''




Puno ng katanungan ang tumatakbo sa isip ko haggang sa hindi ko namalayan na napaluha na pala ako. ''Kaya mo ba na maglakad Thea?'' tanong saakin ni Jason pero hindi ko naman s'ya masagot masyado akong natrauma sa nangyari.




Haggang sa nakarating na kami sa loob ng hotel room nasa kwarto lang ako habang si Jason naman ay kinakausap ang Kuya ko patungkol sa nangyari kanina maymaya ay pumasok si Jason at may dalang tubig at inabot saakin ininom ko naman 'yon at kahit paano ay guminhawa ang nararamdaman ko.




''Wag kang aalis Jason.'' Bilin ko sa kanya ng makitang palabas s'ya ng kwarto.




''Ibabalik ko lang itong baso sa kusina.'' Paalam n'ya pero hinawakan ko naman s'ya para pigilan na umalis sa tabi ko.



''Paano kung pumasok sila dito?'' natatakot na tanong ko sa kanya.



''Hindi sila makakapasok dito sa loob Thea.''



''Makakapasok sila!''



''Hindi sila.''



''Paano mo naman nasabi na hindi sila makakapasok?! Nakita mo naman kanina hindi ba? Masyado silang marami.''




''But they can't harm you.'' Napatingin naman ako sa seryosong mukha ni Jason tumabi s'ya saakin at hinaplos ang mukha ko. ''Thea don't worry. I'm here okay. Ako ang magiging Knight In Shining Armor mo.'' Nakangiting sabi n'ya pero halata ang pagkakaseryoso ng mata n'ya.




''Jason---'' naputol ang sasabihin ko ng yinakap n'ya ako ng mahigpit at halikan ang ulo ko.




''Damn it Thea. I was so scared back then akala ko may masamang mangyayari sayo at masasaktan ka ng husto but thank god walang nangyari sayo muntik ko ng talagang patayin ang lalaking humawak sayo kanina.'' Yumakap naman ako kay Jason hindi ko alam pero gumaan ang pakiramdam ko ng malaman na nag aalala s'ya.




''I promise you Thea that I won't leave you.'' Bulong ni Jason sa tenga ko sabay yakap ng mahigpit saakin.



And right now. I swear I already find the one...Thank you Jason.



-Rosercl


DON'T FORGET TO VOTE! COMMENT AND FOLLOW ME! THANK YOU AND GODBLESS.


TBS : 7 ( Jason Montage )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon