CH : 35

5K 115 31
                                    

------------------

Thea's POV


Tumingin ako kay Jason na kanina pa ako hindi pinapansin naka tingin lang siya sa kinakain niya na junk food. "Ano nanaman problema mo?" tanong ko sa kanya.



Pero sumubo lang siya ng kinakain niya at parang walang naririnig tinignan ko naman siya ng masama pero walang emosyon naman ang mukha niya. "Bahala ka dyan kung ayaw mo akong kausapin---" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nagulat na lang ako ng bigla niya akong batuhin ng chips.

 "Bahala ka dyan kung ayaw mo akong kausapin---" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nagulat na lang ako ng bigla niya akong batuhin ng chips

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Nilagay ko naman sa magkabilang gilid ng bewang ko ang kamay ko habang nakatingin sa kanya. "Ano bang problema mo ah?" naiinis na tanong ko ulit sa kanya.




"Marami!" parang batang sabi niya.




"Ako din marami akong problema kaya bahala ka dyan!" paalis na ako ng bigla naman magsalita ulit si Jason.




"Dito ka lang." napalingon naman ako kay Jason na hindi makatingin saakin. "Kapag umalis ka hindi na talaga kita papansinin." Pananakot niya pa saakin.




Lumapit naman ako sa kanya at walang sabi sabi na binatukan siya, "Alam mo kung may problema ka saakin bakit hindi mo na lang sabihin agad---"



"Wala naman akong problema sayo—"



"Nagseselos ka." Nakita ko naman nanglaki ang mata ni Jason



"Hindi ah." Defensive na sagot niya.



"Hindi ka nagseselos?"



"Hindi."



"Oh bahala ka dyan---" aalis na sana ako sa tabi ni Jason ng pigilan niya ang braso ko.

TBS : 7 ( Jason Montage )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon