CH - 14

4.3K 94 30
                                    

--------------

Thea's POV


Nagising ako at hindi ko mapigilan ang mapa ngiwi paano ba naman parang inuutog ang ulo ko. Sobrang dami ko sigurong nainom basta ang alam ko lang ay kasama ko si Gabriel siguro ay s'ya 'din ang nag uwi saakin sa kwarto ko.




Napatingin naman ako sa pinto dahil bigla na lang bumukas 'yon. Biglang lumitaw ang mukha ni Monte ng bumukas 'yung pintuan ng Makita n'yang gising na ako ay ngumiti s'ya saakin. ''Buti naman at gising kana Princess.'' Bati n'ya saakin ng makalapit s'ya sa kama ko.





Umiwas naman ako ng tingin sa kanya haggang ngayon kasi ay dinadala ko pa 'din ang mga salitang sinabi n'ya saakin. Hindi madaling makakalimutan ng kahit na sino ang mga salitang 'yon. Mukhang naman napansin ni Monte ang pag iwas ko sa kanya dahil tumahimik s'ya.




''Galit kapa saakin?'' nag angat naman ako ng tingin sa kanya at nag salubong ang mata namin.



''Na guguilty kana ba sa mga sinabi mo saakin?'' tanong ko sa kanya.



''Pwede 'din.'' Nag salubong naman ang kilay ko sa sagot n'ya.



''Pwede lang?!'' hindi maka paniwalang tanong ko sa kanya.




''Kung meron dapat na maguilty saatin dalawa ikaw 'yon. Nag lasing ka kagabi paano na lang kung hindi kita nakita sino ang mag bubuhat s'yo mula sa rock bar haggang dito? Hindi 'din ako nakatulog ng maayos dahil iniisip ko ang mga sinabi ko s'yo. Pero ikaw mahimbing ka natutulog dahil sa kalasingan.'' Nanglaki naman ang mata ko sa sinabi n'ya.



''Ibig sabihin ikaw nag dala saakin dito? Ikaw talaga?''



''Sa tingin mo bubuhatin ka ng Gabriel haggang dito?''




''Kilala mo ba si Gabriel?'' nakita ko naman mukhang nagulat s'ya sa tinanong ko.




''Oo sikat s'ya hindi ba sa mga babae?'' sagot ni Monte at sinamahan pa ng tawa. ''S'ya nga pala dinala ko na ang makakain mo.'' Pagkatapos sabihin 'yon ni Monte ay nilapag n'ya sa may kama ko ang isang tray na puno ng pag kain.



''Balak mo ba akong patabain?'' masungit na tanong ko sa kanya ngumisi naman s'ya saakin.




''Kumain kana lang. Para saakin mas maganda at sexy ang babae kung malaman sila.'' Napa iling na lang ako at nag simula ng kumain.




''Ikaw ba kumain kana?'' tanong ko kay Monte umiling naman s'ya dahilan para mapatigil ako sa pag kain.




''Mamaya na ako kakain kapag tapos kana.'' Naka ngiting sabi n'ya mabilis ko naman nilagyan ng pag kain ang kutsara na hawak ko at itinapat sa mukha n'ya.




''Say ah. Hindi ko mauubos 'to mag isa share na lang tayo.'' Akala ko ay hindi n'ya tatanggapin ang inaalok ko na pag kain pero tinggap n'ya binukas n'ya ang bibig n'ya at sinubo ang kutsara.




Hindi ko man lang magawang kumurap habang naka tingin kami sa isa't isa. ''Your eyes looks familiar.'' 'di ko napigilan na sabihin sa kanya nakita ko naman ang pag bakas ng gulat sa mukha n'ya. ''Did we already meet before?''




''Hindi ko alam. Siguro nagagandaahan ka lang sa mata ko madami ng nag sabi saakin na maganda ang mata ko eh.'' Paliwanag ni Monte at inayos ang suot n'yang salamin.




''Yeah maganda nga ang mata mo hindi ako tutol doon. If you just remove you glasses para—'' hinawakan ko na ang salamin n'ya at tatanggalin na sana ng bigla s'yang tumayo at mabilis na lumayo saakin. ''Sorry hindi kaba komportable na inaalis ang salamin mo?'' tanong ko sa kanya.




''Ah? Yeah ganoon na nga. Sige hihintayin na lang kitang matapos kumain sa labas. Eat well. And good morning.'' Bago pa ako makapag salita ay naka labas na s'ya ng kwarto ko.



Bakit pakirandam ko ay may tinatago s'ya saakin?



Anong masama kung tatanggalin ko ang salamin sa mata n'ya?



The more na ayaw n'yang pinapaalis 'yung salamin n'ya ay mas lalo akong nacucurious. Pero bakit sa isang banda ng isip ko parang inuutos na wag kong tatanggalin?




''Ugh. Gutom lang 'to.'' Sermon ko sa sarili ko at ipinag patuloy na ang pag kain pero habang kumakain ako ay may napansin akong isang bulaklak na naka ipit sa may gilid ng plato ko.




Agad na hinila ko 'yon at may naka dikit na stick note na may naka lagay na ''sorry'' at sad smile sa huli. Napangiti naman ako bigla. Siguro 'akala ko lang na may itinatago s'ya saakin. Pero wala naman.




Dahil walang tao ang magagawang mag tago ng isang sekreto kung ganito naman ang kilos na pinapakita n'ya saakin. May tiwala ako kay Monte na hindi s'ya gagawa ng isang bagay na magpapasakit ulit sa damdamin ko.




-Rosercl

DON'T FORGET TO VOTE! COMMENT! AND FOLLOW ME! THANK YOU AND GOD BLESS!

TBS : 7 ( Jason Montage )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon