CH - 11

4.4K 116 44
                                    

-----------------

Jason's POV


Pag kapasok namin sa restaurant kung saan kakain ng dinner agad na nakuha ng atensyon ko si Elijah at Beiron na naka ngising sa pwesto ko. Tumayo pa sila at lumapit kay Thea. ''Yow Thea.'' Bati ni Elijah ng makalapit kay Thea.




Ngumiti naman si Thea sa dalawang uggoy na nasa harap namin ngayon. ''Sino 'yan kasama mo Thea?'' tanong naman ni Beiron binigyan ko naman s'ya ng nagbabantang tingin ngumisi lang saakin si Beiron pag katapos ay tumingin ulit kay Thea.






''Bodyguard ko.'' Naka ngiting sagot naman ni Thea kay Beiron ang uggoy naman na si Beiron ay exaggerated kung tumango konti na lang matanggal ang ulo sa pag tango.





''Pakilala mo naman kami sa kanya Thea oh!'' palihim na tinignan ko ng masama si Elijah mukhang walang alam si Thea na gusto lang mangulo ng dalawang uggoy.




''S'ya si Monte.''


''Monte?''


''Del Monte?''



''Oo tama Monte Del Monte ang buong pangalan n'ya kilala n'yo ba s'ya?'' sabay naman nagkatinginan si Beiron at Elijah sabay tumawa ng malakas. Napansin ata nila na masama na talaga ang tingin ko sa kanila kaya naman tumahimik na sila.




Inakbayan na ni Elijah si Beiron at tumingin ulit saamin ni Thea. ''Ano mo nga ulit s'ya?'' tanong ni Elijah.



''Bodyguard ko.'' Inosenteng sagot naman ni Thea.




''Ahh. Body guard pala.'' Pag uulit ni Elijah sa sagot ni Thea at agad na tumalikod. ''Sa lahat ng bodyguard sa kanila ko lang nakita na mag kahawak kamay sila habang papasok ano Beiron?'' pag sasalita ni Elijah habang papalayo.




''Oo nga napansin mo 'din pala ang tagal naman ata ng pag hoholding hands nila? Tapos Bodyguard status lang pala ang meron sa kanila. Ay naku.'' Agad naman akong napatingin sa tinutukoy ni Beiron at Elijah.




Nakita ko na mag kahawak kamay papala kami ni Thea sabay kaming nag katinginan at mabilis na binitiwan ang isa't isa at lumayo ng konti. Napakamot naman ako sa batok hindi ko man napansin o naramdaman na hawak ko papala ang kamay n'ya.

TBS : 7 ( Jason Montage )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon