CH - 17

4.5K 115 49
                                    

---------------

Thea's POV


''Nakaka boring.'' Pag rereklamo ko habang naka higa sa kama kahit na maganda naman sa resort ni Terrence hindi ko pa 'din mapigilan ang mabored aanhin mo naman ang maraming swimming pool at dagat kung hindi ka naman marunong mag swimming.




Napa bangon lang ako ng biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko kaya naman binuksan ko 'yon at nakita ko agad si Monte. ''Gusto mo bang lumabas?'' agad na tanong ko sa kanya.




''Lumabas? Saan naman tayo pupunta?''



''Kahit saan.'' Nakita ko naman nag kamot s'ya ng batok. ''May gagawin kaba?'' nanghihinayang na tanong ko sa kanya.




''Wala naman---'' hindi ko na s'ya pinatapos na mag salita at mabilis na sinarado ko ang pinto para magbihis pagkaraan ng ilang minuto ay binuksan ko na at walang sabi sabi na hinila palabas si Monte.




''Sandali lang saan mo ba gustong pumunta? Sa Good vibes restaurant? Rock Bar?'' tanong saakin ni Monte.




''Hindi doon ayoko nakakaboring lang dito.'' Pagrereklamo ko.




''Kung ganoon saan tayo pupunta?'' nag katinginan naman kami at agad na ngumiti ako sa kanya mukha naman nakuha n'ya ang pinapahiwatig ko at mabilis n'ya akong hinila pabalik sa kung saan kami kanina.




''Sandali lang naman tayo Monte!!'' sigaw ko at hinihila ang kamay ko sa kanya.



''Hindi tayo pwedeng lumabas mapapagalitan tayo parehas—''



''Mag papaalam ako sa kuya ko promise samahan mo lang ako sandali lang naman tayo!''



''Hindi pa 'din pwede.''



''Dali na! Kung ayaw mong samahan ako. Pwes ako na lang mag isa!'' inis na sabi ko at agad na nag lakad palayo ng lumingon ako hindi ko man nakita na sumunod saakin si Monte napa simangot na lang ako at nag patuloy sa pag lalakad.




Wala talagang balak na samahan ako ng isang 'yon?! Okay sige sanay naman akong mag isa!

TBS : 7 ( Jason Montage )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon