CH - 39

1K 25 1
                                    

Thea's POV


Nagising ako sa liwanag na tumatama sa inaantok kong mga mata. Natalukbong ako sa kumot para kahit paano ay dumili ang paningin ko nakukuha ko na ulit ang pagtulog ko ng maramdaman ang pagbaba ng kama senyales na may taong umupo 'roon. Hindi ko na kailangan silipin dahil alam ko na si Jason 'yon.


Weh? Pag-epal ng isip ko.



Kapag nagmamahal ka kahit ata nasa malayo pa malakas na radar ng puso at bituka mo ganon 'yon. Pasagot ko sa sarili ko.



Naramdaman ko ang kamay ni Jason napumatong sa bewang ko at dinikit ako palapit sa kanya. Hindi pa siya nakuntento sa yakap dahil hinila niya ang kumot ko at pinasok ang ulo para isiksik ang mukha sa leegan ko.



Teka lang masyado ka naman clingy baka matukso ako.


"Good morning Princess ko." nakaramdam ako ng kiliti dahil sa init ng hininga ni Jason na tumatama sa leeg ko.



Isang mahinang ungol lang ang sagot ko. Una sa lahat hindi pa maayos ang takbo ng utak ko, pangalawa hindi ko alam kung ano baa ng magiging mukha ko ngayon dahil bagong gising ako at pinaka malupet syempre baka di mabango hininga ko ngayon kahit na nagtoothbrush naman ako bago matulog.


Okay lang yan tatandaan mo naghalikan naman kayo kagabi. Panunukso ng demonyo kong utak.


Pero may tama naman talaga kase naghalikan na rin naman kami ano naman ngayon kung halikan din niya ako kapag bagong gising ako diba?



Gumanti na ako ng yakap kay Jason pero mas hinigpitan niya ang pagkakayap saakin. Wag mo naman masyadong pahalata na patay na patay ka saakin ako lang 'to chill.



Pagkaraan ng ilang minutong yakapan session naming ay humiwalay na saakin si Jason. "Don't leave me right here darling~" napangiwi naman ako sa reaction ng haliparot kong katawan.


"Naghanda ako ng breakfast para sayo." Tumango-tango lang ako kahit na hindi ko naman talaga naiitindihan ang sinasabi ni Jason.



Mayamaya lang tumalikod na siya binalik ko sa pagpikit ang mga mata ko pero agad din naman akong na interrupt dahil sa boses ni Jason. "Breakfast sa bed you want?" tumingala ako at nakita ko ang pinaka gwapong mukha na nakita ko sa buong buhay ko maliban syempre sa kuya ko.


Umupo na ako, pinatong ni Jason ang isang maliit na bed table sa harapan ko ngayon na magkaharapan na kami mas lalo akong nabigyan ng maayos at 3D HD++ pa na view kung gaano siya kagwapo sa umaga. Nakasando lang siya na plain grey medyo gusot gusot pa pero mas nakadagdag lang yon sa kagwapuhan niya.


Mga muscles niya na di naman gaano ka lakihan katamtaman lang katulad ng gusto ko sa isang lalaki napatingin naman ako sa matitipunong dibdib niya dahil medyo mababa ang line sa sando niya kahit na di ko makita ang abs niya alam kong maganda ang pagkakagawa 'ron.

TBS : 7 ( Jason Montage )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon