FAKE FIANCE ✔️

By keired

3.9M 42.3K 2.4K

MINI-SERIES ON TV5; PUBLISHED UNDER LIB. Demi's mom is getting married to a super hot bachelor's dad. Nothing... More

1: THE INTERVIEW
2: MEET UP
3: ACCIDENT
4: THE VISIT
5: DINNER DATE
6: MEET HIS BESTFRIEND
7: OTHER MAN
8: LQ
9: ENGAGEMENT
10: AFTER ENGAGEMENT
11: BESTFRIEND'S HELP
12: WEDDING PREPERATION
13: KISS
14: ANGELO
15: TELL HIM
16: FRIENDSHIP
17: BUSINESS DINNER
18:HEARD
19: (wala akong maisip na title)
20: JEALOUS
21: PRETENDING
22: KISS GOODBYE
24: TALKSHOW
25: FRIENDS?
26: KAYA NG LONG DISTANCE?
27: UNEXPECTED VISITOR
28: CONFRONTATION
29: VISITORS, MASSAGE
30: WHAT?
31: UNSAID SURPRISE
32: DEMI'S HOUSE
33: MOTHER
34
35: MAMA and PAPA
36: Rafael
37: WEDDING?
37.5: WEDDING
EPILOGUE
PREQUEL: LIFE BEFORE DEMI MET HER FAKE FIANCE

23: Ruiz

85.7K 896 39
By keired

"It is one of the blessings of old friends that you can afford to be stupid with them"----Ralph Waldo Emerson





CHAPTER 23

He texted me about our date. Yup, may date kami at doon nya raw sasabihin ang surprise nya. I can't wait. Maaga akong umuwi ngayon galing sa trabaho, which I never did before. Bukod doon, I tried to dressed up for the date but I failed. Mukha pa rin akong manang gaya ng tinatawag sa akin ni Rafa. I sighed in frustration. Mukhang yung eyeglasses ko lang ang maiiba ko ngayon, naka contacts lang ako.

Before I went out, my Mama asked me where I am going. And when I said 'date with Rafa' she practically lectured me about premarital sex, sacred marrige, pregnacy.. Oh, not now!

"Ma. I know that. Sige na aalis na ako."

Within thirty minutes nakarating na rin ako. Damn traffic!

Pagkapasok ko sa restaurant, madali ko syang nakita. Nakangiti sa akin at kumaway pa. Pagkalapit ko sa kaniya, niyakap nya ako at pinaupo na.

"Decided not to put you glasses huh?" Yun kaagad ang napansin niya. Pero as usual, pang-aasar nya na naman yun sa akin.

"Bakit? Sabi mo wag ako mag glasses, ayan sinusubukan kong masanay sa contacts." I tried not to blushed.

"Okay, uhmmm.. Do you missed me?"

Napatingin ako sa kanya na nanlalaki ang mata. Of course I missed him but I don't like to admit it to him. Maski nga sa sarili ko ayaw kong i-admit na miss ko sya. "Asa!"

"Ouch!" He faked hurt. "Miss pa naman kita."

It was a joke, I knew but I can't help but to blushed harder. After he said goodbye with a kiss, I been acting like a girl-in-love. Really?! Ang tanda ko na para kiligin ng ganito. "Kumain na nga lang tayo."

Tahimik lang kami habang kumakain. Minsan tinitingnan ko siya kaso lang nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin kaya umiiwas ako kaagad. Nakakailang lang. After the main course, nag dessert kami ng milkshake.

"Demi"

"uhm?" Tiningnan ko siya at mukhang hindi siya komportable.

"Ang sarap ng milkshake."

"I know." I looked at him with an unbelieving look. Bukod sa uncomfortable sya, ngumingiti sya na parang pilit, pahid pa sya ng pahid ng panyo nya sa mukha nya na tila ba naiinitan (ang lamig kaya dito dagdag pa yung shake na iniinom namin), at yung kamay nya hindi mapakali kung ilalagay ba sa ibabaw ng mesa o sa ilalim. "What's wrong?" Hindi ko na napigilang tanungin sya.

"Huh? Ah.. Demi."

I frowned.

"About the surp---"

"Is that you Rafael? Oy Dude!" Naputol yung sinasabi nya ng may isang magwapong nilalang este lalaking kaaya-aya tingnan ang nasa harap ng mesa namin. For a split of seconds naalala ko kung sino sya. He is Ruiz! An actor and a host. Na-interview na namin sya sa 'On the Bachelor', yung usal segment ng Glam Mag. Katulad ng segment kung saan nainterview ko si Rafael.

"Ruiz! Man, it's been a long time." Rafael stood up and gave him a manly hug.

"Last reunion I guess. Balita ko magpapakasal ka na raw?" At saka nya pang ako napansin. "Oh, is she..."

"My fiancé, Demi Magsaysay. Demi, you know him right."

"Ruiz" At nagkasabay pa kami ni Ruiz. We shook hands.

"I can't believe it Demi, you tamed a lion." Ang ibig nyang sabihin si Rafael.

"No, he can't really be tame." I said while smiling mischivously at Rafael.

"I mean about going with different girls. Is he still a womanizer?"

I frowned. Hindi ko alam na womanizer si Rafael.

Rafael playfully punched Ruiz. "Shut up Dude! I'm not a player like you."

"Aray! Ayaw mong malaman ng wife-to-be mo na playboy ka?"

At nalaman ko, ang kulit ni Ruiz. He even sat with us playing jokes with Rafael and telling Rafa's secrets during highschool to me.

Kahit na hindi nakakatawa yung iba pilit akong ngumingiti. Ayokong maging mean lalo na't pag naging maganda ang pakikitungo ko kay Ruiz baka makatulong siya sa Glam. An interview again? Taking advantage.

Natapos ang kwento niya pero may bago na naman siyang pinagsasabi. "God made me come here to see you two. Now you guys are my life saver."

Parehong kumunot ang noo namin ni Rafael. Hindi namin alam kung bakit naman kami life saver.

"Ganito kasi yun." Nalungkot ang itsura nya. "Nag back-out yung guest ko para sa susunod na episode ng talkshow ko. Bukas, wala akong guest! Tapos, you two came into the picture. Will you two be my guest?"

I franctically said. "NO!" Gaya ng lagi kong sinasabi, ayoko sa harap ng camera. I always stay behind.

"Demi, sige na. Rafael, you're my friend right? May utang ka pa sa aking coke noong highschool tayo. Please!"

Rafael laughed. "Sabi mo libre mo yung coke."

"Oo nga, pero wala ka bang utang na loob?"

Ako naman ang natawa. Pag nangangailangan talaga nauungkat ang nakaraan.

"Bahala na nga." Rafael said. "Anong oras ba?"

"Pumapayag ka na?" Litiral na niyakap sya ni Ruiz. "I love you Dude!" Matatawa na sana ako kaso lang pati ako niyakap nya. "Thank you Demi."

Wait! Hindi pa ako payag!







<3



"Bakit ka pumayag?!" Sumabog na ako ilang minuto pagkatapos naming sumakay sa sasakyan. Pauwi na kami at wala na akong gana para sa surprise nya.

"He's Ruiz. He will never stop pestering us if we don't say 'Yes'."

I sighed heavily. Asar talaga! "Wala ba tayong ibang magagawa? Busy tayo bukas o kaya naman may important meeting. Magdahilan ka."

"Two years ago, in-invite niya ako maging guest nya sa talkshow niyang yun. Nakailang tanggi ako at palusot sa kaniya pero hindi talaga ako tinantanan. He even asked some journalist to write a blind item about me. Sinasabi ko sayo muntikan ko na syang masapak pero bading eh. Hindi ako nananakit ng bading kasi matatawag din akong bading."

Again, I sighed. Wala akong masabi. Maghahyperventelate ata ko dito. "For Pete's sake! Sa gagawin natin mas marami tayong malolokong tao. Paniniwalain natin sila na may namamagitan nga sa atin."

Wala akong narinig na sagot sa kanya. Nanahimik lang sya kaya napatingin ako sa kanya na nakatingin din sa akin. Maya maya itinabi nya yung kotse.

"Sorry kung nadamay kita sa kalokohan ko. Ayoko lang talagang mag-asawa uli si Dad." Natahimik na rin ako at tinitingnan ang malungkot nyang mukha.

"Bakit ayaw mo bang mag-asawa ang Daddy mo?"

He shurgged. "Dunno..uhmm.. I guess, I don't want him seeing happy marrying other woman except my mom. " He chukled humorless. "Immature, right? Pero ayokong makitang may iba sya mamahalin. Nangako sya kay Mama bago mamatay na sya lang ang babaeng mamahalin nya. I saw mom cried in happiness when she heard it then closed her eyes forever." After, I saw a tears run down from his eyes. He blinked several times to dried it.

Ngayon hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko hiniling kay Mama na wag sya mag asawa ng parehong rason kay Rafael pero naramdaman ko kung ano man ang nararamdaman nya tungkol sa pagpapakasal ng Daddy nya. Mas sya kasi ang naniwala sa pangako ng ama nya, naging huwaran nya pa si Gardo sa pagsisikap sa buhay. Kaya siguro mahirap para sa kanya na may iba na ang ama nya.

I heard him sighed. "Kailangan na natin umuwi para makapaghanda tayo sa talkshow bukas."

Muntikan ko na makalimutan yun!



----<3

Baka hindi ako maka-UD kaagad. Back to province na naman ako eh. WAla kaming laptop pang ayos ng internet connection kaya hindi ako makakainternet. PERO, may possibility pa rin... magiging busy kasi ako sa pictorial at enrollment kaya baka bumalik ako sa Manila.

Continue Reading

You'll Also Like

3.1M 82.2K 58
C O M P L E T E D R E P O S T E D --- Siya si Meredith Balajadia, ang twenty-five-year-old executive vice president ng Balajadia Industries, ang komp...
13K 665 63
Status: Completed. Date: June 23 - July 10, 2020. Amanda 'Ada' Francine Trinidad known as fake news spreader in high school, the maldita. Amanda alwa...
256K 4.3K 27
Satisfying Needs 2 by: aine_tan and FrustratedGirlWriter
307K 5.4K 56
Na-fall ka na ba sa BESTFRIEND mo?