The Bachelor's Lost Love (Gre...

By Maria_CarCat

5.2M 135K 9.7K

Can I be the missing piece, if he was damn broken? More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue (Special Chapter)

Chapter 39

72.8K 2K 154
By Maria_CarCat

Disclaimer: This is still Unedited. Contains typos and grammatical errors.

___________



Mas pinili ko na lamang na manahimik at pagtuunan ng pansin ang mga ipinapaliwanag sa amin ni Ms. Reyes, tutal pareho lang naman kaming ngayon lang nakapunta dito ay kailangan ko ding ifocus ang aking sarili sa trabaho.

"May Mini museum po sa third floor bago ka makapasok sa Auditorium, duon po namin inoorient ang mga bagong empleyado ang mga interns na din po" paliwanag ni Olive habang paakyat kami ng hagdan.

Buti na lamang at nagpahuli talaga ako kaya likod niya ang aking kaharap ngayon. Pero mas pinili ko pa din ang gumawa ng distansya dahil konti na lang ay baka di ko na siya matansya sa kabastusan ng bibig niya.

"Ms. Hernaez what d..."

"Mrs. Samaniego...mr. Alonzo" matigas at madiing pagtatama ko sa kanya dahil kanina pa siya tawag ng tawag sa akin ng Ms. Hernaez.

Huminto ito sa pagakyat ng hagdan kaya naman tuloy na Corner niya ako. May kalayuan na ang naakyat ni Olive kaya naman medyo naiwan na kami.

Ngumisi ito sa akin na lalo ko lamamg ikinaasar. "The hell i care?"

Naglapat ang aking mga labi dahil sa pangGigigil. Di din ako makadaan sa hagdan dahil nakaharang ang kanyang mahahabang braso.

"Can you stop pestering me?" Galit na suway ko sa kanya. Ipinakita ko na talagang naiinis na ako sa kanya.

Lalo lamang itong napatawa. "Dont you like it? Me...around you" pangaasar niya.

Gustong gusto ko na siyang murahin, ang kaso ay dala ko ang pangalan ng buong companya namin, kailangan kong maging propesyunal kahit may isang nakakainis, nakakairita at bastos na lalaki ang nasa aking harapan ngayon.

Nginitian ko, ngiting peke. "No sir, i dont like you pestering me" sagot ko sa kanya.

Tumaas ang isang sulok ng kanyang labi, tumigas na din ang ekspresyon ng mukha nito. "I wont let everything to be easy on you Sofia. You'll suffer i tell you" matigas at nakakatakot na pagbabanta niya sa akin.

Mabilis itong tumalikod at umakyat ng hagdan na parang wala lang. Naoahilamos tuloy ako ng aking palad sa aking mukha. "Argggh! Lamunin ka na sana ng lupa!" Pagmamaktol na daing ko.

Medyo nagtagal kami sa mini Museum, ang dami kasing tanong ni sir zach tungkol sa mga nanduon. I check my phone dahil baka may importanteng message para sa akin. Ngunit napangiti ako ng makita ang nagiisang message ni Callum. Para lang sabihin miss na miss niya na kami.

"I thought we're here for work, not to read some non sense messages...and smile there like an idiot" suway nito sa akin.

Galit ang kanyang pagkakasabi nuon na para bang may nagawa akong napakalaking kasalanan na sobra sobra niyang ikinakagalit ngayon.

Napakunot din tuloy ang noo ko dahil sa sobrang lapit nito sa akin. "Lumayo ka nga!" Biglaang sabi ko at bahagya siyang naitulak. Pero hinawakan nito ng mahigpit ang aking braso.

Matalim ang kanyang titig sa akin. "I can control you sofia...i can f*cking control at wala ka ng magagawa dun" pagbabanta niya sa akin at padabog na binitawan ang braso ko.

Lihim akong napakagat sa aking ibabang labi. Gulat sa mga nangyayari ngayon at sa ginawa niya sa akin. Tama nga, di na siya ang dating si Sir Zach.

Naging tahimik na lamang ako tsaka pinagpatuloy ang pagoorient ni Olive kay sir Zach, kung isasali man nila ako sa kanilang usapan ay maayos naman akong sumasagot para wala ng problema pa.

"Thank you for your time mr. Alonzo" ngiting ngiting paalam ni Olive.

may pagkasuplado din talaga ang isang ito kaya naman tumango lamang siya kay Olive. Naghihintay na din at nakabukas na ang backseat ng kanyang sasakyan. Muli kong tiningnan ang cellphone ko at nakita ang text mula sa driver ng company service namin.

"Uhm...Ms. reyes may available ba na company service?" Tanong ko sa kanya.

Maging ang atensyon tuloy ni sir Zach ay nakuha namin, pero nagiwas na lang ako ng tingin sa kanya. Kaagad na kinuha ni Olive ang kanyang itim na parang walkie talkie para marahil tumawag sa station.

Magsasalita pa lang sana si olive duon ay kaagad ng itinaas ni sir zach ang kanyang kamay para pigilan iyon.

"It's alright, sa akin na sasabay si Sofia" seryosong sabi nito at kaagad din na nagiwas ng tingin.

Napatingin sa akin si Olive na para bang inaaral nito ang aking ekspresyon. Napahawak ako ng mahigpit sa aking hawak na folder.

"Sa...sabay ka na ba kay Mr. Alonzo?" Medyo mahinang tanong niya.

Iiling na sana ko ng biglang nagsalita si sir zach. "Ofcourse, come on Sofia. Dont waste my time" pinal pang sabi nito at kaagad na pumasok sa kanyang sasakyan.

Umikot ang driver para buksan ang kabilang pintuan ng backseat. "Tara na po ma'm" magalang at nakangiting yaya sa akin nung driver.

"Damn" mahina at problemadong sambit ko.

At nang mukhang mainip ito at dahan dahan nitong ibinaba ang salamin sa kanyang bintana at tsaka ako binigyan ng matalim at nagbabantang tingin.

"F*cking Control freak" inis na bulong ko habang padabog na nag martsa papasok sa may pintuan.

Im half way inside ng maalala ko si Olive. Kaya naman bumaling muli ako sa kanya. "Nice to meet you Ms. Reyes, thanks for the tour" paalam ko sa kanya at sandali siyang kinawayan bago ako nagtuloy sa pagpasok sa sasakyan ni sir zach.

All black ang loob ng sasakyan, at talaga namang nakakapanliit pag sumakay ka dito. Kita ko sa peripheral vision kong bust ito sa pagbubuklat at pagbabasa ng ilang mga documento. Kaya naman sa labas na lamang ako tumingin.

I wonder kung nasaan na ang kanyang kulay puting subaru at Volvo. Marahil sa trabaho nito ay di na niya kaya pang magdriver pauwi at papuntang office.

Pinaglaruan ko ang ballpen na hawak ko dahil sa nakakabinging katahimikan. Di ko rin naman magawang bumaling sa gawi niya dahil sobrang awkward talaga ng atmosphere dito sa loob ng sasakyan.

"What's our schedule for tomorrow?" Seryosong tanong niya kaya naman kaagad akong napabaling sa kanya.

"Schedule..." sambit ko at nataranta kong binuklat ang hawak kong folder para tingnan ang sinasabi niyang schedule.

"Uhmm...Sa hospital" mahinang sambit ko.

Kung pupunta kami sa kanilang hospital meaning babalik kami sa school. Sa school kung saan nagsimula at nagtapos ang lahat.

"Alam mo naman na siguro kung saan yon, i need you there 7 am sharp" utos niya sa akin na ikinalaki ng aking mata.

How could he? Eh 9 nga ang pasok ko sa companya eh! Di talaga makatao ang isang ito, nakakainis siya. Ibig sabihin maaga kong iiwan ang anak ko at di ko siya makakasabay sa breakfast, at mukha di ko pa nga ata iyon magagawa.

"Problem with that?" Seryosong tanong pa niya.

OFCOURSE!

Gusto ko sanang isigaw sa kanya iyan, pero mas pinili ko na lamang ang ngumiti. "Wala po sir"

Pagkatapos nuon ay naging tahimik na ang aming byahe. Di na rin naman ako kinulit ng aking katabi. Kaya naman nagdasal na lang ako na sana makarating na kami ng mabilis sa combridge, para naman kahit papaano ay makahinga hinga ako ng maluwag.

"Teka kuya mali po ata yung daan niyo" sabi ko duon sa driver ng makita di na ito papunta sa combridge.

Di na tuloy ako mapakali sa aking kinauupuan dahil sa kakatangin sa may daanan, ng biglang tumaas ang balahibo ko ng maramdam ko ang mainit na kamay ni sir zach na nakapatong na ngayon sa aking balikat.

"Can you shut up, ang kulit mo pwede ba!" Suway nito sa akin.

"Saan ba ito papunta? Sa combridge lang ako!" Pangangatwiran ko.

Nakatingin lamang ako kay sir zach para maghintay ng sagot mula sa kanya, pero nagiwas lang ito ng tingin sa akin.

"We'll eat our Dinner" tamad na sagot lang niya.

Nanlaki ang mata ko sa gulat. "Did you even ask me!?" Di ko na napigilan ang pagtaas ng aking boses.

Di naman ito naapektuhan, nanatili ang kanyang mata sa binta sa gawi niya.

"Kuya bababa na lang po ako" sabi ko sa driver.

"No" matigas na sambit niya.

Kaya tuloy kahit anong pakiusap ko sa driver ay di ako nito pinapakinggan.

"I dont need to ask you, ako ang magdedesisyon dito" pagpapaalala niya pa sa akin.

"Im not your pet! May sariling desisyon ako" laban ko sa kanya.

"Really? Then masasalba mo ba magisa ang companyang pinagtratrabahuhan mo ngayon? Tell me...di na ba ako kailangan dito? Dahil kung hindi na sabihin mo ng maaga para di masayang ang oras ko sa mga walang kwentang bagay kagaya mo" mahabang pangaral nito.

Inaamin kong nasaktan ako sa kanyang sinabi. Ako masabihan ng walang kwenta ay sobrang masakit talaga sa aking kalooban.

Lumunok ako para hindi maging garalgal ang aking boses. "Im sorry Sir" paghingi ko ng paumanhin.

Nakarating kami sa isang restaurant na tahimik sa buong byahe. Kahit di ako tumitingin sa kanya ay kita ko pa din naman ang pagsulyap sulyap nito.

"Andito na po tayo Ma'm" sabi ng driver pagkabukas niya ng pintuan sa aking side.

Lumabas na lamang ako at sumunod kay sir Zach. Magaalasais na, kung idineretso na lang kasi sana nila ako sa combridge ay nakapagreport na ako kay Sir Gregory at nakauwi para sana sabay kaming magdinner ni Zeus.

Iginaya kami ng waiter sa isang table. "Uhm sir sasagutin ko lang po yung tawag" paalam ko dito.

Lumabas muli ako sandali para sagutin ang tawag ni Alice. Tumawag ito para makibalita sa nangyari buong araw. Sinabi ko na din sa kanyang baka sa hapon na ako makabalik bukas sa combridge dahil maaga kaming pupunta sa hospital bukas.

Pagkapasok ko sa restaurant ay umiinom na ng wine si sir zach. Nakakailang man maglakad papalapit sa kanyang table ay nagawa ko pa din naman. Bibilisan ko na lang para makauwi na ako.

"Ako na ang nag order sayo" pahayag niya na ikinatango ko na lamang.

May lumapit na waiter sa table namin para ipagserve din ako ng wine. "Balita ko nasa Singapore ang asawa mo" sabi pa niya.

Napahinto tuloy ako sa pagsimsim sa wine para masagot siya. "Oo may project kasi sila duon" sagot ko na lang sa kanya, at mabilis na tinungga ang laman ng wine glass.

"So tell me, hanggang kailan ba siya duon?" Interesadong tanong niya pa.

"Sa tingin ko po, hindi na iyan sakop ng trabaho Mr. Alonzo" magalang na pagsuway ko sa kanya.

Nginisian ako nito. "Just tell me kung gaano ka katagal walang bantay, para makapag Adjust tayo" sabi niya na ikinakunot ng noo ko.

"Adjust saan Mr. Alonzo" tanong ko pa.

"I tell you sofia, i badly want you in my bed...naked" pambabastos pa niya sa akin. Pabalya ko tuloy na naibaba ang aking hawak na wine glass dahil sa kanyang sinabi.

"I will never do that, hindi ba't girlfriend mo naman si Cassandra bakit di na lang siya ang yayain mong makipagsex sayo at hindi yung katulad kong may asawa na" inis na sabi ko pa.

Naglaro ang pilyong ngiti sa kanyang labi. "Masyado siyang wild sa kama, ayoko ng ganon...gusto ko yung inosente parang ikaw" mapangakit na sabi niya sa mga nahuling salita.

At dahil puno na ako ay kaagad ko ng naibato sa gitna ng lamesa ang table napkin na nasa aking binti. "Excuse me"

Mabilis akong naglakad patungo sa Cr. Habol habol ko ang aking hininga habang nakatingin sa may salamin at pinagmamasdan ang aking sarili.

How dare him na magsalita ng mga ganuon sa aking harapan. Nawala na rin ba ang mabuting asal sa katawan niya at kung makapagsalita siya ng ganuon ay parang wala na lang.

"What the hell are you doing here!?" Gulat na gulat na tanong ko ng makita ko ang pumasok sa may Comfort room at kaagad na nilock ang pintuan na nuon.

"Im just checking on you, baka kasi nagiinit ka lang sa mga sinasabi ko kaya ka pumunta dito sa Cr" mapangasar na sabi niya sa akin at di pa siya nakuntento, lumapit pa siya sa akin kaya naman medyo nag dikit na ang aming katawan.

"Ano bang ginagawa mo! Napakabastos mo talaga!" Sigaw ko sa kanya at itataas ko na sana ang kamay ko para sampalin siya ng kaagad niya iyong hinarangan.

Di ako nakapanlaban ng atakihin niya ng halik ang aking labi. Nagpumiglas ako pero masyado siyang malakas.

"Ano ba! Tumigil ka na!" Sigaw ko.

Inipon ko lahat ng lakas na meron ako, at sinubukan siyang itulak. Marahil sa gulat dahil sa aking pagkakasampal ay natigilan din naman siya.

"Alam kong galit ka! Pero sobra naman na ata para bastusin mo ako ng ganito" naiyak na sumbat ko sa kanya at mabilis na lumabas duon sa may cr.

Diniretso ko ang daan palabas habang mabilis ang pagpupunas ko ng luha sa aking mga mata. Nasa kalagitnaan pa lang ako ng parking lot ng tumunog ang aking cellphone. Humanap muna ako ng pwedeng pagtaguan bago iyon sinagot.

"Hello manang"

"Ma'm sofia, si Zeus po kasi kanina pa iyak ng iyak" nagaalalang sumbong nito.

Rinig na rinig ko din sa kabilang linya ang iyak nito kaya naman nataranta ako at mabilis na naglakad para makahanap ng taxi.

"Manang pakilagay naman po sa tenga niya yung phone" utos ko dito.

Lalong lumakas sa aking pandinig ang iyak ng aking anak. Nasa gilid na ako ng kalsada habang naghihintay ng masasakyang taxi.

"Baby Zeus...pauwi na si mommy ok" malambing na pagkausap ko pa dito.

Napabaling ako sa aking likuran ng may humawak sa aking braso. Pero nagulat ako ng makita kung sino iyon.

"Zeus ang pangalan ng anak mo?" Di makapaniwalang tanong ni sir Zach.









(Maria_CarCat)

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 49.2K 47
Barkada Babies Series #5 PUBLISHED UNDER PHR ❣ Price: 199php -- Lahat na ata ng klase ng pagmu-move on ay ginawa na ni Michelle. Umakyat sa bundok, n...
2.8M 70.6K 35
Now a published book under Lifebooks. Available in bookstores nationwide! It takes a second to read the word, love-- but it takes a lifetime to under...
208K 3.9K 21
Dice and Madisson
6.2M 146K 54
Wala na bang pinipili ngayon? pati bestfriend kabilang na din sa listahan ng papaiyakin, papaasahin at paglalaruan mo!?