The Bachelor's Lost Love (Gre...

By Maria_CarCat

5.2M 135K 9.7K

Can I be the missing piece, if he was damn broken? More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue (Special Chapter)

Chapter 37

70.6K 1.8K 99
By Maria_CarCat

Disclaimer: This is still Unedited. Contains typos and grammatical errors.

___________



The nerve of that guy! Di ko na pinagbigyang pansin ang kanyang drama kanina. Really? Ako ang dahilan why he become heartless? Sino ba ang unang naghanap ng iba sa aming dalawa? Yung araw na hihingi ako ng patawad sa kanya ano bang ginawa niya, ipinamukha niya sa akin na madali lang ako palitan, kaya nga ipinagmalaki pa niya nuon na pupunta siya ng america.

Muli akong bumalik sa Combridge para ireport na mukhang wala naman ata talagang planong pirmahan ni sir Zach ang contract. Para ngang kinakaya kaya na lamang niya ang mga companyang kagaya ng sa amin dahil kami ang may kailangan sa kanya. Wala talaga siyang puso! Walang kwenta!

"Oh ang bilis mo naman ata?" Nagtatakang tanong ni Alice sa akin.

Kinontrol ko muna ang aking galit bago ako nagsalita sa kanya. "Wala talagang plano ni Mr. Alonzo na pirmahan ang contract" sagot ko dito.

Kita ko ang panlalaki ng mata nito at para bang takot na takot siya. "Ba...bakit?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Eh kasi...siguro wag mo munang sabihin yan kay Sir" kinakabahang sabi pa nito sa akin.

Lalong kumunot ang aking noo. "Bakit naman? Kailangan na niyang malaman to ngayon, para di na siya umasa" pagdadahilan ko.

Sasagot pa sana si Alice sa akin ng magulat kami nang may narinig na kaming nagsisigawan duon sa loob ng opisina ni Sir Gregory.

"Anong meron dun?" Tanong ko.

Para namang nataranta si Alice dahil duon. Ako tuloy ang nagaalala para sa kanya. Buntis pa naman ito.

"Nasa loob kasi Si Mr. Gerrick Jiao" problemadong sagot niya sa akin.

"Sino naman yon?" Tanong ko pa sa kanya.

"Half brother ni Sir Gregory at kakumpitensya ng companya natin. Matagal na talagang magkaaway ang magkapatid na yan..." kwento pa nito sa akin.

Napatango na lamang ako. Di naman na ako bago sa mga ganyang issue. Siblings rivalry, lalo talaga pag half brothers lang sila. Pero syempre di ko pa naman alam yung issues nila kaya wala akong karapatang magsalita o magisip ng kung ano tungkol sa kanilang dalawa.

Napaiktad kami ni Alice ng bumukas ang pintuan. "Umalis ka na dito hangga't kaya ko pang magtimpi" pagbabanta ni sir gregory sa kapatid daw niya.

Nakangising lumabas ang ipinakilalang si Mr. Gerrick Jiao ni alice kanina. Di gaya ni Sir gregory masyadong matapang ang mukha nito.

"I'll help your company Gregory...sell it to me" utos ng may pagkainsik na lalaking kausap nito.

"No. Umalis ka na" sigaw ni sir gregory at malakas na isinara ang kanyang pintuan.

Natatawa tawang lumakad si Mr. Jiao na para bang nangaasar pa. Tiningnan niya ang buong floor pati na din ang mga empleyado.

"Soon, i'll be your boss" pahayag niya sa aming lahat na para bang siguradong sigurado na siya.

Natahimik ang lahat hanggang sa sumara ang elevator. Lahat ay nagsinghapan pa na para bang di sila huminga sa mga oras na nanduon si Mr. Jiao sa floor. Kung ano anong masasamang balita na ang nangibabaw sa mga empleyado tungkol sa mga naranasan daw nila dito.

"Ganuon ba siya kasama?" Tanong ko kay Alice.

Napagpaikot pa ito ng kanyang mata. "Sobra!" Pagdidiin din niya.

Napakagat na lang din ako sa labi. Ngayon ko lang naalala na first day ko pa lang pala, at sobrang dami ko nang nasaksihan dito. At nanganganib na di rin ako magtagal dito.

Hinatid ako ni Alice sa Temporary Table ko habang nandito pa siya. Dahil pag nag start na ang maternity leave niya ay ako na ang papalit muna sa kanya duon sa pwesto niya kanina.

Di pa nga nagiinit ang pangupo ko sa pagkakaupo sa aking sariling swivel chair ay humahangos na bumalik si Alice patungo sa akin.

"Pinapatawag ka ni sir" sabi nito na para bang nagaalala siya para sa akin.

"Da...dapat ba akong kabahan?" Kinakabahang tanong ko din dito.

Napaiwas na lamang ito ng tingin, kaya naman sala na akong nagawa kundi ang nagtungo sa office ni sir gregory.

"Pumirma na ba siya?" Walang paligoy ligoy na tanong ni sir sa akin, di pa nga ako nangangalahati ng lakad patungo sa kanya.

Kaya naman binilisan ko na ang paglalakad at tsaka marahang inilapag ang contrata. "Im afraid to tell you sir...unfortunately di po niya pinirmahan" malumanay na sagot ko dito.

"DAMN IT!" sigaw niya at nagulat na lamang ako ng lahat ng nasa ibabaw ng kanyang lamesa ay nasa sahig na ngayon.

"Kahit ano? Wala ba siyang hinihingi na kahit ano? Baka pwede nating gawan ng paraan, wala ba siyang ibang sinabi?" Desperadong tanong nito sa akin.

Napalunok tuloy ako at napatulala. Ibig bang sabihin nasa akin ang susi ng lahat ng ito? Pero di ko kayang gawin ang pinapagawa ni Sir Zach sa akin gusto niyang magtaksil ako sa asawa ko at di ko kayang gawin iyon kay Callum.

"Wa...wala po sir" sagot ko dito.

Tumango na lamang ito tsaka ako pinalabas. Kita ko din ang lungkot sa mga mata ni Alice. "Gaano ba ka big deal ang maging kapartner ang companya nila Mr. Alonzo?" Tanong ko kay alice.

"Ang totoo kasi niyan, kung hindi natin makukuha ang endorsement ng Hospitals, University at Company ni Mr. Alonzo, mapipilitan si Sir gregory na ibenta ang companya, mawawalan siya ng karapatan dito...at damay ang lahat pag nagkataon" problemadong pagkwekwento ni Alice sa akin.

Matapos ang mga tagpong iyon ay bumalik na din naman sa ayos ang lahat. Kaya nga lang kita mo pa din ang pagkakatamlay ng ibang empelyado na para bang may kinakatakutan silang mangyari.

Nang magtatanghali na ay nagtext ang mga kaibigan ko na sumabay na ako sa kanila na maglunch at dahil wala namang pinapagawa si alice sa akin at umalis si Sir gregory ay bumaba ako at tsaka pinuntahan kung nasaan ang mga ito.

"Kamusta ang First day?" Tanong ni Elayza sa akin.

Napanguso ako. "Super stress, at super miss ko na din ang baby ko" sagot ko sa kanya.

Sumangayon naman ang mga ito sa akin.

"Nakakatakot nga eh, alam mo na siguradong maraming magbabago...at di impossibleng magtanggal din ng Empleyado" sabi naman ni Christine.

"Di naman siguro" si grace iyon.

Pero parang wala na talagang makakapagbago sa emosyon nila. Batid ko ang takot at kaba sa kanilang dibdib dahil sa issue ngayon.

Tinuruan ako ni Alice ng mga importante kong gagawin sa oras na palitan ko na siya. Di na din naman bumalik si Sir Gregory, marahil ay sobra sobra talaga siyang apektado dahil sa nangyari.

NagGrocery na din na muna ako bago dumiretso ng uwi. Miss na miss ko na talaga si Zeus. Kaya naman lahat ng makita ko sa grocery na pwede niyang makain ay binili ko na.

"Mommy!" Tuwang tuwang sigaw nito ng makita ako.

Pinapakin siya ng Cereals ng yaya niya. Paborito kasi niya iyon. Kaya nga niyang kumain nuon kahit buong araw yun lang ang kakainin niya. Bago kasi matulog ay pinipilit ko pa din itong uminom ng gatas sa baso. Para patuto na na siya.

"Sige ako na, paki ayos na lang ito" sabi ko sabay abot sa kanya nung grocery bags.

Tuwang tuwa yung anak ko ng tumabi ako sa kanya. Pumapalakpak pa nga ito at halos mailuwa na niya yung nasa bibig niya kakangiti niya.

"Namiss mo ba si Mommy?" Paglalambing ko dito habang pinupunasan ang kanyang bibig.

"Miss mommy!" Sabi niya at naglahad ng kamay. inilapit ko sa kanya ang sarili ko kaya naman niyakap niya ako.

Sobrang sweet talaga niya. Kaya stress reliever ko talaga ang aking anak. Muli ko siyang sinubuan kaya gumalaw nanaman ang kanyang matambok na pisngi dahil sa kanyang ginagawang panguya. Inayos ko din ang mesyo nakaatas na nitong mga buhok.

"Ma'm tumawag po si Sir Callum sa landline kanina, di daw po niya kayo maContact kanina" sabi ng katulong sa akin.

Kaagad akong napatayo ay kinuha ang aking hand bag. Naalala kong lowbat na nga pala ang aking Cellphone kaya naman di ko natanggap ang mga tawag at message ni Callum.

Pinatapos ko munang pakainan ang anak ko tsaka kami sabay na umakyat sa kwarto. Nilinisan ko siya at tsaka pinalitan ng pantulog. Nakita ko ang isang message ni Callum na hihintayin niya kaming Magonline kaya naman magkatabi kami ni Zeus sa taas ng kama habang kaharap namin ang laptop.

"Hi baby!" Bungad na bati ni Callum sa video call.

"Dii! Dii!" Sigaw ni Zeus at tuwang tuwa pa ito dahil sa nakikita niyang mukha ni Callum sa laptop.

"Miss na miss ka na ni Daddy..." malungkot na sabi nito.

Malungkot ko na lamang siyang nginitian dahil wala namang pakialam ang anak namin sa pagdradrama niya.

"Kamusta ka na diyan? Di ba sabi kong wag kang maghuhubad pagnatutulog!" Galit na suway ko sa kanya. Dahil naka pajama lamang ito.

Tinawanan ako nito dahil duon. "Magbibihis po ako mamaya bago matulog." Parang batang sabi nito sa akin.

Inirapan ko na lamang siya at tsaka binalingan ang aking anak na nakadapa na ngayon sa gilid ko at kinakain kain ang laruan niyang kotse.

"Kamusta ang first day mo?" Tanong niya.

Dahan dahan akong bumaling sa screen. "Hindi ayos, medyo malaki ang problema ni Sir Gregory ngayon" kwento ko sa kanya. At ikinwento ko na din ang tungkol sa half brother nitong si Mr. Jiao.

"Magkaaway talaga ang dalawang iyon" sabi sa akin ni Callum.

"Sa tingin mo ba magagawa niyang kuhanin kay Sir Gregory yung companya? Pero magkapatid sila di ba?" Sabi ko pa.

"Kaya ni Tito Gerrick...pero naniniwala akong kayang lagpasan ni ninong Gregory to" paninigurado ni Callum sa akin.

Puro tungkol sa firat day ko ang pinagusapan namin kaya naman tinanong ko din kung kamusta yung trabaho niya duon.

"Eto nakakainis! Ang yabang kasi ng nung isa pang architect na kasama ko" pagmamaktol at pagsusumbong pa nito.

Nginisian ko siya. "Baka mas gwapo sayo, kaya inis na inis ka" pangaasar ko pa sa kanya.

"Hindi lalaki love! Babae na mas lalaki pa sa mga lalaki dito'' inis na inis na sagot niya sa akin.

Mas lalo ko siyang tinawanan. "Bakit ano bang ginawa sayo?" Tanong ko.

"Ewan ko ba dun! Nakakainis talaga, kung lalaki lang yon tinulak ko na siya sa building" sabi pa nito.

"Maganda ba?" Tanong ko.

Di ko alam pero mas lalong lumawak ang ngiti nito sa akin. "Syempre hindi! Ikaw kaya ang pinakamaganda sa lahat" pambobola pa niya sa akin.

"Hmp bola ka! Baka naman sexy at maganda yan ha!'' Pagbabanta ko sa kanya.

"Naku love! Di kami talo noh! Wag ka ngang magisip ng ganyan...gusto ko tuloy umuwi diyan at halikan ka" paglalambing niya.

Umirap na lamang ako para pigilan ang aking nagbabadyang pagngiti.

"Alam mo! Kulang ka lang siguro sa tulog, magpahinga ka na nga" suway ko pa sa kanya. Kita ko kasi sa mukha nitong pagod din siya.

Matapos ang ilang minuto pang paguusap namin ni callum ay natulog na din kami. Napagkasunduan na din naming gabi gabi namin iyong gagawin dahil gustong gusto daw talaga niya kaming makita ni Zeus.

Magkasabay kaming nagising ng aking anak. Nakabihis na ako ng bumaba kami sa may kusina para magalmusal.

"Good morning po ma'm sofia" bati sa akin ng ilang mga katulong.

Pinaupo ko muna si Zeus sa kanyang baby Chair at nilagyan ng pagkain ang kanyang plat. Habang ginagawa ko iyon ay nagsalita ang isang katulong.

"Dumating nga po pala si Ma'm Cassandra kaninang madaling araw, di na po namin kayo nagising ma'm" sabi nito sa akin.

"Nasaan siya?" Tanong ko.

"Nasa guest room po, lasing na lasing pos iya kagabi at umiiyak pa, hinahanap din po niya si Sir Callum" kwento pa nito na ikinanuot ng aking noo.

Marahil sa sobrang kalasingan nito ay nakalimutan niyang wala dito ang kanyang kuya callum. Minsan kasi pag may problema si Cassie ay sa kuya niya siya nagsasabi. At ayaw na ayaw niyang umuwi ng lasing sa bahay nila dahil siguradong papagalitan siya duon ng daddy at kuya Cedrick niya.

Hihintayin ko pa sana ang paggising ni Cassie para personal din sanang kamustahin siya ang kaso ay tinawagan ako ni Alice na pinapa Report ako ni Sir gregory ng maaga. Kaya naman mabilis akong umalis ng bahay.

Pagdating ko sa Office ay ngiting ngiti si Alice. Kaya naman nahimigan kong may good news.

"Good morning!"bati ko sa kanya.

"Good morning sofia!...di ka maniniwala sa sasabihin ko" excited na sabi pa nito.

"Ano yon?" Nakangiting tanong ko din naman sa kanya.

"Andyan si Mr. Alonzo sa loob!" Sagot nito at pigil na pigil pa ang pagtili.

Di pa nga ako nakakabawi ng bigla ng tumunog ang intercom at narinig ko ang boses ni sir gregory na pinapatawag na ako.

"Pasok ka na" sabi pa nito.

Wala na akong nagawa kundi ang pumasok duon. Pagkabukas na pagkabukas ko pa lang nang pinto ay ang nakangising si Sir Zach na ang aking nakita. Di pa ito nakuntento at kinindatan pa ako.

(Maria_CarCat)

Continue Reading

You'll Also Like

2.2M 56.6K 33
[COMPLETED] Gaano nga ba kasakit ang magmahal ng taong hindi naman buong-buo na sa 'yo? • • • Fina Tuazon is a plain college student whose only drea...
2.8M 70.6K 35
Now a published book under Lifebooks. Available in bookstores nationwide! It takes a second to read the word, love-- but it takes a lifetime to under...
611K 22.1K 32
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
2.1M 141K 49
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...